Sheila’s Point of View Pagpatak ng alas singko ng hapon ay nakarating na ako sa facility kung saan ako laging nagpa-practice ng Taekwondo. Dahil wala rin ang coach ko na si Coach George ngayong araw, dumaretso lang ako sa loob. Kumaway pa ako sa guard na nasa lobby nang makapasok ako. “Good Afternoon, Guard,” masaya kong bati kay Manong Guard nang kawayan ko siya. “Good Afternoon, Ma’am Sheila,” bati rin niya sa akin. Nang makapasok ako sa loob, kaagad kong kinuha ang cell phone ko na nakalagay lamang sa dala kong sports bag. Naalala ko kasi bigla si Kent. Ang usapan namin ay alas singko kami magkikita. Pero pasado alas singko na at wala pa rin akong natatanggap na balita galing sa kanya. Magtitipa na sana ako upang padalhan siya ng text message nang marinig ko ang boses ni Manong Gua

