Nakakunot ang noo kong nakatingin sa tatlong babae sa living room. Prenteng nakadikwatro sa couch si Athena habang may binabasang magazine. Si Hestia naman ay nakahiga sa long sofa habang nagbabasa ng libro na may suot na eyeglass. Si Azura naman ay nakaupo sa carpet kaharap nito ang center table at kumakain ng chicharon na sinawsaw sa suka. Napangiwi naman ako. I made may hair into messy bun and go downstairs. Char! English yarn? Nakakahawa kasi si irog eh. And speaking of manyak. Iniwan ko siya sa kwarto. Magdate sila ng CR. Bala siya! "Hi mga bruha! "bati ko sa kanila pagdating sa harap. Patalon naman akong umupo sa isang couch at niyakap ang unan nito. Si Azura lang ang bumati pabalik sakin habang si Athena ay sumulyap lang sakin at pinagpatuloy ang pagbubuklat ng magazine. Si Hesti

