Kent’s Point of View ISA SA pinakaaayaw ko sa lahat ay ang diktahan ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto. Gustuhin ko man tumutol ngunit hindi ko naman magawa, dahil ang buhay ko ngayon ay hindi malaya. It’s been a week since I got home. At katulad ng inaasahan ko, hindi pa rin talaga nagbabago ang lahat noong iwanan ko ang mansyon na tinitirhan ko. Sinalubong ako ni Shan—ang ama ko na may lahing Chinese. He is one of the richest man in the country. Malls, restaurants, hotels, E-Commerce sites, na lahat ng mga ’yan ay may mga nakabase sa Pilipinas, China, Singapore at Hongkong ay pagmamay-ari niya. He even had a real state agency at sobrang yaman niyang tao. At ako—ako lang naman ang nag-iisang niyang anak. The only son who doesn’t feel that I’m his son. Magmula nang mamatay ang

