[3]

2222 Words
"Oh bakit nakabusangot na naman mukha mo?" tanong ni Remy at agad akong pinagtawanan. Mas lalo ko lamang ikinunot ang noo ko sa pagtawa niya. Humupa ang tawa niya at inalis ang pagkakakunot ng noo ko. "O yan, hindi na siya gusot! Hindi na kailangang plantsahin!" Inalis ko ang kamay niya sa noo ko at sumimangot. "Ang sama mo talaga Remy! Kaasar ka!" "Oh. Eh bakit ka nga kasi nakasimangot?" tanong naman ni Yssa. Bumuntong-hininga ako at hinarap sila. "M-may nagnakaw ng halik sa akin" maluha-luhang sabi ko. Napawi ang ngiti ni Remy nang marinig ang sinabi ko. Maging si Yssa ay kumunot ang noo. "ANO!?" sabay na sigaw nila. Nairapan ko naman sila ng wala sa oras. "Grabe! Kung maka-ano naman tong mga to, parang kayo yung ninakawan!" "M-may nanghalik sayo? Sino?? Kilala mo ba?" nagaalalang tanong ni Yssa. Napailing na lang ako bilang sagot. "Hindi ko siya kilala. Bwiset siya." bulong ko. "Ano bang nangyari?" tanong naman ni Remy. "Kase kakain dapat ako sa labas. Then pagkatapos kong umorder, nakita ko isa na lang ang bakanteng table. Nauna kong ilapag ang pagkain ko pero bigla na lang siyang sumulpot bigla at sinabing siya daw nauna. Ayon, binantaan ako kaya inasar kong bakla. Tapos.. tapos bigla na lang akong hinalikan!" Gulat ang ekspresyon sa mukha nila habang nakikinig. "Ungentleman? Tapos naaasar kapag nasasabihan na bakla?" sabi ni Yssa. "Parang kilala ko yan ah? S-si.." Napatigil sa pagsasalita si Remy nang biglang nagtilian ang mga babae sa paligid. "O em gee! Andyan na ang varsity players!!" Napahawak na lamang ako sa tenga ko sa sobrang tinis ng boses ng babae. Grabe teh! Kung makasigaw ka ah! Dahan-dahan akong napalingon sa mga lalakeng napadaan sa harapan namin. O shucks. Bakit siya? Sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa? Tama kayo. Siya nga. Yung walangyang lalakeng pinag-uusapan namin kani-kanina lang. Mukhang napansin niya rin ako kasi bigla niya akong nginisian. Na mas lalo namang ikinainis ko. Bwiset siya! Kaasar! He stole my first kiss! Sa aming mga babae, tine-treasure namin ito para sa first love namin. And now, isang di kilalang estranghero lang ang kukuha nito sa akin!? Aba! Hindi ako makakapayag! Hindi ko namalayang lumapit pala ako sa kanya, marahas na hinatak ang braso niya at hinarap siya sa akin. "Anong kailangan mo?" seryosong tanong niya sa akin. I mentally cursed. "You know damn well kung anong kailangan ko! You freaking stole my fi--" "And what? Nangyari na? Gusto mo bang ibalik ko sayo?" Nagulat na lang ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Nag-init agad ang mukha ko at buong lakas na tinapakan ang paa niya. "Ow f-ck! Damn you!" "Well damn you too! Napaka-walang hiya mo! Ugh! Bakla!" Biglang nandilim ang aura niya. "Anong sabi mo?" I smirked. Dito siya mahina eh. Kapag sinasabihan siyang bakla. "Sabi ko bakla! Bakla ka! Bakla bakla bakla!" sigaw ko sa mukha niya. Narinig ko naman ang bulungan ng mga babae sa paligid. Duh. Who cares about their chismis and opinions? Akmang may gagawin siyang hindi maganda sa akin ngunit biglang sumingit si Remy. "Uhm. Excuse me lang, pero malelate na kasi kami ng kaklase ko. Aalis na kami" sabi ni Remy. Nag-tsk naman yung lalake at umirap pa bago umalis. Wow! Ang taray! May pa-irap irap pa siya dyan! Tusukin ko mata niya eh! Hinila na rin ako ni Remy paalis ng eksena at sumunod naman si Yssa sa akin. "Grabe Cashew! Ang tindi mo! Hindi mo ba alam na gangster yang kinakalaban mo?" sabat agad ni Yssa nang nakalayo na kami. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "W-what? What the hell is a gangster?" Nasapo ni Remy ang ulo niya. "Damn your innocence. A gangster.. isa siyang mabangis na fighter Cashew. He's a rebellious, good-looking and.. pumapatol siya sa babae. Muntik ka na niyang masuntok kanina" seryosong sabi ni Yssa. "If not for me, siguradong tulog ka na ngayon" pabirong sabi pa ni Remy. "Gangster? Bakit parang narinig ko na ang salitang yan? Pero parang nakalimutan ko lang?" Nagkatinginan si Remy at Yssa. "That must be your imagination, Cash. Hindi mo nga alam kaya ka nagtatanong diba?" sabi ni Remy. "Oo nga. Oh well. Ano nga ulit pangalan niya?" "His name is Andriel Knight. Wag na wag mo siyang lalapitan kung ayaw mong masaktan" sabi ni Yssa. 'But he stole my first kiss! Hinding-hindi ko yun titigilan hangga't hindi siya nagso-sorry sa pagkuha sa akin ng first kiss ko!'  "O sya, halika na. Malelate na tayo sa last subject natin" sabi ko at hinila na si Yssa. Hindi ko kasi kaklase si Remy sa last sub. *** "Let's go home together, Cash" sabi ni Remy. I rolled my eyes. "Duh Remy. Lagi naman tayong magkasabay umuwi eh. Lika" sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya. "Teka. Bili muna tayong bubble tea! Doon sa likod ng school!" sabi niya at hinila naman ako. Grabe talaga tong lalakeng to. Kay bilis tumakbo! May lahing Flash ata eh? "Kalma lang naman Remy! Pinapagod mo ako eh!" angal ko. Napatawa na lang siya at binagalan nga ang paglalakad. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa store ng bubble tea. "O bili na. Libre mo naman eh. Nagyaya ka kasi" sabi ko sabay tawa. Napailing na lamang sya habang nakangiti. "O sige. Hintayin mo ko dyan" sabi niya at dali-daling pumasok sa loob. Habang nag-iintay sa kanya, di ko maiwasang pansinin ang lalakeng kanina pa tingin ng tingin sa akin. Naka simpleng polo shirt lang siya at pants. Pero may sumbrero sa ulo. He looks familiar. Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Lumapit na siya sa akin. "Uhm.. hi" nahihiyang sabi niya. Napangiti naman ako. Ang cute niya! "Hi! Teka, i-ikaw yung isang miyembro ng grupo na aapat lang ah. Yung nag-aawa--" Bigla akong napatakip ng bunganga. Ano ba Janine! Ang daldal-daldal mo! O fudge. Busted na! Napatawa naman siya sa reaksyon ko. "Oo ako nga yon. Ikaw yung babaeng nadapa at naitumba ang trash can" sabi niya sabay tawa. Napa-pout na lang ako. Bakit ba gustong-gusto nila akong asarin? "By the way, Janine Cashew Park nga pala!" pagpapakilala ko. Nginitian niya ako. "Kyle Aldridge. Pero kung gusto mo akong tawaging Jack, pwede rin" sabi niya. "Nge? Anong kinalaman ng Jack sa pangalan mo?" tanong ko. Pero ngiti lang ang tugon niya. Nakita ko na papalabas na ng store si Remy. "Maaalala mo rin ako, Janine. Sige, mauna na ako ha. See you next time. And isa pa, hindi bagay sayo mukhang manang. Ang cute mo kaya!" Nginitian niya ako bago tumakbo ng mabilis at nawala. "O Cashew. Sino yung kausap mo?" tanong ni Remy. Mukhang nakita niya akong may kausap kanina. "Hindi ko rin kilala" sagot ko naman at kinuha na sa kanya ang bubble tea ko. Sino ka ba? Sino rin yung babae? Magkaano sila? Bakit nila ako kilala samantalang di ko naman sila kilala? *** "O Cashew? Nakapants ka na ngayon ah? Improving teh! Nagpapaganda ka ba? Para kanino? Sabihin mo sa kin at tutulungan kita!" Ayan agad ang bungad sa akin ni Yssa nang madatnan niya akong nakapantalon. Aba, trip kong magpantalon eh. S-sabi kasi ni Jack.. hindi daw bagay sa aking manang. Kaya sinubukan kong magbagong buhay! Kahit sa sandaling panahon lang kami nakapag-usap ni Jack, may naitulong naman siya para ma-improve ang sarili ko. Siguradong pasasalamatan ko siya ng maraming-marami pag nagkita ulit kami! "Aba? Masamang mag-try teh? Nagpapaganda agad? Bakit naman ako magpapaganda eh alam ko namang di ako maganda?" sabi ko sabay sad face. I know. Hindi ako confident sa sarili ko. Ewan ko ba! Dahil kasi hindi ako lapitan ng mga lalake, kaya sobrang baba lang confidence ko. Malapitan lang ako ng pogi, tatanungin ko agad kung binayaran ba siya. Haha! "Sya, halika na. Baka hinihintay na tayo ni Remy" sabi ko at hinila na siya palabas. "Janine anak! Teka lang!" narinig kong pahabol ni daddy habang papalabas na kami ni Yssa. Napalingon naman ako sa kanya. "Ano yun dad?" "Umuwi ka ng maaga mamaya. Magdi-dinner tayo sa labas" sabi niya at ngumiti tsaka sinarado na ang pintuan. "Dinner sa labas? Ano naman kayang nakain ni dad at napagpasyahan niyang mag-dinner kami sa labas?" bulong ko. "Siguro gusto lang ng quality time kasama ka. Or baka naman namiss nyang kumain sa labas. Or tinatamad siyang magluto. O di kaya--" "Oo na, Yssa. Tumahimik ka na" sabi ko at sumimangot naman siya. Napatawa na lamang ako at pinisil ang ilong niya. "Hay nako! Napakatampuhin talaga ng bestfriend ko!" pang-aasar ko. "At least mahal mo" sabat niya. "Tama! Mahal na mahal kita Yssa-babes. Yiee~ Kinikilig na yan" pagbibiro ko habang tinutusok-tusok ang tagiliran niya. "Mahal na mahal rin kita Cashew-babes. Kung sakaling may magawa man akong kasalanan sayo, patawarin mo ko ha?" sabi niya at nagpa-cute sa akin. "Syempre naman! Bestfriend kita eh!" sabi ko at nginitian siya. Masaya naman siyang tumango at nagpatalon-talon. Hay, baliw na talaga. Kaya kami nagkakasundo nito eh. Maya-maya ay nakarating na rin kami sa school. Naabutan namin doon si Remy na nakatambay sa ilalim ng puno at nagte-text. "Hoy ano yan! Nakangiti ka pa dyan ah! Siguro naglalandian na naman kayo ng girlfriend mo noh?" pang-aasar ko nang nakarating na kami sa kanya. Mukhang nagulat siya sa amin at mabilisang itinago ang cellphone niya. "H-ha? Anong naglalandian?" "Sus! Defensive naman nito!" sabi ni Yssa sabay tawa. "O siya, ihahatid ko na kayo sa classroom niyo." sabi ni Remy at nginitian kami. Napataas naman ang kilay ko. "Parang ang bait mo ata ngayon? May kailangan ka noh?" Nawala ang ngiti niya at nag-pout. "Paheram ng 200. Sige na~ Naiwanan ko kasi ang wallet ko sa bahay tapos may date kami ng girlfriend ko. Please, Cashew~" pagmamakaawa niya. Napailing na lamang ako. "Syempre may kapalit!" sabi ko sabay ngisi ko sa kanya. Napalunok naman siya. "A-ano yun?" Nagkatinginan kami ni Yssa at sabay sinabing, "PIGGYBACK RIDE!" Natawa na lang kami nang mas gumusot ang mukha niya. Malakas kasi itong si Remy kaya't gustong-gusto namin kapag sinasakay niya kami sa likod niya. Tingin ko parang ang gaan-gaan ko lang kasi ambilis niyang tumakbo. "Ayaw ko nyan. Iba na lang. Mabigat si Cashew eh" angal niya. Ako naman ang napasimangot. "Ang kapal ah! Hindi kaya ako mabigat! Ang sexy ko nga eh!" "Sige Cashew, ipush mo yan" pang-aasar ni Yssa. "Sige iba na lang. Gusto ko, ikaw gagawa ng powerpoint ko para sa next reporting ko, okay?" Nahilig naman ang ulo niya sabay tango. "Sige na nga! Buti na lang at matalino at masipag ako. Di gaya mo! Matalino nga, tamad naman! Bakit ba ikaw ang top 1 sa klase? Bakit 2nd lang ako?" "Eh kasi nga, mas matalino ako sayo kahit anong sipag mo pa. Haha! Bleh!" sabi ko sabay binelatan siya. Napailing na lamang siya ng ulo at ginulo ang buhok ko. "Sige, tara na. Malelate na kayo. 200 ko nga pala" Kinuha ko na sa bag ko ang bagong-bagong 200 at iniabot kay Remy. "Salamat!" nakangiting sabi nya. "O sige, maiwan ko na kayo!" Dagdag pa niya at bigla na lamang umalis. Nagtaka naman kaming dalawa ni Yssa. "Bat nagmamadali yun?" tanong ni Yssa. "Baka ngayon ang date nila ng girlfriend niya" balewala kong sabi at nagpatuloy-tuloy na papunta sa classroom. **** Uwian na namin at hinatid na naman ako ni Remy sa bahay. Pagdating ay nakita kong bihis na bihis si daddy kaya't nagtaka ako. "Grabe naman yang suot mo dad! Pupunta ka bang kasal?" "Hindi anak. Diba nga may dinner tayo sa labas? Sa mamahaling restuarant kasi. Kaya kung ako sayo, magde-dress ka. Bilisan mo at baka ma-late pa tayo" sabi ni dad at dumiretsong salamin para tignan ang sarili. I groaned. I hate wearing dresses. Bakit ba parang napaka-importante ng dinner na to at kailangang bihis na bihis ako? May guest ba kami? Bigla kong nasapo ang ulo ko. Tama nga! Siguradong may guest kami kaya't maayos ang pananamit ni dad. Sino naman kaya? Umakyat na ako sa taas at nagbihis na. Nagsuot ako ng simpleng dress at headband. Nagsukalay rin ako para mas maayos ang buhok ko. Ayan! Hindi na ako mukhang manang. Kailangan ko na lang tanggalin ang salamin ko. Tinanggal ko ito at nagsuot na lamang ng contact lens. Yes, may contact lens nga ako kaso ayaw ko itong gamitin dahil ang hirap ilagay! Pramis, siguradong pagtapos ko tong malagay, pulang-pula na mga mata ko. After ng ilang minuto ay natapos na rin ako sa pag-aayos at bumaba na. "Halika na dad" aya ko sa daddy ko na kanina pa naghihintay sa akin. "Wow. You look gorgeous, honey" sabi niya at hinalikan ang noo ko. I smiled. "Thanks dad. Tara na at baka ma-late pa tayo sa pupuntahan naten!" Sumakay na ako sa sasakyan ni dad at tahimik lang kami habang nagda-drive siya papunta sa restaurant. Mabilis lang kaming nakarating dahil malapit lang pala. "Now Janine. Act nice, okay? We're meeting someone special" sabi ni daddy at pumasok na kami sa loob ng restau. May bumati sa aming waiter at dinala kami sa pwesto namin. Habang papalapit sa table, nakita ko ang isang magandang middle-aged na babaeng nakatalikod at isang lalake naman ang katabi niya. "I'm sorry we're late, Mrs. Knight" Nanigas ako nang marinig ang surname na yon. Dahan-dahang humarap sa akin ang lalake at nagulat rin siya nang nakita niya ako. "IKAW?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD