Kent’s Point of View
MATAPOS naming ihatid si Monica sa tinitirhan nitong boarding house, napagdesisyon ko ng umuwi sa mansyon. Mabilis kong inutusan si Robe na bilisan ang pagmamaneho upang mabilis din kaming makauwi.
But along the way to the subdivision, bigla na lang tumirik ang sasakyan namin sa hindi inaasahang pangyayari. Isang malakas na pagsabog sa likuran ang narinig ko. Kasunod niyon ay ang pagbulasok ng mga bala ng baril sa sasakyan ang siya ring naging dahilan upang mapada ako sa sahig ng kotse. Ganoon din ang ginawa ni Robe nang sumigaw siyang dumapa raw ako dahil sa nangyayari.
Doon ko napagtanto na pinaulanan na pala kami ng mga bala ng baril ng mga taong hindi ko na nakita pa matapos ang lahat.
Mabuti na lang walang masamang nangyari sa akin dahil mabilis akong nakadapa. Pero umusbong ang pag-aalala sa mukha ko nang makita ko na natamaan ng bala sa balikat at likod si Robe dahil sa pagprotekta niya sa akin. Nang tingnan ko siya, nakita ko na nagdurugo na ang bahagi ng katawan niyang natamaan.
Nagkaroon na rin ng kumusyon sa lugar na iyon matapos ang pangyayari. Kaagad akong humingi ng tulong sa mga taong nakikiisyuso roon na tumawag ng ambulansya upang madala kaagad si Robe sa hospital. Meron namang tumugon sa tulong ko. Kaya makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang ambulansya na maghahatid kay Robe sa hospital.
Mabilis na lumipad ang masamang balitang ito sa mansyon. Nalaman kaagad ng ama ko at ni Olivia ang balita kaya ora-mismong pumunta kaagad sila rito sa lugar ng aksidente.
Kasalukuyang kausap ko ang mga police nang lumapit si Shan at Olivia sa akin. Nakita ko sa mukha ni Olivia kung gaano siya nag-aalala habang kalma lamang ang ipinapakitang mukha ni Shan sa akin.
“What happened?” tanong kaagad ng ama ko kaya naputol ang pakikipag-usap ko sa police. Binalinga ko siya at sinagot.
“I don’t know. We got ambushed. We don’t know who’s behind of this,” ani ko.
“Okay ka lang ba, anak? Wala bang masakit sa iyo? Sobra akong nag-alala nang malaman ko ang balitang nangyari sa inyo ni Robe,” sabat naman ni Olivia nang makalapit siya sa akin. Hinawakan pa niya ang pisngi ko as a sign that she was concerned with me.
Pero kaagad kong binaklas ang kamay niya sa pisngi ko kasi ayokong gawin niya iyon. Hindi ko siya sinagot, muli kong kinaharap ang kausap kong pulis upang iwasan ang tingin niya. Matigas pa rin talaga ang puso ko sa stepmother kong ito.
“How’s your driver?” narinig ko na lang na tanong ni Shan. Nasa tono rin nito ang pag-aalala.
“He’s been shot. But you don’t have to worry dahil kaagad na siyang sinugod sa hospital.”
“Thank God,” narinig ko na lang na sambit ni Olivia habang nakadaop ang dalawang kamay niya.
Sinabihan na lang kami ng pulis na magpapatuloy na lang raw sila sa pagi-imbestiga sa susunod na araw kung sino ang puno’t dulo ng pang-aambush nito sa amin. Magbibigay na lang daw sila ng report next week sa kanilang makukuhang impormasyon.
Sinabihan lang din kami ng mga ito na laging mag-ingat dahil ang ganitong pang-aambush daw ay nangyayari sa mga taong may atraso raw sa biktima. Baka raw ang gumawa nito ay may galit sa akin o sa pamilya ko. Istilo raw ito ng pananakot. Kaya kailangan daw mas mahigpit ang sekyuridad ng bawat pamilya.
Sa totoo lang, medyo natakot ako kanina. Hindi ko lang ipinakita na natatakot ako dahil malakas ang kutob ko na alam ko na kung sino ang may kagagawan nito kahit pa na wala pang pruweba ang mga pulis.
Hindi ko rin alam kung tama ba ang iniisip ko, na marahil ang pamilya ni Bianca ang nasa likod ng pang-aambush na ito.
Sa pagkakaalam ko kasi, matapos ang aksidenteng nangyari sa amin ni Bianca noong nakaraang taon, ang pamilya lang nito ang may galit sa akin. Isinisisi kasi nila na ako raw ang may kasalanan kung bakit namatay si Bianca. Hinayaan ko raw siya, kahit na aksidente talaga ’yong nangyari.
Pagbabayaran ko raw ang naging kasalanan ko sa kanila balang-araw, iyon ang huling salitang binitawan ng ama ni Bianca sa akin bago ako umalis ng Pilipinas.
Business partners din kasi ang ama ni Bianca at ang ama ko na si Shan. Dahil nga sa nangyari, nagkalabuan ang partnership nilang dalawa. Naging issue iyon sa buong Pilipinas. Iyon ang dahilan kaya ako pina-migrate ng ama ko sa ibang bansa upang makaiwas sa issue.
Tatlong buwan matapos ang pagkamatay ni Bianca, nabalitaan ko na lang na nag-migrate na rin sa Singapore ang buong pamilya nito. Wala na rin akong naging koneksyon sa mga ito kasi nga nasa Amerika rin ako.
Ibig sabihin niyan, malakas ang kutob ko na sila ang nasa likod ng pang-aambush na ito. Ibig sabihin niyan ay nakauwi na rin sila sa Pilipinas. At mukhang pagbabayaran ko na yata ang kasalanan ko sa kanila.
Nakahanda naman ako sa mangyayari.
NAKAUWI naman kaming tatlo nina Shan at Olivia sa mansyon, kasama ang isa pa naming driver na si Mang Tony. May ka-edaran na si Mang Tony. Matagal na itong naninilbihan bilang personal driver ng ama kong si Shan.
Pero kahit matanda na ito, kaya pa rin nitong magmaneho ng sasakyan. Hindi naman mapaalis ng ama ko sa pagiging driver si Mang Tony dahil nga nangangailan ito ng trabaho. Dalawa kasi ang asawa kaya kailangan nitong magpursige upang tustusan ang dalawa niyang pamilya.
“Get rest. We will talk later,” iyon na lamang ang huling sinabi ni Shan sa akin nang makababa na ito ng sasakyan. Sumunod naman sa kanya si Olivia habang ako ay nagpaiwan lang sa labas.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina, kung bakit nangyari iyon? Kung bakit nagawa ng hindi pa kinikilalang tao na mang-ambush sa sinasakyan kong kotse? Hanggang ngayon ay naroon pa rin talaga ang kutob ko na ang pamilya ni Bianca ang puno’t dulo nitong lahat.
Kung sila ay hindi nila ako kayang patawarin sa nagawa kong kasalanan sa kanila, hindi ko rin sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin, lalo na kung may madadamay sa pamilya ko. Gagawin ko talaga ang lahat para matapos ito.
Naputol na lamang ang pag-iisip ko roon nang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa, doon sa suot-suot kong jeans. Nakita ko na si Sheila ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot.
“Kent? Ikaw ba ’to!?” sigaw na bungad niya sa akin sa kabilang linya.
“Yes. Ako nga. Why did you call?”
“Thank goodness. Akala ko may masamang nangyari sa iyo. I just saw the news lately. Na-ambush daw ang sasakyan mo. Is that true?”
Hindi na ako magugulat pa kung mababalitaan na iyon ni Sheila dahil laman din kami minsan ng mga balita sa local TV. Kaya ganoon na lang din ang limitasyon ng galaw ko kapag nasa labas ako, specifically sa SJU.
Tumango ako ng ulo kahit hindi niya nakikita. “Oo and I’m fine. Walang nangyaring masama sa akin. Why did you call by the way?”
“Bawal na ba akong tumawag sa iyo para mangamusta? Gusto lang kitang i-check kung nasa tamang kalagayan ka ngayon. But since you’re alright, hindi na ako magpapanic dito sa bahay kung okay ka lang o hindi,” sabi pa niya sa kabilang linya. “By the way, may niluluto akong ulam. Puwede kitang dalhan diyan sa inyo kung gusto mo. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapagluto para ipatikim sa iyo ang mga niluluto ko. Katulad ng dati, ’di ba?”
Oo nga pala. Bukod sa pagta-taekwondo, mahilig din si Sheila sa pagluluto ng mga pagkain. Noon pa man ay laging ako ang unang nakakatikim ng mga niluluto niya. At hindi na ako magsisinungaling pa dahil masarap talagang magluto si Sheila. Unang tikim ko pa lang sa unang niluto niyang ulam ay nasarapan na kaagad ako kaya noon pa man ay may araw kami na tumatambay sa bahay ng papa niya upang ipagluto niya ako ng ulam. Minsan nga ay kasama si Bianca.
Bigla yata akong natakam sa ulam na niluluto niya ngayon kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa na pumayag na pumunta siya rito sa mansyon upang pagsaluhan ang niluto niyang ulam para sa akin. Ang tagal na no’ng huling tikim ko sa nilutong pagkain niya dati. Gusto ko ulit matikman ang niluluto niya ngayon.
“Sure. You can. Pero hindi kita masusundo dahil… alam mo na… I’m still on grounded. Hindi pa rin ako pinagda-drive ni Daddy ng motor.”
“No worries. Magko-commute na lang ako kasi ginamit ni Papa ’yong sasakyan. Malapit lang din naman ang sa inyo kaya mabilis akong makakarating diyan kahit maglakad pa ako. Ay teka Kent. Kailangan ko ng putulin ang tawag ko sa iyo kasi mukhang dumating na si Papa. Saktong-sakto, magpapaalam pa ako. Tatawag na lang ako ulit kapag nakarating na ako diyan.”
“Okay. See you.”
Matapos naming magpaalam sa isa’t isa, napag-isipan ko na rin na pumasok sa loob dahil kailangan ko pang magpalit ng damit. Pagpasok ko kaagad sa mansyon, bumungad sa akin ang kapatid kong si Kenji na nakikipagtalo sa yaya nito doon sa malaking sala.
“No! I don’t like you to teach me this. Hindi ka po marunong, Yaya Elma!” narinig kong pagrereklamo ni Kenji habang nakikipagsagutan nga ito sa yaya niya.
Narinig kong nagsalita si Yaya Elma sa stepbrother ko. Nagpapaliwanag pa ito na pati siya ay hindi niya maintindihan ang gusto ni Kenji. Mukhang nagtatalo yata ang dalawa sa homework ng kapatid ko. Kaya hindi ko na napigilan pang sawayin si Kenji dahil sa pakikipagsabatan nito sa yaya niya, lalo na’t matanda ito.
“Kenji!” sigaw ko sa kapatid ko upang sawayin siya no’ng sasagutin niya ulit sana si Yaya Elma. “What are you doing?”
“Eh, Kuya Kent, Yaya Elma doesn’t know how to solve Math. I always told her to teach me this stuff but she doesn’t know,” sumbong pa ni Kenji sa akin.
“Eh, Sir, wala naman po talaga akong alam sa ganito. Hindi nga po ako nakapag-aral. Hanggang Grade 2 lang po ako. Kaya hindi ko po matutulungan ang kapatid niyo po, Sir,” sumbong naman sa akin ni Yaya Elma.
Sinabihan ko na lang si Yaya Elma na ako na ang bahalang kumausap sa kapatid kong ito. Papagalitan ko lang kasi ayoko ’yong ginawa niyang paninigaw kanina sa yaya niya. Kahit na ayoko kay Kenji, gusto kong lumaki ito na may galang sa nakakatanda. Iyan ang turo sa akin ng totoo kong ina na si Mama Jennifer. Dapat daw may galang ako sa nakakatanda.
Nang umalis si Yaya Elma sa sala, hinawakan ko si Kenji sa magkabilang balikat niya at pinanlisikan ko siya ng dalawa kong mata. Saka ko siya pinagpapalo sa puwit niya upang bigyan siya ng leksyon. Kasunod naman niyon ay ang pag-iyak niya ng malakas.
“Don’t do that again, ah! You have to respect your yaya. Do you understand?”
“Sorry, Kuya!” sabi pa niya sa akin habang umiiyak siya sa harapan ko. Hindi ko pa rin binibitawan ang isa niyang balikat habang ang isang kamay ko naman ay pinapalo ko sa puwit niya.
Nakita naman iyon ng stepmother kong si Olivia na kakababa lang galing sa taas. Lumapit ito sa aming dalawa kaya mabilis nitong kinuha si Kenji sa akin.
“Hey! Ano’ng nangyayari rito?” saway ni Olivia sa akin saka niya tiningnan ang anak niya kung okay lang ba ito.
“’Yang anak mo. Walang respeto sa yaya niya. Sinisigawan niya dahil lang sa hindi magawa ng yaya niya ang home works niya. Pagsabihan mo ’yang anak mo. Turuan mo ng magandang asal.”
“Sige. Ako na bahala sa anak ko. Pero puwede ba, Kent! ’Wag mong pagbuhatan ng kamay ang kapatid mo. At saka ikaw rin. Matuto ka ring rumespeto, lalo na sa akin,” sagot naman ni Olivia at saka siya napaupo sa sofa upang mapantayan niya ang anak na patuloy pa ring umiiyak. Pinapatahan niya ito.
Napatigil tuloy ako sa sinabi ni Olivia sa akin. Natamaan ang ego ko. Naikuyom ko bigla ang kaliwang kong kamao dahil sa inis sa sinabi niya. Mabuti na lang at napigilan ko ang galit ko sa stepmother kong ito. Dahil kung hindi, baka pinagbuhatan ko na rin ng kamay itong kabit ng ama ko.
Napailing na lang ako at naisip na umakyat na sa taas. Padabog akong umakyat sa hagdanan at malakas ko ring isinara ang pinto ng kuwarto ko. Doon ko inilabas ang galit ko kay Olivia. Kahit kailan ay ayoko talaga sa babaeng iyon! Nakakainis siya!