bc

Faceless

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
brave
confident
inspirational
student
sweet
lighthearted
first love
friendship
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

"Faceless; He didn't notice, it was her in the first place."

Love is never blind. They just said that because they think that the two people who love each other are not compatible. Maybe because they look through their differences, their appearance, not knowing what they feel.

"She doesn't love herself, but little did she know, someone does."

chap-preview
Free preview
1; First Day, First Dilemma
"Pa!" Tawag ng isang babae sa kaniyang Ama. Nang lumigon ito, saka siya kumaway nang masigla rito. "Sige, anak, mag-iingat ka. Love you!" ani ng kaniyang Ama. "I love you too, Papa! Ba-bye!" Paalam ng babae saka sunod nang naglakad palabas ng bahay. As usual, may suot na naman itong facemask at sunglass. Idagdag pa ang hoodie ng suot niyang jacket na nakatalukbong sa kaniyang ulo. Palagi siyang ganito. Palaging balot kung manamit. Ultimo ang hita niyang nakasuot pa palagi ng pajama kahit na may suot nang palda. Buti hindi siya pinapagalitan ng mga guro sa kanilang eskuwelahan, ano? Let me introduce to y'all this girl. Her name is Kimberly louisitta Coridgor Salino, ang babaeng walang mukha. Ni kahit isang tao, wala pang nakakakita sa mukha niya dahil nga sa palagi itong balot. Ewan ko lang sa Ama niya. Magkasama sila sa loob ng iisang bubong, e. Malamang siguro nagkikita sila? Hmm... Hindi natin alam. Sa eskuwelahan, kailanman hindi napunta sa kaniya ang usapan. Ang ibig kong sabihin, ni isang guro, walang nagtatanong ng mga bagay patungkol sa kan'ya kahit pa sa oras ng bakante. Iyung mga tanong na... Kung bakit, at anong dahilan ng pagsusuot niya ng facemask, at Sunglass. May sakit ba siya? Kung mayro'n, ano? Tahimik ang buhay niya, maayos at matiwasay. Siguro ang isang normal na estudyante ay papangarapin ang ganoong klaseng buhay estudyante. Maganda sana, ang kaso, wala naman siyang kaibigan. She's a lonely girl. But it seems like it doesn't matter to her. Matalino siya. Palagi siyang top 1 sa klase. Halos lahat ng mga tanong ng mga guro sa kaniya patungkol sa mga nile-lesson ay nagagawa niyang sagutin ng tama. She's also a humble person. Pa'no ko nasabi? Well, kailanman, hindi niya naranasang maging leader sa mga group activities o kahit pa maging presidente sa loob ng kanilang silid-aralan dahil palagi niya lamang ipinapasa sa mga kaklase niya ang ganoong tungkulin. It doesn't mean that she's a lazy person. It's just, she doesn't want to overwork herself. At isa pa, iwas din siya sa mga tao. Gusto niya lang palagi ang maging isang shadow where not everyone could notice her. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at matiwasay bilang isang tao, sa bahay man o kahit sa loob ng kanilang paaralan. Kimberly's POV Happy! Sa wakas, last year ko na rin sa paaralang 'to at ga-graduate na 'ko! Hmm... Ano nga ba ang goal ko? Ang goal ko pagtapos ko sa college? Malamang siguro magtatrabaho na, 'no? Pero ang tanong... May tatanggap kaya sa'kin kung ganito ako? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako mismo sa loob ng paaralan. Ang dalawang kamay ko ay mismong nakahawak lang sa magkabilaang sling ng bag. Patalon-talon pa 'ko kung maglakad ngunit napatigil din nang may ma-realize. Hindi dapat ako kumilos na parang isang batang excited pumasok sa unang araw ng pasukan. Dapat, normal lang. Iyung walang makakapansin sa'kin. Kasi kung magpapabibo ako, baka may lumapit pa sa'kin at magtanong, 'Ang saya mo ngayon, ah? Bago ka lang ba? Pwede bang makipagkaibigan?'. Oh, 'di ba? Shunga lang? Sobrang feeling ko talaga. Ni kahit isang beses, 'di ko pa 'yan nararanasan. Iyung may lalapit sa'yo ta's magtatanong kung gusto ka ba niyang maging kaibigan. Kasi, sa tuwing may nararamdaman akong taong papalapit na sa'kin, ako na ang nagkukusa, at nauunang lalayo kahit na 'di naman talaga ako sure kung ako ba talaga ang lalapitan, hehe. So, what? Feelingera na kung feelingera, I don't f*cking care! Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng street namin. Ilang saglit pa, sa 'di kalayuan ay nakikita ko na ang pagkalaki-laking school na papasukan ko. Tago man ang mukha ko, nakangiti ako. Malawak na mga ngiti. Masaya ako dahil ito ang first day of school ko. At syempre, dahil ito nga ang first day of school ko, dapat maging maganda 'tong araw na 'to. When I say 'Magandang Araw', dapat walang mangyaring kahit na anong kahihiyan. Ganern. Gets niyo? Iyung tipong, good mood lang, walang bad mood. Teka, sino 'yon? Si Ricko ba 'yon? Ibang babae na naman ba 'yung nakikita kong kasama niya ngayon? Haishh... Hindi pa rin pala talaga siya nagbabago hanggang ngayon. Kawawa 'yung mga babaeng nasasaktan niya. Tsk. Sa tapat ng school, may Cafeteria. Dito ako ngayon nakatingin. Palabas sila Ricko at nu'ng kasama niyang babae sa loob nito. Ugh, yuck! Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Sa mga palabas, 'di naman ako nandidiri kapag may kissing scene. Pero bakit kapag sa personal, nakakadiri? O-oh, ayan na, papalapit na sila. My gosh! Nasa gilid na mismo ako ng school. Sila Ricko na kalalabas lang ng Cafeteria ay patawid na ng kalsada, palapit sa direksiyon ko. My Gosh! Anong gagawin ko? Dapat ko bang bagalan ang lakad ko para lang 'di sila makasalubong? Or bilisan? Ano? Iniyuko ko ang ulo ko kasabay ang pagsasaayos sa suot na hoodie ng jacket. Iyung pangalawang option ang napili kong gawin. Habang nakahawak sa magkibilang sling ng bag, mabilis akong naglalakad. Hindi ko man nakikita ang harap ko dahil nga sa nakayuko ako, kampante naman ako dahil alam kong walang sasalubong sa harap ko. Bago kasi ako yumuko, sinigurado ko munang walang tao sa harap ko. At saka kung mayro'n man, makikita ko rin naman ang paa nila kung sakaling papalapit sila sa'kin, 'di ba? "O-oh, sh*t! What's that smell? It's so, Ugh! Nakakadiri!" Nasusukang pagkakasabi nu'ng babaeng kasama ni Ricko. Hindi talaga maiiwasang magkakadikit-dikit kaming mga estudyante. Marami kami, at halos ang karamihan sa'min ay parang mga batang makukulit, at mapilit. Gustong maunang makapasok sa loob, dahilan para magkasiksikan talaga kami rito sa gate. Tsk, mga isip bata. "P*tang-- Ano 'yun?! Bakit amoy tae?! Erhg!" sabi naman ni Ricko. Ano raw? Amoy tae? Wala naman akong naaamoy, ah? Ay! Oo nga pala, naka-facemask ako, hehe. Eh, anong paki ko? Wala. Hindi ko alam kung anong dahilan ng biglang pagluwag ng daan dahilan para mabilis akong makapasok sa loob. Kung kani-kanina lang ay nagsisiksikan, ngayon ay hindi na! Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko. Hays, Ito ang ibig sabihin ng magandang araw, nakikisama! "Good morning, Class! Kumusta? Na-miss niyo ba 'ko?" Wow! Na-miss ko ang boses ni Sir Junyo! Matagal-tagal din ang dalawang buwang walang pagkikita-kita, 'no! "Oh, 'di niyo ba 'ko nami-miss? Bakit gan'yan ang mga mukha niyo? Huh?" "E, kasi sir ang baho!" "Mayro'n ata ditong nakalimutang magbanlaw ng maayos, sir," ani ni Tonton habang nakatakip pa sa sariling ilong. "Amoy tae!" Pahabol ng isa ko pang kaklase. Huh? Hanggang dito ba naman amoy tae? Aba! Ibang klase rin pala 'yang taeng 'yan? Gano'n ba kahaba para umabot pa rito? O, sadyang malakas lang ang kapit ng amoy? "Dito sir banda!" Nagsimula akong kabahan nang magsimulang tumingin ang mga kaklase ko sa direksiyon ko. Huwag nilang sabihing ako 'yung nangangamoy? Excuse me? For their information, hindi naman ako nagbawas kanina, 'no? So, pa'no naman naging ako? Naglakad palapit sa'kin si Sir Junyo. At habang papalapit siya sa'kin, nasinghot-singhot siya. Kinabahan ako nu'ng nakita kong pati siya ay napatakip na rin sa sariling ilong. "Uhm, Miss Kim? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba dina-diarrhea?" tanong sa'kin nito. "Luh, sir, hindi po! Hindi ko po alam kung sino 'yung nangangamoy! Ni ilang araw na nga po akong 'di nakakapagbawas sa bahay, e, dito pa po kaya?" dipensa ko. "Ilang araw na pala, e! Baka naman sa byahe ka na tinuluyan?" sambit ni Tonton dahilan para magsitawanan ang lahat ng mga kaklase namin. My gosh! I never been in this situation! Ngayon pa lang na nasa last year of college na 'ko! No way! Nakakahiya 'to! I can't believe na nangyayari 'to ngayon! "Uh, I see. Nakatapak ka, Ms. Kim. You can use the comfort room sa dulo ng hallway para malinis mo 'yang nasa ilalim ng sapatos mo," Tumayo na lamang ako dahil wala naman na 'kong magagawa pa. Nakayuko ang ulo, pahiyang-pahiya sa nangyari akong lumabas bitbit ang mga gamit. Nakita ko pa 'yung mga nandidiring mukha ng mga kaklase ko habang dumaraan ako sa harapan nila. "Lesson learned, guys. Dapat kasi, tumitingin kayo sa dinaraanan niyo," pahabol pa ni Sir hanggang sa nakalayo na 'ko ng classroom. *Someone's vomiting* Magtatatlong minuto pa lang akong narito sa loob ng banyo, nililinis ang ilalim ng sapatos ko gamit ang nakuhang tissue. Napatigil na lamang ako sa pagkilos nang may marinig akong sumusuka loob ng banyo na nasa mismong likuran ko lang. Ano kayang nangyayari sa kan'ya? Sana ayos lang siya… Palabas na sana ako nang matapos ako sa ginagawa nang bigla na lamang itong magsalita at sinabing, "Uh, hello? Pwede bang magpasuyo?" sabi niya sa boses na nanghihina, at nanginginig. Hindi agad ako nagsalita, nakatingin lamang ako sa pinto kung sa'n ko narinig ang boses niya. "Sige na, please. I can give you money after this, just please help me!" aniya, nagmamakaawa. Kami lang dalawa ang narito. Wala namang ibang tutulong sa kaniya kun'di ako lang, 'di ba? At wala rin namang ibang nakaririnig sa kan'ya, kun'di ako lang. So… Nagsimula akong lumapit, "Sige, paano ba?" tanong ko, may kaunting pag-aalala. Katahimikan ang bumalot sa kabuuan ng silid na kinaparoroonan namin. Muntik na 'kong mainip, pero naagapan iyon nang marinig ko ang pag-unlock niya sa pinto. Mabagal itong bumukas hanggang sa… E-eh? Eh?! EH?! "Shh! Please! H'wag kang maingay! Hindi 'to makakaabot sa kahit na sino, kun'di sa'ting dalawa lang, okay?" aniya habang mahigpit na nakawak sa'king mga kamay. Halata ko sa mukha niya ang kaba, at takot. Nanginginig din siya, at pawis na pawis. Idagdag pa ang uniporme niyang nagkagulu-gulo na. Para bang nahawa ako sa kan'ya. Natakot, at kinabahan na rin ako! Lalo pa na naunawaan ko kaagad ang kung ano ang aking nakita nang magbukas nang malawak ang pinto. Umalis siya sa pagkakahawak sa'kin, at lumapit sa pinto upang i-lock 'yon. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa ibaba. Makikita sa lapag ang isang pulang plastic. Kahit na may kadiliman ang suot kong shades, nakikita ko ang loob no'n. Sigurado ako! Sigurado akong fetus ang laman no'n! Oo, FETUS! Nang pumasok na sa isip ko ang mga bagay-bagay, du'n na pumasok ang pagkataranta ko. Napahigop ako nang malakas sa hangin na para bang nahihirapang makahinga. Napaatras pa 'ko at kung saan saan tumama ang likod. Natataranta ako! "Shh! Hey, hey!" Kaagad niya 'kong napatigil sa pagkataranta nang mapagtanto ko kung sino siya. Siya si Samantha! Ang anak ng may-ari ng kalapit na karinderya! Oh My Gosh! Suki ako ng parents niya! At isa pa, sikat siya rito dahil sa napakaganda niyang mukha, mala-anghel daw. Well, agree naman ako. Buti nga siya, e, may mukhang maihaharap. E, ako? "Please, do me a favor. Walang ibang makakaalam nito, kun'di tayo lang dalawa, okay?" Hindi agad ako sumagot. "Hey! Ano? Naririnig mo ba?" "Oo, oo!" nauutal kong pagsang-ayon. "Alright. Hawakan mo 'to, at may pupuntahan lang ako," "Teka, sa'n ka pupunta? H'wag mong sabihing iiwan mo 'to sa'kin?" Kinakabahan ako. "Babalik ako." At iyun nga, tuluyan na siyang lumabas nang gano'n ang itsura. Ngayon ay naiwan akong mag-isa rito habang bitbit ang pulang plastic na naglalaman ng isang fetus. Hindi naman mabigat dahil nga sa fetus pa lang. How traumatic this is, right? Imagine, holding a plastic na naglalaman ng isang batang 'di nabigyan ng pagkakataong mabuhay? But what I know? Wala. Wala akong alam sa nangyari kay Samantha. Malay ko bang nahulog lang ang baby niya nang 'di sinasadya? Hindi ba? Pero bakit naman niya ilalagay sa isang plastic? -E, sa'n naman niya rapat na ilagay? Sa bag niya? *Ring!* My gosh! Inabot na 'ko ng breaktime, wala pa rin siya! Anong gagawin ko?! "What? You did that? Sure ka bang walang nakakita?" "Wala. I'm sure. At kung mayro'n man, kampante ako dahil lahat ng tao rito ay nasa akin. I mean, sa ganda at yaman kong 'to? People now a days are easy when it comes to money. Duh!" Tumawa ang isang babae. Pamilyar sa'kin ang boses niya. "I didn't know that you have that side, huh?" Nabigla ako nang biglang may magbukas ng pinto ng Cr. Mabuti na lamang ay nakatago ako rito sa loob mismo ng isang cubicle habang nakapatong ang magkabilang paa rito. Ang dalawa ko namang kamay ay nakadikit sa magkabilaang pader na animoy nasisikipan habang bitbit pa rin sa kanang kamay ang plastic. "Of course! In every innocent face, there's always a wild side, ika nga!" tugon nito. *Sniff* *Sniff* "Wait, guys. Do you smell that? Something's fishy here," "Not fishy, it's more like… " pabitin ng isa sa kanila kasunod ang muling pagsinghot. What the– Not now, please! Siguradong itong plastic bag ang naaamoy nila! Ano? Tatanungin ko na naman ba ang sarili ko kung ano ang gagawin ko? My gosh, katapusan ko na 'to! Hangga't maaari, hindi ako gumalaw, at huminga. Hindi niyo man nakikita, mariin kong ipinikit ang mga mata. Kabadong-kabado, napapraning na sa kung ano ang mga posibleng mangyari once na makita nila akong bitbit ang plastic na 'to. Ayan na! Hindi ko man sila nakikita dahil nasa labas sila, nararamdaman ko naman na malapit na ang kanilang presensiya. At 'yung mga anino nila, nasa labas na mismo ng pinto ng cubicle na kinaroronan ko! "Ugh! Excuse me! Ang sakit ng tiyan ko!" Woah! Salamat! Life savior! Nagsialisan sa harap ng pinto ko 'yung mga anino nila dahil siguro sa tingin ko, nabangga nu'ng kapapasok lang na estudyante sila. If that happens, it means, 'di na sila natuloy sa binabalak. Thanks to that student na kinuluan ng tiyan. Sa katabing cubicle ko siya narinig na pumasok. "Ugh, yuck! Let's go, girls!" Nandidiring sambit nu'ng isa sa kanila nang marinig ang pagbabawas ng estudyante. Iyung tunog, nai-imagine ko na kung anong itsura ng dumi niya! Mamasa-masa! Masama ang tunog, meaning, masama rin talaga ang lagay ng tiyan! Nang makalabas ang grupo ng mga kababaihan, saka lang lumuwag kahit papaano ang pakiramdam ko. Saglit kong nakalimutan ang mga problema ko, pero bigla lang bumalik nang may biglang kumatok sa pinto ng cubicle ko. "Hey! Open the door! Don't worry, this is me, Samantha."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook