Chapter 56

1981 Words

Dahilan lamang ni Maxene ang sinabi niya kay Calyx kung bakit bumalik siya sa opisina nito. Hindi naman talaga nawawala ang cellphone niya. May kutob lamang siyang naramdaman na para bang kailangan niyang bumalik dahil may mga inililihim sa kaniya ang lalaki. Kabado man na baka kung ano ang kaniyang matuklasan ngunit ginawa pa rin niya. Hindi nga siya nagkamali. Isang kaipokritahan din ang sinabi niya rito na ayos lamang sa kaniya ang lahat kahit pa nga nakita niya ang tagpo na iyon sa pagitan ng tatlo – nina Bryan, Cleo at Calyx. Hindi iyon okay sa kaniya. Hindi siya manhid o masokista pero may dating iyon sa kaniya. Hindi siya advance thinker na tao ngunit iba ang naging pakahulugan niya roon. Kahit pa nga magiging parte na ng pamilya ng mga ito si Cleo ay kakaiba ang atmosphere kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD