Chapter 33

2164 Words
Sheila’s Point of View “I WILL make you pregnant...” Matapos sabihin ni Kent ang mga katagang ito, laking-gulat ko na lang nang bigla niyang siilin ng halik ang labi ko. I was stunned in my seat when he kissed me so passionately. Kahit ang katawan ko ay hindi makakilos. My mind doesn’t even process what is happening right now. Bigla-bigla na lang itong nangyayari na kahit ako ay hindi alam kung ano ang gagawin. I already admitted that I love Kent so much. I’ve secretly admired him since the day I was attached to him. Kahit nga ang pagiging martir ay nagawa ko na para lang maging masaya siya. Kasi kapag masaya siya, masaya na rin ako, kahit na minsan ay nasasaktan na rin ako. Pinilit ko ang sarili ko na maging manhid. Pero hindi pala iyon madali. ’Yong halik na ipinaramdam niya sa akin ngayon, ito iyong halik na matagal ko ng inaasam sa buhay ko. Unang tikim ko pa lang sa halik ni Kent, I must say that he is totally a good kisser. D*mn! Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kahit na naka-fully air-conditioned ang kabuuang kuwarto niya ay malagkit na pinagpapawisan pa rin ang buong katawan ko. He started to grab my waist to pull me over on his body. He also started rolling out his tongue inside of my mouth and gently kissed me eagerly afterward. Gusto ko sanang putulin ang nangyayari sa aming dalawa ni Kent but my heart was so fragile as freaking hell. Ang rupok-rupok ko kasi nagpadala ako sa tamis ng halik niyang nakakapang-init ng buong katawan. Pagkatapos niyon ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumasabay na rin sa indak ng sayaw ng pagnanais. Mahal ko kasi siya at gusto kong iparamdam ko kay Kent kung gaano ko siya kamahal kahit na wala namang namamagitang relasyon sa aming dalawa. Nagsimula na rin akong gumalaw sa kinauupuan ko. Mula sa pagkakaupo ay sinubukan kong kumilos upang umupo sa kandungan niya habang patuloy na hinahalikan siya. Nang makaupo ako sa kanyang kandungan, itinigil ni Kent ang paghalik niya sa aking labi at saka niya isinunod na hinalikan ang leeg ko. Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil bigla na lang akong napaungol ng hindi sinasadya sa ginawa niya sa akin. Mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya habang ginagawa niya iyon. Nakakapit ang isa kong kamay sa batok niya habang ang isa naman ay malayang hinahaplos ang buhok niya. Ipinikit ko pa ang mga mata ko upang maramdaman ko ang sarap na gustong-gusto rin ng katawan ko. Maya-maya, naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Kent upang ihiga ako sa kama. When I was lying on the bed, he started to kiss me again on my lips. Dahan-dahan na bumababa iyon patungong leeg hanggang sa makarating ang labi niya malapit sa aking dibdib. Tumigil siya sa kanyang ginagawa ng makitang nakaharang ang suot-suot kong pink na blusa. Off-shoulder ito kaya mabilis niyang hinila ang magkabilang bahagi ng blusa sa aking balikat upang tanggalin ang aking suot. He successfully did what he wanted to do. Naihubad nga niya ang pang-itaas kong damit at ngayon ay nakatambad na ang katawan ko sa harap niya. Muli niyang siniil ang leeg ko. Napapikit na naman ako dahil sa halik niyang iyon, kasunod ang mahina kong pag-ungol. Pero biglang naputol ang nararamdaman kong pagnanasa nang tumigil siya’t napatingin sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit ganoon na lamang siya makatingin sa mukha ko. Matapos niyon, umalis siya sa pagkakapatong niya sa akin at saka siya tahimik na napaupo roon sa kama. Ang lalim ng iniisip niya. Kusa na rin akong kumilos sa pagkakahiga ko sa kama at kaagad na ibinalik sa pagkakasuot ang blouse na hinubad niya. “Kent?” mahinang tawag ko pa sa kanya. Naiilang namang tumingin si Kent sa akin. “I-I’m sorry, Sheila. Sorry for what happened. I realized that it doesn’t help either. Hindi ko kayang gawin ito sa iyo. Ayokong galawin kita. Ayokong sirain ang buhay mo,” paghihingi niya ng tawad. Hindi naman ako nagsalita sa sinabi niya. Hinintay ko na lamang ang kasunod na sasabihin niya. “Sorry kung iyon ang naisip kong paraan para hindi matuloy ang arrange marriage ko. Wala lang talaga ako sa katinuan ngayon na kahit pati iyon ay naisip ko pa. Nadamay pa kita,” dagdag pa niya na ang tinutukoy niya ay ang planong naisip niya kanina. Tumingin pa siya sa akin at nakita ko roon sa mata niya ang sincerity na nagsisisi siya sa nangyari. “Mapapatawad mo ba ako?” Para sa akin, wala siyang naging kasalanan. Alam kong katangahan ang mindset kong ito. Pero mahal ko siya at gusto ko ’yong nangyari sa aming dalawa ni Kent. Parang nakaramdam pa yata ako ng paghihinayang nang maudlot ang nangyari sa aming dalawa ng kaibigan kong ito. Pero tama nga naman siya, hindi nga maganda ang naisip niyang plano dahil baka ako pa ang magiging kawawa. Kahit na nanghihinayang ako sa nangyari, naging masaya naman ako kasi may respeto pa rin si Kent sa akin. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya bago nagsalita. “Wala ’yon. Basta sa susunod, huwag mo ng uulitin. Huwag mo na akong bibiglain. Maliwanag ba?” Dahan-dahan siyang tumango ng ulo bilang kasagutan sa sinabi ko. Tumayo siya at sinabihan niya ako na ihahatid na lang daw niya ako sa labas upang makauwi ako ng maaga. Nasa tapat na ako ng sasakyan nang muli ko siyang kaharapin. “Kent?” “Hmm?” “Tungkol nga pala sa nangyari. Ahmm, I will explain why I kissed you back,” sabi ko. Bigla kasing napadaan sa isipan ko kanina na baka iba ang iisipin ni Kent kapag na-realize niya na sumabay rin ako sa ginawa niyang pagnanais kanina. Gusto ko lang magpaliwanag para mawala na itong guilt na nararamdaman ko ngayon. Hindi kasi ako mapapakali kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoong rason kung bakit ako bumigay kanina. What if I'll tell him the reason why I kissed him back? That I truly love him. “Don’t worry. There’s nothing wrong with what we did. Natural lang sa tao na makaramdam ng lust and you already experienced it a while ago while I’m kissing you. Siguro huwag mo na lang isipin iyong nangyari kanina. Let just clear it in our mind and move on,” sabi ni Kent habang nakatingin siya sa akin. Naroon sa mukha niya ang tipid na ngiti habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang jogger pants. “But… Kent… I have something to tell you,” kinakabahan kong sagot. Nabubulol pa ako pero nakayanan ko namang magsalita ng maayos. Saglit na nawala ang ngiti niyang iyon sa akin. Naging seryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. “What is it?” “S-Sinadya ko talaga na halikan ka ng pabalik dahil…” Mas lalo pa akong kinabahan. Nagtutulak ang puso’t isip ko kung sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo kong nararamdaman. “Dahil?” narinig ko pang tanong ni Kent sa naputol kong salita. Napalunok ako at malalim na bumuntong-hininga. “Dahil… m-mahal kita.” Para akong nakahinga ng maluwag nang ipagtapat ko kay Kent iyon. “Y-Yeah. Mahal mo ako… but as a friend. Katulad ng sinasabi mo noon sa akin, remember?” “Y-Yes. But that’s not what I mean. What I mean is that… I love you… more than just a friend.” Nilakasan ko pa ang loob ko nang sabihin ko iyon. Para akong nabunutan ng tinik nang aminin ko sa kanya ang katotohanan. Masarap pala sa pakiramdam na inilabas mo na sa puso mo ang matagal mo ng kinikimkim. Nakakagaan sa dibdib. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero matapos kong makaramdam ng ginhawa sa dibdib, sakit naman ang naidulot niyon nang marinig ko ang sagot ni Kent. “Nagbibiro ka? Why did you love me? Hindi puwede!” nalilito niyang tugon sa akin. Napansin ko pa ang mukha niya na para bang naguguluhan siya sa sinasabi ko. Pero alam kong na-gets niya ang punto ko. Sa sagot niyang iyon, alam kong hindi niya nagustuhan ang pagtatapat ko sa kanya. Kaya kahit na nagsisimula na akong makaramdam ng sakit sa dibdib, mas pinilit ko pa ring ngumiti sa harapan niya at bawiin ang sinabi ko. “S-Sorry. Kalimutan mo na lang ’yong sinabi ko. N-Nagbibiro lang ako,” nakangiti kong tugon kay Kent at sinabayan ko pa ito ng mahinang pagtawa. Napakamot na lang din ako sa likod ng ulo ko para ipakita sa kanya na nahihibang na ako. Mabilis na akong nagpaalam kay Kent at dali-daling tumalikod na sa kanya upang makaalis na sa lugar na iyon. Mas lalong tumatagal ako sa harapan niya, mas lalo lang akong nasasaktan ng sobra. Kaya mas minabuti ko ng magpaalam sa kanya para hindi niya makita na nasasaktan lang ako. Napatigil naman ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan nang hawakan niya ang isa kong kamay. “Sheila,” tawag pa ni Kent sa akin. Minabuti kong huwag lumingon sa kanya dahil ilang saglit lang ay tutulo na itong luha ko na namumuo na sa gilid ng aking mata. “Y-Yes?” sagot ko pa kay Kent habang hindi nakatingin sa kanya. Hindi ko na naiwasan pang mapiyok kasi naiiyak na talaga ako sa sobrang sakit. “Don’t say it again that you love me… because I don’t love you. Iyan ang totoo. Sorry, Sheila, but I cannot give the love that you want from me. Kaibigan lang ang turing ko at maiaalay ko sa iyo. ’Yong nangyari sa atin kanina, let’s not make it as a big deal. Kalimutan na natin iyon. Nagawa ko lang iyon dahil galit ako sa ama ko. “Pero kahit na kaibigan lang kita, mahal na mahal kita. Kasi hindi ka umaalis sa tabi ko kapag nangangailangan ako. Ayokong masira ang friendship nating dalawa, Sheila. Mga bata pa tayo noon no’ng nagsimula ang pagkakaibigan nating dalawa at ayokong masira iyon ng dahil lang sa nararamdaman mo, kaibhan sa nararamdaman ko rin para sa ’yo. I hope you’ll understand my side. I just love you… as a friend only.” Ouch! Feeling ko talaga na-torture ako sa sinasabi niya. Tama na, Kent! Naiiyak na ako! Gusto ko ng makaalis dito. Sobrang bigat na kasi ng dibdib ko. Parang hindi ko na yata kaya i-handle ang lahat ng sinabi niya. “Sheila, please talk to me,” sabi pa ni Kent nang mapansin niyang hindi ako nagsalita. Muli akong nagpakatatag bago ako humarap sa kanya. Mabuti na lang talaga’t magaling akong magpigil kasi hindi pa tumutulo ang luha ko kahit na gusto na nitong makawala. Nang humarap ako kay Kent, pinilit kong ngumiti. Nanginginig pa ’yong labi ko. Muntikan pa nga akong hindi makapagsalita pero nagawa ko naman iyon. “K-Kent, n-nagbibiro lang ako. Alis na ako.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya sa akin. Mabilis kong hinila ang kamay kong hawak-hawak niya at kaagad na binuksan ang kotse para makapasok. Saktong pagpasok ko sa loob, doon na malayang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Malaya akong umiyak doon at para na akong wala sa sarili habang hinahanap ang susi ng sasakyan doon sa loob ng bag ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang ilagay ko ang susi sa ignition ng sasakyan. Nang buhayin ko ang makina niyon, kaagad ko itong pinaandar. Muntikan ko na ngang mabangga ang guard ng pagbuksan niya ako ng gate. Humingi lang ako ng tawad sa Mamang Guard at kaagad ko ng pinaandar ulit ang sasakyan papalabas ng mansyon nila Kent. Walang tigil ang pag-iyak ko habang nagmamaneho ako. Inilibas ko ’yong sakit sa pag-iiyak kasi iyon lang naman ang magagawa ko ngayon. Ganito pala kapag ni-reject ka ng taong mahal mo. Akala ko ang break up lang ang pinakamasakit pagdating sa buhay pag-ibig. May mas hihigit din pala roon—ang rejection. Sa puntong iyon, hiniling ko na lang sa sarili ko na sana hindi na lang ako umamin kay Kent. Hindi ko naman kasi aakalain na mare-reject ako. Parang naging tanga lang ako sa harapan niya at feeling ko talaga wala na akong mukhang maihaharap sa kanya bukas o kaya sa susunod na araw. Ang tanga ko! Bakit ko pa sinabi sa kanya ang totoo? naiiyak kong sabi sa sarili ko. Pagdating ko sa bahay, pinagbuksan ako ni Papa ng gate. Nang maiparada ko ang sasakyan, mabilis akong bumaba at pumasok sa loob. Narinig ko pa ang pagtawag ni Papa sa akin pero hindi ko siya pinansin. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang ilabas itong nararamdaman kong sakit sa puso ko ngayon. Doon ko na lang inilabas ang lahat ng poot at sakit sa loob ng kuwarto ko. Pagkapasok ko roon, kaagad kong ni-lock ang pinto ng kuwarto at sabay hilata sa malambot kong kama. Tuluyan na nga akong humagulhol sa iyak. Bakit? Bakit ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD