Hindi pa tumutunog ang alarm ko ay nagising na ako sa ingay na gawa ni Papa sa aming kusina.
Gusto ko pang matulog. Handa pang pumikit ang aking mga mata at welcome pa rin naman ako sa dreamland. The thing is, ten minutes na lang kasi ang natitirang oras at kailangan ko na rin talagang bumangon.
Inunat ko ang aking braso, binti at pati na rin ang leeg. When I look back at my bed to fix it. That's when I realized that I had a good sleep last night. It feels like forever since the last time I have such good sleep.
Hinawi ko ang kurtina sa aking bintana. Wala naman akong planong buksan mismo iyon o kaya naman magtagal doon, ngunit nang makita ko ang isang truck at iilang lalaki na naglalabas ng mga boxes. Na-curious ako.
Ilang taon na rin simula nang may tumira sa bahay na kasunod ng sa amin.
I shrug my shoulder and move away from the window the moment I heard my Papa calling for my name. Akala niya yata ay tulog pa rin ako.
"May bago tayong kapitbahay," sabi ko rito, stating the obvious. Nang dumating siya galing sa duty niya. Malamang ay napansin niya na ang bagong kapitbahay. Mukhang patapos na kasi ang mga iyon sa pagbaba ng boxes so I assumed na kanina pa sila nagsimula.
Nilabas ni Papa ang box ng cereals pati na rin ang galon ng fresh milk. I waited for him to serve me my bowl and spoon as well.
"Akala ko ba kina Zia ka matutulog?" tanong niya sa akin. I opened the new box of cereals and pours some on my bowl. Si Papa na ang naglagay ng gatas para sa akin.
"Dapat kaya lang may tinapos akong report. Ilang oras ang inabot kaya hindi na ako pumunta sa kanila," I told him.
Sumubo na ako ng cereals. Tumango lang si Papa sa akin.
If I continue to have these peaceful night and sleep. Hindi ko na kakailanganin pang makitulog kina Zia. Ayos na ako rito sa bahay.
Habang inuubos ni Papa ang kaniyang kape. Tinanggal niya na ang pang-itaas niyang unifor. Iyong puting t-shirt na panloob na lang nito iyong natira.
"You should stop having coffee before you sleep. It will keep you awake. Kaya ang tagal mong makatulog, e."
"Hmm," he murmured. I look up to him with a questioning look. Niluwa ko iyong kutsara saka iyon iniwan sa bowl.
"Wala ka bang sasabihin sa akin? Because your adviser called me last night."
Niyuko ko ang aking ulo at binasa ang aking pang-ibabang labi. Sometimes, I do wish na hindi na lang kilalang-kilala si Papa sa bayan namin. I wish my teachers has no idea who he is. Para naman hindi siya masiyadong updated sa nangyayari sa akin sa school.
"It was a misunderstanding, Pa. I didn't mean to disrespect Sir Valiente like that. Sadyang akala ko lang ay nagkatotoo na iyong ano..."
Binalik niya sa akin ang mapangkastigong tingin na pinupukol ko sa kaniya kanina.
Nangalumbaba si Papa. Imbes na susubo na sana ako ulit ay natigilan ako dahil mas lalo lamang nag-iba ang tingin nito sa akin. Right now, he is staring at me as if I am someone who needs a help from professionals.
Hindi naman siguro. It is just a case of bad dreams, siguro dahil sa stress ako. Ewan ko na!
"Do you want to see a pyschiatrist? I know about your nightmare. Naririnig kita," anito.
"I am not sick in the head," I cut him off, masiyado yatang agresibo ang pagkakasabi ko non kaya naman nag-angat siya ng kamay sa ere, pinararating na suko na siya.
"I am not saying anything about that. Naisip ko lang, para mas kumalma ka. Mabuti na sigurong—" sa kalagitnaan nang pagsasalita nito ay tumunog ang door bell.
"Ako na," saad ko. Para na rin makatakas ako mula sa usapan naming ito. I just hope that he forgets about this topic once I am back in the dining table. I want to enjoy my food in silence.
"H-Hi." Agad kong naisarado ang front foor nang bumungad sa akin si Sir Valient. He has something on his hand ngunit hindi ko na nakita pa kung ano ba talaga iyon. I was too shock to see him standing in front of my house and my first reaction was pretty normal, am I right? Baka kasi mamaya magmukha na naman akong masamang estudyante sa kaniya.
"Evanessa, sino iyan? Ano raw ang kailangan?" sigaw ni Papa mula sa kusina.
Does this mean that he is our new neighbour?
I breathe deeply. Inayos ko ang aking buhok at nagsuot ng isang ngiti bago ko muling binuksan ang pinto na para bang walang nangyari.
"D-Dito ka nakatira?" Manghang tanong niya sa akin.
I press my lips together and nodded my head as a response to his question.
Hindi pa ba obvious? Ako nga itong nagbukas ng pinto para sa kaniya.
Sir Valiente smiled sweetly and then he stretches his hand to give out a small box of what it seems like a dessert to me.
"Ako yung bagong lipat sa sunod na bahay. Sabi ni Mama kailangan kong magbigay ng ganito sa mga bagong kapitbahay," aniya.
Mukhang hindi nalalayo ang edad ni Sir Valiente sa akin. He is probably on his early twenties, five or six years older than me but it is weird that we are having a casual conversation like this as if we are friends.
May tumikhim sa aking likuran at nang lingunin ko iyon ay nakita ko na si Papa.
"Sino ito, Evanessa?" strikto pa ang boses ni Papa. Kinuna ko na iyong box mula kay Sir Valiente at tumabi na kay Papa.
"He is our new neighbour. Also, my new history teacher. The want I had a misunderstanding with," paliwanag ko kay Papa.
I slightly bow my head on Sir Valiente as our eyes met once more tapos hinayaan ko na siya na si Papa ang kausapin.
Goodness, things are getting a lot weirder for me.