John’s Point of View BIGLA na lang akong nagising kinaumagahan. Ramdam ko ang lagkit ng pawis sa aking katawan. Habol-hininga nakatitig ako sa kisame upang alalahanin ulit ang panaginip na iyon. T*ngna! Ba’t ganun ang panaginip ko!? ’Di ko rin maintindihan kung bakit nga ganoon. Bakit ang laswa? Bakit kakaiba? Hindi ko tuloy mapigilan na mapahilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa panaginip ko. Mayamaya ay napansin ko na lang na maliwanag na pala sa labas. Umaga na. Bukas na rin ang pinto ng bahay nina Nanay Rosa, at naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok sa labas. Pero ang mas nakakagulat pa rito ay no’ng mapansin ko ang gitnang parte ng aking short na suot na sobrang basa. Nakaumbok din doon ang… ang… “Sh*t!

