Kent’s Point of View
“BIANCA, don’t leave me please… please…” I barely grabbed her hand and pull over into my body. Hinawakan ko siya ng mahigpit upang hindi siya makatalikod sa akin.
“Kent, I have to,” mahinang sambit ni Bianca—ang kaisa-isang binibining minamahal ng puso ko. Napapansin ko na walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nakatitig ako sa kanya. I tried to cup her face with my right hand so that she can straightly look at me. Para kasi siyang naiilang kapag napapatingin siya sa akin.
“No, we need to talk. Please don’t leave me,” bulong na saad ko sa kanya. Mahigpit ko pa rin siyang hinahawakan upang hindi siya magtangkang umalis sa harapan ko.
“Sorry, Kent, but I really need to go,” pagpupumilit ni Bianca sa akin, at saka niya ako itinulak ng marahas upang makawala siya sa kamay ko. After that, she ran away going out to my room. Mabilis ko siyang sinundan upang habulin, hoping that I could overtake her again.
“No. Please, wait!” sigaw ko na lang nang makalabas ako ng kuwarto.
And all of a sudden, I was stood up in the ground when I realized that she wasn’t there. Para siyang bula na bigla na lang nawala. Ni anino niya ay hindi ko makita sa kahit saan man parte ako bumaling.
Sinubukan kong muli ilinga ang pansin ko sa kabuuan ng mansyon. Nagbabaka-sakali pa rin ako na mahanap ko siya. But something went wrong when the whole mansion was started to change its setting.
Bigla na lang naging itim ang paligid. Wala akong makita sa paligid at kasalukuyang sarili ko na lang ang nakikita ko. I felt like I was in the center of blackness, infinite blackness indeed. Nakaramdam ako ng takot at pangamba. Hindi ko na rin naiwasan pa ang magpawis dahil sa nangyayari sa akin.
Mayamaya, may nakita akong liwanag. Sinundan ko iyon kahit hindi ko alam kung saan iyon galing. Pero nagulat ako ng biglang pagtingin ko sa kaliwa, isang eksena ang bumubuo roon.
May nakita akong babaeng nakahiga. Nababahiran ang ulo nito ng samu’t saring dugo. At kahit hindi pa man ako nakalalapit doon ay alam ko na kung sino iyon. Wala ng iba kundi si Bianca.
Dahan-dahan akong napaatras nang makita ko pa ang isang lalaki na pilit na tinutulungan ang nakatunghay na katawan ni Bianca. Hindi mapagkakailang ako iyon. Iyak ako ng iyak habang gumagawa ako ng paraan upang mabuhay ito.
And I realized, I literally just saw the scene way back one year ago. Ito ’yong araw na kung saan takot na takot akong mawala si Bianca. Takot na takot ako sa mga susunod na mangyayari kapag nawala siya.
Pero kahit ano ang gawin ko, hindi ko na nagawa pang iligtas siya.
I suddenly woke up after having a bad dream. Napatingin ako sa katabi kong lalaking foreigner at nagtataka siyang napatingin din sa akin. Mabuti na lang at hindi ako napasigaw dahil sa panaginip ko.
“Sorry,” I apologized to him at saka ako tumingin sa bintana ng eroplano. Kinuha ang panyo na nasa bulsa ng aking pantalon at pinahid ito sa pawis sa noo ko.
Hindi ko ini-expect na mapapanaginipan ko na naman si Bianca. I always dream of her, at lagi niyang pinapakita sa panaginip ko kung paano siya namatay isang taon na ang nakalilipas.
After I woke up in that nightmare, wala akong ginawa kundi isandal ulit ang ulo ko sa head rest na aking kinauupuan. Nakaramdam ako ng hilo dahil ilang oras na rin akong tulog habang nakasakay ng eroplano.
Papauwi na kasi ako ngayon sa Pilipinas matapos akong ipa-deport ng aking ama sa Amerika noong nakaraang taon.
Ang daming nangyari last year. Sobrang gulo, sobrang hirap. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang bangungot na iyon.
Namatay kasi ang girlfriend kong si Bianca. Her cause of death was unexpected. Gustuhin ko man alisin sa isipan ko ang lahat, hindi ko talaga kaya. Sadyang hinahabol ako ng kunsensya at guilt ko nang dahil sa nangyari sa kanya.
Bianca was my girlfriend. Hindi lang girlfriend ang turing ko sa kanya kundi para ko na rin siyang asawa. Yes, I’ve been attached on her since high school hanggang sa naging college kami. At noong tumuntong kami sa kolehiyo, doon na nga nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.
Her head was beaten up in the street nang minsa’y maaksidente kaming dalawa. Noon kasi ay hilig ko talaga ang magpatakbo ng mabilis ng motorsiklo. Dumating na rin sa point na lagi akong sinasaway ni Bianca dahil sa pagiging pabaya ko sa pagmamaneho ng motorsiklo. Ngunit hindi ko siya sinunod. At doon na nga nangyari ang lahat sa kanya.
Naaksidente kaming dalawa. Himalang nabuhay ako dahil may suot-suot akong helmet. Si Bianca naman ay wala dahil nang gabing iyon ay isa lamang ang dala kong helmet at nakalimutan naman niya ang sa kanya. Ihahatid ko na sana siya papauwi sa kanila nang mangyari nga ang aksidente.
Mabilis ang pangyayari. There was an SUV hit on us. Hindi ko namalayan iyon nang mapadaan kami sa isang crossing street. Malakas ang pagpapatakbo ko, hanggang sa hindi sinasadyang may dumaan din na sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada.
Sa sobrang lakas ng impact sa pagkakabangga, napatalsik kaming dalawa ni Bianca sa motor. I was safe dahil nga sa naka-safety gear ako. Pero huli na ang lahat nang makita ko si Bianca. Napuruhan kasi ang ulo nito dahil sa pagkakabagok sa kalsada, na naging sanhi upang mamatay siya ng ganoon na lang kabilis.
Ginawa ko ang lahat upang mailigtas siya. Paika-ika akong lumapit sa kinahihigaan niya upang subukan ang nais kong gawin. Subalit hindi nagtagal ay binawian na nga siya ng hininga.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang marinig ko ang boses ng piloto na malapit na raw kaming dumating sa NAIA. Until now, I just felt this burning sensation under my chest. Dahil siguro sa kaba at pangamba sa kung ano ang mangyayari kapag nakarating na ako sa Pilipinas matapos ang isang taon na paninirahan sa Amerika.
Hindi ko na rin naiwasan pa ang mag-overthink. May mga taong galit pa kaya sa akin dahil sa nangyari kay Bianca? May nagbago ba sa nakasanayan kong lugar sa isang taon na wala ako sa Pilipinas? I don’t know. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin ako sa mangyayari. And I don’t know how to handle this.
Makalipas ang ilang minuto ay matagumpay na nakalapag sa runway ang eroplanong sinasakyan ko. Sinadya kong magpahuli sa pagbaba dahil ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang nakatitig ako sa kawalan mula sa bintana ng eroplano.
Doon ko hindi namalayan na ako na lang pala ang tao sa loob ng eroplano ng biglang may isang stewardess ang lumapit sa akin.
“Sir, are you okay?” tanong niya sa akin in a polite way. I knew that she was intended to ask me kung may balak pa ba akong umalis. Hindi ko siya sinagot at napailing na lang.
Kinuha ko ’yong maliit na bag ko na nasa loob ng lagayan ng mga maliliit na bag sa itaas, at saka ako umalis sa eroplanong iyon na wala man lang salita.
Mayamaya ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas na ng airport. Mabilis kong kinuha at tiningnan ang hawak-hawak kong cell phone, at napansin ko na may text message akong hindi ko pa nababasa.
It’s her. Nang makita ko ang pangalan niya sa screen, napairap ako dahil sa inis. Binasa ko pa rin ang text niya kahit papaano.
“Anak, susunduin ka pala ng driver na kinuha ng daddy mo. Siya na ang magiging driver mo dahil hindi ka na puwedeng mag-motor, as what your father said.”
Napasagitsit ako. Ang lakas naman ng apog niyang tawagin akong anak! Napailing ako’t sinubukan kong replayan ang text ng aking stepmother na si Olivia.
“Don’t call me son. You’re not my mother, Olivia.” At saka ko inilagay sa bulsa sa suot-suot kong jeans ang cell phone na hawak ko.
Sakto naman nang biglang may huminto na itim na sasakyan sa harapan ko. Bumaba roon ang isang lalaki na medyo may katabaan at may manipis na bigote sa baba. Mahaba-haba rin ang itim at kulot nitong buhok na naka-pony tail upang maging maayos tingnan.
“Pasok na po kayo, Sir,” the guy said to me while he was smiling.
“Who are you?” masungit kong tanong sa lalaki. I’m not in the mood to talk.
“Ah, ako nga po pala si Robe Micheal Divina. Robe na lang po for short.” Nakita ko kung paano niya iniabot ang kanan niyang kamay sa akin upang makipag-kamay. “Ako po ’yong bagong driver na kinuha ni Sir Shan upang sunduin ka… at personal driver niyo na rin po ako kung tutuusin.”
So totoo nga na may personal driver ako. What the heck! Naiinis kong sabat sa aking sarili. Hindi ko inaasahan iyon. Pakiramdam ko ay parang nawalan ng trust ang mga tao sa akin, to think na nagkaroon na ako ng personal driver dahil sa ayaw na nila akong pagmotor-in.
Hindi ko kinamayan si Robe. Hinubad ko ang maliit na bag na nakasabit sa balikat ko upang ibigay sa kanya. Iyon ang inabot ko sa kamay ni Robe na nananatiling nakalahad sa akin. At saka ako naglakad upang makapasok na sa passenger seat ng sasakyan.
“Take my bag into the trunk. Bilisan mo at may pupuntahan pa tayo,” utos ko kay Robe at hinayaan ko na siya roon.
“Yes po, Sir.” At ginawa naman niya ang pinag-uutos ko sa kanya. Napansin ko pa kung paano siya nahihirapang buhatin ’yong maleta ko. But who cares. He’s just my personal driver anyway.
Matapos ilagay ni Robe ang dala-dala kong maleta sa likuran ng sasakyan, hingal na hingal naman siyang pumasok sa loob, doon sa driver seat. Tumingin pa siya sa akin at nagsalita.
“Tara na po, Sir?”
“Take me to the Memorial Park. May dadalawin lang ako.”
“Ahm, Sir.” Napakamot pa ng ulo si Robe. “Utos po kasi ni Sir Shan na dumaretso na po tayo sa mansyon.”
“I said take me there,” malamig kong pagmamatigas pa kay Robe. Hindi na rin siya nakatiis sa pagiging suplado ko at para siyang tupa na sumunod na lang sa sinabi ko.
“Yes, Sir. Masusunod po,” sabi pa niya na may tikhim sa huli.
At makalipas ang ilang minuto, tinatahak na namin ang kalsada papunta sa lugar na kung saan naninimlay ang labi ng aking minamahal na si Bianca.