Nangunot ang noo ni Bryan nang mabasa ang nilalaman ng folder na iniabot ni Cleo sa kaniya. “Resignation letter?” tanong nito sa kaniya. Nakangiting tumango siya. “Bilang ikaw ang executive assistant ni Lolo kaya sa iyo ko iyan ibinigay. Tutal si Lolo rin ang nag-appoint sa akin upang mapapasok sa kompanyang ito.” “Pero bakit?” “Hindi ko forte ang ganitong klaseng trabaho. Hindi ang pamamahala sa ganito kalalaking kompanya at negosyo.” “Hindi ka naman nag-iisa.” “Bry, sa simula pa lamang naman ayaw ko ng magkaroon ng papel sa Brillante wealth empire. Masaya na ako sa simpleng negosyo ko – ang bookstore. Mas kampante ako roon.” “Iyon ba talaga ang tunay na dahilan?” Tila may nais pang tumbukin ang tanong na iyon ni Bryan sa dalaga. May nais pa ba itong malaman na mas malalim pan

