Please, gawin mo 'to! Ikaw lang ang makakatulong sa'kin! I have my friends out there. Kapag nakita nilang may bitbit ako nito, hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila nalalaman ang laman! Please! Just please!
My gosh! Sumasakit ang ulo ko sa kan'ya! Pati problema niya, pinoproblema ko na rin tuloy! -E, bakit kasi 'di rin ako tumanggi?! -Malamang! Suki ka ng parents niya 'no! Kapag ginawa mo 'to, malay mo? Palagi ka nang libre sa karinderya nila? Makakatipid ka pa!
Pero hindi! Hindi rapat ako nasa ganitong sitwasiyon! Mali 'to! Maling-mali! Ngayon pa lang, nagi-guilty na 'ko!
Sa 'di kalayuan, nakikita ko na ang gate. Sa tingin ko, matatagalan pa 'ko bago makalabas! May mga nauna sa'kin na tinatanong pa, e. Gano'n kasi rito, may pagkamahigpit. Sana lang, 'wag nang buksan ang plastic na 'to!
"Next! Oh, ikaw? Ba't ka lalabas?" tanong niya.
"Emergency po," bulong ko.
Nakita ko kung pa'no makataray si Manong Guard matapos niyang marinig ang dahilan ko. Siguro gano'n palagi ang naririnig niyang dahilan sa'ming mga estudyante.
"Oh, siya, sige. Next! Ikaw? Ba't ka lalabas?" tanong niya sa estudyanteng lalabas din na nasa likod ko.
"Ano 'yun? Parang may mabaho? Naaamoy niyo ba?"
Kinabahan ako sa sinabi nu'ng isa pang guard. Binilisan ko ang lakad ko!At nang sana ay malapit na 'ko sa gate, isang hakbang na lang sana ay makalalabas na 'ko! Anak ka ng--
"Teka, psst, hoy! Sandali nga, halika rito." Pagkasabi ng kaninang kausap ko na guard, kaagad akong napahinto.
Oh, no! Pa'no na 'to? Wala na si Samantha! Nando'n pa siya sa Cr para linisan ang mga bakas na naiwan niya ro'n! This time, it's all about myself. Wala nang ibang tutulong sa'kin kun'di sarili ko lang! And this is too alarming! How could I possibly get out into this?!
"Patingin nga ng bag mo, parang nandiyan nanggagaling 'yung amoy, e,"
Someone's POV
Kanina sa pagpasok ko, nangangamoy rin siya. Hindi ba niya naaamoy 'yung sarili niya? Siya 'yung amoy tae kaninang umaga sa pagpasok pa lang sa gate. Nakita ko, nakatapak siya. Wala ba siyang pakiramdam?
Hindi siya gumagalaw sa mismong kinatatayuan niya. Nakahawak siya sa magkabilaang sling ng bag habang hindi pa rin hinaharap 'yung dalawang guard na tinatawag siya. Anong problema niya? Tsk, weird.
"Aish!"
Halatang nainip at nainis na 'yung isang guard kaya siya na 'yung lumapit. Kinuha niya 'yung bag no'n saka nilapag sa lamesang nasa harap ko.
Napatakip ako sa sariling ilong kasabay ang pagkunot ng buo kong mukha! Napaatras din ako sa lamesa. Para akong magkakasakit sa naamoy ko! Ano 'yun?
Kahit na nababahuan, lumapit ako ng kaunti para masilip ang bag na ngayo'y binubuksan na ni Kuya Dino.
Sa loob ng bag, nakapagtataka kung bakit gano'n ang pagkakaayos ng mga gamit pang-eskuwela niya. Pahiga, at magkakapatong. And yes, it's bothering me.
"Ulam ko po 'yan!" Babae pala siya, base sa boses. "Baon ko po..." nauutal niyang pagkakasabi.
Pansin kong may kakaiba sa mga kilos niya. May pagkabalisa siya. Pansin ko ring pinagpapawisan siya kahit pa sabihing balot na balot siya. Iyung noo niya, nakikita kong parang namamasa na. Hindi ko naman makita ang emosiyon niya dahil kahit ang mukha niya, balot din! Naka-shades ng itim na itim, at naka-facemask. Maybe that's why she can't smell herself kaninang umaga.
Nakalabas na ang mga gamit niya. Nasilip ko sa loob ng bag na may isang damit na parang siyang nagbabalot sa tinutukoy niyang ulam. And I think, nakabalot 'yon nang sa gayon ay 'di gaanong mangamoy 'yung ulam niya.
"Gosh! Ano kayang ulam 'yan, 'no? Grabe naman ang amoy! Ang langsa! Iyung parang 'di pa niluto?"
"Right! Can't believe na may ka-schoolmate tayong kagaya niya! So poor!"
"She's an old student here. Matagal ko na siyang nakikita rito. Wala siyang kaibigan. She's a lonely girl. So kawawa,"
"But I heard she's a top student,"
"Guess that only makes her good, I mean... Only makes her a not so low student. Hindi 'yung, bobo na nga, pangit, at mahirap pa sa buhay! Tsk." ani ng isang student saka nagkayayaan silang umalis.
"Ulam ko po 'yan! Ganiyan po kasi ang madalas ulam namin sa probinsiya, binaon ko lang po ngayon kasi matagal na rin po 'kong 'di nakakakain niyan," dahilan niya pa habang may pilit na mga ngiti. Bakas naman sa mukha ni Kuya Dino ang pag-aalinlangan, na para bang 'di siya kuntento sa dahilan nu'ng babae.
"Hey, pare! What are you doing here?"
Bigla akong napalingon sa kanan ko. Nakikita ko ngayon si Jared na nakapatong ang kaliwang kamay sa balikat ko. Napalakad na lang din ako tuloy nang wala sa oras, sinasabayan siya.
"Ah, wala naman. Galing ako sa Filipino building, may pinahatid lang sa'kin si Mrs. Agdupa. Ikaw? Ba't ngayon ka lang nakapasok?"
"Sus! Hindi ka pa ba nasanay sa'kin? E, 'di ano pa? Tinanghali na 'ko ng gising!" aniya, nakangisi. Nagsimula siyang magkuwento kung bakit siya tinanghali ng gising. Kapag gano'n kasi, malamang ay puyat na naman siya.
"Kuya, ulam nga po 'yan! Bakit po ayaw niyong maniwala? Please, Kuya! Palabasin niyo na 'ko, emergency lang po! Nagmamadali po ako!"
"Ta's ayun, pare! Mabagal kong hinubad ang kaniyang, hmm... Alam mo na! Grabe pare! Nu'ng binaba ko na..."
Hindi ako makapag-focus sa kinukwento ni Joshua. Hindi ko alam kung bakit parang mas naaagaw nu'ng babae 'yung atensiyon ko. Maybe because she's a bit mysterious, I guess? I don't know.
"Hey!"
Parang may sariling isip ang katawan ko. Lumapit ako sa kanila matapos kong agawin ang kanilang atensiyon. Si Joshua ay nagpatuloy ay paglalakad habang patuloy rin sa pagkukuwento. He were feelinging his time telling the story of his "The Best Night" with the girl he only met that night.
"I am familiar with those smell. I forgot the name of it, pero nakatikim na rin ako niyan dati. Saang probinsiya ka? Huhulaan ko. Sa Cantilan, 'no?" Pasimple ko siyang kinindatan, senyas ko sa kaniya para sumang-ayon sa mga sinasabi ko.
"Oo! Wow! S-same province pala tayo?" Pagkukunwari niya.
Kimberly's POV
Who's that guy? Sayang. Hindi niya man lang inalam ang pangalan ko. Just kidding! Sayang, 'di man lang ako nagkaro'n ng chance para pasalamatan siya. But, I wonder... Anong nagtulak sa kaniya para tulungan ang isang tulad ko? Hmm, maybe he just felt mercy on me.
"Hello? Nandito na 'ko sa lugar na napagkasunduan natin, where are you?" tanong ko sa kan'ya sa telepono.
Wala pa man din ang kalahating oras na paghihintay ko rito. Napagkasunduan kasi namin kanina na susunod lang siya sa'kin, at ako naman ay mauuna lang.
"Hey!"
Napaatras ako sa hawak kong telepono nang marinig kong sumigaw siya mula rito. Nagtaka pa 'ko nu'ng parang may kasabay siyang sumigaw sa bandang likod ko. Kaya naman napalingon na rin ako.
Oh, nandito na pala siya.
In-end ko ang call saka siya pinanood na makalapit sa'kin. Mahangin dito. Ang buhok niyang mahaba't nangingitim ay hinahangin pa-kanan. Ang puti at ang kinis din ng balat niya. Ang ganda niya. No wonder kung bakit ang dami-raming nagkakagusto sa kan'ya.
E, ako kaya? Kung gaya niya ba 'kong maputi, at mahaba ang buhok... Magiging maganda na kaya ako sa paningin ng mga tao?
If only I don't have skin disorder...
"Hey!" Hindi ko agad namalayan na kinakausap na pala niya 'ko. Nakakatulala kasi ang ganda niya, e. "I said let's go!" Sumunod ako sa kan'ya sa paglalakad. Wala akong ideya sa kung sa'n kami patungo. "I'm sorry kung mediyo natagalan, may binili lang ako," aniya. Tinanong ko siya kung ano 'yung binili niya, "Pagdating natin do'n, makikita mo,"
Saglit na katahimikan ang pumaligid sa'min pero nabasag iyon nang bumuka ang bibig ko. "Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ko ulit sa kan'ya.
Hindi siya kaagad na nagsalita dahilan para mapaisip ako.
Nawalan siya ng anak, sinong 'di malulungkot at 'di masasaktan? Tsk. Stupid question. I should already know the damn answer! Izi-zipper ko na lang ang bibig ko.
"Nandito na tayo."
Isang malaking puno ang nagpakita sa'kin. Sa harap nito, may isang maliit ngunit malalim na hukay. At sa tingin ko, alam ko na kung ano 'yung tinutukoy ni Samantha na binili niya raw bago magtungo rito. Isang maliit na kabaong. As in, maliit! The size are just exact as the size of fetus.
Lumapit ako rito at paupong lumuhod. Nilapag ko rin ang bag ko at nilabas ang laman. Hindi naman nadaganan ang fetus. I'm sure, kasi kakaunti lang naman ang mga gamit na nilagay ko. The rest, iniwan ko na ro'n sa cr. Ung plastic na pinaglalagyan naman ng fetus, binalot ko 'yun sa isang t-shirt. T-shirt 'yun ni Samantha, doble niya. Maigi na lamang ay may dala siyang jacket.
"Ako na," presenta ko.
"Hindi. Ako na, kaya ko." Naririnig ko ang panginginig sa boses niya. Batid kong naiiyak na siya.
Ano kayang nangyari sa kaniya? Ba't humantong sa ganito?
Nanatili na lamang akong nasa likod niya, nakatayo habang pinapanood siyang ilagay ang fetus sa maliit na kabaong. Actually, 'di siya kabaong talaga na makikita mo usually sa mga lamay at sa funeral. Isa siyang plain na box.
Lumapit ako sa kaniya para makita nang malapitan ang ginagawa. Inilagay niya sa loob ang fetus. Bago niya 'to isara, alam kong umiiyak siya. Narinig ko ang pagsinghot niya sa sariling sipon. Pati ang pagtulo ng luha niya, nakikita ko na rin. Mahal niya ang bata. Probably, there was an accident. Or else, this was planned. Someone might wanted this to happen. And it happen! But I don't know.
Parang ayaw ko ring magtanong sa kung pa'nong nangyari 'to. Nahihiya ako. At saka, parang wala rin naman siyang balak na magkuwento. Hindi kami magkakilala. I know her, but she doesn't know me. I'm no one. I'm JUST no one. I'm nothing like her. She's famous, unlike me.
And speaking of her being famous... Malamang iniingatan niya ang image niya. Sinabi nga niya kanina una pa lang na, kami lang dapat ang makakaalam nito.
Maya-maya ay tinakpan na niya ang box saka sunod na inilagay sa hinukay na lupa. Pinanood ko siyang tabunan ng lupa iyon gamit ang kutsara na kalimitang makikita sa mga nag-aayos ng mga imprastraktura.
*Tsk* *Tsk*
Ano 'yun? Parang may narinig akong ingay?
Pupuntahan ko sana kung sa'n ko narinig 'yung ingay na 'yon, kaso nagsalita 'tong isa. "Oh." May inabot siya sa'king sobre. Malamang na pera ang laman no'n. Tiningnan ko ang mga 'yon at 'di agad nagsalita. Napagtanto ko rin na tapos na pala siya sa ginagawa. "Kunin mo 'to, please. Walang ibang pwedeng makakalam nito. Sa'kin nagsimula, sa'yo magtatapos."
Nang abutin kami ng kalahating minuto sa gano'ng pwesto, tumayo siya at saka lumapit sa'kin. Pinilit niya 'kong hawakan 'yung sobre.
No! I'm sorry, Samantha. Kapag tinanggap ko 'to, habambuhay akong makakaramdam ng pagsisisi. Tinulungan kitang maglibing ng isang fetus na walang buhay nang walang ibang nakakaalam bukod sa'ting dalawa. To be honest, this feels illegal.
"Ano? Bakit ayaw mong tanggapin, huh? Ipagkakalat mo 'to? Itong nangyari sa'kin? Kung oo, anong mapapala mo? Huh?!"
Tila nag-iba ang ihip ng hangin. Naging mataray siya sa'kin. Bakit ganito? Wala pa naman akong sinasabi, ah? Dahil ba hindi ko tinanggap ang pera?
"Uy, teka hindi! Nagkakamali ka sa iniisip mo!" sabi ko. Ipinaliwanag ko ang side ko, na kung bakit 'di 'ko tinanggap ang sobre ng pera. Ilang saglit pa, pareho kaming kumalma. Mabuti naman ay naunawaan niya rin ako.
"I'm sorry, I got you into this. Pero... Sure ka bang 'di nila 'to nakita? Wala bang nakaalam? Wala bang nakasunod sa'yo? As in clear? Huh? Please, I need assurance,"
Nang tumango ako, gumaan ang pakiramdam niya. Para siyang inalisan ng sobrang bigat na bagay na matagal na niyang buhat buhat.
Chelsea's POV
"Teri, you have the picture, right?" Nang tumango siya, napangisi ako nang nakaloloko. "So my intuition is right. She's pregnant with my man. Tsk."
This is it. Kalma, self. Hindi naman siya mamamatayan kung hindi naman talaga siya buntis. But if she is, that's not my problem.
Naalala ko 'yung ginawa ko kaninang umaga sa coffee shop. I put a pill in Samantha's Coffee. Just like what I've said in my mind, hindi iyon tatalab kung hindi naman talaga siya totoong buntis. It's not my fault na namatayan siya. I didn't know tho. Meaning, I did NOT commit a sin.
Hmm... Pero nakapagtataka. Who's with her? They are only two. Iyung kasama niya, masiyadong balot. From head, to toe. Naka-hoodie, facemask, at naka dark eyeglass pa talaga? But the thing is, I can't figure out if he or she is. I might adress it as him, 'cause he's a bit tall and has a broad shoulder.