Wala sa sarili na kinuha ko ang aking bag at lumabas ng classroom, napansin ko ang mga nagtatakang tingin ng mga kaklase ko maging ang pagtawag ni Janet pero wala akong pakialam.
Lakad, takbo. Iyon ang ginawa ko para makauwi agad. Dinial ko ng dinial ang number ni Mama pero walang sumasagot.
Baka nasa CR lang, naliligo. Oo nga baka nga nandun lang siya sa CR.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko hanggang sa makarating ako sa may kanto papunta sa bahay namin. Halos makipag-away pa nga ako sa driver ng jeep dahil sobrang bagal niyang mag-drive!
Lakad, takbo ang ginawa ko pauwi sa bahay kasabay ang malakas na t***k ng puso ko at ang dasal na sana hindi nadamay ang bahay namin sa sunog na nangyayari.
"Grabe ninakawan na daw tapos pinatay pa!" narinig kong usapan sa may kanto namin, kinabahan ako bigla. Ninakawan? Pinatay?
"Oo nga mare! At hindi pa nakuntento sinunog pa ang bahay! Mga walang puso! Napaka tahimik ng pamilyang iyan, ni minsan wala akong narinig na nakaaway" sabi naman ng kausap nito. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa naririnig na usapan nila.
Hindi. Hindi iyon sa bahay.
Isang liko na lang nasa amin na ako, ilang hakbang pa, para akong nakalutang habang naglalakad. Nawala lahat ng ingay, ang naririnig ko lang ay ang t***k ng puso ko.
Habang naglalakad ay nakatingin sa'kin iyong mga kapitbahay namin, naiiling iyong ilan. Bakit? Bakit sila ganyan makatingin sa'kin?
Huminto ako sa harap ng isang halos abo na lugar dahil sa sunog, nagkalat din ang mga pulis at bumbero sa lugar.
Nasaan ang bahay namin? Nandito lang iyon banda. Nagpalingon lingon ako sa paligid only to see our neighbors faces staring at me. Ang iba, naiiling, ang iba hindi makatingin ng diretso sa'kin.
Hinanap ko ang mukha nina Mama at Papa pero wala. B-baka naman nasa palengke si Mama, si Papa nasa trabaho oo tama nandun nga sila.
Idinial ko pa ulit ang phone number ni Mama at halos mapasigaw ako ng hallelujah nang may sumagot "Hello Ma! May sunog sa may ati—"
"Anak po ba kayo ng may-ari ng cellphone Ma'am?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Napalingon naman ako sa nagsalita na parang nasa likod ko lang. My settled on a police officer who's holding a phone and looking around.
"Mamang pulis bakit... b-bakit hawak ninyo po iyong phone ng Mama ko?" naiiyak na tanong ko sa police officer na nasa harapan ko.
Sa una ay nakatingin lamang ito sa'kin. Hindi nagsasalita. Parang tinatantya yata kung ako nga ba ang kausap niya.
"Nasaan po ang bahay namin? Ang Mama ko?" napalingon ito sa phone na hawak bago sa'kin. Ilang sandali pa ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. From a stone, he became a tamed lion.
Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat bago itinabi sa isang ambulansya na nakasara. Gusto ko ng magalit at magsisigaw! Ano bang nagyayari? Walang sumasagot sa tanong ko! Binuksan noong pulis ang likod ng ambulansya.
"Ikaw ba si Ms. Summer Padilla?" tanong ulit ng pulis, tumango naman ako habang naghihintay sa susunod pang itatanong nito, hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makapasok sa loob ng ambulansya.
"Ms. Padilla..." Iniangat ko ang aking tingin sa pulis na nasa harap. Binuksan niya ang dalawang malaking parang maleta na nasa harapan ko.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang nasa loob ng mga malalaking maleta. Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko sa mga nangyayari. Para akong sinakal at hindi agad nakahinga ng maayos.
"Nanakawan kayo Miss Padilla, nagkataon na ang Mama mo nasa bahay ninyo, ang Papa mo naman may naiwan na document na kailangan sa trabaho kaya naman umuwi siya" Ang Mama at Papa, nakasilid sa mga maleta, ang mga mapupula nilang labi kulay dark blue na.
"Narinig nang mga kapitbahay ang kaguluhan ngunit akala lang nila na nagtatalo ang mga magulang mo" napailing ako, never kong nakita na nag away ang mga ito "Nagulat na lamang ang mga kapitbahay ninyo ng may mga armadong lalaki na lumabas at sinilaban ang bahay niyo"
"Masama ang kutob nila kaya naman sinita nila ang mga ito, ngunit naihagis na nito ang lighter na dahilan ng sunog, may ilang residente na pumasok para hanapin ang magulang mo at..." Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko maliban sa ilang marahas na paghinga.
Ang Mama at Papa ko, na tanging nagmamahal sa'kin, ngayon nakikita ng dalawang mata ko na nakahiga at kulay papel na. ang Mama at Papa ko na walang ibang alam ituro kundi kabutihan at pagmamahal lamang. Nanginig ang mga kamay ko at pakiramdam ko ay tatakasan ako ng bait ng mga sandaling iyon.
Tila may namuong kung anong mabigat sa lalamunan ko na kailangan kong ilabas, nanlalabo ang paningin ko at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga hanggang sa 'yun na lamang ang huli kong naaalala bago pa man ako makapagsalita ay nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto at alam kong sa ospital iyon, panaginip? Oo panaginip lang ang lahat! Dahan-dahan akong bumaba sa higaan at naglakad, nasa may pintuan na ako ng biglang bumukas ang pinto.
Pumasok ang police officer sa panaginip ko, halata sa mga mata nito ang pamumula, para bang umiyak din ito "N-nasaan po ang Mama at Papa ko?" tanong ko sa lalaki sa harapan ko na tingin ko ay nasa edad 25-28.
Napayuko ang pulis at napabuga ng hangin kaya naman nilapitan ko siya at niyugyog ang mga braso "Boss naman wag ka namang magbiro ng ganyan" pakiusap ko. Nagulat ako ng lumuhod sa harapan ko iyong pulis na umiiyak na rin.
"Bakit ka umiiyak? Anong problema?" tanong ko habang tumutulo ang mga luha sa mata. Iling lamang ang isinagot nya sakin habang hawak ang dalawa kong kamay.
"Hi-Hindi panaginip ang lahat? T-totoo ang sunog? Si-Sina Mama? Papa?" isang iling na naman ang isinagot niya sa'kin kasabay ng mahinang 'I'm sorry'
"Noooo!" Para akong mamamatay anytime. Niyakap ako ng pulis na nasa harapan ko dahil parehas na kaming nakalugmok sa sahig.
"K-Kuya hindi pwede... 20 lang ako, saan ako pupulitin? Paano ako kakain? Paano na ako? Wala kaming ibang kamag-anak.. p-paano na—" hindi ko na naituloy pa ang mga sentimyento ko dahil sa pag-iyak. Pero nang tila wala ng ilalabas ang mga mata ko, nanatili na lamang akong tulala.
Sumusunod lang ako sa kung anu mang sabihin nong Pulis na kinausap ko, tinititigan ko lang siya paminsan at ngingiti siya sa'kin, ako naman titingin sa kawalan. Hindi niya hinahayaan na mawala ako sa paningin niya.
"Summer, ako nga pala si Police Officer Janeiro Romero" inilahad ng Pulis ang kamay nito pero tiningnan ko lang iyon, nakakaunawang binawi niya iyon "Sa bahay ka muna titira kasama ng asawa ko" Tiningnan ko lamang siya kasama ang babaeng nasa likuran niya na nakangiti lang din sa'kin.
"Hello Summer ako nga pala si Ate Janine mo. Kami na ang magiging bagong pamilya mo" yumuko sa harapan ko iyong babae para magkapantay kami ng tingin at nginitian ako. Dahil wala na rin naman akong pupuntahan, sumama na ako sa kanilang dalawa.
Si Kuya Janeiro at Ate Janine ang nag-asikaso ng pagpapalibing kay Mama at Papa. Mabuti na lamang at may pera silang naitabi. May savings account din ako, pero hindi ko iyon ginalaw.
Ayaw din naman iyong galawin ni Kuya kahit na siya na ang tumatayong guardian ko. Sa'kin daw 'yon. Magagamit ko daw balang araw.
Unti-unti, nasasanay na din ako sa presensiya nila kahit na madalas ay hindi ko sila pinapansin.