Audrey NANG bumalik ako sa opisina ay napansin ako ni Teressa na pakanta-kanta sa aking mesa. “Aba, mukha yatang maganda ang mood natin ngayon, ah. Nagkabati na ba kayo ni Sir KJ?” Napaangat ako nang tingin. Paano namang nalaman ng isang ‘to na nagkatampuhan kami ni KJ? “Ha, bakit?” tanong ko sa kanya. “Hay, naku, nagmamaang-maangan ka pa, ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam na alam na namin ang nangyari,” pabulong na lumapit ito. “Ha? Nangyari saan?” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi kaya may alam talaga ito? Pero paano naman kaya nila nalaman? “Naku, sis, alam na dito sa opisina ang nangyaring gulo sa inyong tatlo nina Sir.” “Ano?” kunot-noo na hindi ako makapaniwala. Napatango-tango si Teressa at itinuro ng nguso nito ang CCTV camera na nakatapat sa amin. Napasingh

