Sheila’s Point of View Maga-alas diyes na ng gabi nang makarating ako sa bahay. I was exhausted when I entered the house. Nadatnan ko naman si Papa na mag-isang nanunuod ng TV sa sala. Hawak-hawak nito ang remote upang manipulahin ang mga palabas na gusto niyang panuorin sa Netflix. Lumapit ako sa kanya upang magmano. Bitbit ko pa ang sports bag ko sa kaliwang balikat ko ng ginawa ko iyon. “Mano po, ’Pa.” “Ginabi ka yata,” iyon ang bungad na tanong niya sa akin. “Medyo matagal natapos ang training namin sa Taekwondo, ’Pa,” pagdadahilan ko. Hindi naman siya nangulit pa sa akin kung bakit late akong umuwi. Alam niya kasi na may late training ako sa Taekwondo class ko every weekdays. “Kumain ka na ba?” Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. “Yes po.” “Mabuti naman. Pero kapag

