Ang bilis natapos ng unang bahagi ng orientation dahil bukas pa raw iyong karugtong, half day lang ngayon kaya pwede na kaming umuwi. Lutang ang isip ko buong orientation dahil kinakabahan ako at baka biglang susulpot si Sir Kenzo. Sa kanila pa naman ang paaralang ito kaya anytime ay pwede itong pumarito . At medyo kabado rin ako dahil baka napuruhan ko ito. Napalakas pa naman iyong ginawa kong pagtuhod. Pero buhay pa naman ito no'ng iwanan ko pero ayon nga galit na galit. Tatawagan ko na ba si Kiro? Pasundo na ako at baka gulpihin ako ni Sir Kenzo dahil sa ginawa ko. Naku, baka tuluyang mabaog iyon! Paktay na talaga ako nito. "Oy, Kikay. Bakit nawala ka bigla kanina? Tapos late ka pang pumasok sa orientation hall," mapanuring tanong ni Julienne habang nagkaagapay kaming naglakakad

