When I opened my eyes. He is still standing in front of me, sa gilid ng aking mga mata. Kumikilos ang mga tao sa aming paligid na para bang walang nangyayari. Hindi ko na sigurado kung ako lang ba ang nakakita sa kaniya o kung talaga bang nagkatawang tao na ang lalaking ito na dati naman ay sa panaginip ko lang bumibisita.
"Hello there, Evanessa," bati niya sa akin sa baritonong boses.
My body trembles in fear and before I know it. I was screaming at the top of my lungs, earning everyone's eyes and attention.
Buong lakas kong tinulak palayo sa akin ang lalaking hindi ko alam kung maku-consider ko pa ba na stranger o hindi na sa raming beses ko na siyang nakita sa aking panaginip.
"Evanessa!" Tawag ni Zia sa akin. Sinalubong niya ako at pilit na pinirmi sa puwesto kung saan niya ako naabutan.
"Nandito siya. Nandito na siya!" I said, desperately crying in fear. Tumingin siya sa aking likuran. Binitawan nito ang balikat ko at bigla na lang niyuko ang kaniyang ulo. Humihingi ng tawad sa kung sino mang nasa likuran ko.
"Sir, sorry po. Hindi niya sinasadya iyon. Ano lang kasi," tangka niyang pagpapaliwanag ngunit kalaunan. Natameme ito. Wala siyang mahanap na dahilan para sa nangyari.
I stilled on my spot for a few more second before I finally turn my head on my back. Napaatras ako ngunit bago pa ako tuluyang makatakbo palayo ay nahawakan na ni Zia ang kamay ko.
She looked at me and with the use of her eyes. She signalled me to quickly apologize on the man before our eyes.
Agad kong iniling ang aking ulo, "You don't understand what's happening right now. He is not supposed to be real. He is the man in my dreams... at masama siya. Alam kong masama siya," I said it loud enough for everyone to hear and by everyone, I mean everyone
Kung nakakatunaw lang ang mga tingin ng mga tao sa paligid namin ni Zia. Kanina pa ako nakasalampak sa sahig.
"Ano bang pinagsasabi mo, Evanessa? Hindi mo ba nakikita? Nakasuot siya ng uniform. Teacher siya rito. Sira ka! Mag-sorry ka na agad. Detention ka niyan tingnan mo lang," pabulong nitong sinabi sa akin.
"Sabihin mo sa kanila. Hindi ka naman talaga teacher dito. Kilala mo ako, di ba? Kasi parati mo akong dinadalaw sa panaginip ko. You want to bring me somewhere. Para kang engkanto!" Paratang ko rito.
Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan ng mga kapwa naming estudyante. Si Zia, parang gusto niya na lang din na kainin siya ng lupa.
He looked down on his hand. My eyes widened when I saw him holding my identification card. Agad kong kinapa ang aking lace. Nakumpirma ko na yung id card ko nga ang nasa kamay nito.
"I only knew your name because it is written in your card, Ms. Fellin. Also, can we go back to your claim? That I was visiting your dream?" Mahina siyang tumawa, pamilyar sa akin ang tunog non, "I can't remember doing that. Also, this is my first time seeing you," aniya, nakangiti pa rin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata kasi wala talaga akong balak na magpadala sa mga kasinungalingan nito.
I can't be fooled.
"What is your name then? Nuru hindi ba?"
Hinubad nito ang kaniyang id at pinahawak iyon sa akin. Napawi ang lahat ng kasiguraduhan na mayroon ako sa aking katawan ng ibang pangalan ang nabasa ko.
I looked at him with my mouth half-opened. Not sure if I should be apologizing to him right now o mas lalo ko lang ba dapat igiit na nagsisinungaling lang siya.
Noah Valiente. Iyon ang pangalan niya sa id. Lahat ng impormasyon ay mayroon siya.
"Girl, mag-sorry ka na. Hindi naman siguro makakalabas sa panaginip mo si sir at makakapag-apply na teacher dito sa academy kung hindi siya totoo," muling bulong sa akin ni Zia.
I swallowed hard. I looked back at him. Kinuha niya na sa akin ang id at muli nang sinuot iyon sa kaniyang leeg.
I was about to lower my head and ask for apology kahit na mayroon pa rin akong pagdududa sa kaniya nang marinig ko ang boses ni Ms. Purificacion.
"What is happening here, Zia? Evanessa?" She inquired. I bit my lower lip and shut my eyes.
"Kaonting misunderstanding lang, Ma'am, but I think we have managed to settled it, right, students?" anas ni Noah. Ang tingin nito ay parang nagsasabi na umo-oo na lang ako para matapos na ito at pare-pareho na kaming makapagpatuloy sa kaniya-kaniya naming buhay.
I kept playing with my fingers as my adviser continue lashing out on me. Nang wala na akong marinig na kahit na ano mula sa kaniya ay nag-angat ako ng tingin.
I do have a resting b***h face. Pakiramdam ko ay pag-iisipan niya ako ng masama kapag tumingin ako sa kaniya ng hindi nakangiti. Ganoon pa rin naman ang mangyayari kung ngingiti ako sa kaniya, baka kasi isipin niya na hindi ko siya siniseryoso pati na rin ang nangyari.
"You are gonna have to apologize to Mr. Valiente," she said it with finality. I look at her with my eyes wide opened. A sign of subtle protest.
Bakit kailangan pa? Ang sabi naman niya ay okay na.
"Do you understand, Evanessa? Gawin mo na agad pagkagaling mo rito. Siya pa naman ang bago niyong teacher sa history."
"Ha? E paano na si Ms. Salemar?"
"Nakalimutan mo na bang buntis siya? Naka-maternity leave na siya at si Sir Noah muna ang kapalit niya. This is why I am telling you why you need to be in good terms and apologize to him, Evanessa."
Paglabas ng faculty room ng MAPEH department. Mahina akong nagpapadyak-padyak.
I am sure that I don't want to do it alone. Who knows, maybe I am right and that Noah Valiente is just trying to pull an innocent image. Napaka-uncanny naman kasi na ilang weeks after akong bulabugin ng kamukha niya sa panaginip ko ay biglang nandiyan na lang siya.