Sa apartment kami nina Athena huminto. Dito muna ako. Makikisawsaw na naman ako sa mga bruha. May sariling kwarto naman ako dito eh. Hehehehehe. "Why here?"takang tanong ni Daemon. Tinanggal ko muna ang seatbelt at inaayos ang bonnet pati ang backpack kong nakapatong sa hita bago ko siya nilingon. "Dito muna ako, irog. Alam naman ni Mother Earth eh."sagot ko. "Why?"tanong niya ulit. Napakamot naman ako sa ulo. "Dito kasi ako natutulog pag tinimad na ang dyosa mong asawa umuwi galing sa gala. Hehehehehehe." bungisngis ko pa. Napailing-iling naman siya at hinilot ang sentido. "Wife. I have a favor to you." "Ano?" "Can you lessen your being a Dora? Kunti lang naman, my Dea."nakangiwi nitong pakiusap sakin. Napakamot naman ako sa ilong habang nakasimangot sa kanya. "Di ko kaya irog per

