Audrey SULIT naman ang birthday ni Itay dahil masayang-masaya siya. Nauna nang nakatulog si Itay dahil nalasing na rin sila pare-pareho. Pati si KJ ay hindi rin nakaligtas sa inuman. Kaya naman ay hindi ko na siya pinauwi sa bahay ng tito niya baka kasi walang mag-aasikaso sa kanya roon. At dahil wala naman kaming ibang kuwarto ay sa sala ko na lang siya pinatulog. Malapad naman kasi iyon kahit lumalampas ang kanyang mga paa, idinugtong na lang niya ang isa pang maliit na couch para magkasya siya. Wala naman kasi siyang choice mabuti na lang at hindi naman siya maselan. Napapailing ako habang pinagmamasdan siyang nakapikit na tila hindi makatulog sa kalasingan. Kumuha ako ng basang bimpo at pinunasan ko ang kanyang mukha para kahit papaano ay mahimasmasan siya. Pero napasinghap ako nang

