Chapter 23: 2nd Tragedy

1612 Words
Monie “PERFECT na ba ang spot na ito for transformation kineme, muma?” ang hingi ko ng pag sang-ayon ni Monalya. Kanina pa kasi kami naghahanap daw ng puwesto na mainam-nainam, mainam when it comes to safety, and security. The one na walang makakakita sa amin. Alam niyo naman na marami nang marites sa paligid. It’s very okay to guard our heart and who we really are to ease the blurriness. Fresh ang paligid. Mabango ang simoy ng hangin. Perfect na perfect ang moment na ito for happy moments together, kasama ang maharowt kong friend. “Kevs na siguro ito, muma. Oh, handa ka na bang makita ang mga bagay na dapat masaksihan iyong mga mata?” ang both sagot niya at tanong. Dati kasing host sa mga question and answer pageant itong si Monalya. Chariz. Ayos naman at wala nang mahabang diskusyon. Feeling ko, nasa mata na kami ng kagubatan sa layo, at haba ng nilakad namin. Magtatampo na talaga ako sa mundo kung hindi pa kami secured sa kinalalagyan namin ngayon. Eh kahit nga siguro maghihiyaw ako dito, walang makakarinig sa amin. If may balak na masama sa akin si Monalya, tegi na ako kaagad. Wala nang way and possibility na makaligtas pa ako. “Ano ba kasi ang dapat kong makita? Bilisan mo na no, nagmamadali rin kaya ako!” ang hayag ko. Kanina pa tumitibok-t***k ang bahay tae ko. Bilis-bilisan niya ang paggawa ng desisyon, baka hindi niya mamalayan na ma-erna na akis sa peslak niya. Siya nga pala, isingit ko lang dahil alam na alam niyo naman na ikalulungkot ko ng sagad mga bente kung may ma mi-miss kayo kahit na isang detalye sa kuwento ng buhay ko. Kanina, natagpuan namin ang lola Sita, randoroon siya sa Batis at naglalaba. I thought kung ano na ang nangyari sa kaniya. Thank you Lord that she’s safe, and happy. Ayon lang naman, share ko lang, baka humaba na naman ito sa puro ka-emahan, sasakalin ako ni awtor for sure. “Bet mo na pala siyang makita? Hold your emotions ha. Sandali, hindi pa ako ready.” Umakto siya na tila dalagang pilipina na kakalabitin ng sampung lalaki ang kaniyang birhen na kulay rosas na kalembang. “Nakakairita kang gumanap! I-tell mo na sa akin, anong time na, oh?” Tinignan ko ang braso ko upang alamin ang oras ngunit napagtanto ko na ayan, at wala nga pala akong relo. “Minsan din, chika ko lang, dito raw sa lugar na ito nagtatapo ang nag-iibigan na lobo at bampira, tuwing mahahati ang dilim at liwanag, doon sila nagpapakita. Mababait ang mga ito ngunit sa oras na makita mo silang mainit at mapusok na nagmamahalan, umpisahan mo nang kumaripas ng takbo, dahil ikaw ang mabibiktima ng mga ito,” ang hayag ko kay Monalya ng mga kuwentong likha lamang ng malikot kong isipan. “Puta ka!” Hindi ko inaasahan ang magiging tugon sa akin ni akla. Sinampal ako ni Monalya kung kaya’t mabilis pa sa isang segundo, tumalsik ako sa matabang puno na nasa likuran ko. Matindi ang naging tama nito sa akin. “Iyong likuran ko mami ang shaket!” Shutang inek. Nagkadurog-durog ata ang mga buto ko sa likuran nang dahil sa ginawa niya. Feel ko rin na bumakat ang mga daliri niya sa aking pisngi. Daig ko pa ngayon ang mga jejemons sa kapal ng pula ng pisngi ko. Baka akalain ng makakakita sa akin na marami akong pambili ng liptint, manghiram pa sa akin ang mga ito at ubusin. Zhariz! “Sorry ma napalakas pala!” Unti-unti siyang lumapit sa akin habang bitbit ang natatawang ekspresyon. Huh? Seryoso siya? Halos ngumawa na ako rito dahil sa sakit na nararamdaman ko tapos siya, nakuha niya pang matawa? Hindi niya alam ang salitang empathy, sympathy, astrology, pathology, chemistry! Kaibigan ko ba talaga siya? O, ako lang ang hilong nilalang na tumitingin sa kaniya bilang isang kaibigan? “Ay hindi. Mahina lang. Enjoyable nga ih. No more, iyong mas malakas? Gusto ko sana iyong madudurog lahat ng buo ko sa katawan, at hindi lang sa likuran,” I stated sarcastically having my eyes rolled at her. “Sige ba, why not? Your request is finally here.” May kakayahan siyang kumontrol ng mga bagay kaya’t nakuha niya ang troso ng hindi manlang ito nagagawang hawakan. Hinampas niya ito sa tiyan ko. Nag-bounce back lang siya kaya’t hindi super lakas ng naging impact. Failed siya ngayon, bleh! “Huwag kang lalapit sa akin! This is the end of our friendship. Oo, the fact nga na ikaw ang nagligtas sa akin ay hinding-hindi ko malilimutan. Sa tulong mo, nagkaroon ako ng panibagong buhay pero ikaw rin ang magiging dahilan upang muli akong bawian ng hininga! Ayaw ko na Monalya dahil pagod na pagod na ako sa iyo.” Kung masasaktan siya sa mga sinasabi ko, wala nang sasakit pa sa mga ginawa niya sa akin. Nabali ang buto ko sa likuran mga besties. Sino ba naman ang matutuwa no’n? Tanga nalang ang taong magpapa-piesta dahil finally, nabali ang buto niya sa likuran. “Tumawag ka ng orthopedic ngayon din!” ang sigaw ko. “Kailangan ko ng ambulance. My body is now losing its energy.” Kasinungalingan lang ata ang sinasabi ng hinayupak na ito. Paano kung siya ang kalaban at hindi ang tagapatanggol?! If ever, patay, this is the second tragedy of my life. Lord, kayo na po ang bahalang magbigay ulit sa akin ng panibagong kaligtasan. Nagsimula akong kabahan nang magsimula siyang tumawa na tila wala na sa kabaitan. Habang lumalapit siya sa akin ay lumalakas ang pagtawa niya, kasabay nito ang siyang pagtindi ng pagkabog ng dibdib ko. Ito na nga ba siyang sinasabi niyang rebelasyon? Naipapakita niya sa akin? Na aamin niya? Jusko, nag-manifest pa kasi ako na may gagawing masama sa akin si Monalya-- ito tuloy at nagkatotoo nga. “Monalya, kung nabibiro ka please lang, tigilan mo na dahil nag-conclude na agad ako na masama kang tao!” ang pagsasabi ko ng katotohanan. “Walang pagbibirong dapat maganap dahil ngayon pa lang, mararamdaman mo ang dahas, lakas, at kumpas ng aking kapangyarihan. Maling-mali na pinagkatiwalan mo ako, Monie. Ikaw, ikaw ang kauna-unang bading na aklang bayot na dadalhin ko sa aming mundo upang buhayin ang aming Diyos.” Shet. Nag-iba rin ang boses nito. Kung dati ay boses kuliglig, ngayon naman ay nagboses ng limang kalabaw, baka at uwang na nagsama-sama. “Is this a prank?” Pinipilit kong ngumiti kahit sobrang kirot, hapdi, pighati na ng likuran ko. Namamayi ang sakit, hindi ako makagalaw dahil kapag nagkamali ko ng biling, lalo lang itong kikirot. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko, tumulo na ang luha sa aking mga mata. “Prank? Kung prank ito, hindi ko sana babaliin iyang buto mo sa likuran. Gusto ko ng mabilisang sagot sa itatanong ko sa iyo. Anong part ng mabaho mong katawan ang gusto mong next na baliin ko gamit lamang ang pagtapik ng isang daliri ko?” So, hindi nga ito prank? Totoo na talaga ito. Sandali, may nabasa ako no’n na dapat daw gamitin ang senses upang malaman na nasa realidad ka at hindi nabubuhay sa loob ng isang panaginip. Kinurot ko ang braso ko at nakaramdam ako ng hapdi. Ang tanga ko, bakit ko pa ginawa iyon e, kumikirot na nga ang buto ko sa likuran, is that not enough to prove that I am in the reality? Isa pa, naririnig ko rin ang huni ng mga iba’t-ibang insekto sa kinalalagyan namin ngayon. Hindi ko mawari kung natural bang malamig ang klima ng paligid o dahil lang ito sa kasalukuyang kalagayan ko? “Sumagot ka!” Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano humiwalay ang mga tinik sa puno gamit ang kapangyarihan ni Monalya at binaon ito sa hita ko. Kakaibang sakit na naman ang dinulot nito. “Kung tatapusin mo lang din ako, huwag mo na akong pahirapan pa dahil hinding-hindi ko ito desurv, at kailanman ay wala akong pagsisisihan dahil kabutihan lamang ang handa kong ialay sa iyo habang ikaw ay naririto.” Sa puntong ito ko na siguro ititigil ang pag-iisip ng mga bagay na maaaring mangyari sa hinaharap kasama siya. Puputulin ko na ang paglalakbay ng malikot kong imahinasyon. Hinding-hindi ko pala kailanman mararansan na maging super hero, akala ko, ito na ang panahong iyon. Maharil sa mga oras na ito na natatapos ang role at purpose ko sa mundo. Hindi man ako naka-achieve ng maraming bagay. Alam ng puso’t-isipan ko na ginawa ko ang lahat gamit ang aking best na may kasamang kabutihan ng puso at pasasalamat. Wala mang fulfillment ngunit siguro, kailangan ko rin na makuntento. “At sino ka upang manduhan ako na mga bagay na dapat kong gawin? Hindi pa ako nage-enjoy na parusahan at pahirapan ka. Wala pa tayo sa most thrilling part, nagsisimula palang tayo.” “Ano ba ang gusto mong gawin sa akin, Monalya? Ano ba talagang plano mo? Naaawa ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa mga kasinungalingan mo!” ang sigaw ko sa kaniya. Kami rin ang may kasalanan kung bakit ko nararanasan ito. Kung hindi lang kami mabilis magtiwala, hindi ako sana malalagay sa sitwasyong ito. Hinubad niya ang suot niyang pampaa na may takong. Sa akin iyon, kabogera nga siyang manamit kaya’t kahit pupunta lang kami sa kagubatan, napili niya pa ang ganitong uri ng outfit. Pumutok ang labi ko dahil ihagis niya sa akin ito. Marami na rin ang nawawalang dugo sa akin dahil nararamdaman ko ang pagkahilo. “Lord, kayo na po ang bahala kay Lola Sita.” Ito nalang ang mga salitang inusal ng bibig ko bago ako tuluyang takasan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD