CHAPTER 74

2095 Words

KINABUKASAN, alas-sais pa lang ng umaga ay gising na silang mag-iina. Naunang magising ang dalawang bata kaya napilitan na rin siyang bumangon. Nag-aalala kasi siya na baka bigla na lang lumabas ang mga ito at mawala sa isla. Samantalang si Killian naman ay mahimbing pa ring natutulog sa kama. Alanganing oras na rin kasi ito natulog kaya inaasahan na niyang tatanghaliin ito ng gising. Nakaligo na at nakapagbihis ang kambal. Inuna niyang asikasuhin ang mga ito bago siya nagpasyang maligo. Hindi na siya nagpahanda ng almusal para sa kanilang tatlo dahil nakapagpa-reserve na raw ng table ang mommy ni Killian. Noong una ay parang ayaw pa niyang maniwala na totoo ang ipinakikita nito sa kaniya pero ngayon, mukhang seryoso na nga yata ang matanda. Ni anino ni Chiara ay hindi niya na rin nakikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD