bc

The Outcast

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
mystery
loser
campus
city
like
intro-logo
Blurb

'PANGARAP'

Iyon ang dahilan na nag-udyok kay Anna para makapasok sa prestihiyosong unibersidad. Sa pag-aakalang magiging maayos ang lahat, iba ang naging resulta ng inaasahan niya. Ang paaralang inaasam niyang tutupad ng kanyang mithiin ay siya palang magiging dahilan upang magbago ang pananaw niya, at kumitil ng mga inosenteng buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WELCOME TO AMADEUS ACADEMY Kasalukuyang nakatingala si Anna sa malaking karatula sa ibabaw ng tarangkahan ng paaralan. Unang araw iyon ng pasukan at bago lang siya sa nasabing akademya. "Ready ka na ba?" Umakbay sa kanya ang kanyang ama na kabababa lang noon sa sasakyan. Tumango lang siya bago hinawakan nang mahigpit ang strap ng bag. Halata sa mga mata niya ang kaba dahil wala siyang ideya kung ano'ng sasalubong sa kanya sa loob. "Gusto mo bang samahan kita sa classroom mo?" alok ng amang si Elias. Umiling siya. "Huwah na po, 'Pa. Ako na lang po." "Sigurado ka?" "Opo." Tipid siyang ngumiti. Ayaw ipahalata sa ama ang kabang nararamdaman. "Sige, iwan na kita. Baka ma-late ako sa trabaho," paalam ni Elias bago hinalikan siya sa noo. "Good luck sa first day mo." Pinagmasdan niya lang ang ama habang paalis ito bago ibinalik ang tingin sa karatula. Kilala ang Amadeus Academy sa isa sa pinakaprestihiyosong eskuwelahan sa bansa. Marami na itong napatunayan sa iba't ibang larangan: mapa-sports man o academic achievements ng mga mag-aaral. Kaya hindi kataka-tak ccang halos lahat ng pumapasok at nakapagtapos sa paaralang iyon, maraming nararating sa buhay. Isa sa mga nasa bucket list ni Anna ang makapasok sa paaralang iyon. Bagama't may kamahalan ang tuition fee, nagawa pa rin niyang makapasok sa pinapangarap niyang eskuwelahan sa pamamagitan ng scholarship grant na nakuha niya. "Kaya mo 'yan, Anna!" wika niya sa sarili. Kompiyansa siyang magugustuhan niya ang paaralang iyon dahil sa pangalang dinadala nito. Dahil unang araw pa lang niya, sumabay siya sa mga estudyanteng tila ba sabik sa pagpaso tulad niya. Subalit habang naglalakad, hindi niya napansin ang babae sa kanyang likuran. Nagmamadali ito papasok kaya nabangga siya. "S-Sorry," tugon ng babaeng nakasalamin nang lumingon siya. Saka lang niya napansin na nagkalat na pala sa saan ang mga libro at notebook na dala nito. "Sorry din. Okay ka lang ba?" Tumango lang ang babae sa kanya bago pinulot ang mga gamit nito na nagkalat sa daan. Tingin niya, kasing edad lang niya ang babae. Medyo maliit lang ito sa kanya pero sigurado siyang hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. "S-Salamat." "You're welcome. Ako nga pala si Anna." Inilahad niya ang kamay niya na may malapad na ngiti sa labi. Sa wakas, may bago na siyang kaibigan sa eskuwelahang iyon. "E-Excuse me. Kailangan ko nang umalis," sabi ng babae. Hindi man lang nito inabot ang kanyang kamay at sinabi ang kanyang pangalan. Laking pagtataka niya sa inasal nito sa kanya. Akala ni Anna ay magkakaroon na siya ng bagong kaibigan subalit nakaramdamn siya ng pagkadismaya matapos ang nangyari. "Weird." Iyon na lang ang nasabi niya sa sarili. Muli siyang naglakad papasok ng paaralan at hinanap ang classroom. Nang sa wakas ay mahanap na niya ang kanyang silid-aralan, sumalubong sa kanya ang nagkakagulong mga estudyante sa pagpasok niya. Tipikal na ingay ng mga mag-aaral kapag walang teacher sa loob: nag-aasarang mga lalaki habang ang mga babae naman ay nagdadaldalan. Subalit may isang nakapukaw ng kanyang atensyon noong mga oras na iyon. Sa parehong classroom, nakaupo ang babaeng kanina lamang ay nabangga niya. Tahimik lang ito at nakayuko. Walang kumakausap. . . hindi tulad ng ibang estudyanteng naroroon. Lalapitan sana ni Anna ang babae subalit ilang metro pa lang ang naihahakbang ng kanyang paa ay narinig niya ang tinig mula sa likuran niya. "Hoy, babaeng weirdo! Natapos mo na ba ang assigment namin?" tanong ng isang babaeng estudyante na lumapit rito. Nagulat si Anna sa hindi niya inaasahang pagdating ng babae sa kanyang likod, at ang pagtawag nito ng 'babaeng weirdo' sa estudyanteng nabangga rin niya kanina. "I-Ito 'yong assigment mo, Jannica," wika nito habang inaabot sa babaeng nagngangalang Jannica ang isang kuwaderno. "Eh, paano naman 'yong sa amin?" sabat naman ng isang babaeng nasa likod ni Jannica. Tatlo silang nakaharap sa babaeng may suot na makapal na salamin. Isa na roon si Jannica na sa tingin niya ay ang leader ng grupo. Tahimik lang na nakamasid ang lahat sa nangyayari. Pero hindi maunawaan ni Anna kung bakit parang wala lang ang nangyayari sa halos lahat ng estudyanteng naroroon sa classroom. "Ito naman ang sa inyo; Chloe and Zyra," tugon nito sa dalawa pang kasama ni Jannica. Binuklat ni Jannica ang notebook nito hanggang sa mapansin ang mantsa ng putik sa pahina kung saan nakasulat ang homework. Bumakas kaagad sa mukha nito ang inis. "Ano 'to?!" Halata sa pagkabasag ng boses ni Jannica ang galit na nararamdaman. "Ng-Ngayon ko lang nakita 'to, Jannica. Baka dahil sa nalaglag kanina pagmamadali ko. Pasensya na," paghingi ng paumanhin ng babae. Nanginginig ito. Halata ang takot sa mga mata dahil sa nanggagalaiting si Jannica. "Pasensya? Paano ko ipapasa ngayon 'to?! Sa tingin mo, may magagawa iyang paghingi mo ng sorry?!" Pinilas ni Jannica ang papel sa kanyang notebook. "Lunukin mo 'yan!" utos nito matapos lamukusin ang papel at isubo sa bibig ng babae. Hawak ni Jannica ang magkabilang panga ng babae at pilit na isinisiksik sa bibig nito ang nilamukos na papel. "Kapag sinabi kong lunukin mo 'yan, lunukin mo 'yan!" giit ni Jannica. Walang nagawa ang babae. Nasa bibig na nito ang papel. Dahil sa takot na may gawin pa si Jannica, nginuya na lang nito ang papel na pilit na ipinapalunok sa kanya. Naluha ang babae. Halata sa reaksyon nito ang awa sa sarili pero wala siyang magawa para maipagtanggol man lang ang sarili sa mga estudyanteng kinakawawa ito. Nagulat na lang si Anna na sa halip na awatin si Jannica at ang mga kasama nito, nakisabay pa sa kanilang pagtawa ang mga estudyanteng na nanonood lang kung paano kawawain ang kaklase. Hindi niya maatim na ganoon ang ginagawa nila kaya hindi na niya napigilan ang sarili. "Tama na yan!" sigaw ni Anna. Natigil ang malalakas na halakhakan hanggang sa natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. "Excuse me, who do you think you are?" mataray na wika ni Jannica. Pumamewang pa ito sa harap niya. Halata sa presensya nito ang pagkadominante sa apat na sulok ng classroom na iyon. Masyado pang maaga para ipakilala niya ang sarili. Pero sa pagkakataong iyon, mukhang mas kailangan niyang ipakita ang totoong ugali niya sa mga estudyanteng pumapasok lang para mam-bully. "Ako si Anna."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook