-Uno Matapos kong tawagan sina tita para ipaalam na manganganak na si Aira, itinuon ko na ulit iyong atensyon ko sa kalsada dahil kagigreen light lang. Tinapunan ko muna siya ng tingin para alamin kung ano na ang nangyayari sa kaniya saka ko pinaandar iyong sasakyan. Para ko na ngang pinalilipad iyong sasakyan dahil sa sobrang bilis namin, e. Nang may nagtake over pa kanina, bubugbugin ko sana kahit pa babae iyong nakita kong driver pero bago pa man ako makababa, hinawakan na ni Aira iyong polo ko para pigilan ako. Kinakabahan kasi talaga ako. Ang dami ng pumapasok sa isip ko na kahit anong gawin ko, hindi ko mapaalis alis. Grabe kasi iyong expression ni Aira, nahihirapan na talaga siya. "Han, wait lang – malapit na tayo." I assured her pagkaapak ko sa gas. "Walang hiya ka, Eru! Huwag

