Kimberly's POV
Anong nangyayari? Bakit sa pagpasok ko ngayon ay parang mayro'ng kakaiba? Sa'n sila nakatingin? Sa'kin ba?
"Siya ba 'yung nasa video? Si Smelly Girl?" tanong nu'ng isang estudyante sa katabi niya saka sunod na tumawa.
Smelly girl? She's looking at me, why? Don't tell me na ako 'yung tinutukoy niya? At saka... Video? Anong video? May nag-video ba sa'kin kahapon?
Nang maramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko, dali-dali ko 'yung binunot sa bulsa ko. May nakita akong nag-send sa'kin ng video, kaya naman pinindot ko para mapanood.
Oh. My. Gosh. Ako ba 'tong nasa video? Oo! Ako nga! Grr! Naiinis ako! Who did this? Who recorded me yesterday? Huh?!
Inayos ko ang pagkakasuot ko sa hoodie saka nagpatuloy muli sa paglalakad. Seryoso ang mukha ko ngayon. Mukha na para bang handa nang manuntok ng kahit na sino mang lalapit sa'kin.
Mukhang kalat na ang video sa buong campus. Every student na nakakasalubong ko ay pabalik-balik ang tingin sa'kin at sa mga hawak nilang phone.
Ano nang nangyari? Hindi ko na masasabing perfect ang college life ko! Last year ko na naman dito, ah? Pero bakit 'di pa pinagbigyan ng tadhana ang kahilingan ko? Gusto ko ang maayos, tahimik, at matiwasay na college life! And now? Iyung nangyayari ngayon? Pa'no na? This could affect my study!
E, ano namang masama kung mag-ulam ako ng-- Wait. Ang laman ng bag ko kahapon ay 'di ulam, kun'di fetus...
Para akong nalito sa kung ano mismo ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Ano nga ba rapat? Ito na ba 'yung karma?
May naramdaman na naman akong nag-vibrate sa bulsa ng pants ko. Kinuha ko 'yung phone ko saka in-open. May nag-send na naman ng video sa'kin. Napahinto ako sa paglalakad, at naging seryoso sa panonood.
I am now watching myself na pinagtatawanan ng taong nagv-video sa'kin at ng mga kasama niya habang naglalakad akong may dumi ng hayop sa ilalim ng sapatos. Kahapon 'to ng umaga.
This shouldn't be taken seriously. It's just a poop. Para silang mga bata!
Magsisimula na sana akong maglakad matapos kong maibalik sa bulsa ang phone nang biglang may humarang sa'kin. I think sila 'yung grupo na nagv-video sa'kin.
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko na nagsisimulang dumami ang mga estudyanteng manonood sa'min.
"Uh... H-hello?"
Hello?! What the-- Bakit nagkusang bumuka ang bibig ko?! At parang nauutal pa talaga?!
Nagsibungisngisan silang lima. "Hello?" inulit nu'ng nasa gitna 'yung sinabi ko saka tumawa. Nang-aasar siya.
Someone's POV
"Tapos ayun, pare! Nahawakan ko 'yung dalawa niyang bundok! Alam mo ba? Nu'ng nangyayari 'yun, parang 'di ako makapaniwala! Para akong nananaginip! Grabe talaga! Tapos..."
Umagang-umaga, nagkukuwento na naman 'tong isa. Iyan din 'yung kwento niya kahapon na naudlot, at halos 'di ko naman napakinggan nang maayos. Kaya ngayon, uulitin lang niya.
"Pare, makinig ka, kasi magtatanong ako sa huli. Gusto kong i-sure kung nakikinig ka nga," dagdag niya at saka nagpatuloy.
Nilabas ko ang phone ko para sana magpatugtog ng musika. Hindi ko rin kasi type 'yung kwento niya ngayon. Naiintindihan ko na 'yun nga 'yung isa sa the best night niya, pera rapat kasi na 'di na 'yun kinukwento nang masiyadong detailed. Tsk.
Isasalpak ko na sana 'yung earphone sa kabila kong tainga nang biglang mapadako ang tingin ko sa isang direksiyon.
Iyung babae... Siya 'yung kahapon. Nasa harap mismo siya ng grupo nila Potchi.
"Pare, nakikinig ka ba?" tanong sa'kin ni Joshua. "O, teka, pare, ano ba?"
Hinila ko siya nang may kabilisan, at saka lang huminto nang mapalapit ako kinaroroonan nila Potchi. Sinadya kong lumapit para marinig ko 'yung usapan nila.
"Sige, tuloy mo, nakikinig ako." Palusot ko kay Joshua.
Patuloy kaming naglalakad nang mabagal ni Josh. Kunwari akong nakikinig sa kaniya, pero ang totoo...
"Ano? Wala man lang bang pasalamat diyan? Sikat ka na nang dahil sa'kin!" sabi ni Potchi.
Sikat?
In-on ko ang phone ko nang may maalala. Kanina kasi may nakita akong nag-pop up, 'di ko lang pinansin.
Nagtalim ang bagang ko nang mapanood ko 'yung video. Pasimple ko ulit na ibinaling sa kanila ang tingin ko.
"Excuse me, aalis na 'ko," nauutal na pagkasabi nu'ng babae.
Paalis na sana siya, pero pinigilan siya ni Potchi. "Teka muna. Wala man lang ba talagang thank you diyan?" Hindi sumagot 'yung babae, nakayuko lang siya. "Oh! Grabe ka naman! E, pa'no ba 'yan? Lumalabas na sa'ting dalawa, ikaw ang walang utang na loob." Nang balutin ng katahimikan ang paligid, "Ano? Walang bibig, at 'di makapagsalit--"
"T-thank you!" sigaw nu'ng babae saka tumakbo nang mabilis.
Ilang mga estudyante 'yung mga nabangga niya pero 'di na niya nagawa pang lingunin at hingan ng tawad. Malamang naiiyak na 'yon sa ginawang pagpapahiya sa kan'ya ni Potchi. Tsk.
"Pfft--"
Nagsitawanan nang malakas ang mga estudyanteng nakakita ng pagkadapa nu'ng babae. Kahit si Josh, napatawa.
"Pfft-- Pare, nakita mo ba 'yon?" tanong niya sa'kin, natatawa. "Anyways, sa'n na nga ba ulit ako? Wait, isipin ko lang, pare..."
Kimberly's POV
This isn't right. At kailanman, hindi magiging tama! Kalat na sa bawat kasulok-sulukan nitong school 'yung dalawang video ko! Malamang na kukutyain ako ng sino mang may kalawang ang turnilyo sa utak. Tsk.
Nakatago ako sa likod ng building. Madamo, pero ayos lang. Nakaupo ako at nakayuko ang ulo sa dalawang tuhod, naiiyak. Iniisip ko kung sa'n nagsimula ang kamalasan.
Pangalawang araw ko pa lang ngayon pero parang ang dami nang nangyari. Karma na nga talaga 'to. Karma sa ginawa kong pagtulong kay Samantha. E, siya kaya? Anong karma ang natatanggap niya ngayon?
"Oh."
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng boses. Parang boses lalaki! Para akong nanigas sa pwesto ko.
May nakasunod sa'kin! Sino kaya siya? Para rin kasi akong nabinggi kanina sa lakas ng mga tawanan nila! Pa'no na 'to? Teka. Iyung eyeglass ko?
Nasuot ko kaagad 'yung facemask ko. Pero 'yung eyeglass ko! Hindi ako nagbago ng pwesto. Nakaupo pa rin ako habang nakayuko pa rin sa dalawang tuhod matapos na masuot nang mabilis ang facemask. Kinapa-kapa ng kamay ko ang lupa, hinahanap 'yung eyeglass.
"Hey, this is me, Samantha." Napatalon ako nang mahina nu'ng sinapo niya 'yung balikat ko. Nabigla. "Ito ba? Oh,"
Nanginginig na sinuot ko 'yung eyeglass matapos niyang iabot 'yun sa'kin, at saka tumayo na para bang balisa. Hinarap ko siya nang hindi niya nakikita ang mukha ko. Nakita ko na may hawak siyang panyo sa kanang kamay. Iyon siguro 'yung sinubukan niyang iabot sa'kin kanina.
"Nakita ko 'yung nangyari kanina." Nauutal siya. "I'm sorry kung wala akong nagawa kun'di ang manood. I know Potchi. Walang talab sa kan'ya ang ganda ko. I mean, 'di ko 'yun magagamit para pasunurin siya, kaya... I'm sorry. I'm really really so--"
"No! It's... It's okay. I think normal lang 'yung mga ganitong pangyayari." Ano bang sinasabi mo, Kim? Pa'no naging normal? "Sa mga palabas, hindi ba may nangyayaring ganito? Iyung pahihirapan ka sa una, tapos... Tapos may magliligtas sa'yo! Isang... Uhm, isang--"
"Kaibigan." Biglang dugtong niya sa sasabihin ko.
Mali siya. Hindi iyon ang nasa isip ko. Sasabihin ko sana na isang Prince Charming. Pero okay, pwede na rin. Tama rin siya.
"Samantha!"
Magsasalita pa sana siya pero 'di na niya natuloy nang may tumawag na sa pangalan niya. Umalis siyang may mukhang nalulungkot para sa'kin. Kinaaawaan niya ako. Well, kinakaawaan ko rin siya. Hindi sa gaya-gaya, but because dahil namatayan siya ng sarili niyang anak.
Ilang minuto muna akong nagmukmok nang mag-isa sa lugar kung sa'n ako iniwan ni Samantha bago ako dumiretso sa classroom.
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko dahilan para mas lalo kong maramdaman ang pagkapahiya. Iyung iba pa sa kanila ay natatawa, mayro'ng nagbubulong-bulungan, at ang ilan naman ay kinukuhanan ako ng larawan. Hindi nila alam, nakikita ko sila sa ilalim ng dark eyeglass ko.
"Okay, class! Good morning!" Bati sa'min ni Sir Junyo dahilan para magsiayos ang lahat.
Nagsimula siya agad na magklase matapos niya 'kong tanungin kung ano ang dahilan ko kung bakit 'di na 'ko nakabalik kaagad. Sinabi ko sa kan'ya na emergency lang, at masiyadong personal kung isisiwalat pa.
Chelsea's POV
"Ugh! Bella, can you stop?" Inis na tanong ko sa kan'ya.
Nakakainis! I was thinking something but then she's here, distracting me by making a loud noise zipping in her drink! Tsk. How annoying.
I was wrong. Iyung kasama ni Samantha kahapon, she's a girl. And the girl, siya rin 'yung kanina. I'm a little bit sure. Pareho silang balot. Mula ulo, hanggang paa. Pinagkaisahan siya kanina ng grupo nila Potchi. Tsk. Such a loser.
"Oh. Hey, baby!"
Masigla kong kinawayan si Ricko nang mahagip siya ng mga mata ko. Nauna kami kaysa sa kanila dahil maagang natapos mag-lecture 'yung last subject teacher namin bago mag-break time.
Tsk. What's wrong with him? Seriously? Nilagpasan ako?
Nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya pero hindi ko 'yun gaanong dinamdam. Pilit akong ngumiti at umupo na sa tabi ni Ricko. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko, at naintindihan naman nila agad 'yon. Umalis sila at lumipat sa kabilang table.
Lumipat ako sa kaharap na upuan, nang sa gano'n ay makaharap ko siya. Napansin kong wala siya ngayon sa mood. Napangisi ako sa naisip.
Hmm... Alam ko 'to, e. Kapag ganito, kailangan lang niyang mandilig para sumigla ulit! Ugh!
Sinadya kong palagkitin ang kilos at titig ko. Tinanggal ko rin ang sapatos ko saka 'yon idinikit sa paanan niya. Hinimas-himas ko 'yon, paraan ko para tuksuhin siya.
"Chelsea, stop. I'm not in the mood. I'm not feeling well,"
Para akong tinaboy ng langit at lupa nang marinig ko 'yung sinabi niya. I'm starting to feel something pero sinira niya 'yon. Pero napakunot ang noo ko.
"What do you mean? Do you need medicine? Mag-uutos ako sa mga friends k--"
"No. It's just-- I'm not in the mood, and also, I feel like I'm not feeling well. Parang may kakaiba, something off. I don't know," he said na para bang may iniisip na kung ano.
Hindi kaya, dahil 'to kay Samantha? Nagkita kaya sila? Nalaman na kaya niya na may anak sila? At kahapon lang ay nawala na 'yon? Tsk. No. Napapraning lang siguro ako.
"Hmm, okay. What do you want to eat? Ako na ang bibili para sa'yo."
Sinabi niya sa'kin 'yung request niyang food. Kaya naman ay tumayo na 'ko para bilhin iyon. Bumili na rin ako ng akin, at sabay namin 'yong kinain nu'ng nakabalik ako.
Kimberly's POV
Hays. Parang wala naman akong natutunan sa pagpasok ko ngayong araw, e.
Pagkatapos kong mag-half bath, lumabas akong may suot nang damit. Isang mahabang bestidang binigay sa'kin ni Mama. Ganito ako manamit, parang Nanay kapag nandito lang naman ako sa loob ng bahay.
Humarap ako sa salamin, hawak sa kanang kamay ang isang suklay. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok. Tinitingnan ko ang sarili ko.
Eh? Hindi ko namalayan, hanggang pusod ko na pala ang buhok ko. Palagi kasi akong nakatali, e. Sana lang, 'di pa 'to patay. Naging curvy pa siya lalo kumpara nu'ng una.
Habang sinusuklayan ko ang buhok sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang mapaisip.
Prince charming. Paulit-ulit ko 'yang binabanggit sa isip.
Sa palabas lang naman 'yon nangyayari, e, 'di ba? Pero pwede rin namang totohanin. Ang tanong, kailan kaya? Magkakaro'n kaya ko no'n balang araw? Mukhang malabo. Hindi ko alam kung may tatanggap sa'kin, gayong ganito ang kundisiyon ng balat ko.
Iyung guy kahapon na tumulong sa'kin. Naalala ko 'yung itsura niya. Cute siya. Para siyang kalbo, pero semi cut. Ang kinis ng mukha niya, pink ang lips at parang mamasa-masa pa! Halos magkasingtangkad lang kami.
Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhang sagot sa tanong ko. Anong nag-ugyok sa kaniya para tulungan ako? Pareho kaming nagkukunwari. Ni hindi nga ako pamilyar du'n sa lugar na binanggit niya, e. Ano 'yun? Kantu... Kanti... Ayun! Kantilan!
"Kimberly! Anak!" Tinatawag na 'ko ni Mama. "Bumama ka na riyan, at kakain na tayo,"
"Opo, Ma! Pababa na!" Sigaw ko.
Kaagad akong naupo sa harap ng lamesa. Dito na lang siguro ako sa bahay sasaya kahit na kami na lang dalawa. Wala, e. Si Papa, sumama na sa iba. Tsk. Ano naman? Hindi namin siya kailangan.
Nakangiti akong pinapanood si Mama. Hinayaan kong siya na mismo ang magsandok ng pagkain ko. Ang swerte ko dahil siya ang naging Nanay ko. Kahit nasa ganitong edad na 'ko, parang sanggol pa rin ang turing niya sa'kin. Hindi siya nagsasawa!
Naunang matapos sa'king kumain si Mama. Nakain pa rin ako habang siya naman ay nag-aayos na sa sarili para pumasok sa trabaho. Night shift.
"Patingin nga ng mukha ng baby ko!" Lumapit siya sa'kin. Kahit alam kong 'di na 'ko gano'n ka-cute, pinanggigigilan pa rin niya 'ko. "Matulog ng maaga para 'di magkatigyawat, ah?" Palagi niya 'tong sinasabi sa'kin.
Hays... Sana ganito lang kami palagi. Sana palagi lang siyang nasa tabi ko. Hindi niya 'ko iniwan, at hindi ko rin siya iiwan.
Aalis na siya. Ayaw kong magpaalam. I love you, Mama. You're the best! Mahal na mahal kita! I'll always miss you...