“Bakit kailangan ko mag-stay? May kinalaman ba ako sa pinag-uusapan ninyo?” seryoso ang pagkakatanong na iyon ni Cleo sa magkapatid. Salitan pa ang ginagawa niyang tingin sa dalawa. Kung kailan naman nagkaroon na ng interes ang dalaga sa kung anuman ang pinag-uusapan nina Bryan at Calyx ay tila napipi naman ang dalawa. Wala ni isa man sa kanila ang nais magsalita o sumagot sa tanong niya. “Maaari akong mag-stay rito, for what?” untag ulit ni Cleo. Wala pa ring sumagot kay Cleo. Nananatiling nagtititigan lamang sina Bryan at Calyx. Seryoso at pormal. Humakbang si Cleo palapit sa kinaroroonan ng huli. “Ano ang ibig sabihin ng sinabi mo kanina?” aniya sa lalaking kita pa niya ang paggalaw ng mga panga. Hindi niya mawari kung may pinipigil ba itong galit o gigil ngunit kanino? Mula sa p

