Chapter 9

2019 Words
Evanessa's Point of View; Year 2005 "Evanessa Fellin," tawag ng class advisor sa aking pangalan. Ayon na rin sa kaniya bago niya sinimulan ang pagdi-distribute ng result ng aming mid-terms. In no particular order. Ibig sabihin, hindi porque pangalan ko ang huli nitong tinawag ay ako na ang may pinaka mababang score sheet sa buong klase. Sa kahuli-hulihang segundo bago ako tumayo mula sa aking upuan ay pinagdadasal ko na sana nga ganoon. Kaya lang alam ko rin naman na hindi talaga maganda ang performance ko sa mid-term. Hindi kasi ako makapag-focus. Ilang linggo na akong parating may napapanaginipan. And it feels like any time of the day. Ang panaginip kong iyon ay bigla na lang magkakatotoo. Natatakot na ako. Wala rin naman akong ibang mapagsabihan ng concern kong ito. Busy si Papa sa pagiging forest ranger niya. Wala na akong Mama at ang bestfriend ko. Alam kong makikinig naman siya sa kuwento kong ito pero parang alam ko na rin kung ano ba ang makukuha kong mga salita sa kaniya pagkatapos kong mag-open up. Nasa first row lang ang upuan ko. Hindi naman ganoon kalayo mula sa teacher's table ngunit matagal-tagal din talaga bago ko narating iyon. Nilahad ko ang aking kamay para kunin na ang test score sheets mula sa aking advisor. Pagkalapag niya non sa aking kamay ay malalim itong bumuntong-hininga dahilan para mapatingin ako sa kaniya. I wonder what those sighs of her means. "Evanessa, may problema ka ba? Hindi ka naman bagsak pero napaka-layo nito sa performance mo kumpara nung first semester," aniya. She grab my hand and stared at me straight in my eyes. Punong-puno siya nang pag-aalala, "Kung may problema ka. Puwede kang magsabi sa akin, hija. Baka matulungan kita," anito. I withdraw my hand from her hold of me. Medyo nagulat pa ito ngunit hindi niya naman na iyon ginawa pang big deal. Pinilig ko ang aking ulo at nginitian na lang ito saka bumalik na sa aking puwesto. Huli na para maitago ko mula kay Zia ang aking test score sheet. Nahablot niya na iyon mula sa aking kamay. Pabalik-balik nitong tiningnan ang mga numero na nakatala roon. Bumaling siya sa kaniyang bag. Nilabas nito ang sarili niyang score sheet at tahimik na pinagkumpara iyong dalawa bago siya bumaling sa akin. Hindi pa rin makapaniwala sa resulta. "Nag-enimenie minimo ka lang ba noong mid-term? Anong nangyari rito. Muntik ng hindi makasampa sa passing score," she said, stating the obvious. I grab the piece of paper from her hand. Binitawan niya rin naman iyon kaagad at hinayaan na akong itabi ito. Sinandal ko ang aking likod saka mariin na pinikit ang aking mga mata bago ako marahan na nagpapadyak sa sahig. Inaasahan ni Papa na ako ang magiging valedictorian. Possible naman sana iyon kung hindi lang dahil sa mid-term ko. Mahihirapan na akong makahabol nito. Ngayon pa lang ay parang kailangan ko nang ipaalam kay Papa na baka hindi na mangyayari na grumaduate ako ngayong taon ng may flying colors. I am sure he will be disappointed. Buong klase ni Ms. Purificacion. Wala akong maintindihan. Lumilipad ang isip ko at parati kong nahahanap ang aking sarili na nakasulyap sa dagat. Palibhasa malapit ako sa bintana at tanaw na tanaw ko ang Halycon sea. Ewan ko ba. Parati namang dito ang puwesto ko pero ngayon lang ako na-distract ng tanawin na ito. I groaned in annoyance as if I just lost my patience. Tumayo ako at binaba ang blinds ng mga bintana sa may side ko para hindi ko na makita pa ang dagat. Nang makarinig ako nang bulungan ay saka ko pa lang napagtanto na hindi pa rin tapos mag-discuss ang aking adviser. My eyes slowly crawl to her. I bit my lower lip and look down. Walang imik akong bumalik sa aking upuan at wala na rin naman siyang sinabi pa. Mabuti na nga lang. Ilang segundo pagkatapos kong ipahiya ang aking sarili ay tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang isang oras ni Ms. Purificacion at oras na para sa lunch. Nagsitayuan na ang karamihan sa aming mga kaklase. Iyong iba naman ay naiwan pa ng ilang minuto para ayusin ang kanilang gamit o hindi naman kaya ay ang kanilang sarili. Naiwan akong nakapangalumbaba sa aking upuan. Si Zia na papalabas na sana bitbit ang packed lunch nito na pabaon sa kaniya ng kaniyang Ina ay napabalik na lang sa kaniyang puwesto nang makita niyang hindi pa rin ako kumikilos. "Huy. Hindi ka ba manananghalian?" anito. Sasagot na sana ako ngunit bigla akong napahikab. Ilang beses iyon. Kinusot ko rin ang aking mata at sabay nag-unat bago ako tuluyang tumingin sa kaniya, nakanguso pa nga. "Inaantok ako. Isang oras naman ang lunch break natin. Iidlip muna ako rito ng mga twenty minutes at susunod na lang ako sa canteen para kumain," sabi ko rito. Kumuha ako ng one hundred pesos mula sa bulsa ng aking palda at binigay na iyon sa kaniya, "Ikaw na lang ang bahalang bumili ng lunch food ko. Ayos lang sa akin ang kahit na ano basta mayroong pudding bilang dessert," saad ko rito. "Puyat ka? Parang parati ka na lang puyat. Ano bang ginagawa mo sa gabi? Sabihin mo nga sa akin? May boyfriend ka na ba? Sinagot mo na si Vans?" sunod-sunod niyang pang-uusisa. "Hindi. Alam mo naman na ang usapan namin nina Papa ay pagkatapos pa ng graduation. Basta nahihirapan lang akong matulog sa gabi." May kung anong pagsususpetsa sa mga matang tiningnan niya ako bago niya tuluyang tinanggap mula sa kamay ko iyong one hundred pesos. I wave my hand at her before I finally rested my head on my study table. Wala pa yatang limang minuto ay ramdam ko na ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mga mata kahit pa hindi naman ganoon ka kumportable ang puwesto ko rito. Sana ay hindi ko siya mapanaginipan ngayon. Kakasarado pa lang ng aking mga mata, ni hindi pa nga ganoon kalalim ang aking pagkakatulog ay nagising na ako. Panay kasi ang rinig ko sa kung ano mang bagay na para bang tumatama sa salamin ng bintana malapit sa akin. Bagaman mahina ang tunog, sobrang nakakaistorbo pa rin iyon. I stood up from my chair and walks to the window. Marahan kong tinaas ang blinds. Kunot-noong nag-abang ako para malaman kung ano ba ang ingay na pumutol sa paghimbing ko nang makarinig ako ng mga yabag. Hindi ko magawang hanapin agad ang pinagmumulan nang tunog na iyon. Para kasi akong nabato sa aking kinatatayuan habang ang buhok sa aking katawan ay naninindig. Sunod-sunod akong napalunok. Pamilyar sa akin ang mabigat na pakiramdam na ito. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nanaginip ako at malapit nang magpakita sa akin ang lalaking iyon. "Evanessa Fellin." That raspy voice of a male. I heard it before in form of whispers, I think. Ngayon ko lang iyon narinig sa tamang lakas pero sigurado ako na ang boses na iyon ay kilala ko. Finally, I was able to move my feet. Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses. Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos kong makita ang itsura ng lalaking nakatayo sa may pinto. Agad na bumilos ang t***k ng aking puso, sa sobrang bilis ay para akong aatakihin o kung hindi naman ay may iba pang mangyayari sa akin. I took a step back. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa tumama na ang aking likod sa may bintana. Nandito na siya! Paanong mula sa panaginip ko ay nandito na siya? "Kilala kita..." bulong ko sa aking sarili, sa mga oras na ito ay nalilito na rin ako. Hindi ko na alam kung totoo ba ang lahat ng ito o ano. Umismid sa akin ang lalaki. Matangkad siya, mas matangkad pa kay Papa na sa six flat na ang height. Matikas ang hubog ng kaniyang katawan at ang kulay brown nitong mga mata, nakakatakot iyong tingnan, sapagkat masiyado itong nakakaakit. If I get too lost in his eyes. He will be able to take advantage of me, para bang gagawin ko ang kahit na anong iuutos ng lalaking ito. "Kilala mo 'ko? Kung ganoon ay sino ako, Evanessa? Bakit ako nandito hmm?" sunod-sunod niyang sinabi sa kalmado at maamo niyang boses. I swallowed a lump in my throat. I have all the words in my head. Hindi ko lang maibuka ang aking bibig. It was as if I lost my ability to speak. Mahina siyang humalakhak. Alam ko naman na wala na akong aatrasan ngunit ginawa ko pa rin nang magsimula na itong humakbang palapit sa akin. "I am Nuru. King of black swan... and I came here for you." "Ano?" Nanunuyo na ang lalamunan na tanong ko sa kaniya, nanghihingi nang paglilinaw. "Nabihag mo ako Evanessa. Magmula noong unang beses kitang nakita sa Halycon. Parati na kitang inaabangan ngunit hindi ka na muling bumalik doon kaya heto ako. Ako na gumagawa ng paraan para sa iyo," aniya. Ilang hakbang pa ang layo niya mula sa akin kaya naman hindi ko alam kung paanong sa isang iglap. Nasa harapan ko na ito at hawak-hawak niya na ang aking pala-pulsuhan. Hinihila ako palabas ng classroom. "Sumama ka na sa akin, mahal ko," anas nito. He continued to drag me by my arms and I couldn't do a thing to stop him except for screaming. "Evanessa, gumising ka, binabangungot ka!" Boses na iyon ni Zia. I was shaking in fear and crying too when I woke up. Agad akong yumakap sa aking kaibigan at nagpatuloy na nagtago sa petite nitong katawan. She patted my back and then her hand went to caress the small of my back. "It's just a bad dream, Evanessa. You don't have to be so scared of it. Hindi mo na ulit iyon mapapanaginipan pa," pang-aalo nito sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya sabay hawak sa kamay nito. "You are wrong. Mapapanaginipan ko siya ulit. Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan at hindi siya maalis sa isip ko. Tulog man ako o hindi." I look around in fear that the stranger in my dream will show up any minute from now. Nang mapakalma ako ni Zia. Nakumbinsi niya na rin ako na lumabas na ng class room. Twenty minutes na lang ay matatapos na ang break time. Dala nang pag-aalala nito sa akin ay hindi na rin siya nakakain pa. "That is why you need to stop watching those horror films, Evanessa. Ayan tuloy. Ginawan ka na ng isip mo ng sarili mong multo," anas nito. Sinarado ko ang bottled water na kaonti lang naman ang aking naibawas kasi hindi naman talaga ako nauuhaw. Hinuli ko ang kamay nito dahilan para mapatingin na naman siya sa aking mukha, "Naka-graveyard shift si Papa ngayong week. Puwede bang sa inyo na lang muna ako matulog? Magpapaalam ako sa kaniya. Papayag naman iyon," anito. "Bahala ka. Basta bilhan mo muna ako ng soda," aniya sabay ngisi. Binitawan ko ang kamay nito saka siya inirapan. Nagkakatitigan kaming dalawa. Nung una ay akala ko nagbibiro lang siya ngunit kalaunan, napagtanto ko na rin na seryoso nga itong nagpapalibre sa akin ng inumin. I rolled my eyes on her for the second time around. I rose to my feet and walk towards the vending machine. Pagka-insert ko ng saktong halaga ng pera para sa soda na binili ko sa kaniya. Kinuha ko na rin iyon agad. Umayos ako nang tayo at pinasadahan ng basa ang brand bago ko tinalikuran yung vending machine. Tumapat ang mata ko sa upper body ng isang lalaki. Dahan-dahan ay hinanap ko ang mukha nito at nang masilayan iyon. Marahan akong humakbang palayo sa kaniya. A smirk curve on the corner of his lips as my eyes widened. "Hello there, Evanessa," anito sa boses na ang timbre ay alam na alam ko. Mariin kong pinikit ang aking mata sa pag-asa na baka nanaginip pa rin ako kahit na gising naman na ako but when I opened my eyes. He is still standing before me at nakasuot siya ng uniform na pang-teacher. I was right. One of these days, he will show up in flesh at ngayon na nga ang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD