-Uno "Fine." I answered habang nakataas iyong dalawang kamay ko na parang nasurrender. "I give up. You win. Magmamasteral na ako." Ibinaba ko iyong kamay ko saka ako lumapit sa kaniya. Nakasimangot, iyan ang expression na nakapaskil sa pagmumukha ko simula kahapon hanggang ngayon. Paanong hindi ako sisimangot, e, kahapon niya pa ako kinukulit na magmasteral. Oo, alam kong importante na magmasteral ako pero ayoko nang mag-aral, nakakasawa kasi. Apparently, gusto niya akong magmasteral since hindi niya pa magagawa dahil nga buntis siya, at ang laki na ng bulge ng tiyan niya. At saka, mas maganda na iyong nandito lang siya sa unit ko kasi kung may lugar man na ligtas para sa isang buntis, sa bahay iyon. Ngumiti siya saka ako hinalikan sa labi tapos ibinagsak niya iyong sarili niya sa sofa

