[2]

1405 Words
"Uhm.. Hi. Hehe" Napatingin ako sa kanilang lahat. Gulat na gulat yung apat while yung isang grupo ng mga lalake ay nakangisi. "Ano pa bang ginagawa mo dyan, Cashew?! Bilisan mo nga!" Naramdaman ko na lang na hinila na ako paalis ni Remy sa awkward scene na yun. "Habulin niyo sila!" rinig kong sigaw ng isa. "Kami ang kalaban niyo! Hindi sila! Gusto niyo bang matalo agad-agad?" sabat naman nung isa. Nakahinga ako ng maluwag. Mababait naman pala yung isang grupo. Kaso as I've said, outnumbered sila. Kawawa naman. Hinihingal na ako dahil kanina pa kami takbo ng takbo nito ni Remy. "Remy kalma!" pagod na sabi ko. Doon naman kami napatigil. Umupo muna ako sa isang tabi habang hinahabol ang hininga ko. Grabe talaga tong lalakeng to. Napakabilis tumakbo. "Uy sorry. Nakalimutan kong mabagal ka palang tumakbo. Hahaha! Kaya ka tumataba e!" pang-aasar niya. Binelatan ko na lang siya. Kaasar! Nagulat na lang ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. "Alam mo ba.. pinag-iisipan ko na to eh. Paano kaya kung mag-take ka ng classes? Diba? For self-defense na rin kapag may nangyaring ganun ulit sayo tapos wala ako" Napatingin ako sa kanya. "Adik ka ba? Eh kasalanan mo kaya lahat! Kung hindi ka nanghila edi hindi sana tayo nasangkot sa gulo!" sarkastikong sabi ko. Nag-peace sign lang ang loko. Haist! Pasalamat siya cute siya. "O siya! Iuwi mo na ako!" sabi ko. Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad pero ako ay nanatili lang na nakaupo. Mukhang napansin niya na hindi ako sumusunod sa kanya kaya binalikan niya ako. "Tara na!" aya niya. Siguradong gusto na ring umuwi ng isang to. "Bleh! Buhatin mo ko!" pang-aasar ko. Tama Janine. Magpabuhat ka. Tutal kasalanan niya naman lahat ng to eh. Napailing na lamang siya dahil sa immature act ko pero binuhat niya pa rin ako; piggyback style. Tuwang-tuwa naman akong nakakapit sa leeg niya. "Weeee~!" "Ano ba yan, Cashew! Napaka-childish mo! Ang laki-laki mo na nagpapabuhat ka pa rin! Baby damulag!" pang-aasar niya. "Neh. Okay lang yan Remy. Malakas ka naman eh. Hahaha!" Napangiti na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. *** Remy's POV Nakarating na rin kami sa harapan ng bahay niya. Woo! Ang bigat ni Cashew! Ano bang kinakain ng dambuhalang babaeng to? "Cashew? Cashew baba na, andito na tayo" sabi ko. Pero hindi siya gumalaw. Pak. "Cashew naman eh! Wag ka na ngang magloko! Baba na!" Hay. Sabi na nga ba. Tulog na ang lola. Napailing na lamang ako at ibinaba ko siya muna saglit. Pagkatapos ay kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nila. Maya-maya pa'y lumabas na ang daddy ni Cashew. "Sir" yumuko at lumingon doon sa natutulog na Cashew. Napabuntong-hininga na lamang ang daddy ni Cashew nang makita siya. "Salamat R. Makakaalis ka na" sabi ng daddy niya at binuhat na pabalik si Cashew sa loob ng bahay. Ngumiti ako ng tipid at tsaka nagsimula nang maglakad papunta sa bahay ko. *** Janine's POV "I love you, Yeowang.." Unti-unti, napadilat ako ng mata. Ouch. Umaga na pala. Pagkatayo ko ay bigla kong nasapo ang ulo ko. S-sino yun? May narinig kasi akong boses. Si Remy ba yun? Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Yeowang diba? Teka, ano ba ibig sabihin ng Yeowang? Ma-search nga sa google. Binuksan ko ang mini IPad ko at mabilisang sinearch ang meaning. Ang lumabas: a queen or empress A queen? Bakit naman ako tatawagin ng ganun ni Remy? Wag mo sabihing nang-aasar siya? Queen of what? Queen of Nerds? of Wierdos? Psh! Masipa nga mamaya ang lalakeng yun! Napakasama eh! Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo. Nagbihis na rin ng pang-alis pagkatapos at tsaka inayos ang sarili sa harapan ng full-length mirror. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Yssa na naghihintay na sa ibaba. Seryoso ang mukha niya habang may tinitignan sa cellphone niya. Ngumisi ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at gugulatin ko sana siya kaso.., "Hi Cashew. Lika na" Ay grabe! Pinagsawalang-bahala lang yung panggugulat ko sa kanya. Napailing na lamang ako at sinundan na rin siya. "Hoy babae. Bakit nalaman mong nandun na ako? May lahi kang ninja noh?" pabiro kong tanong. Napatigil siya at lumingon sa akin. "Huh? Siguro."  Nag-shrug na lamang ako at hinila na siya palabas. Pagkaapak na pagkaapak ko sa labas ay naramdaman ko agad na pinapanood ako. Oh fudge. Why am I getting so paranoid? Nagpatuloy lang kami ni Yssa sa paglalakad. And eto naman akong lingon ng lingon kung saan-saan dahil sure akong may sumusunod sa amin. Mukhang napansin naman ni Yssa na hindi ako mapakali. "Okay ka lang ba, Cashew?" Tumango ako. "Akala ko kasi may sumusunod sa atin.." "Meron nga.."Hindi ko narinig ang binulong ni Yssa dahil nga bulong diba? "Ano yun, Yssa?" Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Wala wala! Sabi ko masyado ka lang nakapanood ng horror movies. Siguradong wala lang yan. Aba! Sinong matino naman ang i-stalk ka? Hahahaha!" Napalo ko siya sa braso. "Ang sama! Porket mukha akong manang, ginaganyan mo na ako!" Nag-pout ako at lumayo sa kanya. Kunwari nagtatampo. Hihihi. "Sorry na, Cash~ Nagbibiro lang noh." Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa school. Aba! Bahala siya sa buhay niya! Sinalubong kami ni Remy pagdating sa school. "Hi Cash! Musta? Wala bang sumunod sayo kagabi?" tanong agad ni Remy. Bigla kong naalala yung laban na ginulo namin kahapon. "Ha? Bakit? Bakit naman may susunod sa kanya? Anong kagabi? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Yssa.  Hindi ko na lang siya pinansin. "Syempre wala! Aba, mabilis ka kayang tumakas" natatawa kong sabi. "Buti na lang. Sige, mauna na ako. May date pa ako mamaya eh. Bye Yssa, bye Cash" sabi niya bago umalis. Malungkot na nakatanaw lang si Yssa sa kanya. "Aw.. wag ka ng malungkot Yssa. Siguradong may mahahanap ka pang papalit dyan sa lalaking yan" Tinignan niya ako at binigyan ng tipid na ngiti. *** Napabuntong-hininga ako habang andirito sa labas ng school namin. It's lunch time at parehas na may klase ang dalawa kong bespren. Guess I'll have to eat alone. Dapat ay kasama ko si Yssa ngayon, pero bumagsak kasi siya sa isang test and she'll be having the make-up test ngayong lunch. Ngayon lang ako kakainin ng lunch sa labas dahil gusto kong maglakwatsa. I don't know. My guts said leave the school. Don't worry, babalik naman ako mamaya pagkatapos kong kumain. After kong maglakad ng ilang minuto, dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng Jollibee. Wut? Pumasok ako sa loob at biglang nagutom nang naamoy ko ang pagkain. Whoo! Nice choice guts. Buti na lang pinagkakatiwalaan kita. Haha. Umorder na ako ng pagkain at naghanap ng mauupuan. Oh nice. May bakante na pang-dalawahan. Kinuha ko na ang tray ko at lumapit sa nakita kong table na bakante. Pagkalapag na pagkalapag ko ng tray ay.. "Hey! Nauna ako diyan!" Narinig ko ang isang di-pamilyar na boses. Napatingin ako sa lalakeng ito at nagulat. Siya! Siya yung masama yung tingin sa akin nung nagbabasketball sila! "And? Saan mo naman ako papakainin sakaling dito ka uupo? Di mo ba alam na wala ng bakante?" inis na tanong ko. "Pake ko? Ang problema ko lang ay makakain ako ng maayos. Wala akong pakealam kung anong problema mo. Nauna ako dito kaya't umalis ka na bago pa ako may magawang masama sayo" seryosong sabi niya. I rolled my eyes. Napakadamot naman nito! "Napaka-ungentleman mo ano? Oh well, problema mo lang naman ay makakain ng maayos hindi ba? Eh problema ko ang mauupuan ko habang kumakain eh. Sinong panalo ngayon?" nakangisi kong sabi habang nilalapag ang pagkain sa table. "Makulit ka rin noh? Gusto mo talagang makatikim bago mo sundin ang gusto ko?" Medyo natakot na ako sa kanya. Yahhh~ Nakakatakot siyang tumitig~ "Y-you wouldn't dare. Bakla ang tawag sayo kung papatulan mo man ako! Bakla! Bakla! Bakla!" Mas tumalim ang tingin niya. "Bakla pala ah.." Nagulat na lang ako ng kwinelyuhan niya ako at.. at.. OMYGAHD. He kissed me! He fudging kissed me! Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay sinampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko at nakatulala lang sa akin. "Stealer! Robber! Ugh!! I hate you!!" sigaw ko at nagdadabog na lumabas ng fastfood. Napahawak ako sa labi ko. Yuck! A stranger kissed me. Oh god. Hindi ko ninais na mahalikan ng isang di-kilalang tao! Huhuhu! Ang first kiss ko! Wala na! You'll pay for that, stranger! Walangya ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD