Monica’s Point of View
“JOHN!? Uy! Teka lang! Ang bilis mo maglakad! John!” saway ko dahil hindi ko na kaya ’yong pagkakaladkad niya sa akin. Kahit ano’ng gawin kong pagpigil sa kanya, ayaw niyang makinig sa akin. Bingi yata ’tong kumag na ’to!
“John!” Dahil sa inis ko, malakas na piniglas ko ang kamay ko na hawak niya at saka kami tumigil sa paglalakad. Humarap siya sa ’kin pagkatapos. “Ikaw, ah! Ano ba ang problema mo? Kinakaladkad mo na ako,” nakabunsangot ang mukha kong reklamo sa kanya.
Hindi siya nagsalita bagkus bumuntong-hininga lang siya. Ni hindi nga rin niya maibaling ang mata niya sa akin. Naiilang yata siya. Ano kaya ang problema ng kumag na ’to?
“Okay ka lang? Ayaw mo kasing makinig sa akin, eh,” sabi ko pa habang hinihilot ko ang palapulsuhan ko dahil sa pagkakahawak ng mahigpit ni John.
Muli, wala akong narinig na salita galing sa kanya. Kitang-kita ko sa reaksyon ng mukha niya ang inis. Naiinis siya saan?
“Uy! Para kang tanga diyan. Sabihin mo nga sa akin kung bakit bad mood ’yang mukha mo. Hindi bagay sa iyo. Promise,” tugon ko pa na ikinanguso ko.
“’Di ba sabi ko sa iyo ’wag kang titingin sa ibang lalaki.” Iyon ang sagot niya saka siya napatingin sa akin. Seryoso siya sa lagay na ito. Hindi siya nagbibiro.
Bigla rin akong napaisip sa sinabi niya. Naalala ko ’yong nangyari kanina no’ng makita ko si Kent doon sa school ground. Iyon ba ang tinutukoy niya? Napangiwi ako kasi sa tono pa lang ng boses niya ay parang nagseselos siya.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko pa at baka nagbibiro lang siya.
“Mukha ba akong nagbibiro,” medyo tumataas na ang boses niya ng sabihin niya ito sa akin.
“Ikaw talaga, John, hindi talaga kita maintindihan minsan. Wala namang masama kung titingin ako sa mga lalaki kasi may mata ako. Sa inaakto mo rin, para kang nagseselos d’yan.”
“Hindi ako nagseselos. Pinagsasabihan lang kita kasi gusto ko na mag-focus ka kung bakit tayo nandito. Nangako ako sa magulang mo na babantayan kita. Ginagawa ko lang ang utos nila sa akin.”
“Nagdadahilan ka pa,” naiinis kong sagot sa kanya. Wala na akong ibang binigkas pa na salita dahil naisip ko na ayoko ng makipagtalo kay John. Nawawala ang good mood ko lalo na’t first day of school ngayon.
“Hindi rin ako nagdadahilan. Iyon ang totoo. Seryoso ako sa sinasabi ko. ’Wag kang titingin sa mga lalaki rito. ’Wag kang mahuhulog sa mga tingin nila dahil—”
Napakunot ako nang biglang naputol ang sasabihin niya sa akin. Napatigil kasi siya at hindi niya masabi ang kasunod na sasabihin. Kaya nagsalita na ako.
“Dahil?”
Doon na inalis na John ang tingin niya sa akin at saka niya ibinaling sa kawalan ’yong tingin niya. “Wala. Balewalain mo na lang ’yong sinabi ko.”
Napailing ulit ako kasi malabo siyang kausap. “Ewan ko sa iyo. Para kang tanga diyan. Mauna na ako. Mamaya na tayo mag-usap kapag malamig na ang ulo mo. Nakaka-badtrip ka minsan.”
Pagkasabi kong ’yon, iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Mabilis lang akong naglakad at hindi na siya pinansin pa. Naiinis lang ako kapag magsasalita siya.
Bahala nga siya diyan!
Kent’s Point of View
“Sir Kent, susunduin ko na lang po kayo mamayang hapon,” sabi ni Robe sa akin nang makababa ako ng sasakyan. Hindi ko siya pinansin dahil biglang naituon ng mata ko ang isang babaeng malayong nakatingin din sa akin.
I know her. Siya ’yong babae roon sa palengke. ’Yong nabiktima ng snatcher. I didn’t know that she will going to study here also. What a small world.
Wala akong salitang ibinata kay Robe. Kaagad na akong sa kinatatayuan ko papasok sa building ng university dahil may kailangan pa akong aasikasuhin na papel.
First year college ako ng mag-aral ako rito sa St. Joseph University. Hindi pa natatapos ang first semester no’n ay natigil ako sa pag-aaral ng dahil nga sa nangyari kay Bianca.
After that, I remember that my dad forced me to deport in America. Pinilit din niya ako na doon na rin mag-aral pero hindi ko sinunod ang gusto niya kasi hindi maalis-alis sa isip ko ang mga nangyari sa akin noon. Wala ako sa sarili ko dahil lagi akong hinahabol ng kunsensya ko. Nawala rin ang interest ko sa pag-aaral.
Kaya, heto, balik sa dati na naman ako. First year college na naman ako rito sa SJU. Iyon nga lang, iba na ang kinukuha kong kurso. Business Management na ang kinukuha ko at hindi na Computer Science.
Pagkarating ko sa isang building, napatigil ako ng biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa sa suot kong jeans at tiningnan kung sino ang nag-text.
Si Sheila, wala ng iba.
“Good luck sa first day of school mo.”
Naalala ko bigla ’yong nangyari sa aming dalawa ni Sheila habang nagpapractice kami ng Taekwondo. Inaasar niya ako kaya pinatikim ko sa kanya kung paano ako maasar. Tinakot ko lang siya na hahalikan ko siya kapag hindi siya tumigil.
Pagkatapos no’n, hindi na niya ako inasar. Natahimik lang siya at wala ng ibang salita na ibinato sa akin. Dinadamay niya kasi si Bianca. Ayoko ’yong ginawa niya.
Nagsimula akong mag-reply sa text ni Bianca. Biglang naputol iyon ng may tumalon sa likuran ko’t inakbayan ako bigla.
“Broooooo!!!!!” sabi pa no’ng umakbay sa akin habang malakas siyang tumatawa. Sa sobrang lakas pa lang ng tawa niya, hindi ko na maipagkakaila na si Dave ang umakbay sa akin. Kilalang-kilala ko na siya dahil sa lakas ng boses niya. Maingay kasi siyang tao, eh.
“I miss youuuuuu!!” dagdag pa niyang sabi sa akin habang iniipit niya sa kili-kili niya ang ulo ko.
“Aray! What the heck!? My shirt!” saway ko kay Dave. Naiinis ako sa ginagawa niya. Binitawan niya ako at hindi man lang niya napansin na naiinis ako sa ginawa niya. Tumawa lang siya roon.
“Mas importante pa pala ’yang damit mo kaysa sa akin, ah!” pang-aasar pa niya. Aakto pa nga siyang aakbayin niya ulit ako pero binantaan ko na siya.
“Sige. Subukan mo. At makakatikim ka ng sipa sa akin,” nakatirik ang mata kong pagbabanta kay Dave. Wala na siyang ginawa roon kundi tumawa na lang.
“Ito naman! ’Di mabiro,” sabi na lang niya habang pakamot-kamot siya sa likuran ng kanyang ulo. “Isang taon tayong hindi nagkita tapos bad trip ka pa diyan.”
“Hindi nakakatawa ang ginawa mo. You ruined my shirt!” pag-angal ko pa sa kanya kasi ayoko talagang nagugusot ang damit ko.
“Sa bagay, may karapatan kang magreklamo dahil anak ka lang naman ng isang mayamang business man ng Pilipinas. Sige, hindi ako aangal,” ani pa ni Dave habang nakataas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na siya.
Siya nga pala si Dave Harvey Gonzales. Dave for short. Remember him? Siya ’yong kaibigan ko mula high school hanggang college. At pinsan nga pala siya ni Sheila.
Bukod kay Sheila na itinuturing kong matalik na kaibigan, ganoon din si Dave sa akin. Lahat ng mga pangyayaring naganap sa buhay ko noon ay alam niya. Maayos at mabait siyang tao. Palabiro at maingay. Pero kahit ganiyan iyan, I truly trusted him because he always values our friendship magpahanggang-ngayon.
Maingay nga lang.
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya kasi itinuon ko muli ang tingin ko sa hawak kong cell phone. Nagpatuloy ako sa pagtipa na maire-reply kay Sheila bago ko siya hinarap ulit.
“Sino ka-text mo?” tanong ni Dave sa akin.
“Pinsan mo,” sagot ko naman at hindi na siya nagtanong pa. Instead, he smiled at me like he was caught something fishy.
“She truly missed you. Lagi kang bukang bibig sa akin ni Sheila nitong nakaraang bakasyon,” tugon ni Dave sa akin habang hindi nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.
“Hindi ka na nasanay kay Sheila. She treated me like her brother. Natural lang siguro sa pinsan mo na ibukang bibig niya ako. She cares for me more than you,” pang-aasar ko kay Dave.
“I disagree. Hindi na normal ang pagbubukang-bibig ni Sheila sa iyo, Bro. No’ng nasa Amerika ka, she tried to connect with you dahil sobrang nag-aalala siya sa kalagayan mo roon. Ilang beses ka niyang tinatawagan o china-chat sa Messenger mo but you disabled your account. Hindi ka niya ma-reach, and even me. I always told her that you are fine pero nago-overthink pa rin siya dahil sa iyo. ’Yon ba ang sinasabi mong normal, Bro?”
I hissed. Saka ko sinend ang reply ko kay Sheila. Ibinalik ko sa bulsa ko ang cell phone saka ako tumingin muli kay Dave upang sagutin ang sinabi niya sa akin.
“At ano naman ang ibig mong sabihin, ah?”
“Well, dahil magkababata naman kayo ni Sheila noon pa man—nahuli nga lang tayong naging magkaibigan dahil high school tayo unang nagkakilala—masasabi ko na may gusto si Sheila sa iyo, Bro.”
Mas lumakas pa yata ang pagsagitsit ko nang dahil sa sinabi ni Dave sa akin. Imposible ang sinasabi niya. I didn’t find her that she has affection to me. Si Sheila nga itong malakas kung makapang-asar. Ganoon ba siya kung magmahal?
“Don’t say that. Walang gusto sa akin si Sheila. Lalo na rin ako. Kaibigan lang ang turing niya sa akin, at ganoon din ako sa kanya.”
“Bakit, Bro? No offense, ah. Just tell me the truth. Si Bianca pa rin ba?” tanong ni Dave sa akin na sadyang ikinatigil ko sa aking kinatatayuan.
Pumasok na naman sa isip ko si Bianca. Bakit ba lagi nilang sinusumbat sa akin si Bianca? Gustuhin ko man na kalimutan ang lahat, paano ko magagawa iyon kung lagi rin nilang bukang-bibig ito? Nagi-guilty lang ako kapag naaalala ko ang lahat.
Nilakasan ko na lang ang loob ko kahit na ayokong pag-usapan ang nakaraan. Tumango ako kay Dave bilang sagot. “Yes. Siya pa rin. Hindi magbabago.”
Tinapik niya ako sa balikat. “Kung iniisip mo na kasalanan mo ang nangyari kay Bianca, ’wag mong sisihin ang sarili mo, Bro. Aksidente ang nangyari sa inyo ni Bianca. Wala kang kasalanan,” pagko-comfort niya. Nakatulong naman iyon sa akin para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko. “Saka hindi rin kita masisisi dahil kitang-kita ko na minahal mo ng sobra si Bianca. Muntikan mo na nga siyang pakasalan, ’di ba?
Napangiti tuloy ako sa sinabi ni Dave. Totoo ’yong sinabi niya. Muntikan ko na ngang pakasalan si Bianca noon pero hindi natuloy dahil mga teenagers pa kami ng mga panahon na iyon.
Plano sana namin na magpapakasal kami kapag grumaduate kami ng college. At hindi na mangyayari iyon kasi wala na siya. Nakakalungkot lang at sobrang sakit sa dibdib na isiping wala na siya.
Sobra ko talagang mahal si Bianca at nami-miss ko na siya. Dahil sa pangungulila ko sa kanya, hindi ko namalayan na may tumutulo na pala na luha sa pisngi ko. Kaagad ko itong pinahid kasi ayokong magpaapekto. Iniba ko na lang ang usapan namin ni Dave para hindi na ako madala sa emosyon na nararamdaman ko.
“Wait? Have you seen Larry?”
“Hmp. Si Larry ba kamo?” tanong ni Dave pagkatapos ay ngumuso siya sa likuran ko. “Sino ’yang mukhang santo ang mukha?”
Pagbaling ko sa likod, nakita ko roon si Larry na naglalakad papalapit sa kinatatayuan naming dalawa ni Dave. Sakbit-sakbit sa balikat nito ang bag habang poker face ang mukha nito.
Sa loob ng isang taon, wala pa ring nagbabago sa pagkakaibigan naming tatlo. Ganoon pa rin sila, lalong-lalo na si Larry.
“Kent, pinapatawag ka ni daddy sa office niya. He has something important to tell you,” iyon ang bungad ni Larry sa akin ng makalapit siya sa aming dalawa ni Dave.
“What is it?” nagtataka kong tanong.
He shrugged his shoulder. “I don’t know,” sagot niya sa akin at saka niya kami iniwan ni Dave.
“Hoy! Saan ka pupunta!?” narinig ko pang sigaw ni Dave kay Larry.
“Library,” sabi ni Larry habang patuloy lang itong naglalakad papalayo sa aming dalawa.
“Library?” Malakas na napasagitsit tuloy si Dave dahil sa inaakto ni Larry. “T*ngnang ’yan! First day of school, pupunta na kaagad sa library,” pagrereklamo pa niya.
“Hindi ka pa nasanay,” nasabi ko na lang saka ko tinapik sa balikat si Dave bago ako umalis sa kinatatayuan ko. Iniwan ko na siya roon dahil may pupuntahan pa ako.