"Ate Jan! Bilis! Laro tayo! Ayokong kalaro si Charles! Ang sunget-sunget!" sabi ni Kiss at hinila ako palabas, papunta sa mini garden ng house nila. Naupo kami sa bench na swing. "Sabi mo, ayaw mong kalaro si Charles. Pero bakit ayaw mo pa ring tumigil sa kakaaya sa kan'ya para maglaro?" pang-aasar ko sa kan'ya. Ang cute cute talaga ni Kiss! Kamukha ko! "Eh kasi.. wala akong kalaro eh! Ayoko namang kalaro si Ruby kasi lagi niyang inaagaw si Charles!" inis na sabi ni Kiss at humalukipkip. Napatawa na lang ako. Sarap siguro bumalik sa pagkabata. 'Yon bang wala kang pinoproblema. Ang makahanap ng makakalaro lang ang kaisa-isa mong problema. Gaya ni Kiss. "Bakit ayaw mong kalaro si Ruby? 'Di ba magkapatid kayo?" tanong ko. "Eh hindi naman naglalaro ang kapatid ko na 'yun eh! Mas mahilig pa

