[4]

2009 Words
Tadhana nga naman oh. Pinaglalaruan ba ako nito? Bakit niya kami pinagtagpo? Bwiset na bwiset na nga ako sa kanya eh! "IKAW?!" sabay na sigaw namin. Walang ekspresyon ang mga mata niya habang nakatitig sa akin ngunit ramdam ko naman na ayaw niya pa rin na inaasar ko siyang bakla. Matatalim na tingin ang binibigay ko sa kanya habang naaalala ko ang pagnakaw niya sa akin ng first kiss ko. Pumagitna sa amin si daddy. "Uhm.. magkakilala kayo?" tanong niya. Agad akong napaatras at napangiti. "Hindi po dad! Sikat po kasi siya na basketball player sa school eh!" "Oho. Siya yung nang-aasar sa akin ng bakla" Tinignan ko ulit sya ng masama ngunit nakangisi lang siya sa akin. Argh! Bwiset! Mukhang nalito si dad dahil magkaiba ang sagot namin ngunit nahawi ang tensyon nang dumating ang waiter kasama ang menu. Naupo kaming dalawa ni dad sa other side ng table at kaharap ang bwiset na Knight na yan. "Ah, Mrs. Knight, anak ko nga pala" pagpapakilala sa akin ni dad. Nginitian ko ang mommy ni Andriel. "Hello po tita! I'm Janine Cashew Park!" Lumiwanag naman ang mukha ng mommy nya nang nagpakilala ako. "Ang ganda naman ng anak mo, Mr. Park. Bagay sana sila ng anak ko" Parehas na napatawa ang dalawang matanda habang ako ay yumuko na lamang para matago ang hiya. Anong bagay?! Walangya po yang anak nyo! Sarap ilibing ng buhay! "Sayang nga naman Mrs. Knight. Bagay nga sila. Parehas na gwapo at maganda" sabi naman ni daddy. Napanguso ako. Ano ba yan. Masyado naman silang pormal sa isa't isa. Mrs. Knight. Mr. Park. PSH. "Magpakilala ka anak" sabi naman ng mommy ni Andriel sa kanya. Sumimangot lang siya at hindi na pinansin ang kanyang ina. Maya-maya pa'y dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Natapos ang gabi at pauwi na sana kaming lahat. "Anak, gusto kong kilalanin mo si Andriel Knight, okay?" sabi ni daddy sa akin ngunit rinig na rinig naman ito ng pamilyang Knight. "Bakit daddy?" Kunot-noong tanong ko. "Basta." sagot naman ni daddy habang nakangiti. "Ikaw anak. Gusto ko ring kilalanin mo siya, okay? Ikaw na dapat ang maghatid at magsundo sa kanya tuwing papasok kayo ng eskwela ha?" Nagulat ako sa sinabi ng mommy niya. Bakit? Eh sabay kami ni Yssa pagpasok sa school tapos sabay naman kami ni Remy pag pauwi eh. Paano na sila? "P-pwede po bang wag na lang?" tanong ko. "Hindi pwede, Janine. Kailangan nyong kilalanin ang isa't isa. Please, for daddy?" biglang nagpacute si daddy kaya't napabuntong-hininga na lamang ako. "Sige na po" *** Maaga akong nagising ngayon. Mabilis akong nagbihis at kumain ng breakfast para makaalis na agad. Gagala kasi kami ni Yssa mamaya eh. "Bye dad!" sabi ko at nagmamadaling lumabas. May sasabihin pa ata siya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin at sinarado na ang pintuan. Nasa labas na rin si Yssa. "Hi Cashew!" bati niya sa akin. Nag-wave naman ako sa kanya at tsaka nagmamadaling hinila na siya paalis. "Ano ba naman yan Cash! Bakit ka ba nagmamadali?" angal ni Yssa. "Basta bilisan mo na lang!" sabi ko at hinila ko na siya. Ngunit napatigil kami sa pagtakbo nang isang motor ang humarang sa harap namin. "Patay.." bulong ko. "Bakit ba Cash? Anong meron?" naguguluhang tanong ni Yssa. "Halika na! Bilis!" Nagpanic na ako at hinila na siya at nilagpasan namin yung nagmomotor. Kilala niyo na ata kung sino yun diba? Syempre? Sino pa ba kundi ang magnanakaw? Argh! Kung bakit ba kasi ako pumayag na magpasundo sa kanya eh! Hindi na ako nagulat nang nakita ko siyang sumusunod sa amin. Binilisan ko pa lalo ang takbo ko ngunit nagulat ako nang hinawakan niya ang baywang ko at inangkas ako sa motor niyang umaandar. "Cashew!" gulat na sigaw ni Yssa na naiwanan na doon. Tinignan ko siya ng masama ngunit nakangisi lang siya. "Bwiset ka! Iniwan naten si Yssa!" angal ko. "Wala namang sinabi ang nanay na pati siya susunduin ko rin eh. " Nasa harapan niya ako ng motor kaya't doon ko lang napansin na para siyang nakayakap sa akin. Agad na nag-init ang mukha ko at mukhang napansin nya yon kaya't mas lumaki ang ngisi niya. Binilisan niya ang takbo sa motor at doon lang nag-sink in sa akin. Takot ako sa motor! Napahawak ako ng mahigpit sa kanya kaya't napa-angal siya. "Ano ba! Umayos ka nga! Hindi ko makita ang daanan naten!" inis na sigaw niya. "Waaaaah! Ibaba mo ako dito! Kidnapper!! WAAAAAAAH!!" Nagpumiglas ako sa yakap niya at sumigaw ng sumigaw. Ramdam ko ang mga titig sa amin ng mga taong nakakasalubong sa amin. I know. Nakakahiya ako. Pero gusto ko na talagang bumaba! "Ibaba mo ako!!" sigaw ko pa ulit at hinampas-hampas na siya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumiko at muntikan na akong mahulog ngunit nasalo niya naman ako. Binaon ko ang mukha ko sa uniporme niya sa ayaw kong makita kung mabubunggo ba kami o hinde. Peste siya! Nakabwiset! Kaasar! Ang sarap bugbugin! Argh! Nakakainis!! Narinig kong napatawa siya ng mahina habang nagmamaneho kaya't nakurot ko ang tagiliran niya. "Aray!" galit na sigaw niya. "Peste ka! Bwiset! Wag mo kong tawanan kung ayaw mong mamatay tayong dalawa dito!" sigaw ko habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang na hindi na kami gumagalaw. Hindi ko na nararamdaman ang hangin sa likod ko at mas lalong hindi ko na nararamdaman ang paglik-liko ng motor na sakay ko. "Andito na tayo" narinig kong sabi niya. Dahan-dahan akong napabitaw sa kanya at bumaba ng mag-isa. Natatawa pa rin siya sa reaksyon ko kaya't hinarap ko siya at sumigaw ng, "BAKLA!" Napatigil naman siya sa pagtawa kaya't alam kong nanalo ako. Hmp! Bwiset siya! Tinalikuran ko na siya naglakad na paalis. Ngunit nagulat ako nang may yumakap sa likod ko. "Remy ano ba! Para kang adik!" sigaw ko. Pabango pa lang niya, alam na alam ko na eh. "Namiss lang kita, Yeowang! Huhuhu!" pagdadrama nito. "Pag may nakakita sa aten, baka isumbong ka sa girlfriend mo" sarkastikong sabi ko. Agad naman siyang napabitaw at nag-peace sign na lang. "Hay! Ewan ko sayo!" Napairap na lang ako at napabuntong-hininga. "Anong ginagawa mo kasabay si Knight?" biglang seryoso niyang tanong. Napangiti na lamang ako. "Bakit? Selos ka noh? Sus~" pabirong sabi ko at tinusok-tusok ang tagiliran niya. Bigla siyang napapatawa bawat pagtusok ko sa kanya. "O my gahd Remy! May kiliti ka pala? Bakit ngayon ko lang nalaman?" sabi ko sabay tawa at ipinagpatuloy ang pagkiliti ko sa kanya. "Peste! Takte ano ba Cash! Tama na nga!" natatawa niyang saad kaya't itinigil ko na. "Cash naman eh! Sagutin mo ako!" pagiinarte niya at napa-pout. Nagkibit-balikat lamang ako. "Malay ko ba. Kagabi kasi, nag-dinner kami ni dad kasama ang nanay niya at siya. Naiinis lang ako kasi sabi nila, bagay kami" Nanlalaki ang mga mata ni Remy habang pinapakinggan ako. "Cashew. Hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin nun? Pinagkakasunduan nila kayo! Arrange marriage! Hindi mo ba alam kung ano yun?" Para akong tinakasan ng dugo sa sinabi niya. A-arrange marriage? Ikakasal kaming dalawa? Pak! "H-hindi naman siguro Remy. Hehe.." kinakabahng sabi ko. Nasapo na lamang niya ang ulo niya. "Ewan ko sayo, Cash! Tignan nalang naten kung ayun nga ang plano ng dalawang matanda" sabi ni Remy. Tsaka naman dumating si Yssa na nakasimangot. "Ano ba Cash! Bakit kailangan mo kong iwanan doon?" "Hindi kita iniwanan doon Yssa. Nakidnap ako. NAKIDNAP!" sabi ko sabay iling ng ulo. "Alam mo bang bored na bored ako sa sarili ko habang naglalakad sa school. Hindi kasi kita maasar!" nababanas na sabi niya. "Wow ha. Ikaw pala yung nang-aasar sa akin" sarkastikong sabi ko. Bigla na lamang nag-ring ang bell hudyat na late na kami. "Fudge! Lika na Yssa. Ambagal mo kasi eh!" angal ko at hinila na siya. Kinawayan na lamang namin si Remy bago tuluyang pumasok para sa unang klase namin. *** Sabay kayong mag-lunch, please honey? Para kay daddy to. Get to know him better, okay? -Daddy Napabuntong-hininga na lamang ako nang nabasa ang text ni daddy. Ano bang plano mo dad? Gusto mo ba talaga kaming ikasal? Ayoko! Ayoko talaga! Fudge! Naglalakad ako sa hallway at papunta na ng canteen. Andoon na kasi sila Remy at Yssa. Inis na inis pa rin ako habang nakatingin sa cellphone ko. Kabanas! Ayoko talaga! Never kong inasam na mapakasal sa taong kinaiinisan ko! Nagulat na lang ako nang may humila sa aking kamay at kinaladkad ako papasok ng canteen. Sino pa ba? Edi yung magnanakaw! "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" inis na sabi ko habang nagpupumiglas sa masikip nyang hawak sa aking kamay. "Ang sabi ng nanay, sabay daw tayong kakain" malamig na sabi niya habang mahigpit na nakahawak pa rin sa kamay ko. Bigla niya akong sapilitang pinaupo sa table kung saan kumakain ang mga kamiyembro niyang varsity players. Awkward na nakayuko lang ako habang tinitignan isa-isa ng mga members. "O? Sino naman yan, Andriel? Bagong chicks?" nakangising sabi ng isa. Matalim ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Ako? Chicks? Ha! Asa pa siya noh! Hindi ako pumapatol sa mga magnanakaw. "Tumahimik ka nga" seryosong sabi ni Andriel. Napatingin siya sa akin. "Anong gusto mo?" Sumimangot ako. "Gusto kong makaalis. Bitawan mo na ako" sabi ko. Oo. Nakahawak pa rin kasi siya sa akin. Leche. Feel na feel niya. Napabitaw nga siya. "I mean.. anong pagkain?" tanong niya ulit ngunit hindi na ako umimik. Bwiset siya. Pakamatay na siya. Hmp. Narinig ko siyang napabuntong-hininga at tumayo na at iniwan ako kasama ang mga lalakeng to. Apat na lalake ang nakatingin sa akin ngayon na parang kinikilatis ang buong katawan ko kaya't napaiwas na lamang ako ng tingin. "Uhm.. Hi! Ezekiel nga pala! Ikaw si.. Janine diba?" tanong ng isang lalakeng nakasalamin. Wait what? Nakasalamin pero kasali sya sa varsity? Ikaw na koya. "Janine Cashew Park. Pwede na ba akong umalis?" mahinhin na sabi ko. "Hindi ka pwedeng umalis kung ayaw mong magalit si Master" sabi ng isa. Napataas naman ang kilay ko. Si Andriel ba ang captain ng basketball team? Siguro nga. Eh. Whatever. "Ako nga pala si Matthew." dadgdag niya pa kaya't nginitian ko siya. "Felix. Hi babe" sabi ng isa at kumindat pa. Pakshet ang gwapo sana kaso malandi. Opo, inaamin ko. Gwapo silang lahat. "Gabriel. Ako ang kanang kamay ni Andriel. Bagong chicks ka lang ba talaga?" Siya nga yung nagsabi na chicks daw ako ni Andriel. Ang sarap bangasan pramis. "Eh hindi naman playboy yang si Master eh. Baka naman girlfriend niya talaga?" sabi ni Ezekiel. "Sus? SI Andriel hindi playboy? Siguro nga chick magnet. Hoy Janin--" Naputol ang pagsasalita ni Matthew nang nagsalita ako. "Call me Cashew" sabi ko. Napangisi lamang siya. "Janine, girlfriend ka ba talaga ni Master?" pagpapatuloy niya. Argh! Pare-parehas silang nakakainit ng dugo! Magsama sila ng Master nila! "Hindi niya ako girlfriend. Puh-lease.. mas gusto ko pang i-date si Remy kaysa siya noh. Bakla naman yun eh!" sabi ko sabay irap. Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko. Baket? May sinabi ba akong mali? "May sinasabi ka?" Malamig na boses ang narinig ko sa likod ko. Awtsu. Nasa likod ko na pala siya. Help~ Matapang na tumayo ako at hinarap siya. "Oo. Sabi ko bakla ka! Bwiset!" Inirapan ko siya bago mag-walk out at dire-diretso sa table kung nasaan sila Yssa. "Akala ko hindi ka sasabay sa amin sa pagkain eh." nakangiting sabi ni Yssa. "Aba! Matitiis ko ba kayo? Tara na! Kain na tayo!" Masiglang sabi ko. Napansin kong nakatitig lang sa akin si Remy. "H-hoy. Ayos ka lang?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumawa. "Hala.. baliw na" bulong ko. "Ano yung sabi mo Cashew? Mas gusto mo pa akong i-date kaysa kay Andriel?" nang-aasar na sabi niya. Bigla akong namula. Narinig niya pala yun. Patay! "O-oo naman noh! Mas pipiliin kita kaysa sa Andriel na yun!" taas-noo ko pa ring sabi kahit pulang-pula na ako. Wala eh. Nasabi ko na. Paninindigan ko na lang. Hay~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD