Chapter 23

1927 Words
Kent’s Point of View MABILIS akong pumasok sa Office ng Dean of Student ng SJU—si Dr. Roberto Sebastian. Ama siya ni Larry na kaibigan ko. Pumunta ako rito dahil sabi ni Larry ay may kailangan daw ang Dean of Student sa ’kin. Hindi ko alam kung ano iyon. Pinapasok naman ako ng isa sa mga staff na naroon. Pinadaretso niya ako sa pinaka-main office ni Dr. Roberto. Kumatok muna ako bago pumasok. “Ah, Kent. Come in,” sabi ni Dr. Roberto sa akin nang ituon niya ang tingin niya sa pinto nang makapasok ako. Nakita kong inilahad pa niya ang kamay niya roon sa katabing upuan para paupuin niya ako. Ginawa ko naman ang utos niya. “Why did you summoned me?” daretsahan kong tanong kay Dr. Roberto nang makaupo ako. Alam kong napakabastos ng approach ko sa kanya pero hindi na iyon bago sa akin dahil isa si Dr. Roberto na matagal na kakilala ng pamilya namin. At malakas ang kutob ko na hindi ko magugustuhan ang tukoy niya sa akin. “I just want to make sure that you are here. May usapan kami ng Daddy Shan mo and I think you know the drill already,” sabi ni Dr. Roberto sa akin. Pormal na humarap siya sa kinauupuan ko matapos niyang ayusin ang mga nakakalat na papel sa table niya. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Dr. Roberto. Instead, I tried to avoid his gazed kasi nakakaramdam ako ng sama ng loob ng mga oras na iyon. Hindi dahil kay Dr. Roberto, kundi dahil kay Daddy. Sabi ko na nga ba, naiinis kong tugon sa sarili ko. “We will monitor your grades, Kent. Kailangan mong mag-focus sa pag-aaral. Balita ko ay hindi ka raw nagpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa. You disobeyed your father. Hindi kita masisisi kasi sa pinagdaanan mo pa lang noong nakaraang taon, alam ko na hindi ka makaka-focus sa pag-aaral. Well, dahil nandito ka na rin naman sa SJU mag-aaral ulit, we will make sure that you will do your job as a student. And as what Shan’s ordered me to do, I will monitor you. I will monitor your progress.” Napailing ako. Pakiramdam ako ay parang nasasakal ako sa sitwasyon ko ngayon. Matapos kay Robe, si Dr. Roberto na naman ang magmamanman sa akin dito sa university. Kaya pala napaka-confident no’ng Robe na iyon na iwan ako dahil alam yata ng ungas na may magbabantay rin sa akin dito sa SJU. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Sabi ko nga noon pa ay ito na siguro ang magiging kapalaran ko. Tatanggapin ko na lang kaysa umangal pa. Saka ayoko na rin ng gulo. “Don’t worry. I will do my job to make my Dad proud.” “Are you sure? Ang sa akin lang ay ayokong maging pabigat ka sa akin. Marami rin akong gagawin. Makakaasa ba ako sa pangako mo?” Walang pagdadalawang-isip na tumango ako sa tanong ni Dr. Roberto. Para matapos na ang usapan na ito. “I will.” “Good. You may go now,” sabi na lang ni Dr. Roberto sa akin at saka ako tumayo sa pagkakaupo ko sa upuan. Bago pa man ako makalabas ng office niya ay narinig kong tinawag niya muli ako. Binalingan ko naman siya pagkatapos. “You need to go to the orientation. Kailangan mong ma-meet ang mga bagong classmates mo.” “Why? I already know the rules here.” “Kailangan iyon para sa mga 1st year college rito sa SJU, and you are a 1st year student. Kailangan mo lang sumunod sa rules. Walang masama kung susundin mo ang patakaran.” Wala na lang akong ibang ibinukang-bibig pa at nagpaalam na sa kanya. Umalis na ako sa office at saka dali-daling pumunta sa gym upang um-attend ng orientation.   Monica’s Point of View MAG-ISA akong naglalakad ngayon sa campus ng SJU. Sa totoo lang, naliligaw na ako kasi kanina pa ako palakad-lakad dito. Hinahanap ko kasi ang Gym kung saan gaganapin ang orientation para sa mga freshmen students. Mabuti na lang may lumapit sa akin na isang maganda at maputing babae. “Miss, freshmen ka?” tanong niya sa akin habang nakasilay sa labi niya ang ngiti. Nahawa ako sa pagngiti niya kaya napangiti na rin ako habang kaharap siya. Tumango muna ako bago sumagot. “Ahm, oo.” “Are you lost? Malapit ng magsimula ang orientation doon sa Gym,” sabi pa no’ng babae sa akin. “Ganoon ba. Sorry. Naliligaw kasi ako. Hindi ko pa kasi kabisado ang lugar dito,” dahilan ko sa kanya. “Don’t worry. I am one of the coordinator for the orientation. Sumama ka na lang sa akin at sabay na tayong pumunta sa Gym,” anyaya pa niya sa akin. Wala na rin akong choice kundi sumama sa kanya. Magpapaka-choosy pa ba ako ngayon, eh, naliligaw na ako. Ang laki-laki kasi ng SJU. Nalilito ako kung saan ako pupunta. Naunang naglakad ang babae habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Maya-maya ay humarap siya sa akin at muli siyang ngumiti. “Ano nga pala ang pangalan mo?” Tumigil pa siya sa paglalakad upang hintayin niya ako. Lumapit naman ako sa kanya pagkatapos. “Monica,” pagpapakilala ko sa kanya. “Monica. That’s a good name. ’Wag mong sabihin sa akin na karibal mo si Nicole,” sabi niya. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya kasi hindi ko kaagad na-gets iyon. Nicole? ’Yong kapatid ko ba ang tinutukoy niya? “Ha?” “Just joking. May naalala lang akong teleserye sa TV na kapangalan mo ’yong bida. ’Tapos si Nicole ’yong kaaway niya.” Patango-tango lang ako kasi wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya. Kung teleserye iyan, wala rin akong alam kasi hindi naman ako mahilig manuod ng TV. Mga movies lang sa cell phone ni John ang pinapanuod ko. Awkward na ngumiti lang ako sa kasama kong babae. Hindi na rin ako nagsalita dahil nagpatuloy na kami sa paglalakad. Naiilang kasi ako na kasama siya. “By the way, I’m Jackie. Nice to meet you, Monica.” Doon inilahad ni Jackie ang kamay niya upang makipagkamay siya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nakipag-shake hands na rin sa kanya. Ramdam ko na mabait na tao si Jackie. Palangiti. Saka maganda rin siya sa totoo lang. Magkatulad lang kami ng height at mas nakakadagdag pa ng ganda sa kanya ang itim niyang buhok na hanggang balikat. Sa pananamit pa lamang ni Jackie ay alam ko na mayaman siya. Kaya nga hindi ako masyadong kumportable na kasama siya ngayon, eh. Nao-awkward ako sa mamahalin niyang damit kaysa sa suot kong nabili ko lang sa tiyangge. “Ano nga pala ang course na kinuha mo, Monica?” kaagad na tanong ni Jackie sa akin nang matapos kaming makipag-kamay sa isa’t isa. Muli kaming naglakad habang nag-uusap. “Secondary Education,” sagot ko naman. “Wow! Really? Secondary Education din ako. Ano’ng major mo at baka magkatulad tayo.” “Biological Science,” sagot ko pa na mas lalong ikinagulat niya. “Hala! Totoo ba!? Bio Sci rin ako, eh. What a coincidence! Alam mo, good choice ’yang pinili mong kurso. Mababait ang mga instructors and professors ng DoE. Basta maging responsable ka lang na estudyante. Iyon lang ang ibibigay kong tips para sa iyo.” “Ganoon ba. Salamat.” Saktong nasa tapat na kami ng isang malaking building. Ito na siguro ang Gym. Hindi pa kami nakakapasok doon nang makita ko hindi kalayuan si John na nakatayo sa labas. Palinga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap siya. Nang makita niya ako, malaki ang hakbang ng paa niyang lumapit sa kinatatayuan ko at hinawakan niya bigla ang kaliwa kong kamay. “Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap!” singhal ni John sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. “Naligaw ako,” sagot ko na lang. Naroon pa rin sa tono ng boses ko ang inis sa kanya. Napansin ko na nagulat si Jackie sa inakto ni John sa akin kaya sumapaw na siya sa usapan naming dalawa. “Monica, kilala mo ba ang lalaking ’to? Hinaharas ka ba?” tanong pa sa akin ni Jackie habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni John. “Ah ’wag kang mag-alala. Kaibigan ko lang ’to,” sagot ko kay Jackie. Nakita ko pa kung paano niya hindi pinakawalan ang tingin niya kay John, na para bang binabantayan niya ito sa kung ano man ang gawin ni John sa akin. “Sigurado ka ba? I’m one of the representatives in Student Board. Puwede natin i-report ang lalaking ’to kung hinaharas ka niya.” “Ano’ng hinaharas ang sinasabi mo diyan? Kababata ko ’to. Ano’ng pakialam mo?!” sigaw ni John kay Jackie. Nagulat ako sa inakto niya kaya mabilis kong hinila ang kamay niyang nakahawak sa akin upang sawayin siya. Napatingin bigla si John sa akin at binantaan ko siyang tumigil na. “Pasensya na, Jackie. Ako na kakausap sa kaibigan ko. Salamat ulit sa pagsabay sa akin dito sa Gym. Nice to meet you,” tugon ko kay Jackie para makaalis na siya. Wala ng nagawa si Jackie kundi magpaalam na rin sa akin. Naroon pa rin ang pagbabantang tingin niya kay John hanggang sa makapasok na siya sa loob. Nang mawala na sa paningin namin ni John ang babae, dito na kami nag-usap. “Kanina pa kita hinahanap. Kung saan-saan ka nagpupupunta,” giit pa ni John sa akin. “Sorry na kasi. ’Wag ka ng magalit. Nagtatampo lang ako sa iyo kanina,” sagot ko. Wala akong narinig galing John kaya nagtaka ako bigla sa pananahimik niya. “Promise! Susundin ko na ang gusto mo. ’Di na ako titingin sa ibang lalaki kung iyan ang gusto mo. Peace na tayo?” dagdag ko. Tumango si John bilang sagot niya at saka niya ako kinuyog papasok sa Gym. Pagkapasok naming dalawa roon ay saktong hindi pa nagsisimula ang orientation. May mga estudyante pa roon na pumipila sa registration area. Doon kami pumunta ni pagkatapos. Dahil magkaiba kami ng kursong kinuha ni John, magkaiba rin kami ng puwesto na mauupuan. By department kasi ang sitting arrangement doon. Kaya magkakahiwalay na naman kami ni John ngayon. Pumuwesto ako doon sa ikalawa at ika-apat na hilerang upuan na malapit sa pinakasentro ng daanan papuntang stage. May katabi akong isang lalaki sa kanan ko. Payat ito at malaki ang salaming suot. May binabasa itong libro na hindi ko alam kung ano iyon. Sa suot pa lang niya na checkered polo na naka-in shirt sa pantalon nitong beige ang kulay, masasabi ko na nerd siya para sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya ng tingnan niya ako. Pero hindi niya ako pinansin kasi mabilis na itinuon niyang muli ang mata sa librong binabasa. Nagpalinga-linga na lang ako sa paligid at pinagmamasdan ang mga maiingay na estudyanteng kanya-kanya ng naghahanap ng mauupuan. Mga ilang minuto rin siguro akong naghintay roon ng biglang may isang lalaki na naman ang tumabi sa akin, doon mismo sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko. Muntikan na akong mapalundag sa kinauupuan ko nang makilala ko kung sino ’yong lalaking umupo roon sa tabi ko. Napatingin din siya sa akin at natulala ako sa kanya. Hindi ko namamalayan na may mga iilan na ring mga estudyante ang nakatingin sa aming dalawa kasi ang lalaking katabi ko lang naman ngayon ay ang chinitong lalaking nakita ko kanina roon sa school ground. Sino pa ba? Wala ng iba kundi si Kent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD