Chapter 5

3769 Words
SUMMER Kanina pa kami nakabihis ni Crystal at naghahandang umalis, sabado ngayon at pupunta kami kay Daryll. It's his 1st year death anniversary. "Mama pupunta tayo kay Daddy James?" tanong ng anak kong may mahabang buhok katulad ng sa akin, parehas din kaming naka-itim na bestida. "Opo, dadalawin natin si Daddy" "Miss mo na po siya?" Nag-aayos ako ng mga dadalhin namin ng bigla itong itanong ni Crystal na ngayon nakaharap na sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. I do. I terribly do. "Miss niya na rin po kayo, Ma" napakunot ang noo ko, pero sanay na rin ako, ganiyan siya kapag napapag-usapan ang Daddy James niya, palagi akong pinapasaya. Magtatanong pa sana ako sa kaniya ng mapansin na may tumatawag sa aking cellphone. "Hello Summer! Papunta na ba kayo ni Crystal?" It's Tita Mel, Daryll's Mom and she sounds so excited to see us. "Yes, Tita paalis na po kami ni Crystal, mauuna na po kami sa inyo" sagot ko naman habang isinusuot ang maliit na bag ni Crystal at lumabas ng aming kwarto. "Oh sige hija, nasa byahe na rin naman kami kundangan nga lang mas malayo ang byahe" we bid our goodbyes and take cares at lumakad na kaming dalawa hanggang sa nawalan na sa isip ko ang sana ay itatanong ko kay Crystal. Mabilis kaming nakarating kay Daryll dahil walang traffic at di hamak na mas malapit sa amin ang sementeryo, sinadya ko iyon para kapag nalulungkot ako, madali lang akong makadalaw sa kaniya. Binati agad kami ng mga guard sa tarangkahan. Nang malapit na kami sa puntod ni Daryll ay nagtatakbo si Crystal papunta doon, exited siyang umupo malapit sa lapida ni Daryll. Hindi ko naman siya pinigilan, matagal na ko na rin kase siyang hindi naisasama dito dahil busy ako sa trabaho. "I miss you too po!" narinig kong sabi niya na nakalingon sa puno sa tabi ng puntod ni Daryll na para bang may kinakausap doon. Lumapit ako sa kanya at naglatag ng malaking tela. "Hi Daryll! Miss mo na ako?" nakangiti na hinaplos ko ang lapida ni Daryll. Tumingin sa akin si Crystal. "Mama! Miss ka na daw po ni Daddy" ika ni Crystal habang nakangiti. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, madalas kapag nakikita niya na malungkot ako sinasabi nitong tinitingnan ako ni Daryll. Na nalulungkot din daw ito kapag nakikita akong malungkot. "Talaga anak? Sabihin mo kay Daddy mahal ko siya ha?" gustong kong matawa dahil hindi ko akalain na papatulan ko pa ang mga biro ni Crystal, pero minsan iniisip ko na sana totoo na lang. "Mahal niya din daw po kayo, Ma" sabi naman niya na parang nakikipag bulungan kung kanino. Ang daya mo, Daryll! Bakit kay Crystal ka lang nagpapakita? "Crystal! Sunny!" narinig kong tawag sa mga pangalan namin, si Crystal ay tumakbo papunta sa tumawag sa amin. Tita Mel at Tito Randy came with all smiles at their faces, karga ni Tito Randy si Crystal. Napangiti ako sa nakikita. Mabait pa rin ang Diyos sa amin dahil nakakilala kami ng mga taong may mabuting puso. Lumapit na rin ako sa mag-asawa na kakikitaan mo pa din ng kagwapuhan at kagandahan despite their ages. "Sunny, hija you're so beautiful anak" naiiyak na sabi ni Tita Mel, agad ko siyang niyakap at kinumusta . "No wonder, Daryll is so in love with you" sabi naman ng Papa ni Daryll, natawa na lamang ako at niyakap din si Tito. "Kumusta naman po sa States? Akala ko po may kasama kayo?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa puntod ni Daryll. "Ayun mahirap hija pero ok naman, nakakaraos sa araw araw" ika ni Tita Mel. May kakambal si Daryll pero hindi pa ko ito nakikita, ang alam ko lang, Jonas ang tawag ni Daryll dito. Are they identical to each other? Magka-ugali kaya sila? Ano kaya ang magiging reaction ko kapag nakita ko siya? "Oo, pupunta dito ang kapatid ni Mel at ang dalawa niyang pamangkin, my son, Jonas cannot come because he is taking care of the business sa US" si Tito Randy ang sumagot, naupo silang dalawa kasama kami sa telang inilatag ko. Hinawakan din ng Mama ni Daryll ang lapida ng binata. Kinausap niya ito na para bang buhay pa ang anak, kinuwentuhan na para bang buhay si Daryll. Hindi namin napansin ang oras dahil sa kwentuhan namin. We've been catching up on each other, tinatanong nila ang pag-aaral ko at sina Kuya at Ate. "Uncle! Auntie!" narinig namin na may papalapit kaya naman napatingin kami sa paparating. Nanlaki ang mata ko sa nakita.. "Summer? Is that you?" si Mallow! Nakatayo siya sa harapan ko looking confused and shocked, naramdaman ko naman na yumakap sa binti ko si Crystal. "Hi Mallow!" naiilang na bati ko, agad akong niyakap ni Mallow ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi yakapin na rin siya pabalik. "Sunny? Kilala mo pala si Olivia?" tanong ni Tita Mel, sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Mallow. "Yes Auntie! Summer is my bestfriend sa school!" magiliw na sagot naman ni Mallow, napangiti si Tita Mel sa narinig. Ang alam kase nila simula ng mawala si Daryll ay wala na akong ganang makipagkaibigan pa. Natuon naman ang atensyon ni Mallow sa may binti ko. "Oh my gosh! So cute mo naman baby girl!" Mallow squatted hanggang sa maging magka-level na sila ni Crystal, habang si Crystal naman ay nagtago sa likod ko. "Mallow, siya ang anak ko si Crystal, anak say hi to Tita Mallow" utos ko anak ko na nasa likuran ko. Dahan-dahan namang lumabas sa likuran si Crystal. "H-Hi po Tita Mallow" nahihiyang sabi ni Crystal. "Hello, little angel, ang ganda mo naman! Crystal ang pangalan mo di’ba?" Tumango si Crystal that made Mallow  giggled. "Oh my! Summer, can I borrow her? Sandali lang... For like a day—" "Olivia! Iyong gamit mo naman, pambihira!" Napatingin kami sa sumigaw sa likod, a man in his late 20’s came with some bags and baskets on his hands. Halos mamutok ang maga ugat sa kaniyang braso dahil sa bigat ng dala ngunit parang wala lang iyon sa kaniya. Isang puting T-shirt at itim na pantalon lang ang suot nito ngunit hindi maikakaila na malakas rin ang kaniyang dating. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya  na kita mo sa tindig ang confidence at parang lumakas ang hangin. Nagtama ang aming paningin at tila may nakita akong kakaiba sa kaniyang tansong mga mata. Hindi ko alam kung ilang segundong magkahugpong ang aming paningin, naramdaman ko na lang ang kamay ni Mallow sa aking braso. "Luke, her name is Summer, she's my friend” ika ni Mallow, parang doon lang nagbalik sa katinuan si Luke at tila nahihiyang tumingin palayo. "Can you please fix your things in my car?! It's annoying!" ika nito. Naramdaman ko naman ang paghila ni Crystal sa aking damit kaya naman kiarga ko siya. "She's lovely, right?" gigil na sabi ni Mallow, muling tumingin sa amin si Luke at nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa aking anak. "Stop scaring her!" ika ni Mallow ng makitang titig na titig sa amin ang kaniyang kapatid. I stepped back para makalayo kay Luke but he kept on stepping towards us. He's eyes is bored on Crystal like it's the first time he saw a child. Unti-unting umangat ang tingin ni Crystal mula sa aking leeg. Tiningnan si Luke, we're shocked nang iangat ni Crystal ang kaniyang kamay at inabot ang mukha ni Luke. They stayed like that for a couple of minute’s hanggang magsalita ako. "I believe you’re here to pay respect to your cousin" para itong natauhan sa sinabi ko at agad namang dumistansya sa amin. "Badtrip ka, Luke! Tinakot mo si Crystal" inis na sabi ni Mallow kay Luke saka niya ito pinalo sa braso, nakatulala naman ang huli kay Crystal. "Olivia, Angelo siya pala si Sunny, iyong girlfriend ni James na ikinukwento ko sa inyo" parang doon lang nag-exist sina Auntie Mel sa amin, ang naguguluhang tingin ni Luke kay Crystal ay bumaling sa akin at napalitan ng talim na ikinabigla ko ngunit hindi ko na lang ipinahalata. "Don't be confused, Summer ang pangalan niya but we call her Sunny just like what James used to call her" paliwanag ni Uncle Randy. Dahan-dahan akong nilapitan ni Mallow, pity is visible on her face. "I-ikaw ang g-girlfriend ni James?" naiiyak na tanong niya, muli na naman akong nalito sa kaniyang ina-akto. Magkapatid nga talaga silang dalawa ni Luke, parehas akong nawi-wirdohan sa kanila. "Ikaw ang dumadalaw dito every week at naglilinis ng puntod ni James, even their mansion, right?" ika ni Luke. "Paano mo nalaman?" tanong ko. Then Mallow hugged me. "It... It must be very painful" bulong niya sa akin, puno man ng kaguluhan ang aking isip ay niyakap ko na rin siya pabalik. "Hija totoo ba? Na ikaw ang naglilinis dito?" tanong ni Uncle Randy. Napatango ako dahil wala rin namang dahilan para magsinungaling. "Sunny—" "Tita, okay lang po ako" sagot ko, "Wag na po kayong mag-alala sa'kin, besides, wala naman sakin ang mga iyon compared to what your family has done to me" lalo namang humigpit ang yakap sa akin ni Mallow. We spent another good hour or two talking and talking habang si Luke naman ay nakipaglaro kay Crystal. Surprisingly, hindi siya napipikon sa bata and they seem to get along well. “I’m surprised that Luke gets along with your daughter really well” ika ni Mallow habang nakaupo kami sa blanket. “He is not the type na lapitin ng mga bata and I think I’d faint kung one day magkaanak siya” saka ito natawa sa sinabi. “Olivia, don’t be too rude with your brother. Everybody changes” pangaral naman ni Tito Randy. Tumayo sina Luke at Crystal at hawak kamay na pumunta sa pwesto naming, "I'm famished, gutom na ako tara na sa mansyon" and we all agreed to that. "Olivia, pwede bang sa inyo na lang sumabay sina Sunny? Two seats lang kase ang dala naming sasakayan" "Of course, Auntie!" Agad binuhat ni Mallow si Crystal and went into Luke's car "Luke, can you please help Summer carry her things and put it in the compartment? Thank you!" utos niya sa naiiling na kapatid. Alanganin naman akong tumingin kay Luke bago bumaling ulit kay Mallow, "Tutulungan ko na siya Mallow, mga ulam kase iyon, baka may matapon" "I can manage, go in the car" malamig ang boses na sabi ni Luke, it almost made me shiver. "May sabaw iyong  ilan dito, baka matapon" sabi ko na lang, pagbitbit ko ng mga ulam ay bigla naman akong tinalikuran ni Luke. Pinagmasdan ko ang kaniyang likod habang papalayo sa akin. Tahimik lang kaming dalawa habang nag-aayos ng mga ulam sa compartment ng kotse niya habang dinig namin sa labas ang tawanan nina Mallow at Crystal sa loob ng kotse. Nang matapos naming iayos ang mga ulam ay handa na akong pumasok sa backseat. "Summer, can you please sit beside my brother? Kawawa naman baka magmukha siyang driver pag nandito tayong lahat" nakapeace sign pa siya, wala naman ata akong magagawa kaya doon na nga ako umupo. "Seatbelt" sabi ni Luke ng makaupo siya sa drivers seat. Napalingon ako sa kaniya na nakatingin sa daan. "Sabi ko isuot mo ang seatbelt mo" napalakas ang boses niya kaya naman napatingin kami. Mas nagulat kami nang biglang lumapit sa'kin si Luke, by instinct, agad akong napaatras habang nanlalaki ang mga mata, halos hindi ako huminga sa ginawa niya na pag-aayos ng seatbelt ko. His perfume invaded my nostrils and stayed there for good minutes. Sobrang lapit niya sa akin that I almost want to shrink! Napabilis ang t***k ng puso ko dahil sa lapit niya. "Mama" para akong nagising ng tawagin ako ni Crystal, napansin ko na umaandar na kami at tawa ng tawa sina Mallow sa likod. Binuksan ni Luke ang radio dahil sa katahimikan sa loob ng kotse. Inch by inch, we're moving closer Feels like a fairytale ending Take my heart, this is the moment I'm moving closer to you I'm moving closer to you Bigla namang pinatay ni Luke ang radyo na ikinagalit ni Mallow. "Luke! Open it, Ang ganda kaya nang message ng kanta! Inch by inch we're moving closer—" "Stop it, Olivia! I cannot concentrate on the road" Mallow just rolled her eyes and flipped her hair at ipinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan kay Crystal. "Wow saan mo to binili Summer? Ang sarap!" tanong ni Mallow habang kumakain kami. "Olivia, si Sunny ang nagluto ng lahat ng ito, masarap ano?" sabi naman ni Tita Mel. "Tita Mallow tumulong po ako sa pagluluto! Masarap po ba Tito Luke?" napatingin kami kay Crystal na nakatingin kay Luke. Waiting for his answer na para bang nasa isa kaming cooking show. "It's delicious" nakangiti naman si Luke kay Crystal. And I felt something weird that tugged my heart. Umalis pa ang anak ko sa kinauupuan niya at tumabi kay Luke, sabay silang kumain at nagkwentuhan na para bang matagal na nilang kilala ang isa't-isa. Natapos kaming kumain at umupo sa sofa, habang nagpapahinga, napansin ko na nakatingin si Mallow sa na naglalarong sina Luke at Crystal. Then she uttered... "Luke, you look like Crystal especially when we were at her age" napasunod ang tingin ko sa dalawang naglalaro sa sahig. Then something twitched on my insides again. Huminga ako ng malalim at pinakatitigan pa silang dalawa. They do. Magkamukha nga silang dalawa. I excused myself and went to the washroom. Imposible naman siguro ang naiisip ko di’ba? Mahina akong napatawa, imposible nga naman. Maybe I'm just paranoid. Imposible naman siguro na si Luke ang ama ni Crystal. Hindi ba? What are the chances and possibilities? Bumalik ako sa salas kung saan abala pa rin sa paglalaro sina Luke at Crystal, lumapit sa akin si Tita Mel at niyakap ako. Tinitigan niya ako sa mata at bakas doon ang lungkot. “Hija, you have to move on” malambing niyang sabi habang hawak pa rin ang aking pisngi. “Alam mong hindi magugustuhan ni James kung patuloy kang mamumuhay ng ganito. Naniniwala akong tahimik at masaya na siya kung nasaan man siya ngayon, sana ikaw din” Pakiramdam ko ay sasabog muli ang aking puso sa sakit, nagtubig ang aking mga mata ngunit pinilit kong huwag maiyak sa kaniyang sinabi. Alam ko, alam ko namang kailangan kong lumakad palusong, pero paano? “I’m still lost, Tita. Isang taon pa lang ang nakakalipas na parang kahapon lang. Hindi po ganoon kadali ang sinsasabi ninyong move on” huminga siya ng malalim, ang kaniyang mga kamay ay bumaba sa aking balikat na para bang sinasabing naiintindihan niya ako. “Moving on doesn’t mean forgetting, Hija. Mahirap rin lalo na sa part kong Nanay niya. But I know, someday both of us will” tipid ko naman siyang nginitian. "Tita, Tito aalis na po kami ni Crystal, isasama ko po siya sa gig ko ngayon, miss na rin siya ni Nathaniel" paalam ko sa mag-asawa. "Of course, Dear. Mabuti na lang at hindi mo binitawan ang pagkanta" sabi naman ni Tito Randy. "You sing? That's awesome! Can we watch?" sabi naman ni Mallow, napasigaw sa tuwa si Crystal, tatanggi sana ako nang— "Magpapahatid tayo kay Luke!" "Get in the car" narinig namin na sinabi ni Luke, tiningnan ko siya sa mga mata at pakiramdam ko ay nakatingin din siya sa loob ng kaluluwa ko. "Tito Luke! Karga mo po ako please" tumakbo si Crystal papunta kay Luke na nakalahad ang mga braso para sa kaniya, agad siyang kinarga ni Luke. "Crystal, baka mapagod si Tito Luke mo kakabuhat sa'yo anak" nakakahiya, kanina pa buhat ni Luke si Crystal at parang close na close sila. "Strong si Tito Luke, hindi siya mapapagod" pagmamalaki pa nito sa akin. At iniwan na nila akong nakatanga sa kanilang dalawa. Wala naman akong magagawa kung gusto man nilang sumama. Pagdating naming sa harap ng resto bar ay pinauwi na ni Mallow si Luke, "Luke, you can now go home or change bars. Magpapasundo na lang kami  sa ibang drivres kapag uuwi na" pagtataboy ni Mallow sa kapatid bago kami bumaba sa kotse. "Tito Luke, di mo po papanuorin si Mama kumanta? Magaling siya kumanta" pangungumbinsi naman ni Crystal habang nasa likod pa kami ng sasakyan. "Talaga? Sige papanuorin ni Tito na kumanta si Mama ok?" napatili si Crystal sa tuwa, habang nakatingin naman sa akin si Luke. Kakaibang tambol ang naramdaman ko sa aking dibdib. Bakit kinakabahan ako dahil manunuod siya? Marami na namang nanunuod sa akin noon. Dapat normal lang ako. Kalma, Summer. Kalma. “Sigurado ka? It will be boring” ika ko naman na hindi niya pinansin. Pumasok kami sa loob ng restaurant at nakapako ang tingin ng lahat sa amin, why not? I just came in together with the three most beautiful person that I've met. Doon ko sila dinala sa table na malapt sa stage para naman makita nila akong kumanta. Ilang sandali pa ay nakita ko si Nathaniel na nakangiti sa akin. Itinaas niya ang kaniyang kamay and quickly made his way to us sa kabila ng maraming tao. "Summer! Akala ko hindi ka makakapunta tonight? I told you it was okay, remember?" ika nito bago ako hinila patayo, he gave me a light hug bago ako hinawakan sa ulo at marahang ginulo ang aking buhok. "Hello, Tito Nate!" tawag sa kaniya ni Crystal. Tumingin sa anak ko si Nathaniel at mukhang noon lang napansin na may kasama pala ako. "Hi princess— oh.. what a surprise, bisita mo sila?" Tanong ni Nathaniel sa akin. I nod. "Pinsan sila ni Daryll" lumamlam ang mata niya sa pagbanggit ko sa pangalan ni Daryll. "I see, panunuorin lang ba nila iyong set mo? I will ask for food. Don't worry, it's on the house since hindi ako nakadalaw kay Daryll kanina" napatingin ako kay Luke na nakakunot na naman ang noo habang nakatingin sa aming dalawa ni Nate. Nakakalong ngayon sa kaniya si Crystal "Summer, c'mon sa backstage?" "Crystal, ikaw na ang bahala sa mga bisita natin ha? Pupunta na sa likod si Mama" kilala na ang anak ko sa restaurant. "Mallow, Luke, I'll leave you for a while" Mallow put her thumbs up on me habang wala namang reaction si Luke. Inalalayan ako ni Nate para hindi kami mahirapan na mapunta sa backstage. "I love you Mama!" sigaw ng anak ko bago ako pumasok sa backstage, I mouthed 'I love you too' at pumalakpak si Crystal. Ilang minuto pa ay tinawag na ako ni Alfie, ang naunang set sa akin, lumabas na ako sa likod ng kurtina matapos dampian ng kaunting make up ni Fannie, ang kaibigan kong bakla na make up artist. Narinig ko naman ang malakas na palakpakan kaya napangiti ako. Umupo ako sa piano na naka-set up sa tabi at tumingin muli sa crowd, napansin ko sina Crystal na kumakaway sa akin, I smiled at her. "Summer" napatingin ako sa isang table na may babaeng nakataas ang kamay "I'm just curious, we're used seeing you wearing light colors, why black for today?" napatingin din sina Mallow sa nagtanong. "Oh that..." Napangiti ako habang nakayuko, isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at nagsalita "... today, exactly one year ago, one of the most important person in my life died" "Noong nawala siya, I also lost myself, my soul, my heart even my sanity" I inhaled "Ayoko na ngang bumalik dito, but this is his last request to me, na kantahan ko daw siya. But before he left, he told me to hold on to my dreams" pinipigilan kong maiyak habang inaalala ang kahapon, kaya naman tumingin ako sa dating inuupuan ni Daryll nung palagi niya akong sinasamahan dito. I smiled, nanonood siya alam ko. "I can never forget what he told me bago niya sabihin na... inaantok na siya, 'I love you Sunny, go on' so this is for you, wherever you are" then I start playing the piano I love to see the ocean's beauty And the moon that shines above Alone in the sand looking at the stars Wishing someday I would find true love Tumingin ako sa audience na nagpupunas ng mga luha, maging kina Mallow... and then I saw Daryll again, product of my imagination, slowly walking paharap sa piano. I followed him hanggang nasa harapan ko na sya and I smile. Would it be nice to see the morning With the one you love the most Would it be nice to say goodnight To the one you hold so close to your heart To your heart. I saw him smiling at me, his perfect smile na sinamahan pa nang pangalumbaba na para bang nagpapa-cute sa'kin, napatawa ako sa aking loob sa inasal niya. The wind that blows the dove Is the wind that blows my love Hope it'll find its way to you wherever you are. I love to sit in fields of green Looking deeply through the sky Watching birds as they fly by Hoping someday fate will bring me true love. My imagination led Daryll beside me, always looking at his best. Would it be nice to hear those words I love you from the one that you love, That you love. I love you Sunny I heard him whisper. I look into his eyes and he smiled again to me, the smile I missed the most. I love to see myself one day in the arms of someone Ngumuso si Daryll pababa ng stage and I.... I saw sadness on Luke's eyes. Who will share her life with me Selflessly… someday… You will find your way… to me… He smiled at me and I felt something different. Nang matapos ang kanta tumayo ako at tumingin sa audience na nagpupunas ng luha, masaya ako hindi dahil napaiyak ko sila kundi dahil naibahagi ko ang isang parte ng buhay ko na matagal ko ring hindi binubuksan. Even Nathaniel is smiling at me on the side of the stage. "Maraming salamat sa lahat ng naka appreciate” I bow my head and walk out, naririnig ko pa rin ang palakpakan ng mga audience sa labas. Pagbaba ko sa backstage ay sinalubong ako nina Mallow at Luke na karga si Crystal. Bigla akong niyakap ng mahigpit ni Mallow and I just tapped her back. "Tito Luke, ang galing kumanta ni Mama ano?" pagmamalaki ni Crystal, napatawa ako samantalang si Mallow naman nagpunas ng luha. "Oo naman, ang galing kumanta ni Mama" nakatingin na naman sa'kin si Luke, nginitian ko siya bilang pasasalamat sa pag-aalaga kay Crystal. Nagpagpasyahan na naming umuwi para naman makapagpahinga ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD