4

4464 Words
-Uno "Siraulo ka, Uno. Kanina pa kami panay ang text at tawag, hindi ka nasagot!" reklamo ni Tine pagkalapag niya ng mga gamit niya sa sofa. "Nakaoff cell ko." Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng malinis na tuwalya sa drawer tapos ibinigay ko ito kay Aira saka siya itinulak papasok sa loob ng kwarto ko. "Hintayin mo ako rito." Teka... kailangan niya pala nuong pad ba iyon? Iyong para sa mga babaeng may stain. Teka nga. "Dude, ang ganda ng unit mo!" Hindi ko na lang pinansin si Carlo, na manghang-mangha sa unit ko, saka ko nilapitan si Tine. "Hoy," Kinalabit ko ito at lumingon naman siya saka ako tinaasan ng kilay. "M-May..." Tang ina! Nakakahiya ito, ha? Ang dami na talagang kasalanan sa akin nuong babaeng iyon. "P-Pad ka? Iyo-Iyong para sa... ano..." Napakamot ako sa batok ko saka ako tumungo dahil nararamdaman ko na iyong pag-init ng mga pisngi ko. Naalala ko kasi iyong ano ni Aira, eh. "S-Stain?" "Oh, my god!" Napatingin naman ako sa kaniya kasi bigla siyang sumigaw. "Carlo! Carlo! Si Uno--" Buti at natakpan ko kaagad ang bunganga niya. Kainis! I swear, last na pagtulong ko na ito sa babaeng may dalaw! Ako pa kasi napapahiya samantalang ako na nga itong natulong! "Ano?! Ano?! Ano si Uno?!" sigaw ni Carlo pagkalapit nito sa amin. "Si Uno?" Tinignan ko ito. "Ay gwapo." Ibinalik ko rin ang tingin ko kay Tine pero masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Hinila ko siya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bunganga niya hanggang sa makalabas kami ng unit. At nang makalabas na kami, binitawan ko na siya. "Ang ingay mo." singhal ko sa kaniya pagkasara ko ng pinto. "Oh, my god. Uno, bakla ka--" Natigilan siya dahil kinotongan ko siya. "Aray, ha? Nagtatanong lang!" Bwisit. Kung ano-ano pinag-iiisip, eh. Ako? Bakla? Asa naman! "Iyong hinihingi ko kasi sa iyo, para duon kay Aira." "Ay, Aira ba pangalan nuong jowa mong iyon? Buti naman nakamove on--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil ayoko nang mabuksan pa ang tungkol sa pagkakabroken ko. Ayoko nang balikan. Kinakalimutan ko na nga, hindi ba? Hiningi ko na lang iyong pad. Kinuha naman niya ito sa loob pero pasimple lang niyang iniabot sa akin kasi baka makita ni Carlo. Mahirap nang makita nuong ungas na iyon dahil kung ano-ano naiisip nuon. Pumasok na ako sa kwarto at nakita kong nakaupo si Aira sa paanan ng kama habang nagtatype sa cell phone niya. "Oh," bungad ko pagkalahad ko ng pad sa kaniya. "G-Gamitin mo na." May pag-aalinlangan pa yata siya nang kuhanin niya iyong pad saka tumayo. "S-Salamat." sagot niya saka naglakad papuntang banyo. "Anong salamat? May kapalit iyan." Napahinto naman siya sa bukas ng pinto nang sabihin ko iyon. "Ang dami mo nang utang sa akin." Lalabas na sana ako kaya lang biglang may sunod-sunod na pagkatok sa pinto na siyang nagpahinto at nagpakunot ng noo ko. "Uno! Maghunos dili ka! Alam kong maganda iyang kasama--" "Hoy, Carlo! Siraulo ka talaga!" "Aray! Aray! Tama na! Baka kung ano na ginagawa ni Uno – Aray, tama na!" "Halika nga rito!" Nawala naman na iyong pagkalabog sa pinto kaya lumabas na ako habang nailing. Siraulo talaga iyon si Carlo. -- "Ipagluto mo na ako." utos ko sabay tulak ko kay Aira papasok sa kusina. "Ano?" Humarap siya sa akin na nakataas iyong kilay. Hindi lang pala masama ugali nito, mataray rin. Nakalimutan ko iyon, ha? "Itinapon mo kanina iyong pagkain ko kaya palitan mo iyon." "What? Ibinigay mo na nga sa akin iyon, hindi ba?!" "So?" Umupo ako sa lamesa saka humalukipkip habang nakatingin sa kaniya. "So? May rights ako kung anong gawin ko duon kasi ibinigay mo na sa akin. Sa akin na iyon kung itatapon ko o kakainin ko kasi nga ibinigay mo na sa akin!" "Well, I'm taking it back. Pagkain iyon, na iniluto ko, kaya ipagluto mo ako ng kagaya nuon. Kasi kung hindi, hindi kita palalabasin dito." Tumayo na ako saka pumunta sa pintuan tapos inilock ko iyong lock sa itaas ng pinto kasi sure ako na hindi niya abot iyon, unless kumuha siya ng tungtungan. Nang mailock ko na, itinago ko rin iyong mga puwedeng pagtuntungan niya, kung sakaling pagtangkaan niyang buksan iyong lock, saka ako bumalik sa salas at binuksan iyong tv. Iyong dalawang ungas, nanduon sa kwarto ko, natutulog. Masarap raw matulog kasi nga naulan. Wala naman silang masamang gagawin duon. Nakabukas nga iyong pintuan ng kwarto ko, eh. Baka kasi kapag isinara daw nila, mag-isip kami ng kung ano. Hindi ko naman iisipin iyon kasi si Tine iyong babae. Bubugbugin lang nito si Carlo kapag may ginawang hiwaga iyong ungas. Lagi naman iyong dalawang iyon. At good thing kasi wala silang planong mag-inom. Nang matapos na siya magluto, inilapag niya iyong pagkain sa center table sa harap ko. "Baka puwede na akong umalis?" tanong niya pagkapwesto niya sa harap ng tv habang nakapamewang. "Aalis ka na suot ang damit ko?" Itinuro ko iyong suot niya habang nakataas ang isang kilay. Damit at boxer ko kasi iyong suot niya. Mukha tuloy siyang hanger dahil sa laki ng damit ko. Buti nga nagkasiya sa kaniya iyong boxer short ko pero medyo maluwag kaya mukhang naging short ito sa kaniya. "At saka, malakas ang ulan, may... stain ka--" "You don't have to mention that!" reklamo niya sabay hila pababa ng suot niya. "Halika, umupo ka na lang rito at saluhan mo ako sa iniluto mo." Tinap ko iyong tabi ko habang nakangiti. "No." Napatingin naman ako diretso sa mga mata niya nang dahil sa sinabi niya at iyong ngiti ko, nawala na. "Bakit?" "Because I said so." "Bakit ba ang sungit-sungit mo? Ang sama pa ng ugali mo. Ayaw mo rin makipagkaibigan, lalo na sa mga lalake. Ano bang problema mo? Brokenhearted ka, ano?" Iyong inis niya, biglang napalitan ng pagkabigla. Medyo naging stiff rin siya. Tumpak yata ako. Maybe if I squeeze her more, makakakuha ako ng sagot kung bakit siya ganuon. "W-Wala kang alam." Napatungo siya habang hawak ng dalawa niyang kamay iyong laylayan ng damit na suot niya. "Oo nga. Siguro nga broken ka. Tell me. Dahil ba sa ex mo? Ano nga ulit pangalan nuon?" Inilagay ko iyong kamay ko sa baba ko at umaktong nag-iisip. "Ryan? Kaya ka siguro niya hiniwalayan kasi ang sama ng ugali mo. Well hindi ko naman siya masisisi. Kahit siguro ako iyong magkagirlfriend na katulad mo, makikipagbreak rin kaagad ako--" "Wala kang alam." pabulong na sinabi niya habang nakatungo pero narinig ko. Ipinagpatuloy ko pa rin iyong sinasabi ko kanina dahil pakiramdam ko, kaonti na lang, bibigay na siya. "Mayroon pang isa, eh. Hmm." Umakto akong nag-iisip at hinimas ang baba ko para mas kapani-paniwala. "Nagsstart sa letter j iyong name niya. Uhh..." Nagsnap ako saka ngumiti ng wagas. "Jake! Iyon. Jake nga." Napatingin naman siya sa akin na nanglalaki ang mga mata. "P-Paano..." "You keep on blabbering his name. Siguro kaya ka rin niya iniwan kasi nagsawa na siya sa sobrang sama ng ugali mo. Lagi ka bang iniiwan? Balita ko kasi, pati best friend mo, nawala na sa campus. Baka dahil rin sa iyo? Kung umasta ka naman, para kang namatayan, eh, hindi nam--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi bigla niya akong sinampal pagkalapit niya sa akin kaya napahawak ako sa pisngi ko. Well, that hurts... a lot. "Wala kang alam! Wala kang karapatan magsalita na parang alam mo ang lahat dahil unang-una sa lahat, hindi mo ako kilala! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaraanan ko! And you don't have the effin' right to talk about why people keep on leaving me!" "Aira...I'm..." Natulala na lang ako sa kaniya habang hawak pa rin ang pisngi ko. Ang sakit kasi talaga ng pagkakasampal niya. Pero iyong itsura niya ngayon... nasasaktan. Galit na galit. Umiiyak na rin siya. Mas masakit yata iyong mga nasabi ko. "Siguro nga malas ako! Siguro nga kaya iniiwan ako ng mga taong mahalaga sa akin kasi malas ako! Pero please lang... huwag mo naman na isampal sa akin na iniwan ako." Nabigla ako kasi lumuhod siya sa harap ko habang nakatakip iyong dalawa niyang palad sa mukha niya. "Hindi ako naging masamang kaibigan. Hindi rin ako naging masamang girlfriend. Wala akong ginawang masama pero isa-isa sila... iniwan ako." Inialis niya ang pagkakatakip ng mga palad niya sa mukha niya saka tumingin sa akin. Umiiyak pa rin siya. "Kaya please lang naman, oh? Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat kasi hindi. Sino ka ba? Hindi mo ako kilala kaya huwag na huwag kang magsalita ng kung ano-ano tungkol sa akin." "Aira... sorry." "Wala kang karapatan na sabihin sa akin iyong mga sinabi mo dahil hindi ka pa namamatayan. Dahil kung namatayan ka na, hindi mo sasabihin iyang mga iyan." -- Heto ako, nakatingin sa kaniya na natutulog sa kama ko. Nakatulog na lang kasi siya sa sofa sa salas kanina habang naiyak. Binuhat ko na nga lang papunta dito nang magising sina Tine. They also kept on asking kung bakit siya umiyak pero hindi ko sinabi. Sa itsura niya, hindi mo maiisip na may dinadala siyang... problema? Sama ng loob? Sakit? Ang ganda niya kasi. Iyong ganda niya, kapag nakikita mo, ang maiisip mo talaga, masayahin siyang tao. Laging nakatawa at walang inaalala sa buhay. Pero baliktad ang mga akala kong iyon. Dahil sa likod ng mga kilay niyang laging salubong, may babae pala duon. Babaeng nasasaktan dahil sa mga nangyari sa kaniya. Hindi ko naman kasi intensyon na pasabugin siya ng ganuon. I was just curious. Akala ko kasi na kapag sinabi ko ang mga iyon, sasabihin niya na kung bakit siya masungit. Hindi ko naman inakalang kapag binanggit ko ang mga alam ko, masasaktan siya, na sasabog siya. No. Nang sabihin ko iyon, instead na mainis siya at sabihin kung bakit siya masungit, medyo nalaman ko pa iyong past niya. Namatayan pala siya. Ang tanong: Sino? Sino ang namatay? Kaya siguro siya ganuon, hindi niya na kinaya. Natrauma na siguro siyang maiwan kaya ayaw na niya makipagkaibigan? Ewan ko. Hula ko lang pero may possibility naman na ganuon nga. Kung sa akin nangyari iyon, siguro malulungkot lang ako at hahanap ulit ng kaibigan. Lalake ako kaya ganuon na lang ako katatag. I'm not generalizing guys. Probably 90% of us, matatag. And knowing how weak and fragile girls are? Lalo na kapag usapang kaibigan, love – emotions. Kaya wala nang nakakapagduda na ganuon ang reaction ni Aira. Babae kasi. Look, I'm not being a sexist, I'm just stating what I know. Hindi naman kailangan na maging babae ako para maintindihan ko ang mga babae. Kailangan lang naman kasing lawakan ang pang-unawa at pag-iisip para mailagay mo ang sarili mo sitwasyon at pag-iisip ng iba. Iniayos ko muna iyong kumot na nakabalot sa kaniya saka hinawi ang buhok niya para hindi matakpan ang half ng mukha niya. Queen sized itong kama ko kaya nakasampa rin ako. Kung sakali pala maging magkaibigan kami, ang ganda ng magiging kaibigan ko. Sa totoo lang, mas maganda siya duon sa babaeng iniyakan ko. Hindi pa siya nangiti ng lagay na ito. Ewan ko na lang kapag ngumiti siya. Iyong babae kasing iyon, palangiti kaya nakita ko iyong ganda. Mabait rin kasi. Kaya ayun, nahulog ako. "I'm sorry." bulong ko sa tainga niya. Aalis na sana ako sa kama, sa tabi niya, kaya lang biglang gumalaw iyong kamay niya at pumulupot sa katawan ko, sa chest part ko. "Jake..." Napatingin naman ako sa kaniya dahil biglaang pagsasalita niya. Natutulog pa rin siya pero naramdaman ko na may luhang nalabas sa mga mata niya. Aalisin ko na dapat ang pagkakayakap niya sa akin kaya lang biglang humigpit tapos bigla niyang isiniksik iyong mukha niya sa dibdib ko. "Jake, bakit?" She's dreaming... pero kinakabahan ako! Tae naman! "Aa, nanda ka doki doki shichai sou da. (Ah, medyo nakabog tuloy ng sobrang bilis iyong puso ko, eh.)" Nagsalubong iyong kilay ko dahil sa sinabi ko. Minsan hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pagni-Nihongo kapag mga ganitong sitwasyon. Parang kusa na lang, eh. Naman. Baka makita rin nina Tine at Carlo ang itsura namin. Baka kung ano isipin ng mga ito. Ilang beses kong itinry na dahan-dahang alisin ang pagkakayakap niya sa akin pero hinihigpitan niya lang. Nananaginip nga yata siya. At ang napapanaginipan niya yata ay iyong Jake na iyon. "Jake, huwag mo na ulit akong iwan." Iyan ang palagi niyang sinasabi kapag inaalis ko ang pagkakapulupot niya sa akin. Nararamdaman ko na nga rin iyong pagkabasa ng damit ko, eh. Umiiyak talaga siya. Huwag iwan? Sabagay. Iyong Jake iyong bigla na lang nawala, right? Should I wake her up? Or... not? Kasi kapag ginising ko siya, natural, magigising siya at babalik na naman sa reality. If I don't, makakasama niya pa rin iyong Jake na iyon sa panaginip niya, iyong Jake na akala niya, kayakap niya when in fact, ako ang niyayakap niya. I think... I shouldn't. Parang miss na miss na niya, eh. Para kahit man lang sa panaginip, makasama niya iyong Jake na iyon, hindi ba? Bakit kasi hindi na lang niya puntahan iyon? O kaya hanapin? Pinahihirapan niya pa sarili niya. On the first place, why am I putting myself para mainvolve sa babaeng ito? Is it because I want to see her smile? Sabagay. Nang marinig ko iyong story niya mula kay Angel, I promised myself na gagawin ko siyang kaibigan at pasasayahin ko siya no matter what. Since hindi ako makaalis, I might as well leave her hugging me like a pillow and sleep, right? Wala, eh. Alangan naman na makipagtitigan ako sa kisame habang hinihintay na magising itong babaeng ito. Iniayos ko muna iyong kumot at itinaas hanggang sa waist part namin tapos niyakap ko siya saka ibinaon lalo iyong mukha niya sa dibdib ko. Hindi naman siguro siya magigising. Ipinaunan ko rin sa kaniya iyong braso ko saka ko iyon ginamit pangbaon ng ulo niya sa dibdib ko. Iyong isang kamay ko naman, ginamit ko pangcaress sa likod niya. She smells so good and she looks so good. No malice intended. Talagang gusto ko lang siya tulungang sumaya kahit pa sa panaginip lang niya. "Jake..." mahinang pagkakasabi niya saka niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Truth be told, I love this feeling. I immediately fell in love with this feeling. Aira's warm hug feels so good. Kahit siguro sino mayakap nito, magugustuhan ang yakap niya. Kahit umuulan at nakabukas iyong aircon, ang warm pa rin dahil sa kumot pero mostly, the warmth I'm feeling is coming from her hug. It's not impossible for me to get addicted with this feeling. Itong yakap niyang ito, isa ito sa nagbigay dahilan para ipursue ko ang pakikipagkaibigan ko sa kaniya. I love Aira's warm hug. "Don't worry, hindi ako aalis." pabulong na sinabi ko saka ko ibinaon lalo iyong mukha niya sa dibdib ko, pero hindi iyong sobrang baon na hindi na siya makakahinga. I closed my eyes and let myself drift off to sleep. -- "Tanga, huwag mong gisingin. Ngayon na lang ulit iyan nakipagyakapan sa babae." "Aray naman, natanga pa ako." "Tanga ka kasi. Bakit gigisingin mo?" "Oh? Eh, ano iyan?" "Camera, tanga. Palakihin mo kasi iyang mga mata mo nang malaman mo." "Nakailang tanga ka na, ha? It hurts you know?" "Tanga. Tanga. Tanga. Tanga. Tanga." Ano ba iyon? Ang ingay. Bulong ba iyong ginagawa nila? Parang hindi naman. Kitang natutulog ako. At ang bango naman ng unan kong ito. Amoy babae. Pero bakit ang warm? Hindi bale. Mabango naman kaya yayakapin ko pa ng mas mahigpit para hindi na makawala itong unan na ito. "H-Hala. Labas tayo. Bilis. Magigising na si Aira. Bilis." Ilang segundo pa akong naghintay na mawala na iyong ingay at sa wakas naman, nawala na nga. "Salamat naman at wala nang mai--" "Aaaahhh!" Napamulat ako kasi biglang may sumigaw malapit sa akin. At nanglaki ang mata ko dahil sobrang magkalapit ng mukha namin ni Aira. At siya pala iyong kayakap ko! Inialis naman niya ang pagkakayakap sa akin kaya inalis ko na rin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Sabay kaming umupo sa kama tapos hinatak niya iyong kumot na nakacover sa amin kanina saka ako pinagbabato ng unan. "Aray!" reklamo ko habang sinasalag ang unan na ngayon ay paulit-ulit na hinahampas sa akin. "Anong ginawa mo sa akin?! Walanghiya ka! Anong ginawa mo?! r**e! r**e! Tulong! r**e!" "Hoy! Manahimik--" "Tulog! Tulong! May r****t dito--" Hindi ko siya pinatapos kasi dinamba ko siya habang nakatakip sa bibig niya ang kamay ko. "Ang ingay mo. Mamaya kung ano isipin nuong dalawa! Asa ka namang pagtatangkaan kita--" "Oh, my gosh!" Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kwarto at nakita namin na nanduon iyong dalawa habang nakaharang sa mga mata ni Tine iyong kamay ni Carlo at ganuon rin si Tine, tinatakpan din ang mga mata ni Carlo. "Uno, sabi ko naman sa iyo maghunos dili ka, hindi ba?!" sigaw ni Carlo habang ganuon pa rin pwesto nila. Shit! Nakapatong pala ako kay Aira! Umalis naman ako at umupo. Ganuon rin si Aira saka sabay naming naisigaw ang mga katagang: "It's not what you think!" "Carlo, pare, hindi! Mali iyong iniisip niyo!" Umalis ako sa kama saka sila nilapitan. "Siya! Siya iyong yumakap sa akin!" pagsusumbong ko sabay turo kay Aira na nanglalaki rin ang mata. "Sumisigaw siyang r**e, eh, hindi ko naman siya ginalaw kaya tinakpan ko iyong bibig niya!" Huwag lang maissue, kailangan ko pa magpaliwanag! This is so not me! "Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw nga iyong yakap nang yakap diyan! Manyak!" "Hoy! Ako pa?! Ako pa?!" Nilapitan ko siya pero patungtong pa lang ako sa kama para kulampugin siya, hinila kaagad ni Tine at Carlo ang dalawang braso ko. "Ikaw iyong nauna!" Sumilip siya sa ilalim ng kumot na yakap-yakap niya saka tumingin sa akin. "Whatever! Uuwi na ako!" Tumayo siya sa kama at itinulak pa ako nang daanan niya ako! Bwisit! Nang makalabas siya ng kwarto, binitawan na ako ng dalawa. "Bwisit na iyon. Tingin niya sa akin? Manyak? Ha!" "Sundan mo, shunga. Umuulan pa rin kaya. May something pa siya ngayon, hindi ba? Ihatid mo sa kanila." suhestiyon ni Tine, na halatang nag-aalala kay Aira. "Hoy, anong something?" extra ni Carlo pero hindi namin siya pinansin. "Ha! Bahala siya! Wala akong pake kahit may something siya ngayon!" "Shunga ka talaga! Babae iyon, hoy!" singhal ni Tine matapos niya akong batukan kaya iyong kamay ko, napunta sa parte ng ulo ko na binatukan niya. "Ako, tanga. Siya naman, shunga. Nice one, tol!" "Manahimik kang tanga ka!" Hinampas niya bigla si Carlo sa ulo kaya natahimik ito tapos itinulak niya ako hanggang sa makalabas kami ng kwarto. "Sunda..." Ayun. Ang dwende, hindi pala makalabas. Inilock ko pala iyong itaas ng pinto kanina. Hindi niya maabot, eh. Iyong tawa ko, hindi ko na napigilan pero nang nilingon niya ako, huminto na ako. Masyado naman kasing mataas ang pintuan ko tapos ang lock pa nito, iyong de-slide, nasa itaas kaya naiintindihan ko ang height niya. Kinuha ko iyong wallet pati iyong susi ng kotse ko na nasa ibabaw ng drawer sa kwarto. Hinayaan ko na nga lang siya na talunin iyong lock ng pinto, eh. Hindi naman niya kasi mabubuksan iyon dahil maliit siya. Nang makuha ko na iyong wallet at susi ko, hinigit ko siya at binuksan iyong pinto. "Tara, ihahatid na kita sa iniyo." Kinaladkad ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Kinaladkad talaga dahil nanlalaban siya. Nang makarating kami sa kotse, itinulak ko siya papasok sa front seat. Ayoko kasi magmukhang driver. Ituturo na lang raw niya iyong way since wala rin akong kaalam-alam dito sa Manila. May GPS naman kaya lang mas okay na sa kaniya manggaling ang direksyon para magsalita siya. Habang nasa biyahe, putak siya nang putak. Nakakarindi at the same time, nakakatawa. Nang kumulo kasi iyong tiyan niya, pinagtawanan ko siya at duon ko lang naalala na hindi pa pala siya nakain. Kumusta naman kasi, gabi na. Noong hinila ko siya paalis ng school, anong oras pa lang. Tapos iyong pagkain pa niya, itinapon niya. Hindi pa siya nakakain sa unit ko kasi nagkaroon pa siya ng outburst at nakatulog. Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang 9PM na. Nagdrive thru na lang ako sa Jollibee at sa kotse na lang namin kinain iyong pagkain. Kaya lang... hanggang ngayon nagtatalo pa rin kami sa pagkain. "Paano ako makakakain? Nagdadrive ako, hindi ba?!" "Problema mo na iyon!" "Subuan mo ako! Sa akin naman iyan, ha?!" "Wala akong pake! Asa ka pa namang susubuan kita! Ginutom mo kaya ako!" Teka. Bigla akong namula. Umatake iyong green side ko. Ginutom ko raw siya. Double meaning ang pumasok sa utak ko. Shet! Gumising pa man rin kaming magkayakap at magkatabi sa kama. Letse, Uno! Huwag mong pagpantasyahan iyan si baraguds! Kakaibiganin mo pa iyan para mapangiti! Hindi iyang kung ano-anong iniisip mong kamanyakan! "Oh? Bakit natahimik ka?" Hindi ko na lang siya tinapunan ng tingin at nagdrive na lang. Medyo delikado rin kasi ang lakas ng ulan. "Wala kang pake!" "Sabagay. Mas okay na iyang tahimik ka kasi para kang bakla dahil sa ingay mo." matawa-tawang sinabi niya. Whoa! Sa pagkabigla ko, naihinto ko iyong kotse kaya lang medyo nagslide kami. Buti na lang nasa gilid kami ng highway at nakaseatbelt kami kung hindi, nabangga ko iyong nakasabay namin. "Kung magpapakamatay ka, huwag mo ako idamay!" reklamo niya sabay bato niya ng ilang pirasong fries sa mukha ko. "Tumawa ka." hindi makapaniwalang sinabi ko dahil talagang namang hindi ako makapaniwala na tumawa siya. "Oh? Eh, an..." Nang magsink in na yata sa isip niya na tumawa siya kaya tumungo siya saka tumingin sa bintana. "Paandarin mo na nang makauwi na ako." And now she's back to one of her original form – Ice queen. Nagdrive na lang ako habang nakangiti. Medyo nawala rin yata iyong gutom ko kasi napalitan talaga ng excitement. Hindi ko na nga inalitana iyong pang-asar niyang para akong bakla dahil maingay raw ako. Ang galing! Napatawa ko siya – unknowingly. Hindi ko man sadya, napatawa ko sya. Magiging kaibigan ko na siya – someday. Mapapangiti ko ulit siya. Sayang kasi hindi ko nakita iyong pagtawa niya dahil nga nasa daanan ang mga mata ko. Nang makarating kami sa subdivision nila, inihinto ko iyong kotse sa tapat ng bahay niya matapos kaming papasukin ng guard na nagbabantay sa guard house. Dali-dali naman akong lumabas kahit pa mabasa ako ng ulan tapos pinagbuksan ko siya saka hinila palabas. Hinawakan ko siya sa dalawang kamay tapos niyakap saka ako nagtatalon na parang bata. Wala lang. Masaya kasi ako dahil napatawa ko siya. Oo na, childish ako... and touchy. Yeah. "Ano ba?! Tumigil ka nga! Para kang tanga!" Tumigil naman ako sa pagtalon saka siya tinignan. Nagpupumilit siyang makaalis sa pagkakayakap ko sa kaniya pero hindi ko siya pinakawalan. "Tumawa ka!" "Bitaw!" Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya sa dibdib ko, nabitawan ko siya, na siyang dahilan kung bakit siya napaupo sa sahig. "Aira--" Napahinto naman ako sa paglapit sa kaniya nang sumigaw siya. "Huwag mo akong lalapitan!" Ang sama rin ng tingin na ipinukol niya sa akin tapos tumayo siya saka lumapit sa kotse ko. "Aira!" Napatingin naman ako sa kung saan nanggaling iyong boses. Nanggaling ito sa isang babae na nakatayo sa harap ng gate nila habang may hawak na payong. Sino iyon? Ate niya? Napatingin naman ako kay Aira kasi lumapit siya sa akin habang hawak iyong mga itinake out naming pagkain. Nakatayo na pala siya at nakalapit sa kotse? Nagulat na lang ako kasi isa isa niyang inihagis iyong spaghetti, fries, burger pati coke sa mukha at katawan ko. "Siraulo ka!" "Hoy, Aira!" Nilapitan naman siya ng babaeng nakapayong, iyong ate niya yata, saka hinawakan sa braso. "Bakit mo ginawa iyon?!" "Kasi manyak iyan!" Idinuro niya ako tapos ibinato ang huling hawak niya. Aba! Ayos itong babaeng ito, ha?! Ako?! Manyak?! Wala pa akong minanyak, ano! "Aira, halika na sa loob! Pumasok ka na! Baka magkasakit ka!" Hinila siya ng babae hanggang sa makapasok sila sa gate at siya naman, nagpupumiglas pero naipasok rin naman siya. Bago pa man maisara ng babae iyong gate nang makapasok na si Aira, may pahabol pa siyang isinigaw. "r****t!" Tang ina lang! Kapag nasira iyong image at pangalan ko nang dahil sa kaniya, nako! Lumapit iyong babae sa akin at nagulat na lang ako nang bigla ako nitong sinampal. Ano ba iyan?! Kanina, si Aira. Ngayon naman, itong babaeng ito?! Iyong kay Aira, I deserve that pero iyong sa babaeng ito?! Hala! "Bakit mo minanyak kapatid ko?!" "Hoy! Hindi ko minanyak kapatid mo! Mga ilusyon niyo, ha?!" Nilagpasan ko siya at lumapit na lang sa kotse. Papasok pa lang sana ako sa kotse, kahit basa ako, kaya lang biglang isinara ng babae iyong pinto kaya iyong daliri ko, hindi ko alam na maiipit kaya ayun, naipit! "Letse ka! Ang sakit!" sigaw ko habang hawak ko ang dalawang daliri ko na naipit. "Humanda ka! Magrereklamo ako at rinape mo iyong kapatid ko!" banta niya sabay sampal ulit sa akin saka sinipa si best friend. Lumakad naman na siya papasok sa bahay nila at pabagsak na isinara iyong gate. "Mabaog ka sana!" "Tang... aaaahh!" Humarap ako sa bahay nila na nakaluhod habang hawak ng dalawang kamay ko si best friend. "Humanda kayo! Mga bwiset!" Naghanap ako ng puwedeng ipangbato at nang makakita ako ng bato, ibinato ko iyon sa pintuan nila. Bigla dumungaw si Aira sa pinto pagkatapos tumama nuong bato duon. "r****t!" sigaw niya saka isinara ulit iyong pinto. Tang ina naman! Tatlong sampal na, ha?! Tatlong sampal galing sa dalawang Han na iyon! At dalawang beses nang nasaktan si best friend! Iyong magkapatid pa ang tumira! Bwisit! Hindi pa nga ako nasasampal ng kahit na sino tapos sila lang makakaunang makasampal sa akin?! At walang pangahas na babae ang manunuhod kay best friend dahil sayang ang genes kapag nabaog ako! Humanda talaga iyong Aira na iyon! Nagbago na isip ko! Hindi ko na siya kakaibiganin! Wala na akong pakielam kahit pa sumimangot siya! Para pala akong sawi dito. Nakaluhod habang nakaharap sa bahay tapos umuulan pa! Nakanang! Ayos rin sa timing itong ulan, eh! "Anong tinitingin tingin mo?!" Mukha namang natakot ang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan habang nakatingin sa akin kaya umalis na. Tang ina, matakot dapat siya dahil kapag ganitong nasira araw ko, pumapatay ako ng tao sa isip ko! Baka masama pa siya! Ang dumi-dumi ko na! Hindi bale, papalinis ko na lang itong kotse tutal basa na rin dahil sa akin. Kinuha ko iyong panyo ko sa bulsa kahit basa na iyon. Pinunasan ko iyong mukha ko saka iyong buhok ko tapos itinapon ko naman na ito dahil marumi na. Humanda ka talaga sa akin, Aira Han. Bwisit kang baraguda ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD