The next days went smooth for Ava. Kahit hindi maayos ang pakikitungo sa kaniya ng mga kasama niya sa opisina, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon at sinubukan pa rin na maging propesyunal sa kaniyang trabaho. “Baby…” Killian called her while she’s busy brushing her hair in front of the mirror. That was the fourth night he chose to stay with her. Pakiramdam tuloy niya ay balewala lang din ang pag-alis niya sa penthouse ni Killian dahil magkasama pa rin naman silang dalawa. “Hmm?” “When will you see your OB? I want to come with you,” anito habang abala sa harap ng macbook nito. Natigilan siya sa tanong ng kaniyang nobyo. Tiningnan niya ito sa pamamagitan ng salamin na kaharap niya. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang makitang nakatitig ito sa kaniya kahit nakatalikod siya. “Uh, I

