Mabilis na lumipas ang mga buwan at halos mangalahati na sa project sina Ava. Nagkaroon sila ng minor conflicts sa trabaho dahil sa mga delayed na dating ng materyales ngunit wala namang naging malalang aberya dahil maayos ang naging pamamalakad ni Ava at ng EHB team. Nang mga sumunod na linggo naman ay naging abala na ang buong pamilya ng mga Franco dahil sa kasal nina Eury at Daron. Iginiit ni Amanda na gawing engrande ang kasalan at isapubliko ang seremonyas ngunit tumutol naman ang dalawa, lalong-lalo na si Eury. Mas gusto kasi nitong simpleng kasalan lang. The wedding will be held in Avery Hotel and Resort. Nangako kasi siya kay Eury na sasagutin na niya ang venue para sa reception nito at sisiguraduhing mahigpit ang seguridad para walang makalusot na media dahil lahat ng imbitado

