Monica’s Point of View “JOHN!” tawag ko sa kanya nang saktong makita ko siya papalabas ng kanyang boarding house na tinutuluyan. Nagtataka siyang napalingon sa akin. Pagkatapos ay napangiti siya nang makita niya ako. “Nandito ka? Ano’ng meron?” ito ang bungad na tanong ni John sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Saan ka pupunta pala?” “Bibili ng ulam. Bakit ba?” “Sakto! ’Wag ka ng bumili, may niluto kami ni Chepai na Adobong Baboy. Dinalhan na lang kita at baka kasi hindi ka pa kumakain.” “Wow! Ang sweet naman!” Hinipo pa niya ang noo ko upang pakiramdaman kung may sinat ba ako. “May sakit ka ba? Ba’t ang sweet mo ngayon?” “Wala lang. Masama bang dalhan kita ng pagkain? Ito naman! Para ’di ka na nasanay sa akin,” pagtataray kong sabi kay John at saka ko naman ibinigay sa kanya ’y

