Sinitsitan ko si Zia. Sinarado niya iyong kurtina ng aking kuwarto at lumayo na sa bintana. She rolled her eyes on me when our orbs me. Zia jumped straight to my bed. Hinila niya mula sa lap ko ang throw pillow na yakap-yakap ko saka siya tuluyang humiga.
"Hindi ba ang weird?" Malalim itong bumuntong-hininga. Bumalikwas siya at humarap sa akin.
"No. It is not. Maliit lang ang bayan natin. Wala pa nga sa limang daan ang residente rito, hindi ba? Ang weird dito ay ikaw. Kasi kung ano-ano ang iniisip mo roon sa history teacher natin." Kinulong nito ang aking pisnge sa magkabila niyang kamay. Habang tumatagal na hawak niya iyon ay mas lalo lang humihigpit ang pagkakapisil niya roon dahilan para mapanguso ako.
"Sabihin mo nga sa akin. Bukod doon sa napanaginipan mo na siya bago kayo nagkita sa academy noong nakaraang araw. Mayroon na ba siyang ginawang hindi maganda sa iyo, sa personal?" she asked.
Pilit akong nag-isip. Wala akong mabigay na dahilan kay Zia. Even his gazes at me seems gentle, para ngang walang intrusive thought si Sir Valiente at iyong nakaka-frustrate, even with all of these, there is still a part of me that doesn't want to trust him.
"Wala," I said, sighing afterwards. Zia claps her hand at once. Binitawan niya na iyong unan ko at kinuha ang kamay ko para hilahin ako paalis ng kama.
"How about we go to the Halycon instead? Para mahimasmasan naman ng lamig ng dagat iyang isip mo." Nahila niya na ako ng tuluyan paalis sa aking kama. Upang hindi na ako maka-hindi pa sa kaniya. Binitbit na ni Zia ang bag ko pati na rin ang cellphone. She had everything except for my wallet na nasa ibabaw pa rin ng night stand.
Lumakad ako papunta roon at kukunin na sana iyong wallet nang mapatingin ako sa binatana. Tapat sa bintana ko ay bintana ng kuwarto na tinutuluyan ni Sir Valiente.
Nakabukas iyon at wala pang kurtina kaya naman malaya ko pang nasilayan iyong loob. I can see a few boxes and furnitures all over the room. Iyon lang, wala namang kakaiba, sa kalagitnaan nang pagmamasid ko sa silid. Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Sir Valiente.
I was too shock to move. Mas lalong hindi na ako nakagalaw nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Ngumiti siya sa akin at kumaway.
I snatch my wallet from my bed-side table and walks out of my room in rush. Pagsarado ng pinto pagkalabas ay napasandal na lang ako at napakapit sa dibdib ko na kumakalabog dala nang mabilis na pagtibok ng aking puso.
"Evanessa, anong ginagawa mo?"
I shook my head and turn my back from my father. Nagmamadali akong bumaba, nakakailang baitang na rin ako sa hagdan nang maalala ko na hindi pa pala ako nagpapaalam sa kaniya. I run back to him and kiss him on his cheeks at kapag kuwan ay naglahad ng kamay sa kaniya.
"Saan na naman ang punta mo?" pang-uusisa ni Papa habang humuhugot siya ng ilang pirasong one hundred peso bill sa kaniyang wallet.
I grin widely as I saw him handing me the money. Bago pa lumapat ang pera sa aking kamay ay bigla niya iyong binawi.
"Papa!" naiinis na natatawang tawag ko sa pangalan nito. Ang kamay niya na may hawak na pera ay ginamit niyang pameywang.
"Ikaw, hindi kaya may boyfriend ka na at ginagamit mo lang si Zia para payagan kitang lumabas?" Paghihinala niya pa sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata at kinuha na talaga ang pera mula sa kamay nito.
"Boyfriend mo ito. Wala akong boyfriend. Hindi ako magbu-boyfriend," I said that made him smile, sa sobrang tuwa niya sa sinabi kong iyon ay dinagdagan niya pa ng fifty pesos ang naunang two hundred na nakuha ko mula sa kaniya. Hindi ko naman siya binubola but I am glad that I said those. Pandagdag din ang perang ito.
"Ingat," paalala niya sa akin.
I turn my head back on him as I remember something. Magaling mangilatis ng tao si Papa. Parating tama ang mga kutob niya sa mga tao nakakasalamuha niya.
"Pa, what do you think of our new neighbour?"
"Iyong bago mong teacher?" paniniguradong tanong niya. Agad akong nagtango ng ulo. Sumeryoso ng kaonti ang mukha nito.
I don't know what is it that I want to hear pero nung sinabi ni Papa na okay naman daw at walang kakaiba sa history teacher na iyon ay hindi pa rin ako napayapa.
"Bata ka. Huwag mong sabihin sa akin na may gusto ka sa kaniya? Mas matanda iyon sa iyo at guro mo iyon!" Paghihisterya nito.
"Ha? Wala no. Papa naman. Kung ano-anong naiisip mo!"
"Bakit tinatanong mo kung ano ang opinyon ko sa kaniya?"
Inirapan ko na lang siya sabay kaway sa kaniya para magpaalam na. Hindi ba puwedeng sinisigurado ko lang na mabuting citizen iyong si Sir Valiente? His house is next to ours at ako lang parati ang naiiwan dito sa bahay. Hindi ba naisip ni Papa na iyon lang ang pakay ko kaya ako nagtatanong sa kaniya?
Huh. Ayaw ko ngang mag-boyfriend, e. Mas lalo namang wala akong balak na magkagusto sa kaniya.
Paglabas ng front door. Nahanap ko si Zia sa may garden namin. Nakikipag-usap siya kay Sir Valiente. Hindi ko alam kung ano bang pinag-uusapan nila but it seems like they are having a lot of fun.
"Halika na," bulong ko rito sabay marahang hinatak ang braso niya.
Kumaway siya kay Sir Valiente, "Mauuna na po kami," aniya.
My eyes stayed with him for a fleeting second and then I didn't dare to look back at his direction again.
"Anong pinag-usapan niyo?" bulong ko sa kaniya nang makalayo na kami sa bahay at naghihintay na ng tricycle.
"Wala naman. Tinanong niya lang kung saan tayo pupunta. Kung sino ang kasama. You know what. I swear to my heart he is nice. Guwapo pa. Crush ko na nga yata!" humagikhik pa nitong turan.
"Sira ka!"
"You'll warm up to him soon. Baka nga maging sobrang close pa kayo."