3

4420 Words
-Uno So far, okay naman ang pagsstay ko rito sa Manila. Syempre, may mga naging kaibigan naman ako. I'm doing great. May times nga lang na hindi ko maiwasang malungkot. Naiisip ko rin kasi iyong iniwan kong buhay sa Makati para lang makamove on. Sa tingin ko naman, kahit na may times na malungkot, nakakarecover naman na ako sa pagiging broken ko. My friends back in Makati constantly checks on me. They text, call and nakikipagvideo chat rin ako sa kanila. Wala lang. Mas okay na iyon kaysa naman kapag nasa unit ako, feeling ko, ako lang mag-isa. Technically, ako nga lang mag-isa pero kapag nagvivideo chat naman kami ng mga kaibigan ko, parang kasama ko na rin sila. Wait, that sounds so... mushy. Whatever, I'm just friendly like that. Sa makalawa naman, bibisita sina Tine at Carlo. I don't know what they're planning pero knowing those two? Malamang ay inuman ang mangyayari, na sana naman ay magkaroon ng milagro at huwag iyon ang gawin rito. I really have a low tolerance on alcohol at kapag nalasing pa ako, hindi ko alam ang ginagawa ko. Kaya iwas talaga ako sa alak. Kapag pa naman sinabi nila na uminom, napapainom ako kasi grabe sila kung mamilit. And... I'm kind of being a stalker? Kasi hindi ko maiwasan. Lagi kasi akong nasilip duon sa stairs na bawal puntahan. At lagi kong nakikita si Baraguda duon. Duon siya kumakain, nag-eemo at nanunuod ng kung ano sa cell phone niya. Hindi kaya nanunuod ng p**n iyon? Kababaeng tao, nanunuod ng porno. Kung iyon naman ang trip niya sa buhay, wala akong magagawa duon. Pero bakit iniiyakan niya ang porno? Dahil ba sa sobrang nag-iinit siya sa napapanuod niyang ginagawa ng mga tao sa video? Nah. I doubt na porno nga pinanunuod niya. May ganuon ba naman kasing iniiyakan? Tulad ngayon. Heto ako, nakatingin sa kaniya na hindi niya alam. Hawak niya iyong cell phone niya habang nakapatong ang ulo sa mga tuhod niya. She really seems sad habang nakatitig sa hawak niya. Meh. Bahala nga siya riyan. Naglakad na ako papaalis sa hagdan pero tumingin muna ulit ako sa kaniya habang kagat ang ibabang labi ko. Sa hindi malamang kadahilanan, medyo naaawa ako sa kaniya. Ilang beses na namin siyang inapproach at sinubukang makipagkaibigan pero ayaw niya at sinusungitan niya lang palagi kami. May galit rin yata siya sa mga lalake kasi grabe na lang kung magsungit siya sa amin. Parang kapag kinakausap siya ng lalake, automatic na nagkakaroon siya ng dalaw. I really don't understand girls and their moods. Nakakamind puzzle. Pumunta na lang ako sa lobby para balikan ang naging barkada ko, mga kablock namin ni Baraguda. Umalis lang kasi ako saglit para sumilip duon sa hagdan. At oo nga pala. Nalaman ko na ang pangalan nuong babaeng iyon. It's Aira Han pala. Pinagalitan kasi siya ng prof namin dahil nakatulala siya tapos hindi nasagot iyong pinasasagutan. Ewan ko pero I really find her cool dahil sa ginawa niya noong pinagalitan siya. Noong pinalabas kasi siya matapos siyang pagalitan, walang sabi-sabi niyang binitbit iyong bag niya tapos lumabas ng room. Wala pa siyang reaksyon noon habang pinagagalitan siya. Talagang straight-faced lang siya. I wonder what's going on with her mind. Nakakacurious. "Tara na. Quantum na lang tayo tutal wala naman tayong prof ngayon." aya ni Derek habang nagsusuot ng baller na hiniram niya kanina kay Kent. Tumango kami nina Mae, Angel pati Oliver saka kami pumunta sa Quantum. Duon na kasi ang tambayan namin kapag walang prof o kaya kapag trip magcut. Wala lang. Palipas oras lang. Or let's say para magsaya. "Kain muna tayo," ani Angel nang makapasok kaming lahat sa mall matapos kapkapan at inspeksyonin ang mga bag namin. Pumunta kami sa Jollibee since iyon ang pinakamalapit at iyon rin ang napagdesisyonan namin saka kami umupo malapit sa entrance nito. Nagkaniya-kaniya rin kami ng bili ng mga pagkain namin at nang makabili na kaming lahat, naupo na kami sa table namin. Hindi naman na alintana iyong glasswall. Ano kung makita kaming kumakain, hindi ba? Nagkukulitan lang kami habang nagkain. Pero ang magulo talaga ay iyong magsyotang sina Mae at Derek. Nagbabatuhan ba naman ng fries. "Nakakainggit talaga itong dalawang ito." sabi ni Angel habang nakatingin kina Mae at Derek na kanina lang ay nagbabatuhan ng french fries, ngayon naman, nagsusubuan. "Ano namang nakakainggit riyan?" sabay na tanong namin ni Oliver. Ang galing nga kasi sabay rin kaming kumagat ng burger na hawak namin. "Nagsusubuan sila. Duh? Hahanap na nga ako ng jowa." "Naiinggit ka kasi nagsusubuan sila?" Tumango naman siya as a response sa tanong ko. "Oh, heto," Nakangising sinupalpal ko ang anim na pirasong fries sa bibig niya. "Iyan. Huwag ka na mainggit. Gusto mo pa?" tanong ko ulit pagkakuha ko ng isang dakot na fries sa tray na pinagbuhusan ng pinagsama-samang mga fries namin. Umiling na lang siya habang nakatingin ng masama sa akin kaya nagtawanan kami at ipinagpatuloy ang pagkain. Habang nakain, hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa labas dahil kung ang atensyon ko, itutuon ko sa mga naghaharutan sa harap ko, wala akong mapapala. At sakto naman na pagtingin ko sa labas, sa may tapat ng National Bookstore, nakita ko si Baraguda. Nakatayo lang siya mag-isa habang may hawak na libro. Tumalikod siya matapos niyang ayusin iyong bag sa pagkakasukbit sa balikat niya saka tumingin tingin sa mga nakadisplay sa loob ng NBS. "Anong tinitignan mo diyan?" Napatingin naman ako sa sumundot sa pisngi ko. Si Oliver lang pala. "Ah, si Bara... Aira. Si Aira." "Iyong babaeng tahimik sa block natin?" Tumango ako at tumingin ulit kay Aira. Parang ang sama ko naman kung patuloy ko pa rin siyang tatawaging baraguda kaya Aira na lang tutal iyon naman ang pangalan niya. "Ang sungit-sungit nuon, eh. Ang ganda-ganda, ang sungit-sungit." "Huwag niyo nga siyang ijudge." Napatingin naman kaming lahat kay Angel nang magsalita ito. "Hindi naman siya ganiyan dati, eh." pabulong na sinabi niya habang nailing. Bumuntong hininga-siya saka ipinagpatuloy ang pagkain niya. Hindi ganuon dati? "Bakit?" Napatigil siya sa pagsubo sa pagkain niya saka napatingin sa akin dahil sa biglaang pagtatanong ko. "Bakit? Anong bakit?" "Bakit? Ano ba siya dati?" Bumuntong-hininga ulit siya saka nangalumbaba habang nakatingin kung nasaan si Aira. Napatingin rin ako dito. Nakatayo pa rin ito sa tapat ng NBS habang binabasa ang librong hawak nito kanina. "Mabait iyan. Sobra." sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Itinuon niya ang atensyon niya kay Mae, na nakatingin rin sa kaniya. "Hindi ba, Sis?" Tumango ito saka niya ulit ibinalik sa akin ang atensyon niya. Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Aira dahil napaisip ako sa sinabi niya. "Masayahin pa." Narinig kong sinabi niya pero hindi ko pa rin inaalis iyong tingin ko sa pinag-uusapan namin. Hinayaan ko lang siya magsalita kasi nakikinig naman ako. Medyo interesado rin kasi ako sa kung bakit ganuon na lang umasta iyong babaeng iyon. "Balita ko noon, nakipaghiwalay raw sa kaniya iyong boyfriend niya. Tapos kilala niyo ba iyong MVP ng varsity ng basketball sa campus dati?" "Si Ethan?" Narinig kong sagot ni Oliver. "Oo. Gusto niya rin si Aira. At dahil kay Ethan, inaway siya nuong bestfriend niya. Hindi ko na matandaan pangalan nuon, eh. Pero ang bali-balita kasi, nabuntis ni Ethan iyong bestfriend ni Aira kaya, ayun, they were exiled sa campus by their own parents. Ewan ko kung totoo iyong mga balitang iyon, ha? Hindi naman kasi nagkuwento iyong babaeng iyon. Pero ang alam ko talaga, naging ganiyan siya dahil duon sa boyfriend niyang si Ja... Jake? Oo, iyon nga iyong pangalan. Bigla na lang raw nawala iyon, eh. Hindi na nagpakita sa campus." So... ang dami palang nangyari sa babaeng iyon? From breakup, inaway pa ito ng bestfriend nito tapos iyong boyfriend pa nito, biglang nawala. Mas matindi pa pala ang nangyari dito kaysa sa akin. Kaya siguro parang wala lagi ito sa sarili. Pero teka. "Sino naman iyon?" tanong ko sabay turo sa labas, sa puwesto ni Aira. Bigla kasing may lumapit na lalake sa rito pero parang hindi niya pinapasin, at iyong lalake pa, parang nagmamakaawa na kausapin siya. "Ah, si Ryan. Another ex niya." sagot ni Angel kaya napatingin ako sa kaniya saglit pero tumingin ulit ako sa labas, sa puwesto ulit ni Aira. Itinulak nito iyong lalake saka ito naglakad papalayo. Iyong lalake naman, nakatayo lang duon habang nakatingin sa kaniya. Tumungo iyong lalake, nagkamot ng batok saka tumalikod at naglakad papalayo. "Bakit ganuon?" bulong ko sa sarili ko. Bakit nilapitan nuong lalake si Aira? Ex na, hindi ba? Naging magkaibigan ba sila after ng breakup nila? Pero mukhang hindi naman. O baka naging magkaibigan ulit sila pero nagkaroon ng gusot kaya ganuon? Ewan. "Makulit rin iyon si Ryan." Napatingin ulit ako kay Angel nang magsalita siya. "Ngayon, nagpupumilit na naman siguro siya para makipagbalikan. Kung hindi rin siya isa at kalahating tanga, eh. Matapos niyang pakawalan si Aira, babalik-balikan niya. Gago nga." inis na sinabi niya saka umiling habang sumusubo ng french fries. "Bakit ang dami mong alam tungkol sa kaniya?" tanong ko pagkakagat sa burger ko. "Kaibigan ko kasi siya dati bago ako nagshift ng course. Ayun. Medyo sumama lang loob ko kasi dinededma dedma na lang niya ako. Actually hindi lang ako kasi pati iyong iba namin kaibigan ni Mae, dinededma niya na lang rin." Buong mundo na nga yata dinededma nuong babaeng iyon. At saka bakit naman niya iniwan sa ganuong kalagayan si Aira? They are still friends, right? Ang kailangan nito, kaibigan-- iyong hindi ito iiwan, lalo na at grabe ang pinagdaraanan nito. Natapos na lang kami kumain habang iniisip ko ang babaeng iyon. Sa totoo lang, naawa kasi ako rito after ko marinig iyong kwento tungkol sa babaeng iyon. Ang hirap alisin sa isip, eh. Kahit anong distraction ang bumungad sa akin, wala pa rin kasi iyong isip ko, nanduon pa rin sa babaeng iyon. Nang makapunta kami sa Quantum, bumili sila ng tokens saka nagkaniya-kaniyang mundo. Ako, heto, hindi bumili ng token at nasa labas lang ng Quantum, tumitingin-tingin sa kung saan-saan. Ilang minuto rin akong nagtagal sa labas hanggang sa nakita ko si Aira na naglalakad mag-isa. Dali-dali ko siyang nilapitan habang nakangiti. Medyo nagulat siya pero na compose naman niya kaagad ang sarili niya at tinarayan na naman ako. Maglalakad na siya papalayo at lalagpasan na sana ako pero hinawakan ko siya sa braso. Gusto ko lang na makita iyong ngiti niya. Iyong nakita ko kasing ngiti niya dati sa grocery store, hindi totoo. Parang may lungkot? Ewan. Gusto ko kasi sa babae, iyong nakangiti palagi. Just to make things clear, hindi ko siya gusto, okay? Siguro gusto ko siya maging kaibigan. Tama. Medyo naawa kasi ako. "Bitawan mo ako." "Tara. Saan mo gusto pumunta?" nakangiting tanong ko sa kaniya habang hawak pa rin ang braso niya. "Bitawan mo ako." madiin na sinabi niya, na parang binabalaan niya akong kapag hindi pa ako bumitaw, papatayin niya ako. "Ito naman. Ang sungit-sungit mo. Dalawang linggo pa lang tayong hindi nag-uusap, sinusungitan mo na kaagad ako." sabi ko sa kaniya na parang nagtatampo. Humarap siya sa akin habang salubong ang mga kilay saka inihampas sa braso ko iyong bag na hawak niya. "Bitaw kasi!" Pinipilit niyang bumitaw sa hawak ko pero hindi ko pinapakawalan iyong braso niya. "Ah! Since mainit ang ulo mo, mag-icecream tayo. Tara!" Sinubukan ko ulit siyang hilahin pero nagpatuloy siya sa pagpupumiglas. Pucha. Baka isipin ng mga tao rito na binabastos ko ito. Nasa mall pa man rin kami. "A-Ano ba?!" "Tara na!" Nahila ko naman na siya kahit nagpupumiglas siya hanggang sa makapunta kami sa isang icecream stand. Kahit nagpupumiglas pa rin siya habang nabili ako, hindi ko siya pinakawalan. Sa totoo lang, ang hina niya kaya hindi ako nahihirapan sa kaniya. "Nakakainis!" reklamo nito matapos sumuko. "Here." Inilahad ko sa kaniya iyong icecream habang nakangiti kaya lang nakatingin lang siya ng masama sa akin. "Ano ba sa tingin mo itong ginagawa mo?" "Uhh... sinusubukang palamigin iyong ulo mo?" Nakangiti pa rin ako nang sabihin ko iyan at masama pa rin ang tingin niya sa akin. Luminga-linga naman ako at naghanap ng puwede naming upuan. At nang nakakita na ako ng available dahil iyong dalawang bench na napasadahan ko ng tingin ay occupied, hinila ko siya hanggang sa makapunta ruon. "Tara." Sapilitan ko siyang pinaupo sa hagdan sa gitna ng mall na pinagdalahan ko sa kaniya. Noong una, ayaw niya pero napaupo ko naman siya. Inilapag niya iyong mga gamit sa gilid niya saka niya ipinatong sa kandungan niya ang librong hawak niya. Umupo ako sa tabi niya at sinimulan ko nang kainin iyong ice cream sa cup. "Kain ka na. Baka matunaw pa iyang icecream, sige ka." nakangiting sinabi ko sa kaniya. Tae, hindi na ako magtataka kapag sumakit ang pisngi ko dahil sa kakangiti sa kaniya. Ang malala pa, baka isipin niya na nagpapacute ako sa kaniya. "Bakit mo ba ito ginagawa?" bulong niya habang nakatingin sa hawak niyang cup ng icecream. Ha? Bakit ko ito ginagawa? Para kaibiganin siya at nagbabakasakaling ibalik iyong mga ngiti niya. Masyado nang f****d up ang mundo at ang lungkot lang kasi kapag may kilala ka, either close kayo or what, na sobrang lungkot kaya talagang as much as possible, gusto ko magpasaya ng tao. "Wala lang. Gusto lang kita maging kaibigan." "Hindi ko kailangan ng kaibigan-- lalo pa at lalake." "Ha?" Napatigil naman ako sa pagkain ng icecream saka siya tinignan. Ano daw? Talagang ayaw niya sa lalake? Tibo ba ito? "Bakit naman?" "Baka magselos si Jake--" Itinigil niya iyong sinasabi niya saka humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin tapos tumayo siya at kinuha iyong mga gamit niya. "Salamat na lang pero hindi ko gusto ito." Inilapag niya sa tabi ko iyong cup ng icecream saka siya dali-daling naglakad papalayo. Hahabulin ko pa sana siya pero biglang nagring ang cell phone ko. Tumawag si Mae at tinatanong kung nasaan na ako at bakit bigla akong nawala. Sinabi ko naman na hintayin na lang nila ako sa Quantum at babalikan ko sila. Napabuntong hininga na lang ako saka kinuha iyong icecream na para sa kaniya sana. Sino naman kaya iyong Jake na iyon at bakit ito magseselos? Bakit kasi hindi pa niya natapos iyong sinabi niya. Teka. Selos? Baka naman iyong Jake na iyon at iyong Jake sa kwento ni Angel, iisa lang. At kaya sinabi niyang baka magselos iyong Jake kasi hindi ba't sinabi ni Angel na boyfriend niya ito? Tae. Sasakit lang ulo ko sa kaiisip. Kulot na nga utak ko, kukulot pa lalo dahil sa kaiisip. Makabalik na nga sa mga iyon. Hindi ko na lang rin sasabihin na nakasama ko si Aira dahil alam kong pauulanan nila ako ng mga tanong. -- Great. Just great. It's raining... again. Two straight days na iyong ulan. Two freakin' days! Simula noong gumala kami sa SM, hanggang ngayon, umuulan pa rin. Kainis. Tumigil na ako sa pagtakbo sa treadmill pagka-off ko ito saka ko kinuha iyong towel na nakapatong sa support nito. Kahit malamig, tagaktak pa rin iyong pawis ko. Siyempre, since sasali ako sa varsity team ng campus, dapat panatilihin ko ang pagiging fit ng katawan ko. Pumasok ako sa kwarto saka humarap sa full length mirror. Okay naman iyong katawan ko. Biceps, check. Abdominal muscle, check. Chest, check. "Hmm!" I shrugged then took off my boxers saka pumasok sa cr sa loob ng kwarto ko. Naligo na ako at nag-ayos dahil kahit umuulan, papasok pa rin ako. Oo nga pala, I'm pushing myself para maging kaibigan si Aira. Nakucurious kasi ako kung ano itsura niya kapag ngumiti siya, eh. Kaya kahit pagdodrawing, pinatulan ko. Kaso, hindi ako marunong magdrawing kaya stickwoman na nakangiti lang nagawa ko. Ang pathetic, ano? Anyway, gusto ko rin naman kasi talaga siya maging kaibigan. Siguro kung maikli lang ang patience ko, sumuko na ako pero iba ako, eh. Kapag kasi may gusto ako, ginagawa ko talaga lahat para lang makuha ko iyon. So there. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nagiging kaibigan. After ko ayusin ang sarili ko sa kwarto, iyong pagkain naman ang iniayos ko. I made an omelette, golden fried rice and some bacon strips. Nilagyan ko ng mga niluto kong pagkain ang dalawang lunchboxes sa table saka ko isinara ang mga ito. "Yosh." Napangiti ako habang nakatingin sa lunchboxes. Dalawa kasi ang pinrepare ko. One for me and one for Aira. I just thought... why not make her something she'll definitely appreciate, right? Baka maging magkaibigan na kami after niyang makain ito. I even exerted so much effort dahil pinasarap ko talaga iyong pagkain. Iniayos ko na lahat ng dapat ayusin saka bumaba sa parking at dumiretso sa campus. Pagkarating na pagkarating ko, dumiretso kaagad ako sa room namin nang maipark ko na iyong kotse sa parking lot. "Nasaan iyong iba?" tanong ko kay Derek na sinalubong ako sa pinto ng room. "Ah, hindi yata magpapasukan. Tignan mo naman, ang lakas ng ulan." He shrugged sabay turo sa likuran ko pero hindi ko na nilingon since I know na iyong ulan ang itinuturo niya. And trust me, alam ko kung gaano kalakas iyong ulan. "Ano? Highschool?" Sabay tawa ko ng mahina. "Kapag naulan, hindi papasok?" Dumiretso ako sa upuan ko saka hinubad iyong tshirt na suot ko kasi nabasa ng ulan. Nakarinig ako ng ilang pag-irit at pagsinghap sa puwesto ng ilang kablock naming mga babae na nagkukumpulan kanina. Girls. May sando naman ako na pangloob. At saka, may baon naman akong extra tshirt since naulan nga. Iyong jacket ko naman, ipinangbalot ko sa lunchbox. Mahirap na at baka mauwi lang sa wala iyong effort ko. Matapos kong suotin iyong extra tshirt, nakita kong umupo si Derek sa armchair ng bangko sa harap ko. "Ano iyan?" tanong niya saka itinuro ang jacket ko na bumabalot sa lunchbox. Napatingin ako sa paligid. Kami lang kasi ang nasa room pati iyong isang group ng mga babae na mga kablock rin namin. "Wala ito. Pagkain lang--" Nanlaki ang mata saka ko siya dinuro. "Subukan mong gumalaw! Sinasabi ko sa iyo, Derek!" Gago kasi. Aatakihin pa iyong baon ko pati ni Aira. Teka. Speaking of Aira; where is she? Wala siya dito sa room. Pumasok kaya siya? "Madamot ito--" "Wait lang." Tumayo ako at iniayos ang mga gamit tapos isinukbit ko iyong bag sa balikat ko saka lumabas ng room. Hahanapin ko kasi si Aira. Tinignan ko iyong wristwatch ko. It's 10 already? Around 9 ako umalis ng bahay, ha? Oh well. Baka iyong kaninang traffic dahil sa ulan ang reason kaya ako natagalan. Nalibot ko na ang buong first floor pero wala siya. Pati sa cafeteria, wala siya. Where could... right. Why didn't I think of that first? So, heto ako, paakyat sa third floor para puntahan iyong hiding place ng babaeng iyon. At tama nga ako, nanduon siya habang nagdodrawing sa papel na ipinatong niya sa sahig. Hindi naman siya nababasa ng ulan since malayo siya sa railings. Tumingin muna ako sa paligid at sinigurado kung walang tao. Muntik pa nga akong mahuli nuong isang babae kaya lumayo ako sa tali, eh. Pero nang mawala na ito, tumawid na ako. "Hey." bungad ko rito. Napansin ko na napatigil siya sa pagdodrawing nang magsalita ako saka niya iniangat ang paningin niya at tumingin sa direksyon ko. "Ano na naman ba?! Bakit nandito ka?!" Hindi ko siya pinansin at lumapit na lang sa kaniya habang nakangiti. Iyong idinodrawing niya - na sa tingin ko ay isang lalake - itinupi niya saka niya itinago sa bag na nasa gilid niya. Umupo ako sa harapan niya habang naka-Indian sit saka inilagay sa gitna iyong jacket ko para magsilbing patungan ng lunchbox mamaya once na buksan ko na. Nang tignan ko siya, nakatingin lang siya ng masama sa akin kaya nginitian ko siya. Tumingin siya sa jacket kaya binuksan ko ito para makita niya kung ano nakalagay. "Ano na naman bang pakulo ito?" masungit na tanong niya sa akin. Ang sungit nito. Ako na nga gumagawa ng move para kaibiganin ka, eh. Kung iyong ibang babae pa ito, sunggab kaagad sa akin. Sabagay, iba pala kasi siya. May masalimuot kasi siyang nakaraan. Napakunot iyong noo ko pero napangiti na lang ulit ako. Naks kasi! Lumevel up ako duon, ha? Masalimuot?! Talaga?! Tae. Uno, ang talino mo kapag seryoso kaya magseryoso ka na lang habang buhay. And yes, I know it was creepy pero kahit seryoso ako minsan, nakangiti ako. "Kain tayo. Heto ang sa iyo," Inilapag ko sa harap niya iyong para sa kaniya. "Heto naman ang sa akin." Inilapag ko iyong lunchbox sa lap ko saka ko siya tinignan. Sa tingin na ipinupukol niya sa lunchbox na inilagay ko sa harap niya, hindi malabong mapanis kaagad iyong nasa loob nuon dahil sa sama ng tingin niya. Tae lang. Binuksan ko na ang sa akin kaya lang bago ko pa man rin simulang kainin ito, nahagip ng paningin ko ang paglipad ng lunchbox niya. Bakit ba ganuon?! Kapag iniitsa niya iyong pagkain na ibinibigay ko, nagsslow motion sa ere sa paningin ko?! Nakanganga pa ako habang pinagmamasdan iyong paglipad nito sa labas. Park na kasi ang gilid ng school, kung saan niya itinapon iyong lunchbox. "Umalis--" Mabilisan kong inilapag sa gilid ko iyong baunan ko saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Bakit mo itinapon?!" tanong ko habang niyuyugyog siya. "Hindi mo ba alam na ang sarap ng laman nuon?!" "Bitawan mo ako!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa magkabilang balikat niya pero hindi ko pa rin binitawan, instead, hinigpitan ko pa. "No! Bakit ka ba nagtatapon ng pagkain?! Una, iyong Choco Baby ko tapos iyong ngayon--" "Ano ba?! Bi-Bitaw! Nasasaktan na ako!" "-hindi ka ba naawa sa pagkain?! Sa tingin mo, hindi nasaktan iyon?! Halika!" Hinawakan ko siya sa pulso saka kinuha iyong mga gamit ko at ipinagpapasok ang mga iyon sa bag ko gamit ang isa kong kamay. "Ibalik mo iyong pagkain kong iyon!" Binitawan ko na iyong pagkakahawak sa pulso niya saka ko kinuha iyong bag niya tapos itinulak ko siya papaakyat sa hagdan kaya muntikan na siyang madapa pero nakapagbalanse kaagad siya. "Dali... an." Fuck! The f**k! Ano itong nakikita ko?! "Bakit ba kasi ayaw mo akong lubaya--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi tumakbo ako palayo sa kaniya hanggang sa mapasandal ako sa railings, ignoring the fact na naaanggihan ako ng ulan. "Putek..." Nararamdaman ko iyong pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa nakita ko. Believe me, it's not a very pleasant sight. "Hoy! Ano ba ang problema mo?!" sigaw niya nang makalapit siya sa akin. "S-Stain..." pabulong kong sinabi saka nag-iwas ng tingin pagkatapos kong lunukin ang laway ko. Tae! Bakit ako iyong nahihiya kung hindi naman ako iyong tinagusan? Kaya rin siguro mas naging iritable siya kasi may dalaw siya. "Aaahhh!" Lumipad ang palad ko papunta sa pisngi ko dahil sa ginawa niya. That stings! Letseng baraguda ito! Sinampal ako! "Para saan iyon?!" sigaw ko habang hawak iyong pisngi ko na sinampal niya. Namumula rin siya. Aba! Kung nahihiya siya, dapat lang! Ako pa talaga nakakita ng stain niya! Hindi man lang ba niya naramdaman na may dalaw siya?! "Hindi pa tayo tapos!" Napatingin naman siya sa akin ng may pagtataka. "Ibabalik mo pa iyong pagkain ko!" Kinuha ko iyong jacket na nakapatong sa balikat ko saka ko itinali sa bewang niya para matakpan iyong likod ng skirt niya. "A-Ano ba?!" "Huwag ka nga! Paano ka makakaalis sa campus nang hindi napapahiya nang dahil diyan sa stain na iyan?! Sige nga?! Paano?! Kulay green pa iyang skirt kaya mahahalata iyan!" Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tinignan siya ng masama. "Marami ka nang utang sa akin! Halika na!" Hinawakan ko iyong kamay niya saka siya kinaladkad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nabasa na nga kami ng ulan bago pa kami makapasok sa kotse ko. But who cares? Kailangan niyang ibalik iyong pagkain ko, na dapat ay sa kaniya! Pero kasi itinapon niya kaya kailangan niyang palitan iyon! And, come on, I really can't just leave her there. Sigaw lang siya nang sigaw sa loob ng kotse habang nagmamaneho ako pero hindi ko siya pinapansin. Tae. Bahala na magkastain iyong jacket ko, palalabahan ko na lang. Sinabi niya rin na ibalik ko siya dahil sa attendance pero wala akong pake. Cut na kung cut! Wala akong pake! Kailangan niyang palitan iyong niluto ko at kailangan ko siya iligtas sa kahihiyan! Nang makarating kami sa condo, pinagtitinginan kami nang dumaan kami sa lobby dahil nga basa kaming parehas. Kinaladkad ko naman siya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa floor ng unit ko. "Hoy, babe!" bati ni Carlo habang papalapit sa amin. "Sino siya?" tanong nito habang nakangiti. Shet lang. Nakalimutan ko na ngayon pala bibisita sina Tine at Carlo. At alam ko iyong ngiti niyang iyan. Ngiting manyak iyan. At anong babe? Siraulo talaga. "B-Babe?" Napatingin naman kami kay Aira. Parang gusto niyang matawa pero pinipigilan niya lang iyong sarili niya. Teka. Bakit ba siya... Tumikhim ako saka ngumiti. "Babe," Binitawan ko siya saka ako lumapit kay Carlo tapos inakbayan ko ito. Tumingin siya sa ibang direksyon pero halatang sobrang pagpipigil ang ginagawa niya dahil lumobo na iyong pisngi niya. "Si Aira nga pala, ang bagong magiging kaibigan ko." Mula sa pagipigil sa pagtawa, napalitan ng pagiging blangko iyong ekspresyon sa mukha niya. What? Bakit? Naman, oh! Maririnig ko na iyong tawa niya! Siyempre, kapag tumawa siya, makikita ko na rin iyong ngiti niya. Akala ko pa naman, matatawa siya sa trip na sinakyan ko. Taeng babe iyan. "Hi," bati ni Tine saka umakbay sa akin. Napagitnaan na tuloy ako ng dalawang bwisit na ito. Nginitian lang ni Aira ng sobrang tipid si Tine saka hinablot sa akin iyong bag niya. "Uuwi na ako." pagpapaalam niya saka siya naglakad papalayo. "H-Ha?" Kumalas naman ako sa pagkakaakbay nina Carlo saka siya hinarang. "M-May ano... may ano ka, lalabas ka? At saka, isa pa, umuulan." "Ano ang gusto mong gawin ko?" malamig na tanong niya. "Bakit kasi kailangan pa akong kaladkarin dito dahil lang sa pagkain?" "Halika na," Hinawakan ko siya sa pulso. "Hintayin muna natin tumigil iyong ulan bago kita ihatid." Gamit iyong free hand ko, kinuha ko iyong bag niya. "Tara sa loob ng unit ko. Papalitan mo pa iyong pagkain ko. At saka, ayusin mo rin iyong saliri mo." Hinila ko na siya hanggang sa mabuksan ko iyong pinto ng unit. Bago nga kami makapasok, narinig kong sinabi niya: "I'm sorry, Jake." Pero pabulong ang pagkakabigkas niya. Ano ba iyon? Jake na naman? Bakit siya nagsosorry sa Jake na iyon? Para saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD