Sunod-sunod ang mahihinang mura ni Killian habang naglalagay ng sunblock sa magkabila niyang balikat. Nagpakawala ulit siya ng mahihinang ungol at mayamaya lang ay narinig na niya ang iritado nitong boses. "What the hell, Ava? I'm just putting sunblock on your shoulders!" ani Killian at huminto na sa ginagawa. Napangisi naman si Ava at kagat-labing tumayo. Inagaw niya ang bote ng sunblock sa kamay ng asawa at pinatalikod naman ito sa kaniya. "Your turn. Take it off, please," masuyo niyang utos dito. Inangat niya ang laylayan ng suot nitong sando nang hindi pa rin ito kumilos. "Fine!" napipilitan nitong sabi. Sa isang galaw lang nitong nahubad na iyon. Tumambad sa kaniya ang magandang hubog ng likod nito. Mukhang naging abala rin nga talaga ito sa gym noong umalis siya. "Are you just

