Chapter 21: Grasping

1076 Words
Monalya QUETZOBULOCH, siya ang patron ng mga bulok ang bagang, siya ang may pasimuno kung bakit dumating ang pagkawasak sa lugar na ito. Hindi nga ako nagkamali sa pag-aakala ko na siya ang nasa likod ng himagsikang ito. Alam ko, hindi lang ang sarili niya ang dala niya, nararamdaman kong nandito rin kasama niya ang ibang patron. Nararapat na akong maghanda, kailangan kong ipaliwanag kay Monie ang mga kailangan niyang malaman. “Anong ginawa mo riyan, ineng? May masakit ba sa iyo?” ang tanong sa akin ng isang matanda. Hinawakan niya ako sa braso ko. Unang habilin sa akin ni Monie ang parating maging alerto at mapagmasid sa paligid. I can’t feel any suspicious act towards her so that I remain calm. She has a good heart, I know. Lumingon ako sa kaniya, at saka ngumiti. “Thanks for checking on me but I’m fine.” I thought my answer will be enough to convince her that I am okay and to set distance on me but what she said imparted deep thinking to me. “Ah… hindi ka naman ba nasisiraan ng ulo, iha?” This is the perfect time to apply, the best response is no response at all. My odd action right now sent me wonders. I am of out my mind daw--- that’s what I think she said. “Sinabi nang umalis ka d’yan. May warning sign na nga e. Hindi mo ba nakikita?” sa pagkakataong ito. Hindi na malumanay ang pagsasalita niya. Lumingon ako sa may itinuro niya. Nakita ko roon ang kulay dilaw na makapal na lubid. Ito kaya maharil ang tinutukoy niya na warning sign? can’t read statements written there. “Sandali lang po,” ang hiling ko pa ng kaunting oras. “Wala ka na nga talaga ata sa tamang katinuan. Kapag nakita ka diyan ng mga tanod or ng pulis, huhulihin ka nila at sa kulungan ang diretso mo.” Inis na siya alam ko. This time, I felt her words came out from judgment. I noticed, that people can easily judge you by what you’re doing, they can quickly tell what you are as a person even if they merely met you. “You take care, po.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kaya tanging ito nalang ang nasabi ko. Mabuti naman at narindi na siya sa akin. Umalis na siya. Malakas ang kapangyarihan ng unang kalaban dahil nagawa agad nitong ipalamon sa lupa ang mga armadong nilalang ng magkakasabay. Feel ko na malapit lang ang pinagtataguan niya at sigurado akong aatake muli siya. Lupa ang kakayahan nito. Kaya niyang pagalawin ang lupa at utusan ito na gawin ang mga kagustuhan niya. Isa siyang mahigpit na kalaban. Nararapat lang na maabisuhan ang mga kabaklaan dahil sila ang kauna-unahang bibiktimahin ng mga ito. Nasa puso’t kaluluwa na nila ang paghahasik ng lagim, hindi lang mga bakla ang bibitikmahin nila kung hindi kahit sinuman na kanilang naisin. Ang mga nilalang na hindi susunod sa kanilang hangarin. Naramdaman kong may humawak sa braso ko… baka siya lang din ang manang kanina kaya ‘di ko na nilingon pa ngunit… “Diyos ko, patawarin Niyo po ang nilalang na ito sa lahat ng kasalanang nagawa niya. Alam ko po na marami siyang nagawang kasalanan katulad nalang ng pagkain ng pinagbabawal na prutas sa kanilang mundo na nagngangalang, Buwana. Ako na po ang siyang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa niya. Kung hindi niya kayang gawin ito, ako na po ang gagawa. Kaya’t pakiusap, patawarin Niyo siya Panginoon at balik ang dating katinuan ng pag-iisip.” He’s Monie, I know. I will just pretend that I didn’t hear him. Hindi ko siya lilingunin hanggang sa magsawa siya kasasalita at mawalan ng boses. “Monalya, anong nangyari sa iyo? Diyos ko! Pagod na pagod ako kahahanap sa iyo. Nandito ka lang pala. May palo ka sa akin sa puwet mamaya kang bata ka!” Lahat naman ay nakakakilala sa kaniya bilang talakera. Tumayo ako at mabilis siyang hinatak. “Saan na naman tayo pupunta?” ang tanong nito. Kailangan namin makahanap ng tagong lugar para roon ko ipaliwanag sa kaniya kung paano kami makakapagsanib. “Basta!” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko upang hindi siya pumiglas. “Sandali lang, akla! Aba naman. Ang sakit kaya ng pagkakahawak mo!” Hindi ko na rin pinansin ang pagdaing niya. “Kailangan na nating magmadali.” Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ito. Pinangungunahan ako ng panghihina ng loob. “Saan ka ba pupunta? Ayan ka na naman. Napapagod din ako, ma. Kanina pa tayo ganito. Kapag nagtatanong ako ayaw mo namang sabihin kung saan tayo patungo.” “Matatae ako. Okay ka na?” ang pag-amin ko dahil hindi ko na ito makayanan. “Shutaca! Bakit ngayon mo lang sinabi? Nalagpasan na natin ang portalet baklur! Isa pa, hindi iyan tae no. Kabag ‘yan ma, kabag! Sino ba naman kasing nagmamaganda ang e-eksena sa ginta ng kalsada? Alam mo na ngang may warning tape na nakalagay roon…” Natahimik siya at tila may bagay na naisip. “Sandali, may earthquake ba kagabi? Bakit nagkaganoon iyong kalsada? May road widening? What do you think?” “Gaga! Doon nga nagpasabog ng lakas ang unang patron,” ang sagot ko. “What?” “Kung matatandaan mo, sinabi nung mga nakasalubong mo na mag-iingat ka dahil iba na ang panahon ngayon, hindi na sigurado ang kaligtasan. Iyon na nga ang tinutukoy nila, Monie. Nag-umpisa nang sumalakay ang kampon ni Hazarda kaya kailangan na nating magsanib. Dapat mo nang malaman kung ano ang mga nararapat mong gawin. Tara na. Umuwi na tayo.” “Teka lang, ma. Ubusin muna natin itong paninda. Mapapanis ito kapag hindi naubos,” ang pagpigil niya. Oo nga pala. Naalala ko na ang kauna-unahang bilin sa amin ni lola Sita bukod sa mag-ingat kami ay huwag kaming uuwi ng kubo ng hindi ito nauubos. “Oh sige, basta bilisan natin,” ang sagot ko. “Siguro, idea ko lang, ha? Mas mapapabilis tayo kung tutulungan mo ako sa paglalako, ma! Kaunting kendeng naman diyan saka charisma. I-modulate mo rin ng slight ang boses mo. Tulungan mo na ako, pakiusap.” “Okay... lemme to this!” “G!” “Kakanin kayo, kapag hindi kayo bumili ay kayo ang kakainin ko!” Hindi ko nalang alam if hindi pa ma-catch ng ginawa ko ang atensyon ng mga taong naririto. Rawr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD