TWELVE…
NAPATAYO si Sam dahil sa sakit na naramdaman niya sa kaniyang ulo. She felt also a little bit dizzy.
Patuloy niya pa din na naririnig ang boses.
'Please Samantha you need to get out. And you need to protect what's on you.'
May sinasabi ang lola ni Sam at ang mga kaibigan niya pero hindi niya ito masyadong narinig.
"Who are you?" Matapang na tanong ni Sam habang nakahawak pa din sa ulo niya.
Pilit namang lumapit sa kaniya ang mga kaibigan niya at ang kaniyang lola. Pero parang may nag uudyok sa kaniya na layuan ang mga ito.
She doesn't know why but maybe it is her instinct.
Medyo nawala ang pagkalabo ng tingin ni Sam. Nakita niya na nakaupo na uli siya sa upuan na parang walang nagyari.
Tiningnan niya ang kaniyang lola at mga kaibigan na nakikipag tawanan sa isa't isa.
Mas lalong naguluhan si Sam sa mga nagyayari. Feeling niya ay pinaglalaruan siya ng kung anong nilalang.
"What are you doing Sam. You need to eat to gain your strength. Alam mo naman na kaka uwi lang ng magulang mo."
Nakangiti na wika ng kaniyang lola. Medyo creepy ang pag ngiti ng lola niya kaya napalunok siya ng wala sa oras.
Medyo na weirduhan na si Sam sa paligid at nag iba na din ang kaniyang pakiramdam.
Nang susubo na sana siya ay muli na naman siyang naka dinig ng boses ng babae.
This time Sam is sure that all of this are not natural.
'Samantha please! You need to help yourself. Don't eat anything they gave you or else you will be stuck forever in that reality.'
Hindi man alam ni Sam kung sino ang boses na iyon but she's bothered. Iniisip niya na baka totoo ang sinasabi ng boses sa kaniya.
She tried to use her telepathy kung totoo man ang panaginip niya or baka baliktad yung pagkakaunawa niya.
Maaaring siya ngayon ay nasa isang panaginip at hindi makatotuhanang realidad ang kinahaharap niya ngayon na hindi niya kayang tanggihan.
'Why? Tell me why would I listen to you! I don't even know you?' said Sam through telepathy.
'You will listen to me. 'Cause I am the Supreme president at Enchanted Academy where you belong'
Nabigla si Sam ng isang boses lalake na ang kaniyang nadinig.
"Samantha! Why did you stop? You need to eat!" Said Loal Meng
"Kain ka na masarap yan." Sabi naman ni Mica sa kaniya.
"Eat my dear friend. Maya't maya ay dadating na ang mommy at daddy mo. Lagot kami niyan pag hindi ka pa namin napakain." Sabi naman ni James na halong ngiti sa labi.
'It's for your own sake Samantha. Don't eat it.' sabi ng boses sa utak ni Sam.
Gulong g**o na si Sam kung sino ang paniniwalaan niya.
Until...
"Siya nga pala apo. Kukunin daw ng mommy mo yung ibinigay niyang kwentas sa'yo? Naisipan niya kasi na lagyan yan ng pangalan mo para kung mawala man ay maisasauli sa'yo."
Iyon ang tunay na ikinabigla ni Sam. Tuluyan na niyang na ibaba ang pagkain na sana ay isusubo niya.
'The f*ck Samantha Astrea! Kapag hindi ka pa nakinig sa'kin hinding hindi mo na makikita si Julia.' pananakot ng boses lalaki sa isip ni Sam.
And then a sudden flood of memory came out in Sam's mind.She's certain now that she is in a distracted reality created by her own will.
Siya mismo ang bumuo sa panaginip niya. Ito ang gusto niya sa buong buhay niya. Ang magkaroon ng buo at masayang pamilya.
"Pwede ko na bang makuha ito apo!" Sabi ni lola Meng.
Akmang aabutin na sana ni Lola Meng ang kwentas na nasa leeg ni Sam pero kaagad itong tinampal ni Sam na ikinagulat ng kaniyang lola pati na din ang mga kaibigan niya na kanina pa kumakain.
"Samantha!" Gulat na sabi ni Mica kay Sam.
Inisip ni Sam na kung magpapahalata siya na alam na niya na hindi totoo ang lahat ay mapapahamak siya nito. Mas lalo siyang hindi makakalabas, that is why she played along.
Ngumiti siya ng pagkalapad na animo'y walang nangyari.
"Lola ako na po ang magbibigay nito kay mommy. Alam niyo naman po na makakalimutin kayo. Baka kung saan niyo pa ito mailagay edi lagot ako kay mommy!" Natatawang wika ni Sam sa kanila.
Medyo nadala naman sila sa pag acting ni Sam. But Sam thought na hindi sila maniniwala sa kaniya kung hindi niya susundin ang mga sinasabi nila.
"What are you doing. Ok lumalamig na ang pagkain. Might as well eat no? Samantha!" May pagka sacrastic na wika ni Mica.
Ngumiti lang si Sam. Dahan-dahan niyang isinubo ang pagkain. Nakatingin naman sa kaniya ang kaniyang lola at mga kaibigan na animo'y hinihintay siya na masubo ang pagkain.
At the end isinubo iyon ni Sam. Ngumiti naman ng nakakaloko ang mga kasama niya sa hapag kainan.
'I'm done with you! You hard headed girl!' galit at ma-autoridad na boses ni Grey ang nadinig ni Sam.
Kasabay ng pagka wala ng boses na nasa utak ni Sam ay siyang pagtawa ng nakakakilabot ng mga kasamahan niya.
Bumukas din ang pinto at pumasok doon ang nakakatakot na mukha ng isang babae at lalake.
"We're here!"
Dinig ni Sam na sigaw ng isang babae.
"Ohh! Sam your mom and dad is here!" Naka smirk na sabi ni Mica.
Nagugulahan man si Sam ay hindi niya ito pinahalata. Ngumiti lamang siya bilang tugon nito.
Mica thought Sam is doomed. Now that she ate the food there's no way she would gonna get out of this reality that they created for her.
A smirk form of Mica's Lips.
The lady with an ugly face, which is mother of Sam in this distracted reality though that there is no way Sam would gonna get out of their trap. And that now she can get what she wanted from her without struggling.
A small smile form on her lips when she saw Samantha got scared of seeing them in such an ugly face.
Napatayo pa talaga ito dahil sa gulat ng dalaga sa itsura nila. Muntik ng matawa ang asawa niya na nakakatakot din ang mukha.
"My beautiful daughter! Did you eat well?" Malokong tanong ng babae kay Sam.
Hinawakan niya pa sa balikat ang dalaga dahilan ng pag atras nito papalayo sa kaniya.
"Ow! Don't be scared our lovely daughter it's us your parents!" Natatawa naman na wika ng asawa no'ng babae.
Tanging ngiti lang ang naisasagot ni Sam sa kanila ngunit alam ng dalaga sa sarili nito na ito ay peke lamang. Kumbaga nakikisakay lang siya sa trip ng mga ito.
Mas lalo pang lumapit ang babae kay Sam.
"Now, Sam your Mommy is here. You better give her the necklace para hindi mo makalimutan." Nakangiti na wika ni Mica habang kumakain ng fried chicken.
"Why aren't you answering Samantha?" Inis na takong ng asawa ng babae
"Oh c'mon! You're not fun! Just give it. Total hindi ka naman makakalabas dito eh!" Wika pa ni James habang tumayo na at hinawakan si Sam.
The moment na dumapo ang kamay ni James sa balat ni Sam ay kaagad itong ibinalibag ni Sam dahilan ng pag-atras ng pangit na babae.
Maski si Mica ay napatayo din sa kaniyang kina-uupuan.
Sam just smirked!
"Ohh! Now this is Fun!" Masayang wika sa asawa nong babae. Pumalakpak pa ito.
"I suppose hindi ka na nakakapag salita dahil sa epekto ng mahika sa'yo ng kinain mo pagkain." Sabi ng Matanda.
Nagkibit balikat lang si Sam. Ngayon wala ng takot ang mababakas sa mukha ni Sam. Napansin iyon ng babae kaya naman ay inilabas na niya ang nakakatakot niyang aura.
"Now! While I am still nice. Give me the necklace lady! Or else mamatay din ang kaibigan mo." Pananakot ng babae kay Sam.
Dahil doon ay natinag si Sam. Hindi niya ipag kakaila na takot siyang mawala ang kaibigan niya.
Hindi man niya alam kung paano siya makakalabas or kung makakalabas pa ba siya basta ang alam niya ay kayang-kaya gawin ng mga taong kaharap niya ang saktan si Julia sa parehong paraan na kinakaharap niya ngayon.
At yun ang pinakaayaw niya.
Sam decided to gave the necklace to them. Nang huhubarin na sana niya ang kwentas ay may boses na naman siyang na dinig but this time. Kilala na niya ito. Nagbalik na kasi siya sa katinuan niya.
'Don't ever give to them what they wanted. Mas lalo ka lang hindi makakalabas Samantha. I'll try my very best to get you out of there.Just do me one favor, don't ever get swayed or believe what they will say to you. Do you understand?'
It was Aurora's voice.
Nasiyahan naman ang babae dahil akma nang huhubarin ni Sam ang kwentas.
"That's it. All I want is that necklace. Now will you gave it to me my daughter!" Wika nito in a sweet tone.
"No need to worry our daughter. After this you'll forget your past and we will live happily ever after with your beautiful mother besides me." Nakangiti na wika ng Ama ni Sam sa mundong inaapakan niya ngayon.
Sumabat naman si James na nakatayo na ngunit hawak ang isa nitong balikat.
"Ayaw mo no'n! Wala nang mang bu-bully sa'yo na wala kamg parents. Na wala kang pamilya."
For a second medyo na dala si Sam.
Inilahad ng babae ang kaniyang kamay sa harap ni Sam. Tiningnan muna ni Sam sa mata ang babae at dahan-dahan niyang inilapag ang kuwentas sa kamay nito.
Malaking ngiti ang iginawad ng babae sa kaniya at hinihintay nito na tuluyang ng bitawan ni Sam ang kuwentas. But in a spilt of second ay nawala ang ngiti nito.
Hindi nila inasahan ang ginawa ni Sam sa harap nila.
Instead na kuwentas ang dadapo sa palad ng babae ay pagkain na ang nandoon. Niluwa lang naman ni Sam ang pagkain na kanina niya pa iniipon sa bibig niya.
Isang nakakalokang ngiti ang lumabas sa labi ni Sam. She is really satisfied of their reaction. Si Mica at James ay napanganga. Ang lola naman niya kumunot ang mukha. Samantala ang kaniyang a.k.a mommy ay gulat naman ang makikita sa mukha.
"Now this is ain't fun Samantha!" Seryoso at galit na wika nang a.k.a daddy ni Sam.
"Why DADDY! Am I not allowed to have fun too?" Sacrastic na wika ni Sam.
Nainis naman ang a.k.a mom ni Sam. Kaagad niyang tinapon ang pagkain na nasa palad nito.
"And that food is so disgusting, you know? As disgusting as what MOMMY'S face." Naka smirk na wika ni Sam.
Isang malutong na sampal ang natanggap ni Sam habang hinahawakan niya ng mahigpit ang kuwentas.
"You F*cking dared to disobey me, you ungrateful child!. You shouldn't born in this world. You are a mistake that's why your parents abandoned you!"
By those words na para na ding patalim kay Sam ang nagpagalit sa kaniya. She gave the ugly woman a death glared.
Little did they know the necklace just find itself back to Sam's neck and it start to shine again. As well as Sam's one eye turn into an undescribable color.
Napaatras ang babae at umiwas kaagad ng tingin sa mga mata ni Sam.
But hindi nakaligtas si Mica at James. They are so enchanted to saw the one eye of Sam. Kaya nong nilingon sila ni Sam with her death glare ay huli na ng makapag react sila.
Bigla nalang naglaho si Mica at James na parang abo na siyang ikinagulat ng asawa ng babaeng kaharap niya ngayon.
"Now tell me. How would I go out here. Before I turn you into a dust just like what you saw earlier." Walang emosyon na wika ni Sam.
"Hahaha! You think you can beat us with your chitch- arghh!"
Napadaing ang asawa nong babae nang tumilapon ito sa ere na siya namang ikinabigla lalo ng babae at ng matanda na hanggang ngayon ay nakatayo lang habang nakatingin kay Sam.
"Papaano nangyari iyon? Walang sinuman ang nakakagamit ng kapangyarihan kapag nasa loob sila ng mundo namin!" Gulat na wika ng matanda.
"Why? First time to see a magic?" Sarcastic na wika ni Sam.
*******
Meanwhile, back to reality.
Nakaupo si Aurora sa gilid ng kama ni Sam habang hinahawakan ang kamay nito. Nakatulog na ito dulot ng pag-alala niya sa dalaga.
The door opened and Sophia entered with food. The girl saw Aurora sleeping soundly next to Samantha.
Nilapitan niya ito at yinugyog.
"Ms. Aurora!"
Nagising naman kaagad si Aurora sa isang tawag lang ni Sophia.
"Oh! Sorry, nakatulog na pala ako. Hehehe!"
Ngumiti naman si Sophia sabay abot ng pagkain.
"You shouldn't skipped lunch Ms. Aurora. Pareho po kayo ni Sam e. Palaging nagpapalipas ng kain."
Aurora accepted it with a smile on her face. Then he looked at Sam.
"Don't worry Ms. Aurora. Sam would surely gonna make it. All we need to do is wait for about 32 hours." Nakangiti na at kalmado na wika ni Sophia.
"I know! But isang araw na ang lumipas. We only have 8 hours para antayin siya. You know that this woman is important."
"I know Ms. Aurora, that's why I always keep an eye on her. As you ordered me. I don't even know the right reason, but I believe that what you are doing is for the good of all." Nakangiti pa din na wika ni Sophia.
Sophia knew that Samantha's fate was waiting for her by the time she set foot in the entire Enchanted Kingdom.
She has a lot of trust in her sister. Yes Aurora and Sophia are sisters not in blood but in heart. Aurora is adapted by her mother dahil sa potential nito at galing nito sa pakikipaglaban.
Isa sa mga hinahangaan at nirerespeto na tao si Aurora sa buong kaharian nila.
"C'mon let's eat outside. Nakakahiya naman kay Sam kung nakain ako tapos siya nakahiga at walang malay. Diba Sam?" Natatawang wika ni Aurora habang hinihila niya papalabas si Sophia.
Nag-usap pa ang dalawa hanggang sa tuluyang sumara ang pinto.
Little did they know, umilaw ang kuwentas na suot ni Sam. Maski ang tattoo niya sa dibdib ay umi-ilaw din. Walang tao sa loob kaya walang nakakita sa nangyayari kay Sam. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kwarto.
Kaagad din naman itong nawala.
Unti-unting gumalaw ang kamay ni Sam.
A sign that she will soon be conscious.
To be continued...