Chapter 20: ALERTED

2184 Words
Frederick “THERE’s an unknown creature that was responsible for disastrous news in our municipality. Identity of that creature hasn’t yet found, where it came from, and kung saan niya dinala ang pulis na dinakip niya,” Gen. Camiguin stated using a serious tone. We are currently standing straight at the oval of the camp for this f-cking announcement. I think it’s just 6 in the morning. I slept on 2 AM, I guest and needed to finish all the morning rituals within just 15 minutes together with other trainees. I am the son of the mayor; they know it- the fact should not be used for special treatment. Kung ano ang ginagawa ng mga colleagues ko, those are the things I should do too- kusang loob at walang reklamo. I feel like just an ordinary student here who thinks of fun and sometimes malicious stuff yet deadliest hungry to be the best of myself. Lately, the tasks we had to perform were very physically exhausting yet engaging--- nakakapag-work out ka na, at the same time ay nagiging healthy ka pa. “All military sectors and law enforcers are advised to always be ready to fight. Those trainees are also encouraged to show valor in protecting our people, and our country. Walang dapat takot na pairalin sa pagkakataong ito. Walang aatras dahil sama-sama tayo,” he also added. Lack of sleep plus, this announcement can really make your day filled with stress and way to have new excitement. Yet, should I really have to ask myself a question like, am I ready to apply what I have learned from them for the fights that will come? Or I am just a half-baked one? Still, I am not sure of my progress and capacity since I haven’t yet used it in real-life applications. Maybe, when I get there and nakikipaglaban na, wala nang magagawa--- will fight, and think of survival until I can grasp air. “Mayor Harake, and the president already showed their support. We will expect that they will give us the equipment and machinery we needed.” As I heard our family name, naiIsip ko na naman ang maraming trabaho na kailangan alalahanin ni dad. See? As the leader of the municipality who has the highest position, it’s your obligation to protect the people living inside your boarder- this alone is enough justification why I didn’t want to follow the footsteps on my clan. Nasabi ko na ito ng paulit-ulit--- gusto ko lang i-convince ang sarili ko na hinding-hindi ako tatakbo for public position. Mas stress pa ako sa kaniya e. “Ano pa ang saysay ng mga equipment kung hindi nga tinatablan ng bala ang kalaban? Isa siyang halimaw. Hindi pangkaraniwang nilalang, kaya baka mag-aaksaya lang tayo ng pera at lakas. Wala rin naman palang saysay,” ang narinig kong bulong ng katabi ko. What did he say? Bullets are no use when it comes to that creature? I become intrigued by what I heard. Questions are formed and started circulating around my mind like how can we fight that monster if ever? Nah, fighting them is a lot easier than having a match with his power. Alam kaya ito ng mga generals and commanders? At saan ito nalaman ni boi? Bakit ayaw nilang isama ang information na ito sa announcement ngayon? Nakakapagtaka. Marahil, ayaw nila kaming matakot at panghinaan ng loob. It seems that they have forgotten the value of social media. Everything now is one click away--- kahit hindi sadyain, makikita at malalaman ito ng publiko. Sounds challenging yet I know, he has weaknesses too--- that’s the major treasure we need to discover. I personally put a large gap between reality and myself as I want to give my whole attention to our training. I didn’t even have the chance to talk with my friends, and my lips haven’t yet tasted alcoholic drinks again. “This enemy that we have to fight now is far different from the terrorists who tried to conquer a portion of our land. This is about the battle between quality over quantity.” Monie “PUTO- puto kayo riyan. Kakanin kayo mga tea! Ang hindi bumili ng paninda ko kahit piso ay sasamain sa akin,” ang sigaw ko sa mga taong nasa lansangan ngayon. Kahit ganiyan ang wordings ko, sweet ang pagkakasabi ko nito. May substance and may care ba kumbaga. Lansangan talaga, sis? Eh bakit? Mukha naman silang malalansa! Na-miss ko ang pagtitinda kaya huwag na huwag nilang susubukang sirain ang araw ko’t hindi sila bibili sa akin dahil nakahanda rin akong sirain ang umaga nila. Ems. “Tulungan mo kaya akong sumigaw ‘te para maka-capture tayo ng more more customers? Ano ka riyan muse? Hindi ka na dapat sumama sa akin kung tatayo ka lang pala riyan!” Mahina kong hinampas si Monalya. Ang tahimik niya kasi--- mukhang kakaiba ang kinikilos niya ngayon? May iniisip na malalim si akla. Buntis siguro siya at she’s thinking of ways kung paano niya ipapalaglag ang batang dala-dala niya ngayon? Ack, huwag naman sana. Ang dumi-rumi ng isip ko. Walang kinalaman ang bata? Bakit siya idadamay? “Buntis ka ba, ‘te? Bat parang nananaba ka?” ang tanong ko sa kaniya. Sinuri ko ang changes sa physical appearance niya at tumpak, hindi kaya totoong buntis ang isang ito? Tumingin siya sa akin nang blanko ang ekspresyon. Natagalan ito bago makapagsalita dahil syempre, siya ay na-shock sa kagandahan ko. Pero nagulat ako sa sinabi niya. “Nangyari na.” Sakto, may upuan sa tabi namin. Binaba ko muna ang bayong na naglalaman ng mga paninda at tinakpan ang bibig ko dahil sa rebelasyong narinig ko. Hindi naman ako late reaction? I just made sure that all my panindas are safe bago ako mag-react. “That’s for true ba? Means, magiging ninang na ako!? Wah! Finally! Sobra mo akong pinasaya akla nang dahil diyan!” Napatalon ako sa galak na pumupuno sa kamalayan ko. “Sana all nalang, mabilis magbuntis. ‘Wag mo nang i-explain na may nangyari sa inyo ni Alfred kagabi dahil alam ko, bet na bet mo rin siya, no? Ack. Kinikilig ako sa…” Natigil ako sa pagsasalita nang tumama sa pisngi ko ang malakas na sampal galing sa kaniyang palad. “Aray! Inaano ba kita? Bakit ka nananampal? Sumbong kita sa lola Sita ko!” ang wika ko sa kaniya. Hindi ba siya aware na ang lakas-lakas niya? Parang sinampal tuloy ako ng masong bakal dahil sa ginawa niya sa akin. The pain will last for centuries. Saktan mo na ang sarili mo, ‘wag lang ako! “Ano bang sinasabi mo, Monie? Ang sabi ko, naganap na. Dumating na ang mga halimaw galing sa Planetang Bombarya,” ang paglilinaw niya sa maling pag-aakala ko. Mas nagulat ako sa ikalawang sinabi nito. “What!? Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito?” Shuta, Monie! Iyong comphension mo, madalas ka nang ipahiya, lately. Huwag naman sanang ganiyan, aba! Halatang magkakagalit ang neurons mo sa brain--- hindi nagpa-function together. “Limang putong puti nga saka dalawang bibingka. Damihan mo ng yema ha!” May lumapit sa aking ale. Nabasa niyo naman siguro ang sinabi niya ‘di bey? So, hindi ko na need julitin pa hanek? Bumibili siya ng limang putong puti at saka dalawang bibingka. Ang laki ng abalang dulot niya. Nakita niya namang nag-uusap kami ni Monalya tapos ay bigla siyang susulpot? Dapat alam niya ang salitang respect at privacy, kaya hindi ko siya pinansin. “Ehem.” Shuta! Business first nga pala muna kami ngayon bago ang chika. “Sorry, ano po ulit iyong binibili niyo?” “Secret. Walang clue!” ang sagot nito. ‘Mabulunan ka sana ng bibingka!.’ Charot! “Limang putong puti raw, saka dalawang bibingka. Damihan mo raw ng yema,” ang ulit ni Monalya. Para makaalis na ang customer kong may galit sa mundo ay mabilis kong kinuha ang mga binibili niya. Umagang-umaga e kay init-init ng ulo niya. Hindi ko alam kung anong reason niya pero huwag niyang ibaling sa akin galit niya. Hindi ako place where they can labas their sama ng loob. Charot! “Fifty pesos po, tea. Enjoy your food po--- gaganda ka na niyan! Mwa!” ang sabi ko at nakangiting inabot sa kaniya ang order niya. Binigay naman niya sa akin ang bayad niya at bago siya umalis ay nagsalita pa. Huwag kayong magpapaabot ng gabi sa daan dahil hindi na ligtas ngayon ang paligid.” Nakakakilabot ang tono ng pananalita ni ate. Nakalilito tuloy kung saan ba ako nararapat na matakot--- sa kaniya ba, or sa bagay na naging dahilan upang hindi na maging ligtas ang mundo ngayon? Nanlaki ang mata ko kay Monalya nang bigla siyang maglakad at iniwan ako sa kinalalagyan namin. Anong nangyari sa kaniya? Saan go-gora iyon? “Mami! Hintayin mo ako!” Kinuha ko ang paninda ko at sinundan siya. Ang bilis niyang maglakad dahil pinaglihi siya sa cheetah kaya malayo ang espasyo namin sa isa’t-isa. “Saan ka ba pupunta, hoy!” Pinapagod niya ang katawang lupa ko. Ang usapan namin, tutulungan niya akong magtinda tapos anong ginagawa niya ngayon? Huwag na huwag siyang maging pabigat sa akin. Ililigaw ko siya na parang pusa. Habang nakatuon ang atensyon ko sa paghabol ka Monalya, ay may tumawag sa akin upang bumili kaya’t napahinto ako. “Hoy, Monie! Pagbilan!” Baka nakakalimutan ni Monalya na mas importante ang customer ko kaysa sa kaniya? Saka, sigurado akong hindi siya makalalayo ng malalakad— babalik at babalik siya sa akin. Hindi ba’t may kasabihan nga tayo na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, kailanman ay hindi makararating sa kanilang paroroonan. Ang lumakad ng mabilis, kung matinik ay malalim. Good luck nalang sa kaniya sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. Huwag sana siyang madapa. “Kayo pala iyan, tito. Kumusta po kayo?” ang bati ko kay Manong. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Tito, tito ang madalas na itawag ko sa mga customers kong medyo nakaaangat ang edad sa akin. Syempre, kailangan ng interpersonal skills, you have to get their attention, heart, mind and soul. Charot! Instances also occurred that sometimes I forgot to call them as tito so as to indicate, I call them nalang as daddy, ek! “Ang tagal mo atang nawala, ah? Anong nangyari sa iyo? Marami ka na sigurong ipon kaya napili mong nagpahinga muna ng ilan linggo, no?” Hayst. Iba na talaga ang mundo ngayon dahil pati mga lalaki, mahilig na rin sa mga marites activities. Joke. I have to answer him politely because he’s just concern about me. “May mahalagang inayos lang po tito kaya matagal na hindi nakapagtinda pero I am back na po right now. Na-miss niyo po ba ako? Nararapat ding magtinda at kailangan po ng pang-sustento sa pang-araw araw na buhay.” ang paliwanag, sagot ko at tanong na rin at the same time. Some stories should not be told to everyone, hiding them is the best possible way you can do to protect what remains. Kilala niyo naman akong nagbibigay ng mga different quotations na hindi naman related sa event. Charot. “Iyong tinda mo ang na-miss ko kaya’t bigyan mo na ako ng limang pirasong suman,” ang wika ni Manong. So, hindi niya ako na-miss? Okay lang. Malugod naman sa puso ko, maluwag kong tatanggapin na hindi niya ako na-miss. For at least, na-miss niya ang masasarap kong paninda. As to what I can assess, medyo nag-improve ang physical appearance ni Manong. Last time na nakita ko siya, parang pasan niya ang universe. Ngayon naman, tila pasan niya nalang ang Earth? Mukhang mataba na rin ang bulsa niya. Sana all, mayroong pag-asenso na tinatawag. Proud! Oo nga pala. Kailangan ko ring magmadali baka kung saan na makarating si Monalya. Kapag napalayo siya sa akin baka hindi na makabalik si akla. If ako ang tatanungin, that’s okay with me, okay lang naman. Walang problema sa akin iyon dahil mawawalan na ako ng sakit sa ulo. Daig ko pa nagkaroon ng instant child. Lumingon ako sa direksyong tinunggo niya ngunit hindi ko na siya matanaw pa. Ipagtatanong ko nalang siya sa mga people in the universe. Umalis kasi, hindi manlang nagpaalam. Kung matatae siya, dapat sinabi niya. Portalets are available everywhere. Kinuha ko ang order ni manong. Base sa galaw ko, pansin niya na tila nagmamadali ako sa pagkilos. “Mukhang nagmamadali ka? May iba ka bang pupuntahan?” ang tanong nito. “Hindi naman po tito pero kailangan po maligsi upang makarami ng mabenta,” ang sagot ko nalang at binigyan siya ng matamis na ngiti upang hindi na lumikha pa ng iba’t-ibang tanong ang kaniyang isipan. “Mag-iingat ka, Monie.” Mabilis niyang inabot ang bayad niya sa akin. Ang sinabi niyang ito, alam kong patungkol doon sa nangyari noong isang araw. Mukhang lahat nga ay nakabalita na tungkol dito. Kami nalang ni lola Sita ang hindi nakakaalam dahil wala naman kaming TV, may radyo ngunit wala namang battery. “Kayo rin ho, manong.” Kailangan ko nang magmadali upang makita si Monalya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD