Makailang ulit na nagpalakad-lakad sa harap ng malaking salamin sa loob ng ladies room na malapit mismo sa opisina niya sa Brillante Tower si Cleo. Hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang pakiramdam habang hawak ni Calyx ang kaniyang pulsuhan at hawak naman ni Bryan ang kaniyang kamay. Nagugulo ang isip niya sa patuloy na kakaibang ikinikilos ni Calyx mula pa nitong mga nakaraang araw. Bigla niyang inayos ang sarili nang maramdaman na bumukas ang pinto noon at muling sumara. Batid niyang may pumasok na roong iba at hindi na siya nag-iisa. Nagulat na lamang siya nang pagtunghay niya sa salaaming nasa harap ay mag-reflect roon ang bulto ni Calyx. Nagkaroon ng pagpa-panic ang isip niya sa kaalamang pumasok doon ang lalaki. ano ang pakay nito at pumasok ito sa ladies room. Nagpalinga-linga pa

