Chapter 2

1088 Words
HINDI inaasahan ni Anna na ganoon ang magiging simula ng araw niya sa unang araw ng pasukan. Sumalubong kaagad sa kanya ang bagay na ayaw na ayaw na niyang mangyari sa nakaraan. Pero mukhang hindi niya makakatakas sa dilim ng kanyang nakalipas. Dahil hanggang sa mga oras na iyon, sinusundan siya nito. Lumapit sa kanya si Jannica kasama ang dalawa nitong kaibigan. "Ikaw pala 'yong sinasabi nilang transferee." Tiningnan siya ng kaklase mula ulo hanggang paa na tila ba hinuhusgahan. "A-Ako nga." Kaba ang naramdaman niya nang lumapit sa kanya ang tatlong magkakaibigan. Alam kasi niyang hindi siya kakampihan ng kahit sino roon oras na may gawin sa kanyang masama ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Ngumisi si Jannica. "Tapang mo rin, eh, 'no? Hindi mo ba ako kilala?" tanong nito. "Hindi! Transferee nga, 'di ba?" Hindi siya maaaring magpakita ng takot sa kausap. Dahil oras na makita nito sa mga mata niya ang takot, para itong asong naglalaway na handa siyang lapain anumang oras. Kaya kahit hindi niya alam ang kahahantungan ng lahat, pinili niyang sumagot nang pabalang sa kausap. Bumakas sa mukha ni Jannica ang pagpipigil ngunit kalauna'y mabilis na dumapo sa pisngi ni Anna ang nakaabang na palad nito. Isang malakas na sampal ang natamo niya dahilan para mapaatras siya at mapahawak sa parte na iyon ng kanyang mukha. "P'wes! Magpapakilala ako." Mas lumapit pa sa kanya si Jannica at hinablot ang kanyang buhok. "Ako si Jannica De Guzman at ang sinumang bumangga at hindi sumunod sa akin, gagawin kong impyerno ang buhay. Naintindihan mo?!" Mas humigpit pa ang paghawak nito sa kanyang buhok. "Sanay ako sa impyerno. Mas masahol pa sa demonyo ang nakasalamuha ko noon," sambit niya. Ni hindi man lang nagpakita ng katiting na takot sa katawan. "Kung gano'n, welcome to your second and worst hell!" Malakas na hinila ni Jannica ang kanyang buhok hanggang sa tumilapon siya sa sahig. Babangon pa sana siya para gumanti pero bigla siyang hinawakan nina Zyra at Chloe sa magkabilang braso niya. "Bitawan n'yo 'ko!" angal ni Anna pero hindi niya magawang pumalag. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng dalawa. Halos mabali ang mga braso niya at bumaon ang kuko ng mga ito sa kanyang balat. Pumaibabaw sa kanya si Jannica. "I will show you the hell!" Pumikit si Anna nang makitang itinaas nito ang palad at akmang sasampalin ulit siya. Subalit bago pa man nito magawang ilapat ang palad sa mukha niya, biglang may nagbukas ng pinto ng classroom. "Nandiyan na si Sir Pineda!" narinig niyang wika ng kung sino. Kaagad siyang binitawan ng dalawa at tumayo si Jannica mula sa pagkakadagan sa kanya. "Masuwerte ka ngayon, pero hindi pa tayo tapos," bulong ni Jannica sa kanya bago ito bumalik sa upuan. Hindi niya magawang makatayo kaagad dahil sa sakit ng katawan dulot ng kanyang pagkakabagsak sa sahig. Kaya naabutan siya ng kanilang guro na noong mga oras na iyon ay nasa harapan na ng klase. "What are you doing there?" tanong kaagad nito. Nang masilayan niya ang guro, bumungad sa kanya ang maamong mukha subalit striktong mga mata na nakasuot ng salamin. Tiningnan niya si Jannica na nasa kabilang dulo lang nakaupo bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan niya. "Sorry po, nawalan kasi ako ng balance kanina," pagsisinungaling niya. Gusto niyang sabihin ang totoo sa guro pero may nagtatalo sa isipan niya na hindi siya dapat magtiwala sa lalaking nasa harapan. "Go back to your seat now!" utos nito na kaagad naman niyang sinunod. Nakapagtataka kung iisipin. Parang halos lahat ng estudyante sa eskwelahang iyon ay disiplinado. Subalit hindi alam ng lahat kung gaano karumi ang ugali ng karamihan sa mga mag-aaral na pumpapasok sa Amadeus. Hindi man lang nabalitaan ng lahat ang tungkol sa bullying at gang sa loob ng paaralan. Napakataas ng tingin ni Anna sa eskuwelahang nilipatan. Pero hindi niya inaasahan ang sasalubong sa kanya sa unang araw ng pagtungtong rito. "Okay, see you tomorrow! Don't forget to answer you homework," bilin ng kanilang gurong si Sir Pineda bago lumabas. Hinahanda na noon ni Anna ang gamit niya. Isusukbit na lang sana niya nang maayos sa balikat ang gamit niya pero bigla niyang napansin ang babaeng nakabangga niya kanina. Hindi man lang ito kumikilos kahit halos lahat ng mga kaklase nila ay nagsilabasan na. "Bakit hindi pa siya lumalabas?" nagtataka niyang tanong sa sarili. Lalapitan niya sana ito para tanungin subalit bigla itong nagtatakbo. Hindi niya alam ang pumasok sa isipan niya pero sinundan niya ang babae. "Sandali!" Halatang may mabigat itong problema. Dahil ba iyon sa mga pambu-bully sa kanya nina Jannica? Pero sa kanyang pagsunod sa babae, dinala siya ng mga paa sa parking area. Napaisip tuloy siya kung bakit doon pupunta ang babae? Anong mayroon at bigla siyang nagtatakbo papunta sa parking lot ng Amadeus? Lalapitan sana niya ang babae pero nakita niya na kausap nito si Sir Pineda. Kaagad siyang nagtago sa isang sasakyan kasunod lang ng kinaroroonan ng dalawa. Hindi niya ugali ang mag-usisa ng buhay ng iba subalit inuusig siya ng pakiramdam na kailangan niyang malaman kung ano ang puno't dulo ng lahat. "Jake. . . buntis ako!" wika ng babae. Napatakip ng bibig si Anna sa pagkagulat. Hindi niya akalaing may relasyon ang dalawa. "Ano bang sinasabi mo, Danna? Sigurado ka bang akin 'yan?" Doon lang niya natuklasan na 'Danna' pala ang totoong pangalan ng babaeng nakabangga niya kanina. "Oo! Ikaw lang naman ang naka-s*x ko. Kaya sigurado akong sa iyo lang ang batang 'to!" narinig niyang giit ni Danna. "Hindi. Hindi sa akin ang batang 'yan. Ginagamit mo lang ako sa kahibangan mo," pagtanggi ni Sir Pineda. "Seryoso ako! Ikaw ang ama ng batang ito!" "Ano ba? Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa atin," saway ni Sir Pineda bago tumingin sa paligid. Lingid sa kaalaman niya na nakatago lang si Anna at pinakikinggan ang usapan nila. "Makinig ka. Kung talagang akin ang batang iyan, patunayan mo. Pero hangga't hindi mo napapatunayan, walang maaaring makaalam nito. Maliwanag?" dagdag pa nito bago sumakay ng sasakyan at pinaharurot paalis. Naiwang umiiyak si Danna. Pabalik na sana ito sa classroom subalit hindi maatim ni Anna na kausapin ang kaklase tungkol sa narinig. "Danna, okay ka lang?" Nagulat si Danna nang makita siya. Para itong nakakita ng multo nang bigla siyang tumayo sa pagkakakubli. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Tumango siya. Hindi sigurado kung paano niya kakausapin ang kaklase sa ganoong sitwasyon. Subalit ano't ano pa man ang mangyari, alam niyang kailangan ni Danna ng karamay sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD