Ellaine's POV
Seryosong binigyan ko ng suntok ang lalakeng nasa harapan ko. Pagkatapos ay sinipa ko siya sa tagiliran niya kaya't napahiga na sya sa sahig.
"Wag na wag mo na ulit akong malalapitan" malamig na sabi ko bago umalis.
Dire-diretso kong tinahak ang daan papuntang bahay. Yung bahay na tinitirhan namin bago nawalan ng memorya si bes ay kung saan kami naninirahan lahat ngayon.
Nakapasok na ako sa loob at nakita kong naka-tambay na naman sila sa living room.
"Hay~ Namimiss ko na si First" malungkot na sabi ni Lindsey.
"Ako rin. Namimiss ko na yung walang humpay na pagsasabi niya na cute siya" dagdag naman ni Ruth.
"I missed her smile and laugh" sabi naman ni Paris.
"I missed yung pang-aasar niya to me" sabi naman ni Andrea.
"Namimiss ko na yung pakikipaglaban niya" sabi ni Riley.
"Miss ko na siya! Yung pinaka-unang kaibigan ko" Oh. Andito pala si Riza. Baket ba ang ne-nega nila?
"Hoy mga babae! Wala ring magagawa yang mga salita niyo kung hindi kayo gagalaw! Kung gumawa kaya kayo ng paraan?" sarkastiko kong sabi.
Napatingin sila sa akin na may lungkot ang mga mata. "Ikaw ba Second. May plano ka ba?" tanong ni Riley.
Bigla akong nalungkot sa tanong niya. Kasabay nun ang pag-iling ko bilang sagot.
Wala rin akong magagawa. PInagbantaan na kami ng daddy ni Janine. Bawal kaming lumapit sa kanya. Kundi sila mismo ang lalayo. At baka hindi na namin makita si bes kung sakali.
Ang gumugulo lang sa isip ko ay sino yung daddy niya. Ang alam ko, patay na hindi ba? Nakakagago diba?
"Where's King?" tanong ko. Sabay-sabay silang napaturo sa itaas.
Nagmamadali akong umakyat at binuksan ang kwarto ni bes. At doon ko nga natagpuan si King.
Nakayuko lamang siya habang nakaupo sa mini sofa dito sa kwarto. Yung kulay pink na kwarto ni bes, hindi na maganda sa mata. Parang nakakasuya. Nagiging dull kumbaga.
"King. Hindi ka ba lalabas ng kwarto? Tignan mo, pumapanget ka na" pabiro kong sabi.
Tinignan niya ako at bakas sa mukha niya na kagaya namin ay miss na miss niya na rin si Janine. Ikaw kaya ang malayo sa taong mahal mo?
"Pumapanget ka King. Sa tingin mo ba kung nabawi natin si bes, magugustuhan ka pa nun kung ganyan na ang itsura mo? Bumalik ka nga sa dati! Tsaka kumain ka ng mabuti! Tignan mo at pumapayat ka na! Hindi naman ganyan ang King na kilala ko dati ah?" sabi ko habang nakangiti. Ine-encourage ko siyang magpalakas ulit.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang hindi siya umimik.
"Alam mo kung ano ano ang dapat mong gawin King? Make her fall for you again. What? She fell for you. And alam kong magagawa mo ulit yun. Take her heart again, King bago ka pa maunahan ng iba. She's waiting"
***
Janine's POV
"Sumabay ka sa kanya papuntang school ha?" sabi ni daddy bago ako umalis kaya't napabuntong-hininga na lamang ako.
"Opo dad"
No choice eh. Ayoko namang hindi susundin ang daddy ko.
Paglabas ko ng bahay ay imbwes na makita ko si Yssa ay nakita ko si Andriel na nakasandal sa motor niya.
Nanlaki ang mata ko at pinagpasyahang hindi na lang siya pansinin kaya't dire-diretso lang akong umalis.
"San ka pupunta?" Narinig kong tanong niya.
Napatigil ako at nilingon siya. "School. Baket?"
Kumunot ang noo niya. "Sasabay ka daw sa akin papunta."
"Naglalakad ako papuntang school. Kung ayaw mong maglakad, bahala ka sa buhay mo!" I rolled my eyes and continued walking.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumabay sa akin sa paglalakad. "H-hindi ka sasakay ng motor mo?"
Ngumisi siya. "Paano na lang kung may mangyaring masama sayo? Ako pa masisisi?"
"Bakit naman ikaw? Alam mo kung napipilitan ka lang, pumunta ka sa school mag-isa"
"Sa akin ka kasi pinagkakatiwalaan ng nanay. At napipilitan ka rin naman diba? Kung hindi lang inutos sayo "
Napatawa ako ng mahina. Napansin naman niya yun kaya't napatingin siya sa akin.
"Mommy's boy ka pala. Ngayon ko lang napansin" pang-aasar ko. Nakita kong napabuntong-hininga siya.
"Shut up" malamig niyang sabi kaya't napangiti na lamang ako. Kakaiba rin ang lalaking to.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Naisipan kong sumulyap sa kanya. B-bakit ganun?
May dating rin pala ang lalaking to.
Mukhang badboy. Pero mommy's boy pala. Nakikipagbugbugan ba ang isang to?
Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya kaya't bigla niya akong nginisian. Agad akong umiwas ng tingin para hindi niya mahalata.
Janine what the hell! Don't tell me na nagugustuhan mo na siya? Eh sya nga ang magnanakaw mo!
Napailing na lamang ako at binaling ang tingin ko sa harap.
"May practice kami mamaya sa basketball. Hintayin mo ako." sabi niya.
Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya. "At bakit naman kita iintayin?"
"Ihahatid na kita pauwi sa inyo" sagot niya.
"Ok lang. Si Remy na lang ang maghahatid sa akin pauwi" nakanguso kong sabi.
"Ako ang maghahatid sayo pauwi" malamig na sabi niya. Nagtaka naman ako sa pagbabago ng tono ng boses niya.
"Pwede namang si Rem--"
"Alin ba sa 'ako ang maghahatid sayo pauwi' ang hindi mo maintindihan? Walang sinabi ang dad mo na si Remy ang maghahatid sayo, ok? Kaya please lang! Hintayin mo na lang ako mamaya!"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. Bakit ang highblood masyado ng lalaking to?
"May galit ka ba kay Remy?" tanong ko. Naiinis na kasi ako. Masyado siyang territorial. Eh hindi naman kami magkaano-ano!
W-well.. siguro pinagkakasunduan nga kami. Pero hindi naman sapat na dahilan yun para sundin ko ang sinasabi niya!
"Wala" maikling sagot nito.
"Nagseselos ka sa kanya?" tanong ko ulit.
"Bakit naman ako magseselos?" Grabe! Sige lang Andriel! Sagutin mo ng tanong ang tanong ko! Psh.
"Eh bakit pag sinasabi ko ang pangalan niya ay bigla ka na lang naiinis?"
"Hindi ako naiinis." simpleng sagot niya.
"Weh? Di nga?" pabirong tanong ko. Ngunit inirapan niya lang ako. Fudge! Ang taray talaga nitong lalakeng to!
"Wag mo ngang paikutin ang mata mo! Tusukin ko yan eh!" sabi ko at inirapan rin siya.
"Edi wag mo ring paikutin ang mata mo!" Panunumbat naman niya.
"Bakit? Anong gagawin mo?" nakataas-kilay na tanong ko naman. Kinilabutan ako nang bigla na lang siyang ngumisi.
"I'll steal another kiss from you"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan lang siyang dire-diretso sa paglalakad.
Ang kapal ng mukha nun ah! Nakuha na nga ang first kiss ko, pati ba naman second kukuhanin niya rin? Aba! Hindi ako papayag!
I rolled my eyes at sumunod na rin sa kanya papuntang univ.
***
Ngayong lunch ay hinila na naman ako ni Andriel sa table nila. Bwiset. Iniwanan na naman ako kasama ang apat na gwapong nilalang.
Rinig na rinig ko ang bulungan at komento ng mga estudyante na nasa loob ng kantina. Halatang inggit sila sa akin dahil nakakalapit ako sa mga varsity players na to. Nyahaha!
"O? Bakit nakangiti ka dyan, Janine?" tanong ni Matthew.
Napawi ang ngiti ko at inirapan siya. "I said call me Cashew. Di tayo close para tawagin mo kong Janine" sabi ko.
"Sus! Ni bestfriends mo nga, Cashew din tawag sayo eh! Hindi ba kayo close nung mga yun?" sabat naman ni Ezekiel.
Bigla akong napaisip. Oo nga noh. Cashew nga ang tawag sa akin nila Yssa. Bakit kaya?
"Eh yun yung gusto nilang itawag sa akin eh!" sagot ko.
"Edi yun rin ang dahilan kung bakit Janine ang itatawag ko sayo" nakangiting sabi naman ni Matthew.
Natahimik ulit kami at napansin ko naman si Gabriel na nakatitig ng masama sa akin. Nataasan ko tuloy siya ng kilay.
"Problem?" tanong ko.
Umiling na lamang siya at nag-iwas ng tingin. Anong problema sa akin nitong Gabriel na to? Napapansin ko kasi na lagi na lang siyang bad mood kapag nandito ako.
Nagulat na lang ako nang may biglang umakbay sa akin.
"Hi babe" bati ni Felix. Inirapan ko siya at tinanggal ang kamay niya.
"Grabe ka naman babe! Ikaw lang ang nakakatiis sa akin ng ganito. Hayaan mo, next time di mo na ako matitiis" sabi niya sabay kindat.
Umakto naman akong parang nasusuka. The hell!? Paano naging magkakaibigan ang mga to?
Si Gabriel parang laging PMS, si Ezekiel naman laging nagbabasa ng libro, si Andriel ang sunget-sunget pero mommy's boy naman pala! Tapos si Felix sobrang landi!
Si Matthew lang ata ang normal sa kanilang lahat eh. Aish! Pasalamat sila, pare-parehas silang gwapo.
Dumating na si Andriel na may dalang lunch. Ibiniba nya ito at umupo sa tabi ko.
"Hoy Andriel. Umamin ka nga. Kayo na ni Janine noh?" sabi bigla ni Matthew.
Tinaasan namin siya ng kilay. "Asa." sabi ni Andriel.
"Yuck!" sabi ko naman.
Nagkatinginan kami bago inirapan ang isa't isa. Hmp! Bwiset! Gaya-gaya!
Biglang natawa naman yung apat. "Grabe pre! Para kayong nakaharap sa salamin kanina! Gayang-gaya pati yung irap eh!" pang-aasar ni Gabriel.
"Sigurado ka bang hindi pa rin kayo niyan?" pagbibiro naman ni Ezekiel.
"Babe! Akin ka diba?" madramang sabi ni Felix.
Aish! Ang gulo-gulo naman nitong mga to!
"Shut up" sabay na sabi namin. Nagkatinginan ulit kami bago mag-irapan.
Natawa na naman sila. "Wag ka ngang gaya-gaya! Kanina ka pa ah!" sigaw ko.
"Ako? Eh ikaw nga ang nanggagaya sa akin" panunumbat naman niya.
"Ang kapal! Bakit naman kita gagayahin aber?" nakataas-kilay na tanong ko.
"Because I'm your first kiss" simpleng sagot niya habang nakangisi. Natigilan naman silang lahat. Pati ang mga taong kumakain sa canteen ay natigilan rin.
"WHAT?!" sabay-sabay na sigaw ng apat.
"H-hoy! Ang kapal mo ha! Dati ng nakuha ang first kiss ko!" pagdadahilan ko kahit namumula na ako sa sobrang kahihiyan. Bwiset siya. Ipagkalat ba naman!? Argh!
"OMG. She kissed our Andriel!"
"What a slut!"
"What!? Ako dapat ang first kiss ni Andriel!"
"Teka lang! Kahit hindi mo man siya first kiss. First kiss ka naman niya" sabi ni Gabriel na nanlalaki ang mga mata.
Nagulat ako sa sinabi niya. Wut? Ako? First kiss ni Andriel? Oh fudge!
Ibig sabihin? Oh em gee. Di ako makapaniwala! Ngayon lang nakahalik si Andriel? At ako pa?
Grabe! Hindi ma-sink in sa utak ko ang sinabi niya!
"T-totoo ba yun?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang namula at umiling.
"Hinde ah! Asa namang ikaw ang--"
"Sige. Magsinungaling ka pa, Andriel" sarkastikong sabi ni Gabriel. Tinignan niya ng masama si Gabriel bago mag-walk out.
"Lagot ka Gab. Siguradong di ka papansinin nun" pananakot sa kanya ni Felix.
Nagkibit-balikat na lamang siya. "Bakit mo kasi pinahiya?" tanong ko naman.
"So kasalanan ko na ngayon?" inis na sabi ni Gabriel.
"Sana man lang pinahiya mo ng tayo-tayo lang" mariing sabi ko.
"Ano namang kinaiinis mo?" tanong niya.
Bigla akong natauhan. Oo nga. Bakit nga ba ako naiinis?
"Eh kasi naman. Isipin mo rin ang kalagayan ng tao noh. Hindi yung basta-basta ka na lang nagsasalita" sabi ko at tumayo na.
Naisipan kong sundan si Andriel. Kaso hindi ko alam kung nasaan siya.
Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Ngek. Ano namang ginagawa ko dito? Hindi naman siguro tumatambay dito si Andriel hindi ba?
Paalis na sana ako nang may mahagilap ako sa gilid ng paningin ko. Paglingon ko sa itaas ng puno, nakita ko sya doon. Nakaupo at nakatingin sa kawalan.
Hindi ko alam pero napangiti ako. Haha. Muntanga lang.
"Hoy!" sigaw ko. Kaso mukhang hindi niya ako narinig.
"Hoy Andriel!" sigaw ko ulit. Kaso hindi pa rin siya umiimik. Para bang ang lalim ng iniisip niya na pati si Adele ay hindi ma-reach.
"Andriel bakla!" Enebeyen. Pano ko ba maagaw pansin nito?
Nakakita ako ng bato kaya't agad ko iyong pinulot at binato sa kanya. Bullseye!
Natamaan ko siya sa mukha kaya't bigla niya akong tinignan ng masama. Pero nung nakita niya ako, nag-iwas siya agad ng tingin.
"Hoy bakla! Bumaba ka nga diyan!" sigaw ko.
Napabuntong-hininga siya at hindi ulit umimik. Kumuha na naman ako ng bato at akmang babatuhin ko ulit siya pero nakababa na pala.
Asus. Takot palang mabato. Haha.
Nagulat ako ng dumudugo ang kaliwang pisngi niya. Lagot! Napalakas ata ang pagbato ko!
"Hala, sorry! Halika sa clinic!" nagpapanic na sabi ko at hinila na siya papunta doon.
Ngunit nagpumiglas siya. "Okay lang ako"
Tinignan ko siya ng matalim. "Anong okay?! Gusto mo bang mabato ulit ng bato!? Halika na at wag ka ng makulit!" sabi ko at hinila na siya.
Nagpahila na rin siya at nakarating na rin kami sa clinic. Walang tao sa loob dahil siguradong naglu-lunch ang nurse.
Ako na nga lang ang manggagamot!
Kinuha ko ang first aid kit at naglabas ng alcohol at bulak. Nanlaki ang mata niya nang nakita niya ang ginagawa ko.
"K-kailangan ba talaga yan?"
Napangiti ako. "Oo naman! Para hindi ma-infect yung sugat mo. Wag kang mag-alala. Hindi naman siya masyadong masakit"
"Sobrang sakit lang" bulong nya pero rinig ko. Napatawa na lamang ako. Takot siya sa ganito?
"Huwag ka ngang babakla-bakla dyan! Eto na, wag kang makulit"
Lumapit na ako sa kanya at dinampi ang bulak sa sugat niya. Napangiwi naman siya sa hapdi.
"Ayoko na!" angal niya.
"Hindi pa ako tapos" mariing sabi ko at idadampi ulit yung bulak kaso pinigilan niya ang kamay ko.
"Tama na. Masakit" malamig na sabi niya.
"Sus! Takot ka lang kasi! Bakla!" pang-aasar ko at tinawan siya. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya't agad na nag-init ang pisngi ko.
"Ano ulit ang sabi ko kapag tinawag mo akong bakla?" Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko kaya't mas lalo itong nag-init.
"W-wala ka namang sinabi eh.." di ko mapigilang bumulong na rin.
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya't napapikit na ako. Lumakas na ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o--
Napadilat ako nang narinig ang pagbukas ng pintuan. Lumayo agad ako sa kanya at napatingin sa taong kakapasok pa lamang.
Eh? Wala naman? Nagkatinginan kaming dalawa ni Andriel bago mag-iwas ng tingin.
"Uhmm.. mauna na ako" sabi ko at nagmamadaling lumabas. Napahawak ako sa labi ko. Shucks Janine! Malapit mo na naman siyang mahalikan! Ano bang problema mo?
***
Keifer's POV
Nakita ko silang pumasok sa loob ng clinic.
Nagpalinga-linga muna ako ng tingin sa paligid bago ko sila sundan. Napasilip ako sa bintana at nagulat na magkalapit ang mukha nila sa isa't isa.
Naramdaman ko na naman ang sakit. Wae Yeowang? Why am I hurting but you aren't? Madaya ka.
Nakita ko na silang maghahalikan kaya't agad akong pumasok at ibinagsak ang pintuan.
Sumilip ako sa bintana at nakitang nakatingin sila sa pintuan. Finally, I stopped them. If he touches my Yeowang one more time, I swear I'm gonna kill him.
Agad akong nagtago sa likod ng poste nang papalabas na si Yeowang. Malungkot na nakatanaw lang ako sa kanyang papaalis.
Don't worry Yeowang. I'll win you back. I'll do whatever it takes to stop you from falling in love with other guys. Cause your heart only belongs to mine