Late

2232 Words
"NASA eskwelahan na ba si Lucy?" tanong ni Raleigh sa guwardiya nila sa may gate. "Opo, sir. Pinasama ko po si Nolan para ihatid sila." "Pagkadating ni Lucy sabihin mong pumunta kaagad sa kuwarto ko. Pakitawag na rin si Mang Celso," bilin niya kay Manong Damian sa kabilang linya. "Okay po, sir." Pinatay ni Raleigh ang tawag. Saka inilapag sa lamesita na nasa gilid ng kanyang kama ang kanyang cellphone. Kagigising lang niya. Alam niyang may pasok ang anak ni Lucy ngayon sa eskwelahan. Hindi siya nakatulog ng maayos sa pag-iisip. Bumuntonghininga siya. Maghihintay na lamang siya kay Lucy sa pagdating nito. Mayamaya ay kumakatok ang hardinero nilang si Mang Celso. "Bukas po ang pinto," sagot ni Raleigh. Pumasok sa loob ang matandang lalaki. At naglakad palapit sa binatang amo "Ano iyon, Raleigh?" "Mang Celso, pakitulungan po ako na pumunta ng banyo," pakiusap na sagot niya. "Si Lucy?" "Inihatid po sa eskwelahan ang anak niya." Lumalapit na ang matandang lalaki kay Raleigh. Inalalayan siyang makabangon at inupo sa wheelchair niya. "Salamat po." "Walang anuman. Dadalhin na kita sa banyo." Tumango si Raleigh. TAHIMIK lang siyang nakahiga sa kama niya. Pagkatapos niyang maghilamos at magsepilyo ay nagpatulong siya para naman ihiga sa kama. Halos isang oras na, nababagot na siya sa paghihintay. "Lumakad ka na kasi." Dismayado siyang hindi magawa ang gustong gawin. Kailangan pa niyang humingi ng tulong sa iba para lamang makatayo. Kinuha niyang muli ang cellphone at idinial ang numero ng kanyang assistant. "Hello." "Good morning, sir." "Buy a new brand of cellphone. I want color white and casing for girls," utos niya. Ni hindi man lang gumanti ng bati kay Bien— assistant niya. Pansamantala ay si Bien, ang namamahala sa kompanya niya. Habang hindi pa niya kayang humarap sa lahat. Sa ganitong kalagayan. Malaki ang tiwala niya kay Bien. Hindi ito gagawa ng mga bagay na ikakagalit niya. Alam nitong hindi siya madaling kaaway. Sa kanya ipinama ng yumaong ama. Ang kompanyan nila ng tela. Ang Textile Sable Industrial. Pero si Raleigh ay parang kabuti na susulpot lamang sa sarili niyang kompanya. Kumbaga ay mas madalas ang assistant nito ang humahawak. "What brand do you prefer, sir?" "Kahit ano. Basta pambabae. Bumili ka rin ng line. At dalhin mo rito sa bahay," sagot niya. "Do you want it now or later." "If you can send it now! Send it to me. Ayoko ng marami pang tanong, Bien," napaigting siya ng bagang. Nairita siya sa napakadaming tanong nito sa kanya. "I'm sorry, sir." Pinatay niya ang agad ang tawag. At mabilis niyang inihagis ang cellphone sa kama. Tiningnan niya ang wall clock. Mag-alas nuwebe na pala ng umaga. Napakatagal naman ni Lucy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakauwi ng bahay. Muli sana niyang aabutin ang cellphone niya. Nang bumukas ang pintuan. Lumalapit sa kanya ang pawisang si Lucy. "S-Sorry po. Na-traffic po kami. Kaya natagalan ako makabalik," nakayukong hingi nito ng paumanhin. Mababakas ang takot kay Lucy. Ilang minuto na pinagmasdan ni Raleigh si Lucy. "Ang ayaw ko sa lahat, late ka! Nine in the morning, anong oras ako kakain ng breakfast? Alam mong ikaw ang dapat na nag-aasikaso sa akin, sa lahat. Papatayin mo ba ako sa gutom? Isang araw ka pa lamang nagta-trabaho sa akin. Puro ka palpak!" Mariing pumikit si Lucy. "S-Sorry--" "Sorry lang! Wala ka bang ibang puwedeng sasabihin, kundi sorry?! Lucy, I am paying you to do your job! Pero anong ginagawa mo? Hindi ka nagtatrabaho ng maayos. Sayang ang perang ipinapasahod ko sa 'yo. Ang maigi pa, kunin mo na ang mga damit mo. At umalis ka na dito sa bahay ko!" Napaangat ang tingin ni Lucy sa kanya. Nawala bigla ang galit niya nang makita ang mga mata nito na sobrang naghihinagpis. At panay ang tulo ng luha. "Kung gusto ninyong umalis ako! Aalis kami ng anak ko dito sa bahay mo. Ayokong isang kagaya mo ang maging amo ko. Walang konsiderasyon, walang puso at higit sa lahat, bastos!" singhal din nito sa kanya. Habang patuloy pa din na umiiyak. Nanlaki ang mga mata niya. "Go and leave! Iwanan mo ang anak mo! Hindi mo siya puwedeng isama sa pag-alis mo." Hindi nagpatinag sa kanya si Lucy. "Blackmail na naman? Wala kayong ibang ginawa kundi ang takutin ako! Sabihin niyo na sa akin kung may atraso ako sa inyo. Hindi iyong ganito. Alam ko na mayaman ka. Kaya mong gawin ang pananakot mo. Pero sana maisip mo. Kung bakit ako nagtatrabaho! At kung bakit ako nagtitiis na pakisamahan ka!" asik ni Lucy. Napahagulgol na ng iyak ang dalagang sa harapan niya. Natigilan si Raleigh sa sigaw ni Lucy. "Kaya matakot ka na, Lucy. Wala akong pakialam kung para saan ang pagtitiis mo! At kung napipilitan ka lang. Sana lang gawin mo ng maayos ang trabaho mo!" Madilim ang anyo na tumingin siya sa mata ng dalaga. "Sabihin mo kay Maritess, ihanda ang pagkain ko. At bago ka lumabas, ayusin mo muna ang sarili mo..." Agad na pinunasan ni Lucy ang mga luha niya. Inayos ang buhok, pati na ang uniform. Napaiwas ng tingin si Raleigh. Hindi niya matagalan na makita si Lucy na inaayos ang buhok. May kurot sa puso niya makita ang mga pagluha nito. NAHIHIRAPAN si Lucy na ihakbang ang mga paa. Palabas ng kuwarto ng amo. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. Siguro kaya ganoon na lamang ang ugali ni Sir Raleigh ay dahil sa aksidente. Ramdam niya ang mga paghihirap nang kalooban ng binata. Mas naaawa pa nga siya dito ngayon. Kesa, siya ang kaawaan. Dahil sa pagmamalupit nito at pananakot. Pipilitin niyang hindi magalit sa mga ginagawa nito sa kanya. May dahilan pero saka na niya aalamin. Kung ano iyon. Unawa at pag-aalaga ang ibibigay niya para sa binata. Baka sakali na kapag nakita nitong ginagawa niya ng maayos ang trabaho niya ay mag-iiba din ang pakikitungo nito sa kanya. "Maritess, pakihanda ang pagkain ni sir," imporma niya sa kasamahan. Nang makarating siya sa kusina. "Naghanda ko na ang pagkain niya. Kanina pa nga kita hinihintay. Alam mo bang schedule ni sir ngayon sa therapist niya. Ang tagal mo. Na-miss niya tuloy ang appointment niya." "Ha? Totoo ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Magkakasunod na tumango si Maritess sa kanya. "Hindi mo alam?" "Hindi niya nabanggit sa akin. Ano bang oras ang appointment niya sa therapist niya?" "Ah, iyan ang hindi ko alam. Ang maigi pa si Ma'am Diane ang tanungin mo tungkol diyan. Dahil silang mag-asawa ang may alam ng pagpapagamot ni Sir Raleigh." Kasalanan niya ito. Tapos sinagot sagot pa niya ang pobreng amo. "Alin ba ang kuwarto nina Ma'am Diane sa taas?" "Iyong nasa pang-apat na kuwarto. Ang pinakadulo ay ang playroom ng mga anak nila ni Sir Ryder." "Pakihanda na lang, Ate Maritess. Sandali lang. Babalikan ko din kaagad," wika niya na napalabas ng kusina. "Ha? Bakit? Teka nga, sandali nga... Lucy, saan ka ba pupunta?!" Hindi na pinansin ni Lucy ang pahabol na sigaw ni Maritess. Nagmamadali siyang umakyat ng hagdan. Kakausapin niya si Diane na ibigay sa kanya ang mga listahan ng appoinment ng amo niya. Nasa tapat na siya ng pang-apat na kuwarto. Kumatok siya ng dalawang beses. Ilang sandali lang ay may naririnig siyang nagbubukas ng pinto. "Lucy?" "Ma'am, andiyan po ba ang asawa mo?" "Ha? Bakit?" naguguluhang mga tanong ni Diane. "Puwede ko po ba kayong makausap sa loob?" Napangiti sa kanya ang babaeng amo. "Wala siya. Pumasok na sa trabaho. Halika, pasok ka." Kahit nagtataka ay niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. Pagkapasok sa loob ay agad na humarap si Lucy kay Diane. "Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko po sanang kunin ang listahan ng mga schedule ni Sir Raleigh sa therapist niya. At saka po sa ospital." Pinagmasdan siya sandali ni Diane. "Oo, naman. Ewan ko ba doon kay Raleigh. Ayaw niyang pumunta sa therapist niya ngayong araw. Inutos niyang iparebook siya ng appointment bukas." "Pasensiya na po. Kasalanan ko po. Na-late po akong bumalik. Dahil traffic. Hinatid ko po muna kasi ang anak ko sa school nila. Hindi niya po sinabi sa akin na may appoinment siya sa therapist niya," pag-ako niya ng kasalanan. Napailing ng ulo si Diane. Saka pumunta ito sa gilid ng kama at may kinuha sa loob ng drawer. Nakangiting lumalapit ito sa kanya. "Nasa notebook na 'yan ang lahat ng schedule ni Raleigh sa ospital at sa therapist niya. Check mo na lang isa isa at tandaan. 'Wag na wag mong kakalimutan, Lucy. Masaya ako na nakikita ang hangarin mong tumulong para gumaling si bayaw," bilin nito habang hindi maalis ang ngiti sa labi. Ibinigay sa kanya ni Diane ang notebook. "Gusto ko pong kahit paano ay makatulong sa kanya. Kahit na ganoon ang ugali niya. Pero salamat po rito, ma'am," sinserong saad niya. Napangiti si Diane sa sinabi niya. "Di ba, sabi ko Diane na lang ang itawag mo sa akin? Bakit may ma'am na naman?" "Ay, sorry po. Sige, Diane. Kukunin ko lang ang pagkain ni sir," natatawang paalam niya. Nasa may pinto na siya nang muling tawagin ni Diane. "Salamat, Lucy." Tinanguan niya ito habang nakangiti. Saka lumabas ng kuwarto. Itinago niya ang notebook sa may tiyan. Saka bumaba para pumunta sa kusina. "Oh, Lucy. Dalhin mo na ito kay sir. Tiyak akong gutom na 'yon," utos ni Maritess. Dala nito ang tray at ibinigay sa kanya. "Opo. Andiyan na." DALA ang tray nang pumasok siya sa loob ng kuwarto ng binatang amo. Nadatnan niyang tulog ito. Umiling iling siya ng ulo. Saka lumapit sa lamesita at inilapag ang tray. Nilapitan niya ang amo. Tulog na tulog ito habang tinititigan niya. "Ipapanalangin ko na gumaling ka na. Nang hindi ka na masungit. Sayang pogi ka pa naman. Baka malukot ang mukha mo kapag palagi kang nakasimangot," mahinang bulalas niya. Dumukwang siya para mailapit ang mukha sa mukha ng amo. Napangiti siya ng makita ang guwapong mukha nito. Napasinghap siya nang may humawak sa braso niya. Nanlalaki ang mata niya ng makita na nagmulat ng mata ang amo. "Anong ginagawa mo?" may diing tanong ng binata. Ayaw pakawalan ang braso niya. "S-Sir, w-wala po. D-Dinala ko lang po ang p-pagkain niyo." Tumaas baba ang mata ng amo niya sa mga mata niya at labi. Hinawakan niya ang kamay ng binata. Saka pilit na tinatanggal ang kamay nito. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. "Ang tagal mong bumalik. Matutulog na sana ako. Pero narinig ko lahat ang sinabi mo. Pogi ako? Alam ko na iyon, matagal na." Inikot ni Lucy ang kanyang eyeballs. Tanda ng pagkairita. "Ang lakas naman po ng hangin. Saka bitiwan n'yo nga po ako..." Nagpupumiglas siya sa hawak ng binata. Mas hiknigpitan nito ang hawak sa braso niya. "Paano kung ayaw ko?" "S-Sir, b-bitawan niyo na po ako," nauutal na pakiusap ni Lucy. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Ang lapit lapit niya sa mukha ng amo. "Ulitin mo nga muna. Sabihin mong pogi ako." Nakangixing saad ng amo niya. Nanlaki ang mata ni Lucy. Saka inihilig ang ulo. "Alam niyo na pong pogi kayo. Bakit kailangan ko pang ulitin?" Napatakip ng kanyang bibig si Lucy. Nasabi din niya ulit. Tumawa ang binata. Unti unti niyang naramdaman ang pagluwag ng pagkakahawak sa braso niya. Pinamulahan si Lucy ng pisngi. Kagat ang labi na umiwas ng tingin sa binata. "Grabe ang guwapo niya talaga. Lalo na kapag tumatawa. Sana palagi nang lalabas ang ngiti sa labi niya," usal niyang sambit sa isip. "Ito na ba ang pagkain ko?" "Opo," at bigla siyang humarap sa amo. Mabilis niyang kinuha ang tray na may lamang pagkain. Inilapag sa dulo ng kama. Saka tinulungan ang amo na makaupo. Hinawakan niya sa balikat ang amo. Iniyuko ng bahagya. Saka nilagyan ng unan ang likod. Muli ay binalikan ang tray at Inilapag sa harapan ng binata. Ayaw niyang mapalampas ang good mood ng amo. "Sinong nagluto nito?" Turo nito sa mga pagkain. "Si Ate Maritess po." Kinuha nito ang kutsara at kumuha ng friend rice. Ninamnam ang lasa ng sinangag. "Simula bukas ikaw na ang magluluto ng pagkain ko. Masarap magluto si Maritess. Pero mas gusto ko na ang assistant ko ang nagluluto ng pagkain ko," saad ng amo niya. Tumango si Lucy. "Marunong po akong magluto. Saka paborito po ni Linden ang tinolang manok. Gusto niyo pong ipagluto ko kayo mamayang tanghalian ng tinola?" Napaangat ang tingin ng amo niya sa kanya. "Sige. Sarapan mo, ha." Lihim na napangiti si Lucy. "Kumain ka na ba?" Biglang tanong nito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. "A-Ah, e, o-opo... Sabay po kami ng anak ko." sagot niya. Nagulat siya sa concern na ipinakita ng masungit niyang amo. Tumango-tanong ang amo niya. Saka muling natuon ang mata sa pagkain. Muling ipinagpatuloy ang pagsubo. NAKAPIKIT ang mata ni Raleigh na inaalala ang tagpo nila kanina ni Lucy. "Hindi puwede. Hindi puwedeng mangyari na bumabait ka na sa dalagang ina na iyon," kastigo ng utak niya. "Nagulat lang ako. Kaya nahawakan ko ang braso niya. Saka trabaho naman niya ang asikasuhin ako." Katwiran niya na tila may kausap. Napapangiti siya dahil para siyang sira ulong kinakausap ang sarili. "Lucy," mahinang sambit niya sa pangalan ng dalaga. "Sir, tinatawag niyo po ako?" Napasinghap siya. Nang kumatok si Lucy sa pinto ng banyo. "H-Hindi. Baka guni guni mo lang." "Okay, sir. Kung may kailangan po kayo. Tawagin niyo po ako kaagad." "Okay," tipid na sagot niya. Saka muling itinuloy ang pagligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD