Chapter 22: Her Words

1430 Words
Monie HINDI kinaya ng aking brain cells na shinape ng thousands of experiences na nagbigay sa akin ng wisdom na silayan ang pinagmamasdan ni Monalya. If you were able to witness her position during that time, she’s kneeling and her palms in the ground like she tries to determine the level of waves that land has. She’s not a professional but what she’s doing imparts like she’s a geodetic engineer na sinusukat ang quality ng lupa bago tayuan ng isang skyscraper--- matayog na estruktura na magbibigay ng kapakinabangan to all humanity. Yet, I am not sure if Geodetic Engineer is the one who studies land aspects kineme? Stand to be corrected. Hindi ako tumahak ng tuwid na daan upang mabilis na matagpuan si Monalya. Kinakailangan ng aking precious body na sumuot sa masikip na butas ng karayom. Tumawid ng ilan ilog at lumunok ng ilang apoy para lang makita ko siya. Ang dami kong napagtanungan, ang iba ay sumagot na hindi raw niya alam. Mayroon namang umarte na para bang hahadlangan ng aking pagtatanong ang kanilang kakayahan na makahiga--- kulang nalang ay itaboy nila ako na parang isang gamit na plastik na wala nang kapakinabangan sa mundo--- tanging pagkasira nalang sa kalikasan ang dulot ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong maging hangin kahit kung puro katulad nila ang nakapaligid sa akin, kahit hindi natatanaw at naamoy, for at least, ay nararamdaman. Kung hindi nag-work sa kanila ang ganda ko--- it seems, nalipasan na ito? Ngayon, I have to be down to earth, so people will see me as a living proof of humility. Sana ako nalang ang patron ng humility. Alam ko, maraming aangal kaya huwag nalang, no-no-no! Ito nga pa, another great chika para sa mga marites na katulad niyo, tinotoo ni Monalya ang sinabi niya sa akin na tutulungan niya ako na makabenta, at mabilis na makaubos ang aming paninda. She keeps on insisting na dapat, maaga kaming makatapos dahil may gagawin daw siyang rebelasyon--- wala akong ideya kung ano ito. Monalya used her powers--- she created magic which gets the attention of people who loves to eat kakanin stuff like what we sell. At first, I was a bit hesitant to agree with her invention as I think it will have negative impacts on people; I don’t want to force and make them hypnotized just for our things to be sold out without exerting any effort. Aaaminin ko, burgalan ang pagsasalita ko but there’s more ease on my heart if kusang loo bang kanilang pagbili. On the other hand, her powers will be effective for those people who are willing to buy our products na may kaunting hesitant. Due to what Monalya did, they finally became convinced. Sa mga taong sarado ang puso, hindi ito tatalab. "Sa susunod, dalas-dalasan mo ang ginawa mo para hindi tayo napapagod ng ganito," ang sabi ko kay Monalya. We are currently travelling our ways pauwi sa kubo namin. To compute, sa palagay ko, mahigit tatlong oras siguro kaming nagtitinda bago makaubos. The next stop naman, kailangan din ng katawan na magpapahinga kahit sandali. Mahirap abusin ang kalusugan, sa nangyari sa akin, doon ko napatunayan that your health is more important than anything else. We will also be computing our earnings for today to track kung marami ba kaming tinubo or baka mamaya ay nalugi pa kami. After no’n, may awra ulit dahil need naman namin na gumora sa palengke upang bumili ng mga sangkap na ubos na. Hayst, may isa pang extensive task, magbubungkal din pala kami ng kamote at mag-aani ng niyog para sa aming suman. According to the sales report, mas mabili ang suman namin for today's pagtitinda. "Hindi ko maaaring gamitin ito Monie sa madalas na panahon, magagamit ko ito sa tuwing kinakailangan lamang," ang sagot niya. "Why not try to condition your mind na may importante kang gagawin tuwing magtitinda tayo para panalo? We can save more time and energy that we can spend sa mga iba pang bagay na makakapagpasaya sa atin," ang paliwang ko sa kaniya. My words are powerful, alam ko na mako-convince nito si Monalya whatever it takes. "Hindi ko maipapangako sa iyo, Monie. Masarap pa rin iyong tagumpay na pinaghirapan. Success tastes good when you poured hard works on achieving it," ang nakangiti nitong sagot. Sabagay, totoo at tama naman ang sinabi niya. Minsan sa sobrang kagustuhan natin na maging matagumpay sa mabilis na paraan ay nakakalimutan na natin mag-enjoy, gayundin ay i-treasure the little things accompanied with the process. Ang ending, kapag na-achieve na natin iyong isang bagay: we somehow feel empty, drained, and exhausted- burned out to be exact. Kaya sa madalas na pagkakataon, tama iyong sinasabi nila na--- trust the timing and phases of your life. "Monie, tandaan mo na sa buhay. Hindi lahat ng bagay ay madali, at hindi maaari na parati kang maligaya. Darating iyong araw na mapapasuntok ka nalang sa buwan dahil hindi mo na alam kung may pag-asa pa bang matatagpuan upang masolusyunan ang mga problemang dumarating sa kasalukuyang buhay." Hindi ako nakapaghanda na ang eksena pala na ‘to, nakalaan sa mga words of wisdom ni Monalya. Nakapaghanda rin sana ako para hindi lang siya ang bida. Pinagpatuloy namin ang pagtahak sa daan hangga’t sa nakauwi kami ng aming kubo. "Lola?!" ang pagtawag ko kay lola nang makapasok kami sa loob. Binaba ko sa upuan ang bitbit naming bayong. "Hay, this day is very exhausting yet fun." Naupo ako saglit upang kahit papaano ay mapawi ang pagod na nakuha ko sa pagtitinda at paglalakad. "Bet mo ba ng tubig?" ang tanong ko kay Monalya. Base sa itsura niya ngayon, para siyang aso na uhaw na uhaw sa tubig at pagkalinga. Tumango siya sa akin kaya't dumiretso na ako sa kusina. Hindi lang pagkuha ng tubig ang purpose ko kung bakit ako nandito kung hindi para hanapin at halughugin na rin si lola Sita. Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya makita, walang ibang taong naririto kung hindi kaming dalawa lang ni Monalya. "Lola Sita, nand’yan ka ba?" Hinalughog ko si lola sa loob ng cabinet, sa taasan ng mga baso, sa ilalim ng magagapok na lamesa, sa itaas ng pawid, at sa mga sabitan namin dito, ngunit hindi ko siya makita… saan kaya nagpunta ang aking lola? "Lola, nasan ka? Lola! Dito na us, where na you?!" ang sigaw ko. Wala na akong pake kung pumutok ang mga ugat sa leeg ko--- ang mahalaga sa akin ngayon ay marinig ni lola ang sigaw ko. Ang pagsusumamo ko na makita siya. Hinayag ko ang mga paa ko papunta sa mga tauban ng mga plato, sinaliksik ko ang bawat sulok, at nagbaka sakali na nandito si lola Sita at nakasiksik lang sa bawat pagitan ng mga plato. Ngunit, wala siya, ek-ek! Bakit wala siya? Wala ang lola Sita ko?! Sige, at ito na ang last chance para matagpuan ko siya, sa bayong na nakasabit sa itaas ng kawayan na pinaglalagyan ng mga pawid. Bibilang ako ng tatlo lola Sita, huwag ka nang magtago riyan at magpakita ka na sa akin. Hinihintay mo pa talaga akong magbiglang, ah? Sige, at ito na! Isa, dalawa... tatlo! Binuklat ko ito pero sa kasamaang palad, wala rin itong laman, wala si Lola Sita! "Monie, nasan na iyong unumin? Saan ka ba kumuha?" Pumasok na sa kusina si Monalya. Mabuti naman at nand'yan na siya. Kailangan ko ng tulong niya. Two is better than one. "Wala dito si Lola Sita, Monalya!" Gusto kong humagulgol sa iyak. As far as I know, this is the first time, this thing happened to me. I can't take this anymore, promise. Nakadudurog ng punso, pag-ibig at pagsinta. Huh? Saan ba kasi dinala ni lola ang sarili niya? Hindi manlang siya nagpaalam na naaalis siya. Napagtanto ko, kakauwi nga lang pala namin at wala siyang kasama dito kanina, paano siya makakapagpaalam? “Bakla, maghunos dili ka, baka naman nasa bakuran lang si Lola--- nagwawalis or may importanteng bagay na ginagawa. Kapag kumuha ka ng tubig sa galon, ibuhos mo na rin sa iyo para matauhan ka, mima." Tinampal ako nito sa noo gamit ang dalawang palad. Medyo na-shake ang ulo ko ro’n kaya nabalik sa realidad ang isipan ko. "Ano ang nangyari?" ang tanong ko sa kaniya. "Huh? Wala pa namang nangyayari but… may mangyayari sa iyong hindi maganda kung hindi mo titinuan ang pag-iisip mo!" Rumolya ang mga mata niya. Tumungo siya sa galon upang kumuha ng tubig. Ah… alam ko na, kanina pa siya nagpakuha ng tubig sa akin. Pawatad, nawala na sa isipan ko. Bakit ba kasi nagtagal ako dito sa kusina?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD