[6]

2131 Words
Malakas ang kabog ng dibdib ko pabalik ng kantina. Tama, hindi pa nga ako nakakakain. Pero parang nawalan na ako ng gana. Nagulat na lamang ako nang biglang nag-bell habang naglalakad ako. Fudge! May klase pa pala ako! Last subject ko na ito pero pakiramdam ko nawalan talaga ako ng gana. Napagpasyahan kong hindi na muna pumasok sa klase ngayon. Para saan pa diba? Wala rin naman sa katinuan ang utak ko. Hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa akin ang muntikan naming paghalik ni Andriel kanina. Mukhang maa-awkward na ata ako simula ngayon. Wala sa sarili akong nakapunta sa balcony ng rooftop ng univ namin. Hindi pa ako nakakapunta dito dahil wala akong time. First time ko lang makadalaw dito. Nagulat ako nang nakitang may nakatambay na pala na lalake doon. Sayang, akala ko walang tao. Makakapag-isip pa sana ako ng maayos. Aalis na sana ako kaso bigla na lang akong nadulas dahil sa madulas na sahig at di ko maiwasang mapa-ungol. "Are you okay?" Nabaling ang tingin ko sa lalakeng kanina'y nakatalikod pero ngayo'y nakaharap na sa akin at nakalahad ang isang kamay sa mukha ko. Kinuha ko naman ito at itinayo niya ako ng maayos. "Are you okay?" pag-uulit niya sa tanong niya. Nakita ko siya ng maayos at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Fudge! Isa na namang gwapong nilalang! Ano bang ginawa ako at pinagpala ako ng mga gwapong nilalang sa paligid? Magula ang buhok niya pero makinis naman ang mukha. Medyo payat siya pero built parin ang katawan. Matangkad. Matangos ang ilong. Magulo ang buhok. Mygahd! Mahihimatay ako dito ng wala sa oras. Nahimasmasan ako nang bigla siyang napatawa ng mahina. "U-uhm sorry. Shunga-shunga talaga ako." Namumulang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Narinig ko siyang bumuntong-hininga at bumulong. "I missed you so damn much, Yeowang." Ngunit hindi ko narinig ng maayos ang bulong niya. "M-may sinasabi ka?" Tanong ko. Umiling lamang siya at ngumiti. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko. Ang sarap magmura! Ang pogi grabe! "U-uhm.. Janine Cashew Park nga pala" pagpapakilala ko. "Keifer. But you can call me Wang" sabi niya sabay kindat. Wut? Anong kinalaman ng Wang sa pangalan niya? "S-sige.." Namumula pa ring sabi ko. Hay! Grabe talaga ang epekto ng mga gwapo sa akin! "U-uhm.. sige Wang. Mauna na ako" sabi ko at maglalakad na sana palayo nang bigla niya akong pinigilan at hinatak palapit sa kanya. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Damn this gorgeous guy! "Stay. You don't have anywhere to go besides here" mariing sabi niya. "Huh? Pwede bang magtagalog ka naman paminsan-minsan? Baka dumugo ang ilong ko sayo" pagbibiro ko. Bigla siyang nag-iwas ng tingin. "S-sige." Napabuntong-hininga siya at sumandal sa railing ng balcony. Tanaw dito malalaking buildings sa siyudad. Ngayon ko lang napansin na mataas pala itong univ namin. "Taga-dito ka ba? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" Nagtataka talaga ako sa kanya. Ngayon ko lang talaga siya nakita. Sa sobrang gwapo niya, imposibleng di siya mapapansin dito sa univ namin. Basta maganda o di kaya't gwapo ka, sisikat ka sa buong school. Kaya naisipan kong hindi siya taga-rito. "No. My family owns this school. Bumibisita lang ako" sagot niya. Napangiti ako nang narinig ko siyang magtagalog. Asus! Marunong naman pala! Pinapahirapan pa ako! Napansin niya yata ang pagngiti ko. "Why are you smiling?" tanong niya sa akin. Napailing na lamang ako at kinurot ang pisngi niya. "Ang cute mo po" nanggigigil na sabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at pinag-interwine ito. Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya mahalata na namumula ako. I heard him chuckle. "You're so different now. I never knew you could be this innocent" bulong nya ngunit narinig ko pa rin. "Different?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko na pinaalam sa kanya na magkahawak-kamay pa rin kami. Aba! Chance ko to! OMG! Holding hands kami ng isang pogi~! "And why are you wearing glasses? May contact lens naman ah!" sabi niya at tinanggal ang nakasuot na glasses. Pinagmasdan niya ako at titig na titig siya sa mukha kong walang salamin. Wala naman akong magawa kundi titigan rin siya pabalik at mamula. I know. I'm ridiculous. "Your eyes are so beautiful" puri niya na mas lalo namang ikinamula ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain paalis ng balcony. Paalis ng univ. Paalis ng eskwelahan. "W-wait! Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. I know pogi tong si Wang pero utang na loob! Kakakilala pa lang namin! Kinakabahan ako syempre! Hinarap nya ako at ngumiti ng tipid. "Trust me" Parang ang laki ng impact sa akin ng dalawang salitang yon. Kaya ko ba siyang pagkatiwalaan gayong kakakilala pa lang namin? Ni hindi ko nga alam kung anong pakay niya! Kung saan niya ako dadalhin! Wala sa sarili akong napatango. Nakita kong napangiti na siya ng tuluyan kaya't di ko maiwasang mapangiti rin. Why does it feels so good to make him happy? Who is he anyway? Para siyang isang malaking question mark sa buhay ko. Pagkarating ng parking lot, nagulat na lang ako nang makitang motor ang sasakyan namin. Oh god. Not again. I whimpered. At narinig niya naman yun. "You are.. afraid?" gulat na tanong niya. Napatango na lang ako ng ulo. Nakita ko siyang kinamot ang batok niya bago tumingin ulit sa akin. "I'm right. You're so different. Hindi ka naman takot sa motor dati. " sabi niya. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Bakit kung magsalita siya parang matagal na niya akong kilala? The way he said 'dati'. "Have we met?" Napa-oo naman siya. Ohh.. kaya pala. Pero bakit hindi ko siya matandaan? "Classmates tayo noong highschool. Pero di mo ko masyadong pinapansin at hindi mo rin ako mapapansin kasi tahimik lang ako" sabi niya. "Sorry. Di ko naman sinasadyang di ka pansinin" Akalain niyong may classmate pala akong gwapo? Bakit ngayon ko lang nalaman? "That's okay. Now, angkas na" sabi niya. Ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala siya sa motor niya at ako na lang ang inaantay. Napakagat ako sa labi bago umangkas sa motor niya. Sa likuran niya ako nakapwesto kaya't mahigpit ang kapit ko sa beywang niya kahit hindi pa kami umaandar. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya't namula ako. "Y-yah! Stop laughing! Hindi nakakatawa!" pagsasaway ko sa kanya. Tinikom naman niya ang bibig niya at pinaharurot na paalis ang motor. Buong byahe ay sobrang higpit lang ng hawak ko sa beywang nya. Ni wala akong sapat na lakas para iayos man lang ang sarili ko. Natatakot kasi akong konting galaw ko lang ay mahuhulog na ako. "Try to open your eyes, Janine" Narinig kong sabi niya. I don't know but I felt calm when I heard him speak. Mabilis syang magpatakbo, pero may nagtutulak sa akin na for once naman ay makinig ako sa sinasabi ng iba. Dahan-dahan ay unti-unti kong idinilat ang mata ko. All I can see is buildings and the people that we past through. Medyo distorted nga lang ang image dahil sa sobrang bilis na magpatakbo ng lalaking to. But then, I started enjoying the air that's been swinging past through my face. "OMG!! Hahaha!" Di ko mapigilang magsaya sa dahil sa nagawa kong pagdilat. "Hey. You can try raising your arms if you want" Narinig kong sabi niya. Ngunit napahigpit lang ang kapit ko sa beywang niya. "N-no. Natatakot akong mahulog" sabi ko at binaon ang mukha ko sa likod niya. Mukhang nakiliti ko ata sya because napatalon siya sa ginawa ko. "Stop. And don't worry about falling. I'm here to catch you" His words melted my heart. Di ko maiwasang mag-isip na double meaning yun. And I find it sweet. Maya-maya pa'y para na akong baliw na nakataas ang dalawang kamay sa ere habang nagsisigaw. "WHOOO! HAHAHAHA!" Hindi ko na napapagtuunan ng pansin ang mga taong binibigyan ako ng 'nababaliw-na-siya' na tingin. Basta alam kong bigla ko na lang na-enjoy ang pagsakay sa motor. "WHOOOO!!" sigaw ko muli. Mukhang nasarapan ata ako sa buong ride namin dahil nang nakarating kami sa mall ay ayaw kong bumaba. "Dali na! Isa pa ulit, Wang. Please?" pagmamakaawa ko. Narinig ko siyang napatawa ng mahina at tinanggal ang kamay kong nakakapit pa rin sa beywang niya. "Don't worry, Yeowang. Later okay?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Yeowang? Why are you calling me that? Maski si Remy ayan din ang tawag sa akin." Napalakas ata ang bulong ko kasi naagaw ko ang pansin ni Keifer na nagtatanggal ng helmet. "May nagtawag na sayong Yeowang?" gulat na tanong niya. I nodded. "Yung bestfriend ko. Yun yung tawag sa akin" Napabuntong-hininga siya. "Guess may kaagaw na ako" bulong niya kaso hindi ko narinig. "Did you say something?" Bigla siyang umiling. "Nothing. Let's go inside" sabi niya at hinila na ako papasok ng mall. Nagulat na lang ako nang dire-diretso kami papuntang ice skating rink. "A-anong gagawin naten?" Humarap siya sa akin at ngumiti. "Well, mukha ka kasing may problema. So I want you to chill out here" sagot niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Bakit sobrang bait niya? Even though ngayon lang kami nagkakilala, he's treating me like matagal na kaming magkaibigan. Pumunta siyang counter para makapagbayad at tsaka mag-rent ng shoes. Napatingin naman ako sa rink. Kakaunti ang tao dahil may klase pa kaya't kami lang ata ang estudyante dito. Nagulat na lang ako na biglang pinaalis ang mga tao na nags-skate. W-wae? Hindi na ba kami makakapag-skate? Alam kong first time ko lang to but disappointed pa rin ako. Bakit pa kami pinapaalis? Napatingin ako kay Keifer na nasa harapan ko na pala at isinusuot sa akin ang shoes. "W-wang.. close na ata ang rink. Pinapaalis kasi nila yung mga tao eh" Pero ngumisi lang siya sa akin. "Nope. I bought the whole rink for an hour just for us two" Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. Why is he so sweet? "B-bakit pa? Hindi naman kailangan lahat ng to.." nahihiyang sabi ko. Pero nginitian niya lang ako. "Para sayo, kahit ano.." sabi niya and gave me a kiss on the forehead. Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko kaya't nag-iwas ulit ako ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Medyo nadulas pa ako dahil hindi talaga ako sanay mag-skate. "Hindi ako marunong mag-skate, Wang.." sabi ko. But he only smirked. "That's better" Natutuwang sagot niya. Maya-maya pa'y nasa loob na kami ng rink at nakaalalay pa rin sya sa akin. Nasa beywang ko ang isang kamay niya while hinahawakan naman niya ang isang kamay ko. "Hey. Don't put your whole weight on me. Paano ka matutong mag-skate kung hindi mo susubukan?" angal ni Keifer. Napatawa na lang ako at sinubukang maglakad sa ice nang hindi natutumba.  I was pretty amazed with myself kasi hindi ko man lang napansin na hindi na pala ako inaalalayan ni Keifer at ako na lang ang naglalakad mag-isa. "Try sliding" sigaw ni Keifer habang nagi-skate papunta sa akin. The moment na iginalaw ko ang paa ko ay nadulas na ako ng tuluyan at natumba. "Aww" I groaned. Ang sakit palang matumba! "You okay?" tanong niya habang tinutulungan ako patayo. I nodded at tinuruan naman niya akong mag-glide. The moment na binitiwan niya ako ay tinry ko agad ang mga tinuro niya. Pero naramdaman ko na naman na matutumba ulit ako. "Balance, Yeowang! Keep your body relaxed! Masyado kang stiff!" sigaw ni Keifer. I closed my eyes and huminga ng malalim. Nag-concentrate ako and in just 5 minutes ay marunong na akong mag-glide ng hindi natutumba. "Weeeee~" tuwang-tuwa na sabi ko habang nagi-skate around the rink. "Wow. You're a fast learner" puri ni Keifer sabay tawa. In that one hour sa loob ng rink, I actually enjoyed myself. I forgot everything. I forgot about my class. I forgot about Andriel. I forgot about the kiss. Masyado akong busy sa pagsasaya with Keifer. And I'm glad he took me out. Dahil siguradong magmumukmok lang ako sakaling hindi ko siya nakilala. Natapos ang skating session namin at nagsibalikan na rin ang tao sa loob ng rink. Nakaupo lang kami ni Keifer sa may bench. Hindi ko napansin na hindi appropriate ang suot kong damit para sa pagi-ice skating kaya't sobrang nilalamig na ako ngayon. Nagulat na lang ako nang kinuha ni Keifer ang nanlalamig ko na kamay and nag-exhale sya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa kamay ko kaya't nabawasan din ang lamig nito. Namula na naman ang pisngi ko ang nag-iwas ulit ako ng tingin. Pero nagulat na lamang ako nang bigla niya akong niyakap. "I'm sorry. I didn't bring any jacket. All I could give you is this warm hug" bulong niya. I can't help but to hug him back. Sino ka ba Keifer? And how do you managed to make my heart beat fast?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD